Upang ibuod ang pagtahak sa landas ni Pedro sa paniniwala sa Diyos, ito ay ang pagtahak sa landas ng paghahabol sa katotohanan, na siya ring landas ng tunay na pagkilala sa sarili at pagbabago sa disposisyon ng isa. Sa pamamagitan lamang ng pagtahak sa daan ni Pedro matatahak ng isa ang landas ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos. Dapat maging malinaw sa isa kung paano espesipiko na tahakin ang landas ni Pedro at kung paano ito isagawa. Una, dapat munang isantabi ng isa ang kanyang sariling mga hangarin, di-wastong mga paghahabol, at maging ang kanyang sambahayan at lahat ng bagay ukol sa kanyang sariling laman. Dapat siyang maging buong-pusong nakatalaga, iyon ay, ganap na italaga ang kanyang puso tungo sa salita ng Diyos, magtuon ng pansin sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, magtuon ng pansin sa paghahanap para sa katotohanan, sa paghahanap para sa hangarin ng Diyos sa Kanyang mga salita, at subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang pinakapangunahin at ang pinakamahalagang paraan ng pagsasagawa. niyang makita si Jesus, at sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa sa ganitong paraan nakakamit ng isa ang pinakamahusay na mga resulta. Ang buong-pusong pagtatalaga sa mga salita ng Diyos ay pangunahing nangangahulugan ng paghahanap sa katotohanan, paghahanap sa hangarin ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, pagtutuon ng pansin sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pag-unawa at pagkakamit ng mas maraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Kapag binabasa ang Kanyang mga salita, hindi nakatuon si Pedro sa pag-unawa sa mga doktrina at siya ay lalo pang hindi nakatuon sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya; sa halip, siya ay nakatuon sa pag-unawa sa katotohanan at pag-unawa sa
kalooban ng Diyos, at pagtatamo ng pagkaunawa ng Kanyang disposisyon at ng Kanyang pagiging kaibig-ibig. Sinubukan din niyang unawain ang iba’t ibang tiwaling mga kalagayan ng tao mula sa mga salita ng Diyos, at unawain ang tiwaling kalikasan ng tao at ang tunay na mga pagkukulang ng tao, tinatamo ang lahat ng aspeto ng mga hinihiling ng Diyos sa tao upang mapalugod Siya. Nagkaroon siya ng napakaraming wastong mga pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos; ito ay halos naaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na pakikipagtulungan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos. Habang dumaranas ng daan-daang pagsubok ng Diyos, mahigpit niyang sinuri ang kanyang sarili ayon sa bawat salita ng paghatol ng Diyos sa tao, bawat salita ng paghahayag Niya sa tao, at bawat salita ng Kanyang mga kahilingan sa tao, at sinikap na unawain ang kahulugan ng mga pagbikas na iyon. Masigasig niyang pinagnilayan at isinaulo ang bawat salitang sinabi sa kanya ni Jesus, at napakaganda ng nakamtan niyang mga resulta. Sa ganitong paraan ng pagsasagawa, naunawaan niya ang kanyang sarili mula sa mga salita ng Diyos, at hindi lang ang iba’t ibang tiwaling kalagayan ng tao ang naunawaan niya, kundi pati na ang diwa, likas na pagkatao, at ang iba’t ibang pagkukulang ng tao. Ito ang kahulugan ng tunay na maunawaan ang sarili. Mula sa mga salita ng Diyos, hindi lamang niya natamo ang tunay na pagkaunawa ukol sa sarili niya, kundi mula sa mga bagay na ipinapahayag sa mga pagbigkas ng Diyos—ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang kalooban ng Diyos para sa Kanyang gawain, ang Kanyang mga hinihingi sa sangkatauhan—mula sa mga salitang ito nakarating siya sa lubos na pagkakilala sa Diyos. Nakarating siya sa pagkakilala sa disposisyon ng Diyos, at sa Kanyang diwa; nakilala at naunawaan niya kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos at mga hinihingi ng Diyos para sa tao. Bagama’t ang Diyos ay hindi gaanong nagsalita noong panahong iyon kagaya ng Kanyang ginagawa sa kasalukuyan, nagkaroon ng bunga kay Pedro sa mga aspetong ito. Ito ay isang bihira at napakahalagang bagay.
—mula sa “Paano Tahakin ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Kapag tumatanggap ng paghatol ng mga salita ng Diyos, hindi tayo dapat matakot sa pagdurusa ni hindi tayo dapat matakot sa sakit, at lalo nang hindi tayo dapat matakot na tumagos sa ating puso ang mga salita ng Diyos. Dapat ay basahin natin ang iba pa Niyang mga salita tungkol sa kung paano Niya tayo hinahatulan at kinakastigo at inilalantad ang ating mga tiwaling diwa. Kailangan nating basahin ang mga ito at mas sundin pa ang mga ito. Huwag nating ikumpara ang iba sa mga ito—ikumpara natin ang ating sarili sa mga ito. Hindi tayo nagkukulang sa kahit isa sa mga bagay na ito; kaya nating tapatang lahat ito. Kung hindi ka naniniwala rito, humayo ka’t danasin ito mismo. … Sa ating
pananampalataya, kailangan nating matatag na panindigan na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan. Yamang ang mga ito nga ang katotohanan, dapat nating tanggapin ang mga ito nang makatwiran. Kaya man natin o hindi na kilalanin o aminin ito, dapat ay may katiyakan ang unang saloobin natin sa mga salita ng Diyos. Bawat linya ng mga salita ng Diyos ay nauukol sa isang partikular na kalagayan. Ibig sabihin, lahat ng linya ng Kanyang mga pagbigkas ay hindi tungkol sa mga di-pangkaraniwang pangyayari sa labas, lalo nang hindi tungkol sa mga patakarang panlabas o sa isang simpleng klase ng pag-uugali ng mga tao. Hindi ganoon iyon. Kung ang tingin mo sa bawat linyang binigkas ng Diyos ay isang simpleng klase ng pag-uugali ng tao o isang di-pangkaraniwang pangyayari sa labas, wala kang espirituwal na pang-unawa at hindi mo nauunawaan kung ano ang katotohanan. Malalim ang mga salita ng Diyos. Paano naging malalim ang mga ito? Lahat ng sinasabi ng Diyos, na inihahayag Niya ay tungkol sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at sa mga bagay na tunay at malalim na nakaugat sa kanilang buhay. Mahalaga ang mga bagay na ito, hindi mga di-pangkaraniwang pangyayari sa labas, at hindi partikular na mga panlabas na pag-uugali.
—mula sa “Ang Kahalagahan at ang Landas ng Paghahabol sa Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Kung naniniwala ka sa pamumuno ng Diyos, kung gayon dapat maniwala ka na ang mga bagay na nangyayari araw-araw, maging mabuti o masama, ay hindi basta nagaganap. Hindi ito dahil may isang sadyang nagpapahirap sa iyo o pumupuntirya sa iyo; sa katunayan lahat ito ay ipinlano ng Diyos. Para sa ano isinasaayos ng Diyos ang mga bagay na ito? Hindi ito para ibunyag ang iyong mga pagkukulang o para ilantad ka; ang paglalantad sa iyo ay hindi ang panghuling layunin. Ang panghuling layunin ay gawin kang ganap at iligtas ka. Paano ginagawa iyan ng Diyos? Una, ipinababatid Niya sa iyo ang iyong sariling tiwaling disposisyon, ang iyong kalikasan at diwa, ang iyong mga pagkukulang, at kung ano ang wala ka. Kapag nalaman at naunawaan mo ang mga bagay na ito sa puso mo, saka mo lamang maaaring pagsikapang matamo
ang katotohanan at unti-unting iwaksi ang iyong tiwaling disposisyon. Ito ang pagkakaloob sa iyo ng Diyos ng pagkakataon. Dapat mong alamin kung paano sasamantalahin itong pagkakataon, at huwag makipagtalo sa Diyos. Lalo na kapag napaharap sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na isinasaayos ng Diyos sa paligid mo, huwag laging isipin na hindi ayon sa nais mo ang mga bagay-bagay, laging patakas, laging sinisisi at hindi inuunawa ang Diyos. Hindi iyan pagpapasailalim sa gawain ng Diyos, at lubha kang pahihirapan niyan na makapasok sa realidad ng katotohanan. Anuman ang bagay na hindi mo lubusang mauunawaan, kapag may mga paghihirap ka, dapat matuto kang magpasakop. Dapat lumapit ka sa Diyos at manalangin pa. Sa ganoong paraan, bago mo mamalayan magkakaroon ng pagbabago sa iyong panloob na kalagayan at mahahanap mo ang katotohanan para malutas ang iyong problema—makakaya mong maranasan ang gawain ng Diyos. Sa panahong ito, nabubuo sa loob mo ang realidad ng katotohanan, at ito naman ang kung paano ka susulong at paanong mangyayari ang isang pagbabago sa kalagayan ng iyong buhay. Sa sandaling napapagdaanan mo na ang pagbabagong ito at nagkakaroon ng ganitong uri ng realidad ng katotohanan, magtataglay ka naman ng pagtaas sa tayog, at kasama ng tayog ang buhay. Kung ang isa’y laging nabubuhay batay sa isang tiwaling mala-satanas na disposisyon, kung gayon gaano man kalaking kasiglahan at kalakasan mayroon sila, hindi pa rin sila maituturing na may tayog, o buhay. Gumagawa ang Diyos sa bawat isang tao, at kung anuman ang Kanyang pamamaraan, anong klase ng mga tao, bagay at materyal ang ginagamit Niya para maglingkod, o anumang uri ng tono mayroon ang mga salita Niya, isa lamang ang Kanyang panghuling layunin: Bago ka Niya iligtas, kailangan ka Niyang baguhin, kaya paanong hindi ka magdurusa nang kaunti? Kakailanganing magdusa ka. Ang pagdurusang ito’y maaaring kapalooban ng maraming bagay. Kung minsa’y ibinabangon ng Diyos ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay sa paligid mo para makilala mo ang sarili mo, o kaya ay tuwiran kang naharap, natabasan, at nailantad. Katulad lamang ng isang nasa mesang pang-operasyon—kailangang dumaan ka sa kaunting kirot para sa mabuting kalalabasan. Kung sa tuwing ikaw ay tinatabasan at hinaharap, at tuwing ibinabangon Niya ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay, pinupukaw nito ang iyong damdamin at pinalalakas ka, kung gayon ay tama ito, at magkakaroon ka ng tayog at makakapasok sa realidad ng katotohanan.
—mula sa “Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka mula sa mga Tao, mga Pangyayari, at mga Bagay sa Paligid Mo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Sa kanyang
pananampalataya sa Diyos, hinanap ni Pedro na mapasaya ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinanap na sundin ang lahat ng nagmula sa Diyos. Nang wala ni katiting na reklamo, kinaya niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, pati na rin ang pagpipino, kapighatian at kakulangan sa kanyang buhay, kung saan wala sa mga nabanggit ang makapagbabago ng kanyang pag-ibig sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pag-ibig sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Sa pagkastigo, paghatol, o kapighatian, laging may kakayahan kang makamit ang pagsunod hanggang kamatayan, at ito ang dapat na makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang pagiging dalisay ng
pagmamahal ng Diyos. Kung kaya ng tao na magkamit ng ganito kahigit, kung gayon siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at walang mas makapagpapasaya sa kalooban ng Lumikha.
—mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang katotohanan na kailangang taglayin ng tao ay matatagpuan sa salita ng Diyos, isang katotohanan na pinakakapaki-pakinabang at nakatutulong sa sangkatauhan. Ito ang pampalakas at panustos na kinakailangan ng inyong katawan, isang bagay na makatutulong sa inyong mapanumbalik ang inyong normal na pagkatao, isang katotohanan na dapat mailakip sa inyo. Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong mas mabilis na mamumukadkad ang inyong buhay; habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, mas lalong magiging malinaw ang katotohanan. Habang lumalago ang inyong tayog, makikita ninyo ang mga bagay sa espirituwal na daigdig nang mas malinaw, at kayo ay lalong magiging mas makapangyarihan upang magtagumpay kay Satanas. Ang karamihan sa katotohanan na hindi ninyo naiintindihan ay palilinawin kapag isinasagawa ninyo ang salita ng Diyos. Ang karamihan sa mga tao ay nasisiyahan na basta na lamang maintindihan ang teksto ng salita ng Diyos at ituon ang isipan sa pagsasangkap sa kanilang mga sarili ng mga doktrina nang hindi nararanasan ang lalim nito sa pagsasagawa; hindi ba iyon ang paraan ng mga Fariseo? Paano magiging totoo ang pariralang “Ang salita ng Diyos ay buhay” sa kanila, kung gayon? Kapag isinasagawa na ng tao ang salita ng Diyos saka pa lamang tunay na mamumukadkad ang kanyang buhay; hindi ito makalalago sa pamamagitan lamang ng pagbasa sa salita ng Diyos. Kung naniniwala kang ang pagkaunawa sa salita ng Diyos ay ang tanging kailangan upang magkaroon ng buhay, upang magkaroon ng tayog, kung gayon ang iyong pagkaunawa ay baluktot. Ang tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos ay nangyayari kapag isinasagawa mo ang katotohanan, at dapat mong maunawaan na “sa pagsasagawa lamang sa katotohanan ito kailanman maaaring maintindihan.”
—mula sa “Isagawa ang Katotohanan sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung kaya ng isa na bigyang-kasiyahan ang Diyos kapag ginagampanan ang kanyang tungkulin, may panuntunan sa kanyang mga salita at mga kilos, at tunay na makapapasok tungo sa realidad ng lahat ng aspeto ng katotohanan, kung gayon siya ay magiging isang tao na ginagawang perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na mabisa para sa taong ito, na ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay, nakukuha niya ang katotohanan, at makakaya niyang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito ang kalikasan ng kanyang laman, iyon ay, ang saligan ng kanyang katutubong pag-iral ay mauuga at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng isa ang mga salita ng Diyos bilang kanyang buhay siya ay nagiging isang bagong tao. Ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay; ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga kinakailangan mula sa tao, ang Kanyang pahayag sa tao, at ang mga pamantayan para sa isang tunay na buhay na kinakailangan ng Diyos na matamo ng tao ay nagiging kanyang buhay—siya ay nabubuhay alinsunod sa mga salitang ito at sa mga katotohanang ito, at ang taong ito ay nagiging perpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nakakaranas siya ng muling-pagsilang at nagiging isang bagong tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita.
—mula sa “Paano Tahakin ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay paghatol sa pamamagitan ng Kanyang salita. Pagkatapos, kung gusto nating malinis ang ating tiwaling disposisyon at makamit ang kaligtasan, kailangan muna nating pagsikapan ang salita ng Diyos at tunay na kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at tanggapin ang paghatol at mga pahayag sa Kanyang salita. Kahit gaano pa tumatama ang salita ng Diyos sa puso, gaano pa ito kasakit, o gaano nito pinapagdusa tayo, siguraduhin muna na ang salita ng Diyos ay lahat katotohanan, at ang realidad ng buhay na dapat nating pasukin. Bawat pagbigkas sa salita ng Diyos ay upang linisin at baguhin tayo, upang ipatanggal sa atin ang ating tiwaling disposisyon at makamit ang kaligtasan, at higit pa upang ipaintindi sa atin ang katotohanan upang makamit ang kaalaman ng Diyos. Kaya kailangan nating tanggapin ang paghatol at pagkastigo, pagtatabas at pakikitungo ng salita ng Diyos. Kung gusto nating matanggap ang katotohanan sa salita ng Diyos, kailangan nating magawang magdusa dahil sa pagtanggap at pagsunod sa salita ng Diyos at sa katotohanan. Kailangan nating hanapin ang katotohanan sa salita ng Diyos, pakiramdaman ang kalooban ng Diyos, at magnilay-nilay at kilalanin ang ating mga sarili, Magnilay-nilay sa salita ng Diyos upang malaman ang ating sariling kayabangan, pandaraya, pagkamakasarili at pagiging kasuklam-suklam, paano natin pinakikitunguhan ang mga transaksiyon sa Diyos, sinasamantala ang Diyos, dinadaya ang Diyos, pinaglalaruan ang katotohanan, at iba pang mga mala-satanas na disposisyon, pati na ang iba’t ibang karumihan sa ating paniniwala sa Diyos at mga intensyon na tumanggap ng mga biyaya. Sa ganitong paraan, dahan-dahan nating malalaman ang katotohanan ng ating katiwalian at diwa ng ating kalikasan. Matapos nating maintindihan ang higit pang katotohanan, dahan-dahang lalalim ang ating kaalaman tungkol sa Diyos, at siyempre natural nating malalaman kung anong uri ng tao ang gusto at hindi gusto ng Diyos, anong uri ng tao ang kanyang ililigtas o aalisin, anong uri ng tao ang kanyang gagamitin, at anong uri ng tao ang kanyang bibiyayaan. Sa sandaling maunawaan natin ang mga bagay na ito, magsisimula nating maintindihan ang disposisyon ng Diyos. Lahat ng ito ay resulta ng pagkakaranas sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos. Binibigyang-pansin ng lahat ng naghahanap ng katotohanan ang pagkakaranas sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, binibigyang-pansin ang paghahanap ng katotohanan sa lahat ng bagay, at binibigyang-pansin ang pagsasagawa sa salita ng Diyos at pagsunod sa Diyos. Magagawa ng ganoong mga tao na dahan-dahang maintindihan ang katotohanan at pumasok sa realidad sa pamamagitan ng pagdanas sa salita ng Diyos, at makamit ang kaligtasan at maging perpekto Yaon namang hindi nagmamahal sa katotohanan, bagama’t nakikilala nila ang pagpapakita at gawain ng Diyos mula sa katotohanang ipinahayag ng Diyos, iniisip nila na kaya nilang makamit nang tiyak ang kaligtasan basta’t talikuran nila ang lahat ng bagay para sa Diyos at tuparin ang kanilang tungkulin. Sa bandang huli, hindi pa rin nila matatanggap ang katotohanan at buhay matapos maniwala sa Diyos nang maraming taon. Naiintindihan lamang nila ang ilang mga salita, titik, at doktrina, ngunit iniisip nilang alam nila ang katotohanan at nakamit ang katunayan. Nagsisinungaling sila sa kanilang mga sarili at siguradong aalisin sila ng Diyos.
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa
Ebanghelyo ng Kaharian
Kapag binabasa natin ang mga salita ng Diyos ngayon, ang pinakamahalaga ay ang tanggapin natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ang mahalagang punto ay ang pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, at ito ang pinaka-pangunahing bagay. … Lahat kayo ay nagsasabi na nakahanda kayong tiisin ang pagdurusa ng paghatol at pagkastigo. Dahil nakahanda kang tiisin ang pagdurusang ito, paano ka magpapasakop? Paano mo tatanggapin ito? Kung makikita mo ang mga salita ng Diyos tungkol sa paghatol at pagkastigo, magagawa mo bang tanggapin ang mga ito bilang paghatol ng Diyos sa iyo? O paninindigan mo ba na ang mga salitang ito ay paghatol sa iba, na walang kinalaman ang mga ito sa iyo, at sa gayon ay maiiwasan mo ang paghatol at pagkastigo ng Diyos? Anong landas ang tatahakin mo? Kung ikaw ay nakahandang tiisin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, kung gayon hindi mo dapat iwasan ito kapag binabasa mo ang salita ng Diyos. Kahit gaano pa katalim o kahigpit ang mga salitang ito, dapat mong tanggapin ang lahat ng ito at magdasal. Sabihin mo: “O Diyos ko, nakahanda akong tanggapin ang Iyong paghatol at pagkastigo. Ang Iyong mga salita tungkol sa paghatol ay patungkol sa akin. Ako ay ganitong uri ng tiwaling tao, taglay ko ang mga problemang ito ng katiwalian, kaya dapat kong tanggapin ang Iyong paghatol at pagkastigo, dahil ito ang Iyong pagmamahal sa akin, ito ang Iyong pagdakila. Lubos kong tinatanggap at sinusunod ang mga ito, at nagpapasalamat ako sa Iyong pagmamahal.” Agad-agad pagkatapos mong magdasal sa ganitong paraan, madali mong matatanggap ang mga ito, at hindi mo sasabihing mahirap ito. Pagkatapos, ihambing ang mga salita ng Diyos sa iyong sariling mga kalagayan para lumalim ang iyong pag-unawa. Ganito dapat ang mangyari. Ito ay pagpapahayag ng pagpapasakop sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ngunit kapag nakikita mo ang mga salita ng Diyos na medyo mahigpit, at sinasabing: “O Diyos ko, ang mga salitang ito ay hindi paghatol sa akin, ang mga ito ay tungkol sa paghatol sa iba, ang mga ito ay tungkol sa paghatol kay Satanas. Walang kinalaman ang mga ito sa akin, hindi ko babasahin ang mga ito,” kung gayon, ito ay pag-iwas sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kapag tinatabas at pinakikitunguhan ka ng ilang kapatid, ano ang dapat mong gawin? Dapat kang kaagad magdasal sa Diyos, at sabihing: “O Diyos ko, nagpapasalamat ako sa Iyo! Naabot ako ng Iyong pagmamahal. Pinakilos Mo ang aking mga kapatid para ako ay tabasan at pakitunguhan dahil sa Iyong pagmamahal sa akin. Ako ay nagpapasakop.” Dapat kang magdasal. Kung hindi ka magdarasal, magiging napakadali para sa iyo na tumanggi, madali para sa iyong laman na mag-alsa, madali para sa iyo na makipagtalo sa iba, mabilis kang magreklamo, at magiging mas madali pa para sa iyo na maging negatibo. Sa ganitong mga panahon, magdasal ka kaagad. Pagkatapos mong magdasal, magiging kalmado ang iyong pag-iisip at magagawa mo nang magpasakop. Pagkatapos mong talagang magagawang magpasakop, mararamdaman mo ang pagkakuntento sa iyong puso, at sasabihin mong: “Sa oras na iyon, hindi ako naubusan ng pasensya kundi tinanggap ko ito. Ito ay dahil nagdasal ako. Ngayon sa wakas ay makakapagpasakop na ako sa Diyos.” Nakikita mo, ang kislap ng pag-asa at nagbibigay sa iyo ng kaunting tayog; sa ganitong paraan umuunlad ang tao.
—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
———————————————
Malaman ang higit paSa mga huling araw, paano eksaktong isinasagawa ang paghuhukom ng Diyos? Gusto mo bang malaman? Napakahalaga para sa atin na malaman ang aspetong ito ng katotohanan, sapagkat ito ay nauugnay sa kung ang bawat isa sa atin ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit.: