Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Dis 27, 2017

Kristianong Awitin – Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita

Diyos, Kaharian, panginoon, Jesus, Himno


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita

I
Sa mga huling araw, Diyos ay nagiging-tao. Sa salita Niya tinutupad lahat, Sa salita Niya inihahayag lahat. Tanging sa salita makikita ang ganap na Siya, na mismong Siya ay Diyos. Pumaparito sa lupa ang naging-taong Diyos tanging upang ihayag ang Kanyang salita. Kaya, wala nang tanda, sapat na ang salita ng Diyos.

II
Dumarating ang Diyos sa lupa sa mga huling araw, upang makilala Siya sa ministeryo ng salita. Sa salita’y kita lahat kung sino Siya, ang dunong at mga dakila Niyang gawa. Sa Kapanahunan ng Kaharian, sa salita nilulupig ng Diyos ang tao. Darating rin ang mga salita Niya sa lahat ng dibisyon, sekta, saklaw, at denominasyon. Sa salita’y lulupigin Niya sila, upang makita ng lahat ang awtoridad at kapangyarihang dala ng salita Niya. Kaya salita lang ng Diyos ang nasa harap mo ngayon.
III
Sa paghayag ng kapangyariha’t awtoridad ng salita ng Diyos, lahat nang sinabi ng Diyos ay kailangang maganap, at isa-isang matutupad. Kaya maluluwalhati ang Diyos sa mundo, na salita Niya’y maghahari. Sa mga salita ng Diyos, masasama’y nakastigo, at matutuwid ay napagpala. Nakumpleto’t naitatag lahat sa mga salita ng Diyos. Ginaganap lahat ng Diyos sa salita nang walang mga himala, reyalidad ay sa salita Niya. Sa Kapanahunan ng Kaharian, gawa ng Diyos sa salita ginagawa. Sa salita, nakakamit Niya mga resulta ng gawain Niya, walang mga kababalaghan at himala; Sa salita lamang Siya gumagawa.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento