Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Tanging ang mga Ginawang Perpekto ang Maaaring Mamuhay ng Makahulugang Buhay
Sa katunayan, ang gawain na ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang dating ninuno. Nilalayon ng lahat ng mga paghatol ayon sa salita na ilantad ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at mangyaring maipaunawa sa mga tao ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumatagos lahat sa mga puso ng mga tao. Tuwirang nakaaapekto ang bawat paghatol sa kanilang kapalaran at sinadyang sugatan ang kanilang mga puso upang mapakawalan nila ang lahat ng mga bagay na iyon at sa gayon mapanuto sa buhay, malaman ang maruming mundong ito, at malaman din ang karunungan ng Diyos at kapangyarihan at malaman ang sangkatauhang ito na ginawang tiwali ni Satanas. Habang nararagdagan ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, lalong masusugatan ang puso ng tao at lalong magigising ang kanyang espiritu. Ang layunin ng mga ganitong uri ng paghatol ay ang paggising sa mga espiritu ng mga lubhang tiwali at pinakanalinlang sa mga tao. Walang espiritu ang tao, iyon ay, namatay ang kanyang espiritu sa matagal na panahong nakalipas at hindi niya alam na may langit, hindi alam na may Diyos, at tiyak na hindi batid na siya ay nagpupumiglas sa kailaliman ng kamatayan; paano niya posibleng malalaman na siya ay namumuhay sa buktot na impiyerno sa daigdig? Paano niya posibleng malalaman na ang nabubulok na bangkay niya ay, sa pamamagitan ng katiwalian ni Satanas, ay nahulog sa Hades ng kamatayan? Paano niya posibleng malaman na ang lahat ng bagay sa daigdig ay matagal nang sira na hindi na makukumpuni ng sangkatauhan? At paano niya posibleng malaman na ang Maylalang ay dumating sa daigdig sa ngayon at naghahanap ng isang grupo ng mga tiwaling tao na Kanyang ililigtas? Kahit matapos na maranasan ng tao ang bawat posibleng kapinuhan at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pang napukaw at tila walang tugon. Napakasama ng sangkatauhan! Bagaman ang ganitong paghatol ay tulad ng malupit na graniso na nahuhulog mula sa kalangitan, ito ang pinakadakilang pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na tulad nito, walang resulta at walang pasubali na imposibleng iligtas ang mga tao sa kailaliman ng paghihirap. Kung hindi dahil sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay namatay sa matagal ng panahon at ang kanilang mga espiritu ay matagal ng niyurakan ni Satanas. Ang pagligtas sa inyo na lumubog sa kailaliman ng kasamaan ay kinakailangan na walang humpay na tawagan kayo, na walang humpay na hatulan kayo, at sa gayon lamang na ang nagyeyelong puso ninyo ay magigising. Ang inyong katawang-tao, ang inyong mga mararangyang pagnanasa, ang inyong kasakiman, at ang inyong kalibugan ay malalim na nakaugat sa inyo. Ang mga bagay na ito ay walang tigil na kumokontrol sa inyong mga puso na kayo ay walang kapangyarihan na itakwil ang yugto ng mga piyudal at masasamang kaisipang iyon. Hindi kayo nananabik na baguhin ang inyong kasalukuyang sitwasyon, ni takasan ang impluwensya ng kadiliman. Kayo ay simpleng nakatali sa mga bagay na iyon. Kahit na alam ninyo na ang gayong buhay ay lubhang nakasasakit at ang gayong mundo ay napakadilim, magkagayunman, walang ni isa man sa inyo ang may tapang na baguhin ang ganitong uri ng buhay. Nananabik lamang kayo na tumakas sa ganitong tunay na buhay, pakawalan ang inyong mga kaluluwa mula sa purgatoryo, at mamuhay sa isang kapaligirang mapayapa, maligaya, at katulad ng langit. Hindi kayo handang tiisin ang mga kahirapan upang baguhin ang inyong kasalukuyang buhay; hindi kayo handang hanapin sa loob ng paghatol at pagkastigo na ito para sa buhay na dapat ninyong pasukan. Sa halip, nangangarap kayo ng mga hindi makatotohanang pangarap tungkol sa magandang mundo sa ibayo ng katawang-tao. Ang buhay na pinananabikan ninyo ay isa na walang pagpupunyagi ninyong makakamit nang hindi makararanas ng anumang kirot. Iyan ay ganap na hindi makatotohanan! Dahil kung ano ang inyong inaasahan ay hindi ang isabuhay ang makahulugang haba ng buhay sa katawang-tao at matamo ang katotohanan sa buong haba ng buhay, iyon ay, upang mamuhay para sa katotohanan at tumayo para sa katarungan. Hindi ito ang dapat isaalang-alang ninyo na isang maningning, nakasisilaw na buhay. Naramdaman ninyo na ito ay hindi kahali-halina o makahulugang buhay. Sa inyo, ang pagsasabuhay ng gayong buhay ay tunay na pagmamaliit ng inyong sarili! Kahit na tinanggap ninyo ang ganitong pagkastigo sa kasalukuyan, magkagayunman kung ano ang inyong hinahangad ay hindi upang makamit ang katotohanan o mamuhay sa katotohanan sa kasalukuyan, ngunit sa halip upang pumasok sa isang maligayang buhay sa ibayo ng katawang-tao sa kinalaunan. Kayo ay hindi naghahanap ng katotohanan, ni hindi naninindigan para sa katotohanan, at tiyak na kayo ay hindi nabubuhay para sa katotohanan. Hindi kayo naghahangad sa pagpasok sa ngayon, ngunit walang tigil na nag-iisip na may darating na araw kapag tumitingin kayo sa bughaw na kalangitan at umiyak ng mga mapapait na luha, umaasang dadalhin sa langit. Hindi ninyo ba alam na ang gayong pag-iisip ay wala na sa katotohanan? Nanatili kang nag-iisip na ang Tagapagligtas ng walang hanggang kabaitan at malasakit ay walang dudang darating isang araw na kukunin ka kasama Niya, ikaw na nagtiis ng kahirapan at pagdurusa sa mundong ito, at Siya ay walang dudang maghihiganti para sa inyo na nabiktima at inapi. Hindi ka ba puno ng kasalanan? Ikaw lamang ba ang nadusa sa mundong ito? Nahulog ka mismo sa sakop ni Satanas at nagdusa, at gayunma’y kailangan mo ang Diyos upang ipaghiganti ka? Yaong mga hindi mabigyang kasiyahan ang mga hinihingi ng Diyos—sila bang lahat ay mga kaaway ng Diyos? Yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—hindi ba sila ang antikristo? Ano ang silbi ng iyong mabubuting gawa? Mapapalitan ba nila sa lugar ang isang puso na sumasamba sa Diyos? Hindi mo matatanggap ang biyaya ng Diyos sa paggawa lamang ng ilang mga mabubuting gawa, at hindi ipaghihiganti ng Diyos ang mga pagkakasala laban sa iyo dahil lamang sa nabiktima o inapi ka. Yaong mga naniniwala sa Diyos ngunit hindi kilala ang Diyos, ngunit gumagawa ng mga mabubuting gawa—hindi rin ba sila kakastiguhin? Naniniwala ka lamang sa Diyos, gusto mo lamang sa Diyos na ituwid at ipaghiganti ang mga pagkakasala laban sa iyo, at nagnanais na tustusan ka ng Diyos ng pagtatakasan mula sa iyong kahirapan. Ngunit tumatanggi kang magbigay pansin sa katotohanan; ni nauuhaw na isabuhay ang katotohanan. Lalong mas mahirap na kayanin mong tumakas sa mahirap, walang katuturang buhay. Sa halip, habang isinasabuhay ang iyong buhay sa katawang-tao at iyong buhay sa kasalanan, umaasa ka sa Diyos na itama ang iyong mga karaingan at hawiin ang hamog ng iyong pag-iral. Paano ito naging posible? Kung tinataglay mo ang katotohanan, maaari mong sundan ang Diyos. Kung isinasabuhay mo, maaaring ikaw ay kahayagan ng salita ng Diyos. Kung tinataglay mo ang buhay, malalasap mo ang biyaya ng Diyos. Yaong mga nagtataglay ng katotohanan ay maaaring tamasahin ng biyaya ng Diyos. Tinitiyak ng Diyos ang pagtutuwid para sa mga taong buong pusong iniibig Siya gayundin ang pagtitiis sa mga kahirapan at mga pagdurusa, hindi para sa mga taong iniibig lamang ang kanilang mga sarili at nasilo ng mga panlilinlang ni Satanas. Paano magkakaroon ng kabutihan sa mga taong hindi umiibig sa katotohanan? Paano magkakaroon ng pagkamatuwid sa mga taong iniibig lamang ang laman? Hindi ba ang pagkamatuwid at kabutihan ay lahat sa pagtukoy sa katotohanan? Hindi ba sila nakalaan sa mga taong buong pusong iniibig ang Diyos? Yaong mga hindi umiibig sa katotohanan at na walang iba kundi mga nabubulok na mga bangkay—hindi ba ang lahat ng mga taong ito kumukupkop sa kasamaan? Yaong mga hindi kayang isabuhay ang katotohanan—hindi ba silang lahat ay mga kaaway ng katotohanan? Paano naman kayo?
Kung makatatakas ka sa mga impluwensiya ng kadiliman at ihiwalay ang iyong sarili mula sa mga maruruming bagay na iyon, kung magiging banal ka, nangangahulugan ito na tinataglay mo ang katotohanan. Hindi ibig sabihin nito na nagbago ang iyong kalikasan, ngunit nagawa mong ilagay ang katotohanan sa pagsasagawa at kayang talikdan ang laman. Ito ang tinataglay ng mga taong nilinis. Ang pangunahing layunin ng gawaing panlulupig ay linisin ang sangkatauhan upang magtaglay ang tao ng katotohanan, dahil ngayon ay nagtataglay ang tao ng napakakaunting katotohanan! Upang isakatuparan ang gawaing panlulupig sa mga taong ito ay nagtataglay ng pinakamalalim na kabuluhan. Kayo ay nahulog lahat sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman at labis na nasaktan. Ang layunin ng gawaing ito, samakatwid, ay pangyarihin ninyong malaman ang kalikasan ng tao at sa gayon isabuhay ang katotohanan. Upang gawing perpekto ay isang bagay na dapat tanggapin ng lahat ng mga nilikhang nilalang. Kung ang gawain sa yugtong ito ay sangkot lamang sa paggawang perpekto sa mga tao, samakatwid maaaring gawin ito sa Inglatera, o Amerika, o Israel; maaari itong gawin sa mga tao ng anumang bansa. Ngunit ang gawaing panlulupig ay may pinipili. Ang unang hakbang sa gawaing panlulupig ay panandalian; higit pa rito, gagamitin ito upang hamakin si Satanas at lupigin ang buong sansinukob. Ito ang panimulang gawaing panlulupig. Maaaring sabihin na sinumang nilalang na naniniwala sa Diyos ay maaaring gawing perpekto dahil upang gawing perpekto ay isang bagay na makakamit lamang pagkatapos ng pangmatagalang pagbabago. Ngunit upang malupig ay naiiba. Ang uliran sa paglupig ay dapat na ang isa na naiiwan sa kahuli-hulihan, na namumuhay sa pinakamalalim na kadiliman, gayundin ang pinakainaalipusta, ang pinaka hindi handang tanggapin ang Diyos, at ang pinakamasuwayin sa Diyos. Ito ang uri ng tao na magpapatotoo sa pagiging nalupig. Ang pangunahing layunin ng gawaing panlulupig ay ang pagtalo kay Satanas. Ang pangunahing layunin ng paggawang perpekto ng mga tao, sa kabilang banda, ay upang makamit ang mga tao. Ito ay upang pangyarihin na magpatotoo pagkatapos malupig na ang gawaing panlulupig ay inilagay dito, sa mga taong tulad ninyo. Ang layunin ay upang magtaglay ang mga tao ng pagpapatotoo pagkatapos malupig. Ang mga nalupig na taong ito ay gagamitin upang kamtin ang layunin na hamakin si Satanas. Kaya, ano ang pangunahing pamamaraan ng paglupig? Pagkastigo, paghatol, panunungayaw, at pagbunyag—gamit ang matuwid na disposisyon upang lupigin ang mga tao upang lubos silang makumbinsi, pinunan ng pananalig sa kanilang mga puso at mga bibig dahil sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Upang gamitin ang katotohanan ng salita at upang gamitin ang awtoridad ng salita upang lupigin ang mga tao at ganap na kumbinsihin sila—ito ang kahulugan ng pagiging nalupig. Yaong mga ginawang perpekto ay hindi lamang nakamit ang pagsunod pagkatapos malupig, ngunit kinaya nilang magkaroon ng kaalaman at baguhin ang kanilang disposisyon. Kilala nila ang Diyos, naranasan ang daan ng mapagmahal na Diyos at pinunan ng katotohanan. Alam nila kung paano maranasan ang gawain ng Diyos, kayang magdusa para sa Diyos, at nagtataglay ng kanilang sariling mga kalooban. Ang mga ginawang perpekto ay yaong mga nagtataglay ng tunay na pang-unawa ng katotohanan salamat sa pagkakaranas ng katotohanan. Ang mga nalupig ay yaong mga alam ang katotohanan ngunit hindi tinanggap ang tunay na kahulugan ng katotohanan. Pagkatapos na malupig, sumunod sila, ngunit ang kanilang pagsunod ay resulta lahat ng paghatol na tinanggap nila. Walang pasubaling hindi nila nauunawaan ang tunay na kahulugan ng maraming mga katotohanan. Pasalita nilang kinikilala ang katotohanan, ngunit hindi sila pumasok sa katotohanan; naiintindihan nila ang katotohanan, ngunit hindi nila naranasan ang katotohanan. Kasama sa gawain na ginagawa sa mga taong ginagawang perpekto ang mga pagkastigo at paghatol, kaalinsabay ng itinatadhana ng buhay. Ang isang tao na nagpapahalaga sa pagpasok sa katotohanan ay isang tao na gagawing perpekto. Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga taong gagawing perpekto at ang nalupig ay nasa kalagayan kung pumasok sila sa katotohanan. Yaong mga naiintindihan ang katotohanan, na pumasok sa katotohanan, at isinasabuhay ang katotohanan ay gagawing perpekto; yaong mga hindi naiintindihan ang katotohanan, na hindi pumasok sa katotohanan, iyon ay, yaong mga hindi isinasabuhay ang katotohanan, ay mga taong hindi maaaring gawing perpekto. Kung ang gayong mga tao ay magawang ganap na sumunod ngayon, samakatwid sila ay nalupig. Kung ang nalupig ay hindi hinahanap ang katotohanan—kung sumusunod sila ngunit hindi isinasabuhay ang katotohanan, kung nakikita at naririnig ang katotohanan ngunit hindi pinahahalagahan ang pagsasabuhay sa katotohanan—hindi sila maaaring gawing perpekto. Yaong mga gagawing perpekto ay isinasagawa ang katotohanan ayon sa daan ng pagka-perpekto, iyon ay, sinasagawa nila ang katotohanan na itinatag sa daan ng pagka-perpekto. Sa pamamagitan nito, tinutupad nila ang kalooban ng Diyos, at sila ay gagawing perpekto. Ang sinuman na sumusunod hanggang sa katapusan bago matapos ang gawaing panlulupig ay isang nalupig, ngunit hindi siya maaaring sabihin na isang ginawang perpekto. Ang ginawang perpekto ay tumutukoy sa mga, matapos ang gawaing panlulupig ay magwakas, ay magagawa pa rin na ipagpatuloy ang katotohanan at makamit ng Diyos. Tumutukoy ito sa mga, matapos na magwakas ang gawaing panlulupig, tumayo ng matatag sa kapighatian at isabuhay ang katotohanan. Kung ano ang kaibahan ng pagiging nalupig sa pagiging ginawang perpekto ay ang mga pagkakaiba sa mga hakbang ng paggawa at pagkakaiba sa antas kung paano pinanghahawakan ang katotohanan. Lahat ng mga taong hindi pumasok sa daan tungo sa pagka-perpekto, ibig sabihin ay yaong hindi nagtataglay ng katotohanan, sa kahuli-hulihan ay aalisin pa rin. Yaong lamang mga nagtataglay ng katotohanan at isinasabuhay ang katotohanan ang ganap na tatamuhin ang Diyos. Iyon ay, yaong isinabuhay ang imahen ni Pedro ang ginawang perpekto, habang ang lahat ng iba ay ang nilupig. Ang gawain na ginagawa sa lahat ng mga taong nilulupig ay simpleng binubuo ng pagtutungayaw, pagkakastigo, at pagpapakita ng poot, at kung ano ang darating sa kanila ay simpleng pagkamatuwid at mga panunungayaw. Ang pagkilos sa gayong uri ng tao ay upang mapurol na ibunyag—upang ibunyag ang tiwaling disposisyon na nasa loob niya upang makilala niya mismo ito at lubos na makumbinsi. Sa sandaling maging ganap na masunurin ang tao, magtatapos ang gawaing panlulupig. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi pa rin nagsisikap na maunawaan ang katotohanan, ang gawaing paglupig ay magtatapos.
May mga pamantayan na dapat matugunan kung ikaw ay gagawing perpekto. Sa pamamagitan ng iyong kapasiyahan, iyong pagtitiyaga, at iyong konsensya, at sa pamamagitan ng iyong hangarin, mararanasan mo ang buhay at tutuparin ang kalooban ng Diyos. Ito ang iyong mga pagpasok, at kung ano ang kinakailangan sa daan ng pagka-perpekto. Maaaring gawin ang gawain ng pagka-perpekto sa lahat ng mga tao. Sinumang naghahangad sa Diyos ay maaaring gawing perpekto at may oportunidad at mga kwalipikasyon na gawing perpekto. Walang mahirap at madaling alituntunin dito. Kung maaaring gawing perpekto ang isa ay nakasalalay kung ano ang hinahangad ng isa. Ang mga tao na iniibig ang katotohanan at kayang isabuhay ang katotohanan ay tiyak na kayang gawing perpekto. At ang mga tao na hindi iniibig ang katotohanan at hindi pinupuri ng Diyos ay hindi nagtataglay ng isang buhay na kinakailangan ng Diyos. Ang mga taong ito ay hindi makakayang gawing perpekto. Ang gawain ng pagka-perpekto ay para sa kapakanan lamang ng pagkamit ng mga tao, hindi isang hakbang sa pakikidigma kay Satanas, ang gawaing paglupig ay para lamang sa kapakanan ng pakikidigma kay Satanas, na ang ibig sabihin ay paggamit ng panlulupig ng tao upang talunin si Satanas. Ang panghuli ay ang pangunahing gawain, ang pinakabagong trabaho na hindi kailanman ginawa sa lahat ng mga kapanahunan. Maaaring sabihin na ang layunin ng yugtong ito ng gawain ay pangunahing lupigin ang lahat ng mga tao upang talunin si Satanas. Ang gawain ng paggawang perpekto ng mga tao—iyan ay hindi bagong gawain. Lahat ng gawain sa panahon ng yugto kapag gumagawa ang Diyos sa katawang-tao ay may pangunahing layunin ng paglupig ng mga tao. Ito ay katulad ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagtubos ng lahat ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus ay ang pangunahing gawain. Ang “pagkamit ng mga tao” ay karagdagan sa gawain sa katawang-tao at ginawa lamang pagkatapos ng pagpapako sa krus. Nang dumating at ginawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pangunahin Niyang layunin ay upang gamitin ang Kanyang pagpapako sa krus upang magwagi sa pagkaalipin sa kamatayan at Hades, upang magwagi laban sa impluwensya ni Satanas, ibig sabihin talunin si Satanas. Ito ay pagkatapos lamang na mapako sa krus si Jesus na lumakad si Pedro ng paisa-isang hakbang sa daan tungo sa pagka-perpekto. Siyempre siya ay isa sa mga taong sumunod kay Jesus habang si Jesus ay gumagawa, ngunit hindi siya ginawang perpekto sa panahong iyon. Sa halip, pagkatapos lamang na matapos ni Jesus ang Kanyang gawain na unti-unting naunawaan ni Pedro ang katotohanan at sa gayon naging perpekto. Dumating ang Diyos na nagkatawang-tao sa daigdig upang kumpletuhin lamang ang susi, mahalagang baitang ng gawain sa maiksing yugto ng panahon, hindi upang mamuhay na pangmatagalan sa gitna ng mga tao sa daigdig at nilayong gawin silang perpekto. Hindi Niya ginagawa ang gawaing iyon. Hindi Siya naghihintay hanggang sa panahon na ganap na gawing perpekto ang tao upang wakasan ang Kanyang gawain. Hindi iyan ang layunin at kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Pumarito lamang Siya upang gawin ang panandaliang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, hindi upang gawin ang pangmatagalang gawain nang pagperpekto ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan ay kumakatawan, may kakayahang maglunsad ng bagong kapanahunan at maaaring tapusin sa maikling yugto ng panahon. Ngunit kinakailangan sa pagperpekto ng sangkatauhan ang pagdadala sa tao sa isang tiyak na antas at ito ay isang gawain na nangangailangan ng mahabang panahon. Ang gawaing ito ay dapat gawin ng Espiritu ng Diyos, ngunit ginagawa ito ayon sa saligan ng katotohanan na Kanyang sinasalita sa panahon ng Kanyang gawain bilang katawang-tao. O karagdagan pa itinaas Niyang muli ang mga apostol upang gumawa ng pangmatagalang gawain ng pagpapastol upang makamit ang layunin Niya ng pagperpekto ng sangkatauhan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi gumagawa ng ganitong gawain. Nagsasalita lamang Siya tungkol sa paraan ng pamumuhay upang maunawaan ng mga tao at ibinibigay lamang sa sangkatauhan ang katotohanan, sa halip na patuloy na sinasamahan ang tao sa pagsasagawa ng katotohanan, dahil iyan ay hindi nakapaloob sa Kanyang ministeryo. Kaya hindi Niya sasamahan ang tao hanggang sa araw na ganap na maunawaan ng tao ang katotohanan at ganap na makamit ang katotohanan. Ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay magtatapos kapag pormal na pumapasok ang tao sa tamang landas ng katotohanan ng buhay pagiging perpekto, kapag ang tao ay tumapak sa tamang landas ng pagiging perpekto. Ito siyempre ay gayon din kapag puspusan Niyang tinalo si Satanas at nagwagi sa mundo. Hindi Niya inaalintana kung sa kahuli-hulihan ang tao ay pumasok sa katotohanan sa panahong iyon, ni pinapansin Niya kung ang buhay ng tao ay malaki o maliit. Wala sa mga iyan ang dapat Niyang pangasiwaan habang nagkatawang-tao Siya; wala dito ang nakapaloob sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao. Sa sandaling matapos Niya ang nilalayong gawain, tatapusin niya ang Kanyang gawain bilang nagkatawang-tao. Kaya, ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay gawaing hindi kayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos. Higit pa rito, ito ang panandaliang gawain ng pagliligtas, hindi pangmatagalang gawain sa daigdig.
Ang pagpapataas ng inyong kakayahan ay hindi nakapaloob sa sinasakupan ng Aking gawain. Hinihiling ko sa inyo na gawin lamang ito dahil napakababa ng inyong kakayahan. Sa totoo lamang ito ay hindi bahagi ng gawain ng pagiging perpekto; sa halip, ito ay isang dagdag na gawain na ginagawa sa inyo. Ang gawain na tinatapos sa inyo sa ngayon ay ginagawa ayon sa kailangan ninyo. Ito ay ayon sa indibidwal, hindi ilang daan na dapat tahakin ng lahat na ginagawang perpekto. Dahil ang kakayahan ninyo ay mas mababa kaysa sa sinuman na ginawang perpekto sa nakaraan, ang gawaing ito, kapag dumating sa inyo, ay tinutugunan ng napakaraming sagabal. Ako ay isa sa inyo na gumagawa ng dagdag na gawain dahil ang mga pinatutungkulan ng pagiging perpekto ay naiiba. Karaniwan na kapag pumaparito ang Diyos sa daigdig, nananatili Siya sa loob ng makipot na mga hangganan upang isagawa ang Kanyang gawain, hindi nag-aabala sa labis-labis na ibang gawain. Hindi Siya nakikisangkot sa mga usaping pampamilya o nakikibahagi sa mga buhay ng mga tao. Siya ay lubusang walang pakialam sa gayong maliliit na bagay; hindi sila bahagi ng Kanyang ministeryo. Ngunit ang kakayahan ninyo ay napakababa kaysa sa kung ano ang kinakailangan Ko—walang pasubali na walang itong pagkakatulad—na nagpapakita ito ng mga matitinding hamon sa gawain. Higit pa rito, dapat gawin ang gawaing ito sa mga tao sa lupaing ito ng Tsina. Kayo ay lubhang mababa ang pinag-aralan na wala Akong pagpipilian kundi ang hilingin Ko na kayo ay mag-aral. Sinabi Ko sa inyo na ito ang dagdag na gawain, ngunit ito rin ang isang bagay na dapat tinataglay ninyo, isang bagay na makikinabang ang inyong pagiging perpekto. Sa katunayan, dapat ninyong makamit ang edukasyon, batayang kaalaman sa pansariling-asal, at batayang kaalaman tungkol sa buhay bago ang lahat; hindi Ko kayo dapat kinausap tungkol sa mga bagay na ito. Ngunit dahil wala kayo ng mga bagay na ito, wala Akong pagpipilian kundi gawin ang gawain ng pagdaragdag sa kanila sa inyo pagkatapos ng katotohanan. Kahit na nagkikimkim kayo ng maraming mga pagkaintindi tungkol sa Akin, humihiling pa rin Ako sa inyo nito, humihiling pa rin na itaas ninyo ang inyong kakayahan. Hindi Ko nilayon na pumarito at gawin itong gawain, dahil ang Aking gawain ay upang lupigin kayo, kamtin lamang ang inyong ganap na kapasiyahan sa pamamagitan ng paghatol sa inyo, sa gayon itinuturo ang daan ng buhay na dapat ninyong pasukan. Sa ibang salita, kung gaano man ang inyong pinag-aralan at kung marami kayong nalalaman tungkol sa buhay ay walang pasubali na walang kinalaman sa Akin maliban lamang sa katotohanan na kailangan Kong lupigin kayo sa pamamagitan ng Aking salita. Lahat ng ito ay idinaragdag upang matiyak ang mga resulta sa gawaing panlulupig at para sa kapakanan ng inyong sumusunod na pagiging perpekto. Hindi ito isang hakbang ng gawaing panlulupig. Dahil kayo ay mayroong mababang kakayahan, at kayo ay tamad, at pabaya, at hangal, at tanga, at ungas, at bobo—dahil kayo ay labis na abnormal—hinihiling Ko sa inyo na itaas ninyo ang inyong kakayahan. Sinuman ang gustong maging perpekto ay dapat matugunan ang tiyak na pamantayan. Upang maging perpekto, dapat ang isa ay may malinaw at matinong pag-iisip at handang mamuhay ng makahulugang buhay. Kung ikaw ay isang tao na hindi handang mamuhay ng isang hungkag na buhay, isang tao na naghahangad ng katotohanan, isang taong masugid sa lahat ng bagay na ginagawa niya, at isang tao na nagtataglay ng hindi normal na pagkatao, samakatwid ikaw ay kuwalipikadong maging perpekto.
Ang gawaing ito sa ninyo ay isinasagawa sa inyo ayon sa kung anong gawain ang kinakailangang gawin. Pagkatapos ng paglupig sa mga indibidwal na ito, isang grupo ng mga tao ang gagawing perpekto. Kaya marami sa gawain ng kasalukuyan ay paghahanda rin para sa layunin ng paggawang perpekto sa inyo, dahil marami ang nagugutom sa katotohanan na maaaring gawing perpekto. Kung ang gawaing panlulupig ay isinagawa sa inyo at pagkatapos nito ay walang karagdagang gawain ang ginawa, samakatwid hindi ba ito kaso na ang ilan na nanabik ng katotohanan ay hindi makakamit ito? Naglalayon ang kasalukuyang gawain na buksan ang daan sa pagiging-perpekto ng mga tao sa kinalaunan. Bagaman ang Aking gawain ay paglupig lamang, ang paraan ng buhay na sinalita Ko gayunman ay paghahanda sa paggawang perpekto ng mga tao sa kinalaunan. Ang gawain na darating pagkatapos ng panlulupig ay tumutuon sa pagkakaperpekto ng mga tao, at kaya ang paglupig ay ginagawa upang ilatag ang saligan para sa pagperpekto. Ang tao ay maaaring gawing perpekto pagkatapos lamang na malupig. Sa ngayon ang pangunahing gawain ay lupigin: kinaulanan yaong mga naghahanap at nananabik sa katotohanan ay gagawing perpekto. Upang maging perpekto ay sangkot ang mga positibong katangian ng pagpasok ng mga tao: Nagtataglay ka ng pusong umiibig sa Diyos? Ano ang kailaliman ng iyong karanasan habang nilalakad mo ang daang ito? Gaano kadalisay ang iyong pag-ibig sa Diyos? Gaano katumpak ang iyong pagsasagawa ng katotohanan? Upang maging perpekto, dapat ang sinuman ay nagtataglay ng batayang kaalaman ng lahat ng mga aspeto ng sangkatauhan. Ito ang batayang kinakailangan. Lahat ng yaong mga hindi maaaring maging perpekto pagkatapos na malupig ay nagiging mga bagay na nagsisilbi at sa kahuli-hulihan itatapon sa lawa ng apoy at asupre at mahuhulog pa rin sa napakalalim na hukay dahil ang kanilang disposisyon ay hindi nagbago at kampon pa rin sila ni Satanas. Kung nagkukulang ang tao ng mga kwalipikasyon sa pagka-perpekto, samakatwid siya ay walang kuwenta—siya ay basura, isang kasangkapan, isang bagay na hindi kayang tiisin ang pagsubok ng apoy! Gaano kadakila ang iyong pag-ibig sa Diyos ngayon? Gaano kalala ang iyong pagkamuhi sa iyong sarili? Gaano kalalim ang pagkakakilala mo kay Satanas? Pinatigas ba ninyo ang inyong kapasiyahan? Ang buhay ba ninyo sa sangkatauhan ay mabuting napapangasiwaan? Nagbago ba ang inyong buhay? Namumuhay ba kayo ng isang bagong buhay? Nagbago ba ang pananaw ninyo sa buhay? Kung ang mga bagay na ito ay hindi nagbago, hindi ka maaaring gawing perpekto kahit na hindi ka sumuko: sa halip, ikaw lamang ay nalupig. Kapag oras na upang subukin ka, nagkukulang ka sa katotohanan, ang iyong pagkatao ay abnormal, at ikaw ay kasingbaba ng isang asal-hayop. Ikaw lamang ay nalupig, isang taong nalupig Ko lamang. Tulad ng, sa sandaling naranasan ang hagupit ng panginoon, ang isang asno ay nagiging matatakutin at takot na kumilos sa bawat pagkakataon na makita nito ang panginoon, kaya, ikaw rin itong nalupig na asno. Kung nagkukulang ang isang tao ng mga positibong aspetong iyon at sa halip ay walang kibo at matatakutin, mahiyain at atubili sa lahat ng mga bagay, hindi kayang magliming malinaw ng anumang bagay, hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ay wala pa ring landas para sa pagsasagawa, lalo pa kung walang pusong umiibig sa Diyos—kung ang isang tao ay walang pang-unawa kung paano ibigin ang Diyos, paano isabuhay ang isang makahulugang buhay, o paano maging tunay na tao—paano sumaksi ang gayong tao sa Diyos? Ipinakikita nito na ang iyong buhay ay may napakaliit na halaga at ikaw ay isa lamang nalupig na asno. Nalupig ka na, ngunit nangangahulugan lamang iyan na itinakwil mo ang malaking pulang dragon at tumatanggi na magpasailalim sa kanyang sakop; ibig sabihin nito na naniniwala ka na may isang Diyos, gustong sundin ang lahat ng mga plano ng Diyos, at walang mga reklamo. Ngunit papaano ang mga positibong aspeto? Ang kakayahan na isabuhay ang salita ng Diyos, ang kakayahan na ihayag ang Diyos—wala ka ng mga ito, na ang ibig sabihin ay hindi ka nakamit ng Diyos, at ikaw ay isa lamang na nalupig na asno. Walang kanais-nais sa iyo, at ang Banal na Espiritu ay hindi kumikilos sa iyo. Ang iyong pagkatao ay labis na nagkukulang at ito ay imposibleng gamitin ka ng Diyos. Dapat ay may pagsang-ayon ka ng Diyos at maging isandaang beses na mas mahusay kaysa mga hindi sumasampalatayang hayop at kaysa naglalakad na patay—yaong lamang mga nakarating sa antas na ito ang kuwalipikado na maging perpekto. Ito ay kung ang isa ay nagtataglay ng pagkatao at mayroong konsensya na akma na magamit ng Diyos. Tanging kapag ginawa kayong perpekto ay maaari kayong ituring na tao. Tanging ang mga ginawang perpekto lamang ang mga taong namumuhay ng mga makahulugang buhay. Ang gayong mga tao lamang ang maaaring magpatotoo na mas umaalingangaw sa Diyos.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento