Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 22, 2020

Paano dapat maranasan ng isang tao ang paghatol



 Paano dapat maranasan ng isang tao ang paghatol at pagkastigo ng Diyos para makatamo ng pagliligtas?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Upang ibuod ang pagtahak sa landas ni Pedro sa paniniwala sa Diyos, ito ay ang pagtahak sa landas ng paghahabol sa katotohanan, na siya ring landas ng tunay na pagkilala sa sarili at pagbabago sa disposisyon ng isa. Sa pamamagitan lamang ng pagtahak sa daan ni Pedro matatahak ng isa ang landas ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos. Dapat maging malinaw sa isa kung paano espesipiko na tahakin ang landas ni Pedro at kung paano ito isagawa. Una, dapat munang isantabi ng isa ang kanyang sariling mga hangarin, di-wastong mga paghahabol, at maging ang kanyang sambahayan at lahat ng bagay ukol sa kanyang sariling laman. Dapat siyang maging buong-pusong nakatalaga, iyon ay, ganap na italaga ang kanyang puso tungo sa salita ng Diyos, magtuon ng pansin sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, magtuon ng pansin sa paghahanap para sa katotohanan, sa paghahanap para sa hangarin ng Diyos sa Kanyang mga salita, at subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang pinakapangunahin at ang pinakamahalagang paraan ng pagsasagawa. niyang makita si Jesus, at sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa sa ganitong paraan nakakamit ng isa ang pinakamahusay na mga resulta. Ang buong-pusong pagtatalaga sa mga salita ng Diyos ay pangunahing nangangahulugan ng paghahanap sa katotohanan, paghahanap sa hangarin ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, pagtutuon ng pansin sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pag-unawa at pagkakamit ng mas maraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Kapag binabasa ang Kanyang mga salita, hindi nakatuon si Pedro sa pag-unawa sa mga doktrina at siya ay lalo pang hindi nakatuon sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya; sa halip, siya ay nakatuon sa pag-unawa sa katotohanan at pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagtatamo ng pagkaunawa ng Kanyang disposisyon at ng Kanyang pagiging kaibig-ibig. Sinubukan din niyang unawain ang iba’t ibang tiwaling mga kalagayan ng tao mula sa mga salita ng Diyos, at unawain ang tiwaling kalikasan ng tao at ang tunay na mga pagkukulang ng tao, tinatamo ang lahat ng aspeto ng mga hinihiling ng Diyos sa tao upang mapalugod Siya. Nagkaroon siya ng napakaraming wastong mga pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos; ito ay halos naaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na pakikipagtulungan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos. Habang dumaranas ng daan-daang pagsubok ng Diyos, mahigpit niyang sinuri ang kanyang sarili ayon sa bawat salita ng paghatol ng Diyos sa tao, bawat salita ng paghahayag Niya sa tao, at bawat salita ng Kanyang mga kahilingan sa tao, at sinikap na unawain ang kahulugan ng mga pagbikas na iyon. Masigasig niyang pinagnilayan at isinaulo ang bawat salitang sinabi sa kanya ni Jesus, at napakaganda ng nakamtan niyang mga resulta. Sa ganitong paraan ng pagsasagawa, naunawaan niya ang kanyang sarili mula sa mga salita ng Diyos, at hindi lang ang iba’t ibang tiwaling kalagayan ng tao ang naunawaan niya, kundi pati na ang diwa, likas na pagkatao, at ang iba’t ibang pagkukulang ng tao. Ito ang kahulugan ng tunay na maunawaan ang sarili. Mula sa mga salita ng Diyos, hindi lamang niya natamo ang tunay na pagkaunawa ukol sa sarili niya, kundi mula sa mga bagay na ipinapahayag sa mga pagbigkas ng Diyos—ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang kalooban ng Diyos para sa Kanyang gawain, ang Kanyang mga hinihingi sa sangkatauhan—mula sa mga salitang ito nakarating siya sa lubos na pagkakilala sa Diyos. Nakarating siya sa pagkakilala sa disposisyon ng Diyos, at sa Kanyang diwa; nakilala at naunawaan niya kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos at mga hinihingi ng Diyos para sa tao. Bagama’t ang Diyos ay hindi gaanong nagsalita noong panahong iyon kagaya ng Kanyang ginagawa sa kasalukuyan, nagkaroon ng bunga kay Pedro sa mga aspetong ito. Ito ay isang bihira at napakahalagang bagay.

—mula sa “Paano Tahakin ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Kapag tumatanggap ng paghatol ng mga salita ng Diyos, hindi tayo dapat matakot sa pagdurusa ni hindi tayo dapat matakot sa sakit, at lalo nang hindi tayo dapat matakot na tumagos sa ating puso ang mga salita ng Diyos. Dapat ay basahin natin ang iba pa Niyang mga salita tungkol sa kung paano Niya tayo hinahatulan at kinakastigo at inilalantad ang ating mga tiwaling diwa. Kailangan nating basahin ang mga ito at mas sundin pa ang mga ito. Huwag nating ikumpara ang iba sa mga ito—ikumpara natin ang ating sarili sa mga ito. Hindi tayo nagkukulang sa kahit isa sa mga bagay na ito; kaya nating tapatang lahat ito. Kung hindi ka naniniwala rito, humayo ka’t danasin ito mismo. … Sa ating pananampalataya, kailangan nating matatag na panindigan na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan. Yamang ang mga ito nga ang katotohanan, dapat nating tanggapin ang mga ito nang makatwiran. Kaya man natin o hindi na kilalanin o aminin ito, dapat ay may katiyakan ang unang saloobin natin sa mga salita ng Diyos. Bawat linya ng mga salita ng Diyos ay nauukol sa isang partikular na kalagayan. Ibig sabihin, lahat ng linya ng Kanyang mga pagbigkas ay hindi tungkol sa mga di-pangkaraniwang pangyayari sa labas, lalo nang hindi tungkol sa mga patakarang panlabas o sa isang simpleng klase ng pag-uugali ng mga tao. Hindi ganoon iyon. Kung ang tingin mo sa bawat linyang binigkas ng Diyos ay isang simpleng klase ng pag-uugali ng tao o isang di-pangkaraniwang pangyayari sa labas, wala kang espirituwal na pang-unawa at hindi mo nauunawaan kung ano ang katotohanan. Malalim ang mga salita ng Diyos. Paano naging malalim ang mga ito? Lahat ng sinasabi ng Diyos, na inihahayag Niya ay tungkol sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at sa mga bagay na tunay at malalim na nakaugat sa kanilang buhay. Mahalaga ang mga bagay na ito, hindi mga di-pangkaraniwang pangyayari sa labas, at hindi partikular na mga panlabas na pag-uugali.

—mula sa “Ang Kahalagahan at ang Landas ng Paghahabol sa Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Kung naniniwala ka sa pamumuno ng Diyos, kung gayon dapat maniwala ka na ang mga bagay na nangyayari araw-araw, maging mabuti o masama, ay hindi basta nagaganap. Hindi ito dahil may isang sadyang nagpapahirap sa iyo o pumupuntirya sa iyo; sa katunayan lahat ito ay ipinlano ng Diyos. Para sa ano isinasaayos ng Diyos ang mga bagay na ito? Hindi ito para ibunyag ang iyong mga pagkukulang o para ilantad ka; ang paglalantad sa iyo ay hindi ang panghuling layunin. Ang panghuling layunin ay gawin kang ganap at iligtas ka. Paano ginagawa iyan ng Diyos? Una, ipinababatid Niya sa iyo ang iyong sariling tiwaling disposisyon, ang iyong kalikasan at diwa, ang iyong mga pagkukulang, at kung ano ang wala ka. Kapag nalaman at naunawaan mo ang mga bagay na ito sa puso mo, saka mo lamang maaaring pagsikapang matamo ang katotohanan at unti-unting iwaksi ang iyong tiwaling disposisyon. Ito ang pagkakaloob sa iyo ng Diyos ng pagkakataon. Dapat mong alamin kung paano sasamantalahin itong pagkakataon, at huwag makipagtalo sa Diyos. Lalo na kapag napaharap sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na isinasaayos ng Diyos sa paligid mo, huwag laging isipin na hindi ayon sa nais mo ang mga bagay-bagay, laging patakas, laging sinisisi at hindi inuunawa ang Diyos. Hindi iyan pagpapasailalim sa gawain ng Diyos, at lubha kang pahihirapan niyan na makapasok sa realidad ng katotohanan. Anuman ang bagay na hindi mo lubusang mauunawaan, kapag may mga paghihirap ka, dapat matuto kang magpasakop. Dapat lumapit ka sa Diyos at manalangin pa. Sa ganoong paraan, bago mo mamalayan magkakaroon ng pagbabago sa iyong panloob na kalagayan at mahahanap mo ang katotohanan para malutas ang iyong problema—makakaya mong maranasan ang gawain ng Diyos. Sa panahong ito, nabubuo sa loob mo ang realidad ng katotohanan, at ito naman ang kung paano ka susulong at paanong mangyayari ang isang pagbabago sa kalagayan ng iyong buhay. Sa sandaling napapagdaanan mo na ang pagbabagong ito at nagkakaroon ng ganitong uri ng realidad ng katotohanan, magtataglay ka naman ng pagtaas sa tayog, at kasama ng tayog ang buhay. Kung ang isa’y laging nabubuhay batay sa isang tiwaling mala-satanas na disposisyon, kung gayon gaano man kalaking kasiglahan at kalakasan mayroon sila, hindi pa rin sila maituturing na may tayog, o buhay. Gumagawa ang Diyos sa bawat isang tao, at kung anuman ang Kanyang pamamaraan, anong klase ng mga tao, bagay at materyal ang ginagamit Niya para maglingkod, o anumang uri ng tono mayroon ang mga salita Niya, isa lamang ang Kanyang panghuling layunin: Bago ka Niya iligtas, kailangan ka Niyang baguhin, kaya paanong hindi ka magdurusa nang kaunti? Kakailanganing magdusa ka. Ang pagdurusang ito’y maaaring kapalooban ng maraming bagay. Kung minsa’y ibinabangon ng Diyos ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay sa paligid mo para makilala mo ang sarili mo, o kaya ay tuwiran kang naharap, natabasan, at nailantad. Katulad lamang ng isang nasa mesang pang-operasyon—kailangang dumaan ka sa kaunting kirot para sa mabuting kalalabasan. Kung sa tuwing ikaw ay tinatabasan at hinaharap, at tuwing ibinabangon Niya ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay, pinupukaw nito ang iyong damdamin at pinalalakas ka, kung gayon ay tama ito, at magkakaroon ka ng tayog at makakapasok sa realidad ng katotohanan.

—mula sa “Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka mula sa mga Tao, mga Pangyayari, at mga Bagay sa Paligid Mo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, hinanap ni Pedro na mapasaya ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinanap na sundin ang lahat ng nagmula sa Diyos. Nang wala ni katiting na reklamo, kinaya niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, pati na rin ang pagpipino, kapighatian at kakulangan sa kanyang buhay, kung saan wala sa mga nabanggit ang makapagbabago ng kanyang pag-ibig sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pag-ibig sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Sa pagkastigo, paghatol, o kapighatian, laging may kakayahan kang makamit ang pagsunod hanggang kamatayan, at ito ang dapat na makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang pagiging dalisay ng pagmamahal ng Diyos. Kung kaya ng tao na magkamit ng ganito kahigit, kung gayon siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at walang mas makapagpapasaya sa kalooban ng Lumikha.

—mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang katotohanan na kailangang taglayin ng tao ay matatagpuan sa salita ng Diyos, isang katotohanan na pinakakapaki-pakinabang at nakatutulong sa sangkatauhan. Ito ang pampalakas at panustos na kinakailangan ng inyong katawan, isang bagay na makatutulong sa inyong mapanumbalik ang inyong normal na pagkatao, isang katotohanan na dapat mailakip sa inyo. Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong mas mabilis na mamumukadkad ang inyong buhay; habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, mas lalong magiging malinaw ang katotohanan. Habang lumalago ang inyong tayog, makikita ninyo ang mga bagay sa espirituwal na daigdig nang mas malinaw, at kayo ay lalong magiging mas makapangyarihan upang magtagumpay kay Satanas. Ang karamihan sa katotohanan na hindi ninyo naiintindihan ay palilinawin kapag isinasagawa ninyo ang salita ng Diyos. Ang karamihan sa mga tao ay nasisiyahan na basta na lamang maintindihan ang teksto ng salita ng Diyos at ituon ang isipan sa pagsasangkap sa kanilang mga sarili ng mga doktrina nang hindi nararanasan ang lalim nito sa pagsasagawa; hindi ba iyon ang paraan ng mga Fariseo? Paano magiging totoo ang pariralang “Ang salita ng Diyos ay buhay” sa kanila, kung gayon? Kapag isinasagawa na ng tao ang salita ng Diyos saka pa lamang tunay na mamumukadkad ang kanyang buhay; hindi ito makalalago sa pamamagitan lamang ng pagbasa sa salita ng Diyos. Kung naniniwala kang ang pagkaunawa sa salita ng Diyos ay ang tanging kailangan upang magkaroon ng buhay, upang magkaroon ng tayog, kung gayon ang iyong pagkaunawa ay baluktot. Ang tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos ay nangyayari kapag isinasagawa mo ang katotohanan, at dapat mong maunawaan na “sa pagsasagawa lamang sa katotohanan ito kailanman maaaring maintindihan.”

—mula sa “Isagawa ang Katotohanan sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung kaya ng isa na bigyang-kasiyahan ang Diyos kapag ginagampanan ang kanyang tungkulin, may panuntunan sa kanyang mga salita at mga kilos, at tunay na makapapasok tungo sa realidad ng lahat ng aspeto ng katotohanan, kung gayon siya ay magiging isang tao na ginagawang perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na mabisa para sa taong ito, na ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay, nakukuha niya ang katotohanan, at makakaya niyang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito ang kalikasan ng kanyang laman, iyon ay, ang saligan ng kanyang katutubong pag-iral ay mauuga at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng isa ang mga salita ng Diyos bilang kanyang buhay siya ay nagiging isang bagong tao. Ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay; ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga kinakailangan mula sa tao, ang Kanyang pahayag sa tao, at ang mga pamantayan para sa isang tunay na buhay na kinakailangan ng Diyos na matamo ng tao ay nagiging kanyang buhay—siya ay nabubuhay alinsunod sa mga salitang ito at sa mga katotohanang ito, at ang taong ito ay nagiging perpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nakakaranas siya ng muling-pagsilang at nagiging isang bagong tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita.

—mula sa “Paano Tahakin ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay paghatol sa pamamagitan ng Kanyang salita. Pagkatapos, kung gusto nating malinis ang ating tiwaling disposisyon at makamit ang kaligtasan, kailangan muna nating pagsikapan ang salita ng Diyos at tunay na kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at tanggapin ang paghatol at mga pahayag sa Kanyang salita. Kahit gaano pa tumatama ang salita ng Diyos sa puso, gaano pa ito kasakit, o gaano nito pinapagdusa tayo, siguraduhin muna na ang salita ng Diyos ay lahat katotohanan, at ang realidad ng buhay na dapat nating pasukin. Bawat pagbigkas sa salita ng Diyos ay upang linisin at baguhin tayo, upang ipatanggal sa atin ang ating tiwaling disposisyon at makamit ang kaligtasan, at higit pa upang ipaintindi sa atin ang katotohanan upang makamit ang kaalaman ng Diyos. Kaya kailangan nating tanggapin ang paghatol at pagkastigo, pagtatabas at pakikitungo ng salita ng Diyos. Kung gusto nating matanggap ang katotohanan sa salita ng Diyos, kailangan nating magawang magdusa dahil sa pagtanggap at pagsunod sa salita ng Diyos at sa katotohanan. Kailangan nating hanapin ang katotohanan sa salita ng Diyos, pakiramdaman ang kalooban ng Diyos, at magnilay-nilay at kilalanin ang ating mga sarili, Magnilay-nilay sa salita ng Diyos upang malaman ang ating sariling kayabangan, pandaraya, pagkamakasarili at pagiging kasuklam-suklam, paano natin pinakikitunguhan ang mga transaksiyon sa Diyos, sinasamantala ang Diyos, dinadaya ang Diyos, pinaglalaruan ang katotohanan, at iba pang mga mala-satanas na disposisyon, pati na ang iba’t ibang karumihan sa ating paniniwala sa Diyos at mga intensyon na tumanggap ng mga biyaya. Sa ganitong paraan, dahan-dahan nating malalaman ang katotohanan ng ating katiwalian at diwa ng ating kalikasan. Matapos nating maintindihan ang higit pang katotohanan, dahan-dahang lalalim ang ating kaalaman tungkol sa Diyos, at siyempre natural nating malalaman kung anong uri ng tao ang gusto at hindi gusto ng Diyos, anong uri ng tao ang kanyang ililigtas o aalisin, anong uri ng tao ang kanyang gagamitin, at anong uri ng tao ang kanyang bibiyayaan. Sa sandaling maunawaan natin ang mga bagay na ito, magsisimula nating maintindihan ang disposisyon ng Diyos. Lahat ng ito ay resulta ng pagkakaranas sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos. Binibigyang-pansin ng lahat ng naghahanap ng katotohanan ang pagkakaranas sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, binibigyang-pansin ang paghahanap ng katotohanan sa lahat ng bagay, at binibigyang-pansin ang pagsasagawa sa salita ng Diyos at pagsunod sa Diyos. Magagawa ng ganoong mga tao na dahan-dahang maintindihan ang katotohanan at pumasok sa realidad sa pamamagitan ng pagdanas sa salita ng Diyos, at makamit ang kaligtasan at maging perpekto Yaon namang hindi nagmamahal sa katotohanan, bagama’t nakikilala nila ang pagpapakita at gawain ng Diyos mula sa katotohanang ipinahayag ng Diyos, iniisip nila na kaya nilang makamit nang tiyak ang kaligtasan basta’t talikuran nila ang lahat ng bagay para sa Diyos at tuparin ang kanilang tungkulin. Sa bandang huli, hindi pa rin nila matatanggap ang katotohanan at buhay matapos maniwala sa Diyos nang maraming taon. Naiintindihan lamang nila ang ilang mga salita, titik, at doktrina, ngunit iniisip nilang alam nila ang katotohanan at nakamit ang katunayan. Nagsisinungaling sila sa kanilang mga sarili at siguradong aalisin sila ng Diyos.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Kapag binabasa natin ang mga salita ng Diyos ngayon, ang pinakamahalaga ay ang tanggapin natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ang mahalagang punto ay ang pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, at ito ang pinaka-pangunahing bagay. … Lahat kayo ay nagsasabi na nakahanda kayong tiisin ang pagdurusa ng paghatol at pagkastigo. Dahil nakahanda kang tiisin ang pagdurusang ito, paano ka magpapasakop? Paano mo tatanggapin ito? Kung makikita mo ang mga salita ng Diyos tungkol sa paghatol at pagkastigo, magagawa mo bang tanggapin ang mga ito bilang paghatol ng Diyos sa iyo? O paninindigan mo ba na ang mga salitang ito ay paghatol sa iba, na walang kinalaman ang mga ito sa iyo, at sa gayon ay maiiwasan mo ang paghatol at pagkastigo ng Diyos? Anong landas ang tatahakin mo? Kung ikaw ay nakahandang tiisin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, kung gayon hindi mo dapat iwasan ito kapag binabasa mo ang salita ng Diyos. Kahit gaano pa katalim o kahigpit ang mga salitang ito, dapat mong tanggapin ang lahat ng ito at magdasal. Sabihin mo: “O Diyos ko, nakahanda akong tanggapin ang Iyong paghatol at pagkastigo. Ang Iyong mga salita tungkol sa paghatol ay patungkol sa akin. Ako ay ganitong uri ng tiwaling tao, taglay ko ang mga problemang ito ng katiwalian, kaya dapat kong tanggapin ang Iyong paghatol at pagkastigo, dahil ito ang Iyong pagmamahal sa akin, ito ang Iyong pagdakila. Lubos kong tinatanggap at sinusunod ang mga ito, at nagpapasalamat ako sa Iyong pagmamahal.” Agad-agad pagkatapos mong magdasal sa ganitong paraan, madali mong matatanggap ang mga ito, at hindi mo sasabihing mahirap ito. Pagkatapos, ihambing ang mga salita ng Diyos sa iyong sariling mga kalagayan para lumalim ang iyong pag-unawa. Ganito dapat ang mangyari. Ito ay pagpapahayag ng pagpapasakop sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ngunit kapag nakikita mo ang mga salita ng Diyos na medyo mahigpit, at sinasabing: “O Diyos ko, ang mga salitang ito ay hindi paghatol sa akin, ang mga ito ay tungkol sa paghatol sa iba, ang mga ito ay tungkol sa paghatol kay Satanas. Walang kinalaman ang mga ito sa akin, hindi ko babasahin ang mga ito,” kung gayon, ito ay pag-iwas sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kapag tinatabas at pinakikitunguhan ka ng ilang kapatid, ano ang dapat mong gawin? Dapat kang kaagad magdasal sa Diyos, at sabihing: “O Diyos ko, nagpapasalamat ako sa Iyo! Naabot ako ng Iyong pagmamahal. Pinakilos Mo ang aking mga kapatid para ako ay tabasan at pakitunguhan dahil sa Iyong pagmamahal sa akin. Ako ay nagpapasakop.” Dapat kang magdasal. Kung hindi ka magdarasal, magiging napakadali para sa iyo na tumanggi, madali para sa iyong laman na mag-alsa, madali para sa iyo na makipagtalo sa iba, mabilis kang magreklamo, at magiging mas madali pa para sa iyo na maging negatibo. Sa ganitong mga panahon, magdasal ka kaagad. Pagkatapos mong magdasal, magiging kalmado ang iyong pag-iisip at magagawa mo nang magpasakop. Pagkatapos mong talagang magagawang magpasakop, mararamdaman mo ang pagkakuntento sa iyong puso, at sasabihin mong: “Sa oras na iyon, hindi ako naubusan ng pasensya kundi tinanggap ko ito. Ito ay dahil nagdasal ako. Ngayon sa wakas ay makakapagpasakop na ako sa Diyos.” Nakikita mo, ang kislap ng pag-asa at nagbibigay sa iyo ng kaunting tayog; sa ganitong paraan umuunlad ang tao.

—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay

———————————————
Malaman ang higit paSa mga huling araw, paano eksaktong isinasagawa ang paghuhukom ng Diyos? Gusto mo bang malaman? Napakahalaga para sa atin na malaman ang aspetong ito ng katotohanan, sapagkat ito ay nauugnay sa kung ang bawat isa sa atin ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit.:



Mar 21, 2020

Anong gantimpala ang ipinagkakaloob sa matatalinong dalaga? Mapapahamak ba sa kalamidad ang mga mangmang na dalaga?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang “pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu” ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga hinihingi ng Diyos, ang magawang sumunod at sundan ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos.

Mar 19, 2020

Ano ang paghatol?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.

Mar 18, 2020

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Ano ang tunay na panalangin?


4. Ano ang tunay na panalangin?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa.

Mar 17, 2020

Ano ang matatalinong dalaga? Ano ang mangmang na mga dalaga?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Sa nakalipas, nakagawa ang ilang tao ng mga hula tungkol sa “limang matatalinong dalaga, limang mangmang na dalaga”; bagaman hindi tumpak ang hula, hindi naman ito maling-mali, kaya mabibigyan Ko kayo ng ilang paliwanag. Ang limang matatalinong dalaga at limang mangmang na dalaga ay tiyak na hindi parehong kumakatawan sa bilang ng mga tao, ni kumakatawan sila sa isang uri ng mga tao ayon sa pagkakabanggit. Nangangahulugan ng bilang ng mga tao ang limang matatalinong dalaga, kinakatawan ang isang uri ng mga tao ng limang mangmang na dalaga, nguni’t alinman sa dalawang ito ay hindi tumutukoy sa mga panganay na anak, at sa halip kinakatawan nila ang sangnilikha.

Mar 10, 2020

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Pangunahing Paniniwala ng Iglesia ng


Ang mga Pangunahing Paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos



(1) Ang mga Doktrina ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Ang mga doktrina ng Cristianismo ay nagmumula sa Biblia, at ang mga doktrina ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagmumula sa lahat ng katotohanan na ipinahayag ng Diyos simula pa noong panahon ng paglikha, sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ibig sabihin, ang Lumang Tipan, ang Bagong Tipan, at ang Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian—Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao—na ipinahayag ng nagbalik na Panginoong Jesus ng mga huling araw, na Makapangyarihang Diyos, ay ang pangunahing paniniwala at ang mga doktrina ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Mar 9, 2020

Sabi mo ang mga sumusunod lamang sa kalooban ng Diyos ang makakatanggap ng daan ng walang hanggang buhay.

       Sabi mo ang mga sumusunod lamang sa kalooban ng Diyos ang makakatanggap ng daan ng walang hanggang buhay. Matapos naming magsimulang maniwala sa Panginoon, nagdusa kami at nagbayad para ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon. Ipinastol namin ang kawan ng Panginoon, pinasan ang krus at sinundan ang Panginoon, nagpakababang-loob, nagtiyaga, at nagpaubaya. Sinasabi mo bang hindi namin sinusunod ang kalooban ng Diyos? Alam naming kung magpapatuloy kami, magiging banal kami, at madadala sa kaharian ng langit. Ibig mo bang sabihin mali ang ganitong paraan ng pag-intindi at pagsasagawa sa salita ng Panginoon?

Mar 3, 2020

nananalig sila sa Panginoong Jesus at ‘di sa mga pastor



Tanong 7: Pero’di pa rin ‘yan naiintindihan ng karamihan sa nananalig. Akala nila sa pananalig sa Diyos sa relihiyon, nananalig sila sa Panginoong Jesus at ‘di sa mga pastor, kaya papa’no sila hindi maliligtas?



Sagot: Anong klaseng lugar ang relihiyon? Lugar ‘yan ng mga Fariseo, dating pugad ng mga anticristo. Nangangarap lang kayo kung iniisip niyong maliligtas kayo sa pananalig do’n. Ba’t ‘di maliligtas ang taong nananalig sa Diyos sa relihiyon?

Peb 21, 2020

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos-Ano ang isang matapat na tao?




Ano ang isang matapat na tao? Bakit gusto ng Diyos ang matatapat na tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. Ang Diyos ay may diwa ng katapatan, kaya’t ang Kanyang salita ay palaging mapapagkatiwalaan. Higit pa, ang Kanyang mga pagkilos ay walang kapintasan at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos yaong mga lubos na matapat sa Kanya.

Dis 2, 2019

Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng mga Taong Ginamit ng Diyos


     Sa loob ng napakaraming taon walang-humpay na naghahanap ang Espiritu ng Diyos habang yumayaon Siyang gumagawa sa lupa. Sa kabuuan ng mga kapanahunan nakagamit na ang Diyos ng napakaraming tao upang gawin ang Kanyang gawain. Gayunman ang Espiritu ng Diyos ay wala pa ring angkop na lugar na pahingahan. Kaya ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, walang-humpay na kumikilos sa iba’t ibang tao, at sa kabuuan gumagamit Siya ng mga tao upang gawin ito. Iyan ay, sa loob nitong maraming taon, hindi kailanman tumigil ang gawain ng Diyos, ngunit patuloy na naisasakatuparang pasulong sa tao, tuluy-tuloy hanggang sa araw na ito. Bagaman nakapagwika na ang Diyos ng napakaraming salita at nakagawa ng napakaraming gawain, hindi pa rin kilala ng tao ang Diyos, lahat ay dahil hindi pa kailanman nagpakita ang Diyos sa tao at dahil din sa wala Siyang anyo na nahahawakan. Kaya’t dapat dalhin ng Diyos ang gawaing ito sa kaganapan—na magiging sanhi para sa lahat ng tao na malaman ang praktikal na kabuluhan ng praktikal na Diyos. Para makamit ang layuning ito, dapat ibunyag ng Diyos ang Kanyang Espiritu nang kongkreto sa sangkatauhan at gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan nila.

Nob 19, 2019

Sabi sa Biblia, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya sa pamamagitan ng puso;at naghayag ng kaligtasan gamit ang bibig” (Roma 10:10). Naligtas na tayo ng ating pananampalataya kay Jesus. Pag naligtas na tayo, magpasawalang-hanggan na ‘yon. Pagdating ng Panginoon tiyak na makakapasok tayo sa kaharian ng langit.

Sagot: Pag naligtas na tayo, magpakailanman na ‘yon at makakapasok tayo sa kaharian ng langit, ideya at imahinasyon lang ‘yan ng tao. Ni hindi ito ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na makakapasok ang mga tao sa kaharian ng langit kapag naligtas siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Sabi ng Panginoong Jesus, ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ang mga salita lang ng Panginoong Jesus ang may awtoridad at katotohanan. Ang imahinasyon ng tao'y hindi katotohanan at hindi rin pamantayan para makapasok sa kaharian ng langit. Tungkol sa “kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya” na pinag-uusapan natin, ang “kaligtasang” ito ay ang mapatawad lang ang mga kasalanan ng tao, hindi ang mahatulan o maparusahan ng kamatayan ayon sa batas. Hindi nito ibig sabihin na ang taong “naligtas” ay makakatahak sa landas ng Diyos, napawalang-sala, at naging banal na. Hindi nito ibig sabihin na makakapasok siya sa kaharian ng langit. Kahit napatawad na ang ating kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, may kasalanan pa rin tayo. Puwede pa rin tayong magkasala nang madalas at kalabanin ang Diyos. Patuloy tayong nagkakasala sa buhay pagkatapos ay inaamin natin ito. Pa’no makakapasok ang gano’ng mga tao sa kaharian ng langit? Sabi sa Biblia, “At ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Kung sinasabi mo na makakapasok ang mga madalas magkasala sa kaharian ng langit, hindi ‘yan totoo. Sinasabi mo ba, ang marumi at tiwaling mga taong ‘yon na madalas magkasala, maninirahan sa kaharian ng langit? Nakakita ka na ba ng marumi at masamang tao sa kaharian ng langit? Ang Panginoon ay matuwid at banal. Papapasukin ba ng Panginoon ang mga madalas magkasala sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, “At tunay ko ngang sinasabi sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34-35). Kaya nga, nakikita natin na ang mga patuloy na nagkakasala at di nagiging banal ay di makakapasok sa kaharian ng langit. Kung totoo ang sinasabi mo, at makakapasok nga ang mga nagtatamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaharian ng langit, bakit ito sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi lahat ng tumatawag ng Panginoon ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap lang ng kalooban ng Ama Ko sa langit”? Ba’t Niya sinabi na ihihiwalay Niya ang mga kambing sa mga tupa at ang trigo sa mga panirang damo? Kung gayon, hindi totoo na “Yaong mga iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya ay papapasukin sa kaharian ng langit”! Tuwirang kinontra ng mga salita ng Panginoong Jesus ang paniniwalang ‘yan!

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Okt 26, 2019

Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit


Ebanghelyo ngayong araw: Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit


Yang Qing

Baffled From Reading the Bible

Nang maaga akong magising, ako ay nanalangin, at pagkatapos ay binuksan ang Biblia sa Mateo 16:19, kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Sa pagbabasa sa talatang ito ng kasulatan, ako ay nalito, iniisip: “Hindi gumawa si Pedro ng anumang dakilang gawain ni ang kanyang mga isinulat ay talagang tanyag. Higit sa lahat, nang ang Panginoong Jesus ay dinakip at nilitis, tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro. Bakit hindi ibinigay ng Panginoong Jesus ang mga susi ng kaharian ng langit sa iba pang mga disipulo, bagkus kay Pedro lamang?” Nagsaliksik ako nang husto sa Banal na Kasulatan, ngunit walang nakalutas sa aking pagkalito. Hindi maiiwasang pumasok ako sa trabaho.

Okt 12, 2019

Paano dapat ituring at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang likas na halaga ng Biblia?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay ” (Juan 5:39–40).

Okt 4, 2019

Bagama’t hawak ng mga pastor at elder ang kapangyarihan sa mga relihiyosong grupo at sinusundan nila ang ginawa ng mapagpaimbabaw na mga Fariseo, nananalig kami sa Panginoong Jesus, at hindi sa kanila, kaya paano mo masasabi na sinusundan din namin ang yapak ng mga Fariseo? Hindi ba kami talaga maliligtas sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos na nakapaloob sa relihiyon?

Sagot:

Maraming tao sa relihiyon na pikit-matang naniniwala at sumasamba at sumusunod sa mga Fariseo. Kaya landas man ng mga Fariseo ang tinatahak nila, malinaw iyan kung inisip natin ito. Sabi mo, sinasamba at pinoprotektahan mo ang mga Fariseo sa puso mo pero wala kang kinalaman sa mga kasalanan nila? Sabi mo, sinusunod mo ang mga ipokritong Fariseo, pero hindi ka katulad nila, na kumakalaban sa Diyos? Hindi pa rin ba natin mauunawaan ang gayon kasimpleng tanong? Ang uri ng taong sinusunod natin ay ang uri ng landas na tinatahak natin. Kung sinusundan natin ang mga Fariseo, tumatahak tayo sa landas nila. Kung tumatahak tayo sa landas ng mga Fariseo, natural katulad din tayo ng mga Fariseo. Sinuman ang sinusundan natin at alinmang landas ang pinipili natin, may kaugnayan iyan sa ating pagkatao. Sinumang sumusunod sa mga Fariseo ay katulad ng pagkatao at ugali ng mga Fariseo. Hindi iyan maikakaila! Ang tunay na diwa ng mga Fariseo ay pagka-ipokrito. Nanalig sila sa Diyos pero hindi nila mahal ang katotohanan o hinangad ang buhay. Nanalig lang sila sa isang malabong Diyos sa langit at sa sarili nilang mga pag-aakala at imahinasyon, pero hindi nila pinaniwalaan o tinanggap ang Cristo na nagkatawang-tao. Sa madaling salita, lahat sila’y walang pananalig. Ang pananalig nila sa Diyos ay pagsasaliksik sa teolohiya at pagturing sa pananampalataya sa Diyos bilang isang uri ng kaalaman sa pagsasaliksik. Ang kanilang kabuhayan ay nakadepende sa pagsasaliksik sa Biblia at teolohiya. Sa puso nila, ang Biblia ang kanilang kabuhayan. Akala nila kapag mas magaling silang magpaliwanag sa kaalaman sa Biblia at teoryang teoholikal, mas maraming taong sasamba sa kanila at mas mataas at mas matatag silang makakatayo sa pulpito, at mas matatag ang kanilang magiging katayuan. Kasi, nabuhay lang ang mga Fariseo para sa kanilang katayuan at kabuhayan, at sawa na at nasuklam sa katotohanan, kaya nang nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus at naparito para gumawa, pinanghawakan pa rin nila sa sarili nilang mga pag-aakala at imahinasyon at kaalaman sa Biblia para protektahan ang sarili nilang katayuan at kabuhayan, at hindi napigil sa pagkalaban at pagtuligsa sa Panginoong Jesus at pagkontra sa Diyos. Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos lubos nating makikita ang pagkamuhi ng mga Fariseo sa katotohanan at kung bakit nila kinalaban ang Diyos.

Set 17, 2019

Ang CCP ay ateistang partido, isang grupong makademonyo na pinakamalupit sa Diyos at sa katotohanan. Ang demonyo ay ang pagsasatao ni Satanas. Ang muling pag-aanyong tao ni Satanas at ng masasamang espiritu ay demonyo, ang mga kalaban ng Diyos. Samakatwid, kapag ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao at gumagawa sa Tsina sa mga huling araw, ang baliw na pagpigil at pang-aapi sa Kanya ng gobyernong CCP, ay hindi maiiwasan. Ngunit ang karamihan sa mga pastor at elder sa mga relihiyon ay mga lingkod ng Diyos na maalam sa Biblia. Hindi lang sa hindi nila hinahanap at pinag-aaralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa halip sila’y humahatol, nagkokondena at galit na galit na kumakalaban. Hindi ito kapani-paniwala! kagulat na kinokondena ng gobyernong CCP ang gawain ng Diyos. Bakit kinakalaban at kinokondena rin ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang gawain ng Diyos?

Sagot: Ang Diyos ay dalawang beses na nagkatawang-tao. Dalawang beses Niyang nakaharap ang mga pagkalaban, pagkondena at pang-aapi ng mga relihiyon at ng mga gobyerno ng mundo. Patunay ito na “Ang totoong daan ay inaapi na noon pa mang unang panahon.” Maraming tao ang hindi makahiwatig sa bagay na ito. Lalo silang hindi makapaniwala sa galit na galit na pagkondena ng mga pinuno ng relihiyon sa gawain ng Diyos. Ang totoo, wala namang kakaiba tungkol dito. Noong una, nang nagpakita ang Panginoong Jesus para gumawa, noon Siya unang galit na galit na kinondena, nilapastangan at inaresto ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ng Judaismo. Ang mga katotohanang ito ay malinaw na nasusulat sa Biblia. Ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo na iyon, ay dapat itinuturo ang Biblia at naglilingkod sa Diyos. Bakit nila kinondena, inapi, at tinugis ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao? Maaari bang dahil sa ang paniniwala nila sa Diyos ay naglayong ipako sa krus ang Panginoong Jesus noong dumating Siya? Talagang hindi. Bakit ginawa nila iyon laban sa Diyos? Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang hiwaga dito. Basahin natin ang ilang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Ago 31, 2019

Nang malaman ng pastor at elder na tinanggap namin ang Makapangyarihang Diyos, walang-tigil ang panggugulo nila sa amin, walang-tigil ang paliwanag nila sa amin sa Biblia. Kahit pabulaanan namin sila, at tanggihan sila, ayaw nila kaming tantanan. Matinding panliligalig ‘yan sa mga mamamayan. Noong araw, kapag nanghihina o negatibo kami, hindi sila ganito kasigasig. Pero ngayon, nang tanggapin na namin ang Makapangyarihang Diyos, galit na galit sila, sa pagbibigay ng pabuya at parusa, panay ang pang-iinis nila sa amin. Parang hindi sila titigil sa kasamaan nila hangga’t hindi nila kami naihuhulog sa impiyerno na kasama nila! Hindi ko lang maintindihan. Ang pastor at elder, bilang mga taong naglilingkod sa Panginoon, at madalas magsalita tungkol sa Biblia, dapat nilang makita na lahat ng salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan. Bakit hindi nila hanapin ang katotohanan? Bakit hindi nila siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa halip na mabangis na tuligsain, kalabanin, at lapastanganin ang Makapangyarihang Diyos? Ginagawa ng pastor at elder ang lahat para hadlangan ang pagtanggap namin sa Makapangyarihang Diyos. Nahihirapan kaming makita ang likas na katangian ng bagay na ito. Pakipaliwanag ito nang kaunti sa amin.

Sagot: Puwede bang hindi mag-alala ang pastor at elder sa pagtanggap n’yo sa Makapangyarihang Diyos? Sa mga mata ng pastor at elder, kayo ang kanilang mga tupa. Naakit kayo ng iba—masakit ito sa pastor at elder. Kung gayo’y kailangan nilang gawin ang lahat para makawala kayo, at pabalikin kayo. Gunitain ang mga pagkakataon na nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus. Ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseong Judio ay walang-pakundangang siniraan, tinuligsa, at nilapastangan ang Panginoong Jesus; ipinako pa nila ang Panginoong Jesus sa krus. Noong panahong iyon siguradong maraming Judiong gustong tumanggap sa Panginoong Jesus. Bakit hindi sila nangahas na tanggapin ang Panginoong Jesus? At hindi rin sila nangahas na sundin ang Panginoong Jesus? Palagay ko madalas na tinakot ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseong Judio ng nananalig na mga Judio, at gumamit pa ng iba’t ibang pamamaraan para hadlangan ang mga tao sa pagtanggap sa Panginoong Jesus. Noong panahong iyon may isang taong nagngangalang Nicodemo. Bakit gabi siya nakikipagkita sa Panginoong Jesus? Siguradong may kaugnayan ‘yon sa sitwasyong ito. Malinaw na nakatala ang mga ito sa Biblia. Sa kasamaang-palad iilang tao lang sa iba’t ibang relihiyon ang nakaunawa sa dahilan ng pagkalaban ng mga Fariseo sa Panginoon. Wala ring nakaunawa sa mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon batay sa mga sinabi ng Panginoong Jesus para hatulan, ilantad, at isumpa ang mga Fariseo. Hindi ba ganito nga ang sitwasyon? Dumating na ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at inilantad na ang dahilan at tunay na sitwasyon ng pagkalaban ng relihiyosong mga Fariseo, pastor, at elder sa Diyos. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Ago 16, 2019

Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.

Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).

Hul 16, 2019

Tanong 4: Lahat ng pastor sa iba’t ibang relihiyon ay pamilyar sa Biblia. Madalas nilang ipaliwanag ang Biblia sa mga iglesia at purihin ang Biblia. Inakala natin palagi ay dapat silang maging mga tao na kilala ang Diyos. Kung gayo’y bakit kaya ang gawain ng Diyos na nagkatawang tao sa mga huling araw ay marahas na tinuligsa at nilabanan ng karamihan sa mga pastor sa iba’t ibang relihiyon? Naniniwala ako na hindi posibleng ang tunay na daan ang tinutuligsa ng karamihan sa mga pastor at pinuno ng iba’t ibang relihiyon!


Sagot: Sa pagsisiyasat kung ito ang gawain ng Diyos, hindi tayo dapat manghusga ayon sa kung tinanggap ito ng karamihan sa mga pinuno ng iba’t ibang relihiyon. Gunitain kung kailan nagpakita ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain. Sino yaong mga nagpako sa Panginoong Jesus sa krus? Hindi ba ang mga pinuno ng mga relihiyon na pamilyar sa Biblia at madalas magpaliwanag ng Biblia sa iba? Ano ang sinasabi sa atin ng tunay na pangyayaring ito? Hindi komo pamilyar ang isang tao sa Biblia at kayang magpaliwanag sa Biblia ay alam na niya ang gawain ng Diyos, at bukod pa riyan ay hindi siya isang tao na tiyak na masasabing kilala ang Diyos.

Hul 2, 2019

Tanong 3: Malinaw na sinabi ni Pablo sa Biblia: “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon ...” (Gawa 20:28). Pinatutunayan nito na ang mga pastor at elder ay hinirang lahat ng Banal na Espiritu. Hindi ba’t ang paghirang ng Banal na Espiritu ay kumakatawan sa paghirang ng Diyos? Hinirang ng Diyos ang mga pastor at elder bilang mga tagapangasiwa sa lahat ng kawan. Hindi maaaring maging mali iyon.


Sagot: Ang ilang kakatuwang tao sa mga relihiyosong lupon ay kadalasang ginagamit nang mali ang mga salita mula sa Biblia upang gumawa ng mga panuntunan. Sinasabi nilang ang mga mapagkunwari Fariseo at ang mga relihiyosong pastor ay hinirang at ginamit lahat ng Diyos. Hindi ba nito labis na nilalabanan at nilalapastangan ang Diyos? Maraming tao ang hindi alam kung paano kumilala. Naniniwala sila sa Panginoon ngunit hindi Siya pinahahalagahan, sa halip ay nagtataguyod ng mga kaloob, katayuan at kapangyarihan, at bulag ding naniniwala at sumasamba sa mga pastor at elder.

Hun 4, 2019

Pagsuri sa Diwa ng mga Fariseo | Tanong 1: Nagpapatotoo kayo na kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, magiging tao muna Siya at darating nang palihim, at pagkatapos gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay, ay bababa sa publiko nang nasa mga alapaap upang magpakita sa harapan ng lahat ng tao. Ang gayong pag-uusap ay may katuturan. Ngunit sa loob ng 2,000 taon, karamihan sa mga mananampalataya sa Panginoon ay naghihintay lahat na Siya ay bumaba nang nasa mga alapaap. Madalas ding sabihin ng mga relihiyosong pastor at elder. Paano tayo magkakamali sa pamamagitan ng paghihintay alinsunod sa propesiya ng Biblia? Ang mga relihiyosong pastor at elder ay mga taong naninilbihan lahat sa Panginoon. Naghihintay silang lahat sa pagbabalik ng Panginoon sa ganitong paraan. Hindi ako naniniwala na ang nagbalik na Panginoon ay iiwanan ang lahat ng mga relihisyong pastor at elder na ito! Imposible iyon!


Sagot: Anong uri ng batayan ang mayroon kayo sa pagsabi ng isang bagay na gaya niyan? Ang sinasabi ba ninyo ay naka-ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus? Nakabatay ba ang mga ito sa mga salita ng Diyos? Kung ang sinasabi ninyo ay ganap na nakabatay sa mga paniniwala’t imahinasyon ng tao, iyon ay hindi pagsunod sa Panginoon! Tingnan natin kung paano hinintay ng mga Fariseo ang pagdating ng Mesias. at kung bakit nila ipinako ang Panginoong Jesus sa krus.