Maikling Dula | "Makakapasok Ba Tayo sa Kaharian ng Langit Kung Makakamit Natin ang Kaligtasan?"
Si Zhang Mude ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia, at naniniwala siya na "Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas" (Roma 10:10). Iniisip niya na dahil naniniwala siya sa Panginoong Jesus, ang tawag na sa kanya ay matuwid, na nagtamo na siya ng kaligtasan, at na pagbalik ng Panginoon, tuwiran siyang madadala sa kaharian ng langit. Isang araw, nagbalik ang kanyang anak na babae mula sa gawaing misyonero sa ibang mga rehiyon at nagduda sa pananaw na ito, na maraming taon niyang pinanghawakan. Mula noon, nagsimula ang matinding pagtatalo sa tatlong magkakapamilyang ito tungkol sa kung ang pagtatamo ng kaligtasan ay magtutulot sa isang tao na makapasok sa kaharian ng langit, kung anong klaseng mga tao ang makakapasok sa kaharian ng langit, at mga paksang kaugnay nito … Rekomendasyon: Filipino Variety Show
Filipino Variety Show | "Ang Pagmamatyag" | Why Are Christians Unable to Return Home? (Tagalog Dubbed)
Si Xu Huilin at ang kanyang asawang si Zhiyong ay mga lider sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tumakas sila mula sa kanilang bayang sinilangan matapos malaman na tinutugis sila ng pamahalaan ng China dahil sa kanilang mga paniniwala. Ang kaisa-isa nilang anak na si Lingling ay nakitira sa lola niya, at umaasa sila sa isa’t isa. Lihim na umuwi si Xu Huilin noong Bisperas ng Bagong Taon para makasama ang kanyang pamilya, pero nagmamatyag na ang mga pulis, sa pag-asang maaresto ang mag-asawa. Doon nagsisimula ang kuwento …
Si Yu Shunfu ay naniniwala sa relihiyosong mundo na humahanga at sumasamba sa mga pastor at elder. Iniisip niya na "lahat ng pastor at elder ay itinatag ng Diyos, at ang pagsunod sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Diyos," kaya nakikinig siya sa kanyang pastor sa lahat ng ginagawa niya, maging sa usaping pagsulubong sa pagbabalik ng Panginoon. Ngunit sa isang matalinong debate, mababatid ni Yu Shunfu na ang pagsunod sa mga relihiyosong palagay ay kalokohan at di-makatwiran, at sa wakas ay nababatid na niyang ang pagdakila sa Diyos ay dumarating una sa paniniwala, at dapat ilaan ng isang tao ang "templo" ng puso para sa Diyos.
Mula nang magkaro'n ng kapangyarihan ang CCP, palagi na nitong inaatake ang mga sumasalungat at pinahihirapan ang relihiyosong pananampalataya. Para tuluyang makontrol ang mga mamamayan ng Tsina, gumastos ng malaking halaga ang CCP para gumawa ng maraming uri ng surveillance network sa bansa, at naging lubhang matindi ang pagsubaybay sa mga Kristiyano. Ang pagsasagawa ng pagsubaybay sa telepono, sa internet, at mga surveillance camera ang nagpahintulot sa CCP para matinding arestuhin ang di-mabilang na mga Kristiyano, marami ang napilitang lumisan sa tahanan at nagpagala-gala, marami sa kanila ang ikinulong, at ang iba naman ay pinilayan o pinatay!
Christian Maikling Dula | "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes
Ikinukuwento ng maikling dula na Ang Mayor ng Barrio ang tunay na kuwento ng isang mag-asawang Kristiyano na napilitang tumakas dahil sa pang-uusig ng pamahalaang CCP. Hinatulan ng CCP ang Kristiyanong si Liu Ming'en ng pitong taong pagkabilanggo dahil sa paniniwala sa Diyos. Maging noong nakalabas na siya sa bilangguan, nanatili siyang target ng masidhing paniniktik ng CCP. Ginagamit ng mayor ng barrio ang sistemang pananagutan ng limang-sambahayan, mga camerang pang-seguridad, pagdalaw sa bahay, at iba pang mga paraan para mapigilan si Liu Ming'en at ang asawa niya na sumampalataya sa Diyos, ngunit hindi nakamit ng mga ito ang inaasam na epekto. Ngayon, nakatanggap na naman ang mayor ng prayoridad na sulat mula sa Sentral na Partido, matapos nito sinusubukan niyang mag-isip ng mga paraan para puwersahin si Liu Ming'en at ang asawa niya na pumirma ng sulat na nangangakong itigil ang paniniwala sa Diyos.
Filipino Variety Show | "Mga Mata sa Lahat ng Dako" | The Status Quo of Christians in China
Inilalarawan ng crosstalk na Mga Mata Sa Lahat ng Dako kung paano tinatangka ng Partido Komunista ng Tsina na itaboy ang relihiyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malawakang paghahanap sa buong bansa, pati na rin ang paggamit sa mga tao mula sa bawat uri at antas ng buhay bilang mga mata para mag-imbestiga, magbantay, at magmanman sa mga Kristiyano. Sa pamamagitan ng nakakatawa at malinaw na pagtatanghal, ipinakikita ng komedyang pangdalawahan na ito sa ating lahat ang mga kasuklam-suklam na pamamaraan at mga karumaldumal na intensyon kung saan inaaresto ng CCP ang mga Kristiyano,
Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?
Sa kasalukuyan, ang pagpapahirap ng ateistang gobyerno ng CCP sa mga Kristiyano ay tumitindi araw-araw. Ang mga mananampalataya ay nahaharap sa mga pagbabawal na isagawa ang kanilang pananalig sa lahat ng oras; ni hindi sila makahanap ng lugar para makapagtipon nang payapa. Dahil wala nang pagpipilian, sa kamalig na lamang ni Liu Xiumin ginanap ang pagtitipon nila ng kanyang mga kapatid. Ngunit habang sila'y nagtitipon-tipon, isa isang dumarating ang mga pinuno ng nayon upang tumingin sa paligid, gumagawa ng kung ano- anong dahilan at dinala pa ang kapulisan ng CCP....
Christian Maikling Dula | New Gospel Skit "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God
"Ipinapaliwanag ng munting dula na Ang Panginoon ay Kumakatok kung paanong, sa mga huling araw, ang Panginoon ay kumakatok sa pinto ng ating mga puso gamit ang Kanyang mga salita, at na maririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at magpipiging na kasama ng Cordero. Noon pa man ay hinihintay na ni Pastor Chang Shoudao ang pagbabalik ng Panginoon, ngunit nang magpatotoo si Brother Zhen sa kanya na nagbalik na ang Panginoon, buong pagmamatigas siyang nakakapit sa kanyang sariling mga paniwala at guni-guni, naniniwala na magbabalik ang Panginoon sa ibabaw ng isang ulap, at pinananatiling nakasara ang pinto ng kanyang puso sa totoong landas.
Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)
Dalawang libong taon na ang nakakaraan, noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, pinanghawakan ng mga Fariseo ang mga kautusan at kinondena ang Kanyang gawain, sinasabing ang gawain Niya ay labas sa Banal na Kasulatan. Para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga tao sa paghahanap sa gawain ng Panginoong Jesus, at nakipagsanib puwersa sa pamahalaang Romano para ipako Siya sa krus.
Christian Variety Show | "Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon" (Tagalog Skit 2018)
Si Zheng Xinming na may edad nang halos pitumpo, ay isang matapat na Kristiyano. Dahil sa kanyang pananampalataya sa Panginoon, nadetine at nabilanggo siya, at nahatulan ng walong taon.