Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 25, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kapangyarihan ng Panalangin



Ang Kapangyarihan ng Panalangin—Pagsaksi sa isang Himala sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa



Ni Zhao Zhihan, China

Habang naglalakbay tayo sa buhay, bawat isa sa atin ay makakaranas ng ilang hindi pangkaraniwang pangyayari kung saan natatatak sa ating alaala at hindi kailanman malilimutan. Ang karanasang nag-iwan na sa akin ng pinakamalalim na tatak ay ang panahong nasangkot ang asawa ko sa isang aksidente sa kotse, na walang nakaalam kung malalampasan niya ito o hindi, at sa mga araw na sumunod, ang panahon kung kailan ay naramdaman ko ang ganap na kawalan at nasa hangganan na ng aking pagtitiis. Ngunit ang naiiba sa akin ay dahil sumasaakin ang Diyos at nasa akin ang Kanyang patnubay, kaya mayroon akong suporta, at sa pamamagitan ng panalangin sa Diyos at pag-asa sa Kanya, nasaksihan ko ang himala sa gitna ng aking kawalan ng pag-asa. Sa panahong iyon ng pagdurusa, ang aking higit na natamo ay ang pag-unawa sa awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos, at tunay na pagpapahalaga sa pag-ibig ng Diyos

Mar 23, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Walang Hangganan ang Pagmamahal ng Diyos



Walang Hangganan ang Pagmamahal ng Diyos


Ni Zhou Qing, Lalawigan ng Shandong


Lubos ko nang naranasan ang paghihirap ng buhay na ito. Pumanaw na ang asawa ko ilang taon pa lamang pagkatapos naming ikasal, at magmula sa puntong iyon direktang napunta sa akin ang mabigat na pasanin ng pag-aalaga sa pamilya. Dahil may bata akong anak, naging mahirap ang buhay ko. Palagi akong naging target ng pangungutya at paghamak ng iba; dahil mahina ako at walang magawa, umiyak ako araw-araw, na pakiramdam ko ay sobrang hirap ng buhay sa mundong ito. Kung kailan ako nagtatampisaw sa kalaliman ng pagiging negatibo at walang pag-asa, ibinahagi sa akin ng isang kapatid na babae ang ebanghelyo ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Napuno ng init ang puso ko nang mabasa ko ang mga salitang ito mula sa Makapangyarihang Diyos: “Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras” (“Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mar 16, 2020

Ang Paghatol ay Nagsimula sa Pamilya ng Diyos



Aishen, Amerika

Ako ay isang Kristiyano. Ako ay isang Kristiyano. Nang una akong magsimulang maniwala sa Diyos, madalas akong makarinig ng mga sermon kung saan sinasabi ng mga tao, “Ang Panginoong Jesus ay ang Ating Manunubos. Siya ay ipinako sa krus para sa ating mga kasalanan. Si Jesus ay mahabagin at mapagmahal. Hangga’t lumalapit tayo nang madalas sa harap ng Panginoon at ikinukumpisal ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng panalangin, ang ating mga kasalanan ay patatawarin at sa pagbabalik ng Panginoon, makapapasok tayo sa kaharian ng langit.” Pagkatapos, napansin ko, nang basahin ko ang Biblia, maraming mga bahagi kung saan ang salitang “paghatol” ay binabanggit. Halimbawa: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). “Sapagka’t siya’y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga” (Mga Gawa 17:31).

Mar 8, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Ang Paghatol Ay Liwanag




Zhao Xia Lalawigan ng Shandong


Ang pangalan ko ay Zhao Xia. Isinilang ako sa isang pangkaraniwang pamilya. Dahil sa impluwensiya ng mga salawikain tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon,” at “Nabubuhay ang puno sa balakbak nito; nabubuhay ang tao para sa kanyang dangal,” naging partikular na mahalaga sa akin ang reputasyon at dangal. Lahat ng ginawa ko ay upang matamo ang papuri at paghanga ng mga tao.

Mar 7, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan


Gan’en Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui

Sa buhay ko, palagi akong namuhay sa pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala” sa pakikipag-ugnayan sa lipunan. Hindi ako kailanman nagbibigay ng tiwala sa iba nang basta-basta. Palagi kong nadama na sa mga sitwasyon kung saan hindi mo alam ang tunay na mga intensyon ng isang tao, hindi mo dapat ipakita ang iyong intensyon ng masyadong maaga. Kaya, sapat nang panatilihin ang mapayapang pag-uugali—sa ganitong paraan ay napoprotektahan mo ang iyong sarili at iisipin ka ng iyong mga katulad bilang isang “mabuting tao.”

Mar 1, 2020

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Ang Karanasan sa Pagsasagawa ng Katotohanan



Ang Karanasan sa Pagsasagawa ng Katotohanan





Hengxin Lungsod ng Zhuzhou, Lalawigan ng Hunan

Di pa nagtatagal ang nakalipas, narinig ko ang “Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay”, na umakay sa aking maunawaan na yaon lamang mga nagsasagawa ng katotohanan ang maaaring magkamit ng katotohanan at sa dulo ay siyang magmay-ari ng katotohanan at pagkatao kaya nagtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos. Mula noon, sinadya ko nang pagsikapang talikdan ang aking laman at isagawa ang katotohanan sa araw-araw kong buhay.

Ene 26, 2020

Isang Mas Malalim na Karanasan sa Pagmamahal ng Diyos sa Pamamagitan ng Pagpasok sa Pugad ng mga Demonyo



Ni Fenyong, Probinsya ng Shanxi

Kahit na lumaki ako sa ilalim ng mapagmahal na pagkalinga ng aking mga magulang magmula noong bata pa ako, sa puso ko, madalas kong naramdaman ang lungkot at na wala akong sinumang maaasahan.

Dis 13, 2019

Ginugol ang Kabataan Nang Walang Pagsisisi

Mga Salaysay ng Pag-uusig,Mission

Xiaowen Lungsod ng Chongqing

Ang ‘pag-ibig’ ay tumutukoy sa isang damdamin na dalisay at walang kapintasan, kung saan ginagamit mo ang iyong puso upang magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pag-ibig walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang agwat. Sa pag-ibig walang paghihinala, walang pandaraya, at walang katusuhan. Sa pag-ibig walang agwat at walang karumihan” (“Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Itong himno ng salita ng Diyos ay minsang tinulungan akong malampasan ang sakit ng matagal at hindi matapos-tapos na buhay sa kulungan na tumagal ng 7 taon at 4 na buwan. Kahit pa ipinagkait sa akin ng gobyerno ng CCP ang pinakamagagandang taon ng aking kabataan, nakuha ko ang pinakamahalaga at tunay na katotohanan mula sa Makapangyarihang Diyos at samakatuwid wala akong mga reklamo o pagsisisi.

Nob 9, 2019

Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon|Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Salita ng Diyos,Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon
Qingxin, Myanmar

Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.” At kaya naman upang marating ang kaharian ng langit, nagdesisyon akong magpabinyag habang nasa kampo ako. Mula noong panahong iyon, naging isa akong tunay na Kristiano.

Nob 4, 2019

Pamilya:Ang Pagsasama ng Mag-asawa ay Hindi na Usapin


Ni Wang Ran , Singapore

Isang Magandang Pangarap

Nang siya ay wala pang asawa, si Wang Ran ay laging nanghahawak sa isang magandang pangarap—umaasa na pagkatapos maikasal, siya at ang kanyang asawa ay magkakasundo, kapwa magpapakita ng pagtitimpi, magsasama habambuhay, at sabay na tatanda. Sa panahong iyon malaki ang tiwala ni Wang Ran sa kanyang sarili; dama niya na siya ay isang tao na may mabuting ugali na nakakasundo ang iba. Ngunit hindi umayon ang realidad sa pinangarap ni Wang Ran—pagkatapos maikasal, unti-unting kinain ang kanyang pangarap ng napakaraming di-pagkakasundo na lumitaw sa pagitan nilang mag-asawa.

Okt 14, 2019

Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan

Ni Zhi cheng

Alam ng lahat ng nakakaunawa sa Biblia na nananalig ang mga mamamayan ng Israel sa Diyos na Jehova sa loob ng maraming henerasyon. Sa tuwing malapit na silang matalo sa isang digmaan, nanalangin sila at tinulungan sila ng Diyos na talunin ang mga kaaway nila. Para makaiwas sa pagkalipol ng kanilang bansa, sinabihan ni Reyna Esther ang lahat ng Hudyo ng Susa na mag-ayuno at manalangin sa Diyos na Jehova at nagpunta siya sa hari kahit manganib ang sarili niyang buhay. Sa bandang huli, dahil sa ginawa niya, naligtas ang lahat ng Hudyo. Nang marinig si Jonah na nagpapahayag ng kalooban ng Diyos at malaman na wawasakin ng Diyos ang buong siyudad sa loob ng apatnapung araw, ang mga mamamayan at hari ng Nineveh ay nag-ayuno at nanalangin, nagsisi sa kanilang mga kasalanan suot ang damit na sako at abo, tinalikdan ang karahasan at tumalikod sa kanilang masasamang gawain. Sa bandang huli, tinanggap nila ang awa ng Diyos na Jehova: Hindi na nagpadala ng mga sakuna ang Diyos at nakaligtas sila. Sa pamamagitan ng pananalangin sa Diyos, nagpastol si Moises ng mga tupa sa ilang sa loob ng apatnapung taon at natamo ang tunay na pananampalataya sa Diyos. Pagkatapos, tinanggap niya ang panawagan ng Diyos at dinala ang mga Israelita papalabas ng Ehipto. … Matapos na mabuhay na muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, umaasa sa panalangin, nagawa ng mga disipulo Niya na ikalat ang ebanghelyo sa isang mapanagnib na kapaligiran.

Set 30, 2019

Paano Natutupad ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon


Nagbalik na ang Panginoon:Paano Natutupad ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon


Minamahal na mga kapatid:

Kamusta sa lahat, masayang masaya akong makita kayo rito. Una, pasalamatan natin ang Diyos sa paghahanda ng pagkakataong ito para sa atin, at nawa’y gabayan tayo ng Diyos at kumilos Siya sa atin.

Mga kapatid, pagkatapos ng muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ng ating Panginoong Jesus, lahat tayong naniniwala sa Panginoon ay nagnanais na bumalik Siya sa lalong madaling panahon nang sa gayon ay matupad ang ating mga hinihiling sa loob ng maraming taon, at nang sa gayon ay matanggap natin ang Kanyang pangako at matamasa ang Kanyang mga pagpapala. Lalo na sa mga huling araw, ang pagnanais nating makita ang pagbabalik ng Panginoon ay higit pang mahalaga. Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus ay halos naisakatuparan na sa ngayon, at nakita at narinig na nating lahat ang madalas na pagdating ng lahat ng uri ng sakuna sa lahat ng bansa sa mundo. Higit pa, ang mga ito ay hindi pa nangyari sa kasaysayan, at mayroong mga sakuna sa lahat ng dako, gaya ng mga pagbaha, tagtuyot, lindol, epidemya, at digmaan. Nasa matinding kaguluhan rin ang mundo, at madalas na mayroong mga giyera at pag-atake ng terorismo. Dagdag pa, ang mga sermon ng mga pastor at pinuno sa simbahan ay pawang mga lumang kasabihang hindi nagtataglay ng bagong liwanag. Maraming mananampalataya ang nakakarinig ng mga sermon na ito at hindi nakakaramdam ng pagkaaliw, at napapalitan ng desolasyon ang kanilang pananampalataya at pag-ibig. Hindi ba’t ito ang tiyak na sitwasyon kung kailan maisasakatuparan ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus?

Ago 28, 2019

Ano ang Bumubuo sa Totoong Espirituwal na Debosyon?

Naniwala Ako na ang Espirituwal na Debosyon ay Binubuo ng Paulit-ulit na Pagbabasa ng Biblia, Pananalangin at Pag-awit ng mga Himno


Naaalala ko ang unang beses na nagsimba ako at nakinig sa pagbibigay ng sermon ng pastor at, kalaunan, nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa kaligtasan ng Panginoong Jesus at noon mismo ay ipinahayag ko ang kagustuhan kong manampalataya sa Panginoon. Habang paalis ako, pinaalala sa akin ng pastor na, “Upang mamuhay bilang isang Kristiyano, dapat isagawa ng tao ang espirituwal na debosyon.” Tinanong ko ang pastor, “Ano ang espirituwal na debosyon? Paano natin iyon isinasagawa?” Noon sinasabi sa’kin ng pastor, “Ang espirituwal na debosyon ay pagbabasa ng Biblia, pananalangin at pag-awit ng mga himno ng papuri araw-araw. Kapag nanalangin tayo, dapat nating ipagdasal ang ating mga pamilya, ipagdasal ang mga mahihinang kapatid sa ating iglesia, at ipagdasal ang mga lingkod ng Diyos. Dapat ding paulit-ulit tayong magbasa ng Biblia at umawit rin ng mga himno araw-araw, at dapat patuloy nating gawin ito nang walang gumagambala. Hangga’t masigasig mong isinasagawa ang esprirituwal na debosyon araw-araw, kung ganoon ay patuloy na yayabong ang iyong espirituwalidad at mapapalapit ka nang mapapalapit sa Panginoon, at pagkatapos ay matutuwa ang Diyos.”

Hul 10, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Patotoo | Ano ang Tunay na Kabuluhan ng Pagtubos ng Panginoong Jesus?



Ni Xiaomo, China

Ang pagbanggit sa “Pagtubos ni Jesus” ay palaging nagpupuno sa atin ng pasasalamat sa Panginoon. Dalawang libong taon ang nakararaan, upang matubos tayo mula sa mga kamay ni Satanas, ipinako ang Panginoong Jesus sa krus at isinakripisyo para sa mga kasalanan ng sangkatauhan, para sa kapatawaran ng lahat ng ating mga kasalanan. Kapag tayo’y nagkasala, hangga’t tayo ay nagsisisi at nangungumpisal ng ating mga kasalanan sa Panginoon, ang ating mga kasalanan ay mapapatawad, at tatamasahin natin ang kapayapaan at kagalakan.

Hun 26, 2019

Ginaganap at Tinutupad ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang mga Propesiya sa Biblia



Ang pinakamaraming inihula sa loob ng Kasulatan ay ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Binabanggit sa Kasulatan ang paglalapat ng paghatol ng Diyos sa may halos dalawang daang lugar; maaaring sabihin na hinulaan nilang lahat na isasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw. Dito, gamit ang kakaunti lamang na bahagi ng mga kasulatan ay sapat na upang patunayan na ang paglalapat ng Diyos ng Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo ay isang hindi mapipigilang hakbang ng Kanyang gawain sa mga huling araw.

Hun 12, 2019

Paghatol sa mga Huling Araw | Ang Kahihinatnan at Ibubunga ng Pagtanggi sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw



Ang lahat ng mga tao na nakaranas ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maaaring malinaw na makita na kapag ang lubos na natiwaling sangkatauhan ay nakararanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ay makakakuha sila ng tunay na kaalaman tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at magtatamo ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Tanging sa paraang ito lamang makakasunod ang sangkatauhan sa kalooban ng Ama sa langit, ibigay ang lahat ng kanilang pagsisikap para sa sukdulang pagpapalawak ng ebanghelyo ng kaharian, at magkaroon ng bahagi sa mga kahirapan, kaharian at katiyagaan ni Cristo.

May 18, 2019

Pananampalataya at Buhay | Buhay Kristiyano: 4 na Puntos upang Turuan Kang Makipag-ugnayan sa Iba Alinsunod sa mga Layunin ng Diyos


Pananampalataya at Buhay | Buhay Kristiyano: 4 na Puntos upang Turuan Kang Makipag-ugnayan sa Iba Alinsunod sa mga Layunin ng Diyos


Ni Wang Zihan, Lalawigan ng Shanxi

Ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay isang usaping nagdudulot ng sakit ng ulo para sa maraming tao. Ito ay isa ring paksa na madalas kaharapin ng isang tao sa kanyang buhay bilang Kristiyano. Hinihingi ng Panginoong Jesus na magsamahan tayo nang may pagkakasundo at magmahalan tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili.

May 11, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | 3 Malalaking Obra Maestra para sa Pagtatagumpay sa mga Tukso sa Digmaang Espirituwal


Paano Manalangin | 3 Malalaking Obra Maestra para sa Pagtatagumpay sa mga Tukso sa Digmaang Espirituwal


Hingzing Hilagang Korea

Mga kapatid,

Sumainyo nawa ang kapayapaan ng Panginoon! Kadalasan, ang lahat ng mga uri ng digmaang espirituwal ay magaganap sa buong panahon ng ating pananampalataya sa at pagsunod sa Diyos. May mga tukso na may kinalaman sa salapi, katayuan at pangalan, at mga tukso sa pagitan ng mga lalaki at mga babae, gayundin ang paninirang-puri ng mga hindi mananampalataya, paghadlang at paniniil mula sa mga mahal sa buhay, gayundin ang pagtugis at pag-uusig ng isang mala-satanas na rehimen.