Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 28, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal


Baixue Shenyang City
    Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabayad sa Diyos.

Mar 25, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang

Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa anumang yugto ng gawaing ito ang nilisan ang Israel; ang mga ito ay ang mga yugto ng gawain na natupad sa kalagitnaan ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehovah ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagkumpleto ng gawain ng pagpapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na tumubos sa mga Amerikano, ngunit Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ang nakaraang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at sa ganitong paraan, ilang mga pagkaintindi ang nabuo sa mga tao. Iniisip ng mga tao na si Jehovah ay nasa paggawa sa Israel at si Jesus Sarili Niya ay tinupad ang Kanyang gawain sa Judea—bukod pa rito, ito ay sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao na Siya ay nasa paggawa sa Judea-at anuman ang kalagayan, ang gawain na ito ay hindi na lumawak nang lampas sa Israel. Hindi Siya nasa paggawa sa mga taga Egipto; hindi Siya nasa paggawa sa mga Indiyano; nasa paggawa lamang Siya sa mga Israelita. Samakatuwid ang mga tao ay bumuo ng iba’t-ibang mga pagkaintindi; bukod pa rito, binuo nila ang plano ng gawain ng Diyos sa loob ng isang tiyak na saklaw. Sabi nila na kapag ang Diyos ay nasa paggawa, dapat itong matupad sa mga piniling tao at sa Israel; maliban sa mga Israelita, ang Diyos ay wala ng iba pang tagatanggap ng Kanyang gawain, at wala rin Siyang iba pang saklaw para sa Kanyang gawain; sila ay partikular na mahigpit sa “pagdidisiplina” ng Diyos na nagkatawang tao, hindi Siya pinapahintulutan na lumampas sa saklaw ng Israel. Hindi ba lahat ng ito ay mga pagkaintindi ng tao? Ginawa ng Diyos ang lahat ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ginawa lahat ng mga nilalang; paanong lilimitahan Niya ang Kanyang gawain na para lamang sa Israel? Kung magkagayon, ano ang silbi sa Kanya para gawin ang kabuuan ng Kanyang paglalang? Nilikha Niya ang buong sanlibutan; isinagawa Niya ang plano sa pamamahala ng anim-na libong-taon hindi lamang sa Israel kundi pati na rin sa bawat tao sa sansinukob. Hindi alintana kung sila ay nakatira sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o Rusya, isang inapo ni Adan ang bawat tao; silang lahat ay ginawa ng Diyos. Walang kahit isang tao ang maaaring umaklas mula sa saklaw ng paglalang ng Diyos, at walang kahit isang tao ang maaaring makatakas sa tatak bilang “inapo ni Adan.” Nilalang silang lahat ng Diyos, at lahat sila ay inapo ni Adan; kaapu-apuhan rin sila ng ginawang tiwaling Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilalang ng Diyos, ngunit ang lahat ng mga tao; gayon pa man, sinumpa ang ilan sa mga nilikha, at pinagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na mga bagay ang patungkol sa mga Israelita; ang Diyos sa simula ay nasa paggawa kasama nila dahil sila ang mga pinaka-di-tiwaling tao. Ang Intsik ay walang sinabi kung ihahambing sa kanila, at hindi maaaring umasa upang makapantay sila; kaya, ang Diyos ay unang gumawa sa gitna ng mga tao ng Israel, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay natupad lamang sa Judea. Bilang resulta nito, bumuo ang mga tao ng mga maraming pagkaintindi at mga maraming patakaran. Sa totoo lang, kung kikilos Siya nang ayon sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita; sa ganitong paraan hindi Niya makakayanang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil, sapagkat Siya ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita sa halip na Diyos ng lahat ng nilalang. Sinabi ng mga propesiya na magiging dakila sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah at kakalat sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah—bakit nila sasabihin ito? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa gayon Siya ay nasa paggawa lamang sa Israel. Karagdagan pa, hindi Niya palalawakin ang gawaing ito, at hindi Niya gagawin ang propesiyang ito. Dahil ginawa Niya ang propesiyang ito, kailangan Niyang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil at sa bawat bansa at lugar. Dahil sinabi Niya ito, gagawin Niya ito. Ito ang Kanyang plano, dahil Siya ay ang Panginoong lumalang ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi alintana kung Siya ay nasa paggawa kasama ang mga Israelita o sa buong Judea, ang gawain Niya ay ang gawain ng buong sansinukob at ang gawain ng lahat ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Gentil—ay ang gawain pa rin ng lahat ng sangkatauhan. Maaaring maging batayan ang Israel para sa Kanyang gawain sa lupa; gayon din naman, maaari ring ang Tsina ang maging batayan para sa Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Hindi pa ba Niya natupad ngayon ang hula na “ang pangalan ni Jehovah ay magiging dakila sa mga bansang Gentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa mga bansang Gentil ay tumutukoy sa gawain na Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Upang ang Diyos na nagkatawang-tao ay maging nasa paggawa sa lupaing ito at upang maging nasa paggawa sa mga sinumpang tao ay partikular na salungat sa mga pagkaintindi ng tao; ang mga taong ito ay ang pinakamababa at walang halaga. Ito ang lahat ng mga tao na unang inabandona ni Jehovah. Maaaring abandonahin ng mga tao ang ibang tao, ngunit kung sila ay inabandona ng Diyos, hindi magkakaroon ng katayuan ang mga taong ito, at sila ay magkakaroon ng pinakamababang halaga. Bilang isang bahagi ng paglalang, ang pagiging sakop ni Satanas o inabandona ng ibang tao ay parehong mga masasakit na bagay, ngunit kung ang isang bahagi ng paglalang ay inabandona ng Panginoon ng paglalang, nagpapahayag ito na ang kanyang katayuan ay nasa isang lubusang pagkababa. Isinumpa ang mga inapo ni Moab, at ipinanganak sila sa loob ng di-mauunlad na bansang ito; walang duda, ang mga inapo ni Moab ay ang mga taong may pinakamababang katayuan sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Dahil ang mga taong ito ay nagtataglay ng pinakamababang katayuan noong nakaraan, may kakayahang sumira ng mga pagkaintindi ng tao ang gawaing ginawa sa gitna nila, at ito rin ang gawaing pinaka-kapakipakinabang sa Kanyang buong anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Para sa Kanya ang gumawa sa gitna ng mga taong ito ay ang aksyon na tunay na may kakayahang magwasak ng pagkaintindi ng tao; dahil dito naglunsad Siya ng isang panahon; gamit ito winawasak Niya ang lahat ng pagkaintindi ng tao; sa ganito Niya tinatapos ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.

Mar 24, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Umiiral ba ang Trinidad?

    Noon lamang pagkatapos ng katotohanan na si Jesus ay maging tao saka naisip ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, pati ang Anak din, at maging ang Espiritu. Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong isang ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na yaon ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ang lahat ng sangkatauhan ay may ganitong mga paniwala: Ang Diyos ay isang Diyos, ngunit binubuo ng tatlong mga bahagi, ang lahat ng mga ito ay matinding nakatanim sa karaniwang mga paniwala na ipinalalagay na ito ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Yaong tatlong mga bahagi na pinag-isa ay ang kabuuan ng Diyos. Kung wala ang Banal na Ama, ang Diyos ay hindi magiging buo. Sa kaparehong kalagayan, hindi rin magiging buo ang Diyos kung wala ang Anak o ang Banal na Espiritu. Sa kanilang mga paniwala, pinaniniwalaan nila na kung ang Ama lamang o ang Anak lamang hindi ito maipagpapalagay na Diyos. Ang pinagsama-sama lamang na Ama, Anak, at Banal na Espiritu ang maipagpapalagay na Diyos Mismo. Ngayon, lahat ng mananampalataya, kasama ang bawat isang tagasunod na sa gitna ninyo, ay nanghahawak sa paniniwalang ito. Ngunit, maging kung ang pananampalatayang ito ay tama, walang makapagpapaliwanag, sapagkat palagi naman kayong diskumpiyado sa mga bagay patungkol sa Diyos Mismo. Bagamat ang mga ito ay mga paniwala, hindi ninyo alam kung ang mga ito ay tama o mali, sapagkat kayo’y lubhang nahawaan na ng mga relihiyosong paniwala. Tinanggap na ninyo nang husto ang ganitong mga karaniwang relihiyosong paniwala, at ang lasong ito ay dumaloy nang husto sa loob ninyo. Samakatwid, gayundin sa bagay na ito ay nagpaubaya kayo sa ganitong nakapipinsalang impluwensiya, sapagkat ang Trinidad ay hindi umiiral. Iyon ay, ang Trinidad ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay hindi umiiral. Ang mga ito ay mga karaniwang mga paniwala ng tao, at mga nakalilinlang na mga paniniwala ng tao. Sa loob ng maraming mga siglo, naniniwala ang tao sa Trinidad na ito, sa idinulot ng mga paniwalang ito sa isip ng tao, gawa-gawa ng tao, at hindi pa kailanman nakita ng tao. Sa loob ng maraming mga taon na ito, marami ng mga tanyag na teologo ang nagpaliwanag sa “totoong kahulugan” ng Trinidad, ngunit ang mga gayong paliwanag tungkol sa Trinidad bilang tatlong natatanging magkaka-ugnay na mga persona ay naging malabo at hindi malinaw, at ang lahat ay nalito sa “kaanyuan” ng Diyos. Walang dakilang tao ang kailanman ay nakapag-alok ng isang masusing paliwanag; karamihan sa mga pangangatuwiran ay pasado sa larangan ng pangangatwiran at sa kasulatan, ngunit walang sinumang tao ang may buong linaw na may pagkaintindi sa kahulugan nito. Ito ay sapagkat ang dakilang Trinidad na pinahahalagahan ng tao sa puso ay hindi talaga umiiral. Sapagkat wala pang nakakita sa totooong mukha ng Diyos o nagkaroon man ng sinumang mapalad na umakyat sa tahanan ng Diyos upang bumisita para magsuri kung anong mga bagay ang makikita sa kinaroroonan ng Diyos, upang eksaktong malaman kung ilang sampu-sampung libo o daan-daang milyon ng mga henerasyon ang nasa “tahanan ng Diyos” o upang imbestigahan kung ilang mga bahagi ang bumubuo sa likas na kaanyuan ng Diyos. Ang pangunahing dapat masuri ay: ang panahon ng Ama at ng Anak, gayundin ng Banal na Espiritu; ang kanya-kanyang anyo ng bawat persona; at paanong ganap na nangyari na Sila ay magkakahiwalay, at paano nangyaring ginawa Silang isa. Sa kasawiang-palad, sa napakaraming mga taon na ito, wala ni isa mang tao ang nakaalam sa katotohanan sa mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay haka-haka lamang, sapagkat wala ni isa mang tao ang nakaakyat sa langit para bumisita at bumalik dala ang isang “masusing pag-ulat” para sa lahat ng sangkatauhan upang iulat ang katotohanan sa lahat ng masigasig at debotong mananampalataya ng relihiyon na nakatuon tungkol sa Trinidad. Sabihin pa, ang sisi ay hindi dapat ibunton sa tao sa pagbuo niya ng gayong mga paniwala, sapagkat bakit hindi isinama ng Amang si Jehovah ang Kanyang Anak na si Jesus nang nilikha Niya ang sangkatauhan? Kung, sa pasimula, ang lahat ay natapos sa pangalan ni Jehovah, mas naging maigi pa sana ito. Kung kailangan mang manisi, hayaang ilagay ito sa panandaliang pagkalimot ng Diyos na Jehovah, na hindi tinawag ang Anak at ang Banal na Espiritu sa harap Niya sa oras ng paglikha, ngunit sa halip isinagawa ang Kanyang gawain nang mag-isa. Kung Sila ay gumawa lamang nang sabay-sabay, kung gayon ay hindi ba Sila magiging isa? Kung, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, mayroon lamang pangalang Jehovah at hindi ang pangalan ni Jesus mula sa Kapanahunan ng Biyaya, o kung Siya noon ay tinawag na Jehovah, kung gayon hindi ba palalampasin ng Diyos ang pagdurusang dulot ng paghahati ng sangkatauhan? Sa katiyakan, hindi maaaring daingan si Jehovah sa lahat ng ito; kung ang sisi ay dapat na maihayag, hayaang ilagay ito sa Banal na Espiritu, na sa libu-libong taon ay nagpatuloy sa Kanyang gawain sa pangalang Jehovah, ni Jesus, at maging ng Banal na Espiritu, ginugulo at nililito ang tao sa gayon ay hindi malaman ng tao kung sino talaga ang Diyos. Kung ang Banal na Espiritu Mismo ay gumawa nang walang anyo o imahen, at higit pa rito, walang pangalan kagaya ng kay Jesus, at hindi Siya makita o mahawakan ng tao, at naririnig lamang ang mga tunog ng kulog, kung gayon hindi ba magiging mas kapaki-pakinabang ang ganitong uri ng gawain sa tao? Kaya ano ang maaaring gawin ngayon? Ang mga paniwala ng tao ay natipong sing-taas ng bundok at sing-lawak ng dagat, hanggang sa ang Diyos sa kasalukuyan ay hindi na sila matiis at ganap na nasa kawalan. Sa unang panahon nang si Jehovah pa lang, si Jesus, at ang Banal na Espiritu sa pagitan ng dalawa, nawawala na ang tao kung paano niya kakayanin, at ngayon mayroong pagdaragdag ng Makapangyarihan, na ito man ay sinasabi ring isang bahagi ng Diyos. Sino ang nakakaalam kung sino Siya at sa kaninong persona ng Trinidad Siya nakikihalo o nakatago sa gaano mang karaming taon? Paano ito natitiis ng tao? Ang Trinidad pa lamang ay sapat na upang gugulin ng tao ang habambuhay para magpaliwanag, ngunit ngayon ay mayroong “isang Diyos sa apat na mga persona.” Paano ito maipapaliwanag? Kaya mo bang ipaliwanag ito? Mga kapatid! Papaanong kayo ay naniniwala sa ganitong uri ng Diyos hanggang sa araw na ito? Saludo Ako sa inyo. Ang Trinidad ay sapat na upang tiisin, at kahit na ngayong nagpapatuloy kayo sa pagkakaroon ng di-matinag na pananampalataya sa isang Diyos na ito sa apat na persona. Kayo ay hinihimok na lumabas, ngunit kayo ay tumatanggi. Hindi kapani-paniwala! Kakaiba talaga kayo! Ang tao ay kayang makarating hanggang sa paniniwala sa apat na Diyos at walang gagawin ukol dito; iniisip ba ninyo na ito ay milagro? Hindi ko makakayang sabihin na kayo ay maaaring makagawa ng ganito kalaking milagro! Para sabihin Ko sa inyo, sa katotohanan, ang Trinidad ay hindi umiiral saanmang dako sa mundong ito. Ang Diyos ay walang Ama at walang Anak, lalong wala itong konsepto ng kasangkapan na magkalakip na ginagamit ng Ama at ng Anak: ang Banal na Espiritu. Ang lahat ng ito ay napakalaking kamalian at hindi man lang umiiral sa mundong ito! Ngunit maging ang ganitong kamalian ay may pinagmulan at hindi ganap na walang basehan, sapagkat ang inyong mga kaisipan ay hindi ganoon kapayak, at ang inyong mga saloobin ay hindi walang katuwiran. Sa halip, ang mga ito ay masyadong angkop at malikhain, lalong hindi ang mga ito maigugupo maging ng sinumang Satanas. Ang nakakaawa ay na ang mga saloobing ito ay pawang mga kamalian at hindi man lang umiiral! Hindi pa ninyo nakita ang tunay na katotohanan; kayo ay gumagawa lamang ng mga haka-haka at mga pagkaintindi, pagkatapos ay hinahabi ninyo ang lahat sa isang kuwento upang makuha nang may pandaraya ang tiwala ng iba at upang pangibabawan ang mga pinakahangal sa mga tao na walang talino o katuwiran, nang sa gayon ay maniwala sila sa inyong kahanga-hanga at kilalang “dalubhasang mga pagtuturo.” Katotohanan ba ito? Ito ba ang paraan ng pamumuhay na dapat tanggapin ng tao? Ang lahat ng ito ay walang katuturan! Wala ni isang salita ang angkop! Sa loob ng napakaraming mga taon, ang Diyos ay pinagbaha-bahagi ninyo sa ganitong paraan, papino nang papino ang pagbabahagi sa bawat henerasyon, hanggang sa ang isang Diyos ay lantarang pinagbaha-bahagi sa tatlong Diyos. At ngayon totoong imposible na para sa tao na pagdugtung-dugtungin ang Diyos bilang isa, sapagkat pinagbaha-bahagi ninyo Siya nang pinung-pino! Kung hindi sa Aking mabilis na paggawa bago mahuli ang lahat, mahirap masabi kung gaano katagal kayong mananatiling garapal sa ganitong paraan! Sa patuloy ninyong pagbabaha-bahagi ng Diyos sa ganitong paraan, paano pa Siya magiging inyong Diyos? Makikilala pa ba ninyo ang Diyos? Makababalik pa ba kayo sa Kanya? Kung nahuli pa ng kaunti ang Aking pagdating, malamang ay pinadala na ninyo ang “Ama at Anak,” si Jehovah at si Jesus pabalik sa Israel at inari ang inyong mismong mga sarili na bahagi ng Diyos. Sa kabutihang-palad, ngayon ay ang mga huling araw. Sa wakas, ang araw na ito na matagal Ko nang hinihintay ay dumating na, at pagkatapos na Aking maisagawa ang yugto ng gawaing ito sa pamamagitan ng Aking sariling kamay saka pa lamang matitigil ang inyong pagbabaha-bahagi sa Diyos Mismo. Kung hindi dahil dito, maaaring kayo ay namayagpag na, naipapatong na ang lahat ng mga Satanas sa gitna ninyo sa mga dambana upang sambahin. Ito ay inyong pakana! Ang inyong pamamaraan sa pagbabaha-bahagi sa Diyos! Magpapatuloy pa rin ba kayo ngayon? Hayaan ninyong tanungin Ko kayo: Gaano ba karami ang Diyos? Aling Diyos ang magdadala sa inyo sa kaligtasan? Ito ba ang unang Diyos, ang ikalawa, o ang ikatlo na palagi ninyong dinadalanginan? Alin sa Kanila ang palagi ninyong pinaniniwalaan? Ito ba ang Ama? O ang Anak? O ito ba ang Espiritu? Sabihin mo sa Akin kung sino ang iyong pinaniniwalaan. Bagamat sa bawat salita na iyong sinasabi na naniniwala ka sa Diyos, ang inyong totoong pinananiniwalaan ay ang inyong sariling utak! Wala talaga kayong Diyos sa inyong puso! At gayunman sa inyong mga isip ay isang bilang ng gayong mga “Trinidad”! Hindi ba kayo sumasang-ayon?

Mar 19, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Nakita Ko ang Proteksyon ng Diyos sa Isang Karanasan

kapalaran, katotohanan, Salita ng Diyos, Karanasan, Jesus
Yongxin, Siyudad ng Yibin, Lalawigan ng Sichuan
    Hindi kami kailanman naniwala sa Diyos dati. Noong 2005, sa pag-angat ng Diyos, ang aking asawa, aking biyenan, aking tiyo at ako ay tinanggap ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Hindi nagtagal, ang iglesia ay nagsaayos para sa akin na gawin ang katungkulan ng pag-iingat ng mga libro. Pagkaraan nito, ang aming bahay ay nasunog, at sa panahon ng sunog na ito natanggap namin ang mahimalang proteksyon ng Diyos. Ang Diyos ay totoong makapangyarihan!
    Isang araw noong Marso ng taong 2006, pagkatapos ng tanghalian bandang ika-1 ng hapon, ay nagniniyebe nang malakas sa labas. Ang aking asawa, anak na babae at ako ay nasa loob, pinapainit ang aming mga sarili sa apoy at naghihimay ng mais, nang bigla namin narinig ang isang tinig mula sa labas na malakas na sumisigaw, “Ang inyong bahay ay nasusunog! Bilisan ninyo, lumabas kayo at patayin ito!” Dali-dali kaming tumakbo palabas, at nakita na ang sunog ay natupok na ang bubong ng kusina at babuyan. Tatlong di-mananampalataya ang tumulong sa amin na labanan ang apoy, at sumigaw, “Halikayo at tumulong patayin ang sunog!” Dalawang katabing baryo ang nakarinig ng aming mga sigaw, at agad tatlumpu o apatnapung katao ang dumating upang tumulong sa amin na labanan ang sunog. Sa oras na iyon, narinig ko ang isang tao na nagsabi, “Hindi ba naniniwala sa Diyos ang pamilyang ito? Paano nangyari ang sunog sa kanila? Ngayon na ang kanilang bahay ay nasunog, tingnan kung sila ay naniniwala pa rin sa Diyos.” Sa oras na iyon, wala akong pakialam sa kanilang mga sinasabi. Nakita ko na ang sunog ay nagiging mas masidhi. Isang malakas na hangin ang nagdala sa nagngangalit na liyab direktang papunta sa pangunahing bahagi ng aming bahay. Ako ay lubos na nabahala sa aking puso, sapagkat nasa bahay ang mga libro ng iglesia at ang trigo ng aming pamilya. Sa sandaling ito ng kawalan ng pag-asa, ang magagawa ko lamang ay tumawag ng tuloy-tuloy sa Diyos: “O Diyos! Nawa ay patnubayan mo at protektahan ang mga libro ng iglesia at ang aming mga trigo, huwag Mo hayaan na masunog ang mga ito.” Pagkatapos ko manalangin, isang himala ang nangyari. Ang hangin ay biglang nagbago ng direksyon; noon lamang ako naging mas hindi nabalisa sa aking puso, yamang alam ko na ang mga bagay sa loob ng aming bahay ay protektado lahat. Sa pagkarinig sa mga tao na lumalaban sa sunog na pinag-uusapan kung gaano kalaking pera ang halaga ng mga bagay na nasunog, agad naming naalala na may dalawang baboy sa babuyan. Ang aking asawa ay tumakbo upang iligtas ang mga ito; hindi nagtagal nang siya ay nakapasok, biglang nalaglag ang isang nasusunog na tipak at humarang sa daanan ng pintuan. Sa pagkakita ko nito ang aking puso ay lumukso sa aking lalamunan, at desperado akong umiyak sa Diyos sa aking puso, nagmamakaawa sa Kaniya na patnubayan at protektahan ang aking asawa. Lahat ng mga hindi mananampalataya ay nag-alala na ang aking asawa ay nasa malaking panganib. Gayunman, habang ang lahat ay nakamasid, ang aking asawa sa huli ay lumabas mula sa sunog na ligtas at maayos, itinutulak ang dalawang baboy na tumitimbang ng higit sa limampung kilo bawat isa. Sa oras na ito, ang aking puso sa wakas ay naging kalmado. Ang sunog ay tumagal sa loob ng isang oras o higit pa, sa kalahatan ay sumunog sa kusina at dalawang babuyan, na nagresulta sa tinatantyang kawalan na higit sa apat na libong yuan.

Mar 15, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Sa Gitna ng Kasakunaan Nakita Ko ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Sa Gitna ng Kasakunaan Nakita Ko ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Li Jing, Beijing
Agosto 7, 2012
    Nang araw na iyon, nagsimulang umulan sa umaga. Nagtungo ako sa pulong sa bahay ng isa kong kapatid na lalaki, habang palakas nang palakas ang ulan. Kinahapunan ito’y lumalagunos na para bang nagmumula mismo sa langit. Nang matapos na ang aming pagpupulong, ang ulan ay nakapasok na sa patyo ng aking kapatid na lalaki, ngunit dahil ako’y nag-aalala sa aking pamilya, nagpumilit akong umuwi. Sa kalagitnaan ng pagpunta roon, ang ilang mga taong lumilikas ay nagsabi sa akin, “Hindi ka ba lilikas, uuwi ka pa rin ba?” Pagdating ko sa bahay, nagtanong ang aking anak, “Hindi ka ba inanod ng baha?” Noon ko lamang napagtanto na wala ang Diyos sa aking puso. Hindi kalaunan, ang asawa ng kapitbahay kong kapatid na babae ay umakyat sa bubungan at nakita niya na ang mga kabahayang malapit sa amin ay tinangay ng baha. Lumalakas ang agos at ang asawa ng kapatid na babae ay ipinipilit na iakyat na ang kanilang anak sa itaas ng bundok, ngunit ayaw niya. Kaming magkakapatid na babae ay pinag-usapan ito, na ang pakikipagtalo ng asawang lalaki na gaya nito ay kalooban ng Diyos; sa gayo’y noon lamang kami sumunod sa kanya patungo sa bahay sa riles sa ibabaw ng bundok upang doon magpalipas ng gabi. Doon ay narinig namin mula sa mga nagsilikas mula sa kasakunaan kung gaano kapanganib ang daluyong ng baha, at kung paano ang mga tao ay nagsilikas sa iba’t ibang dako; ang iba’y umakyat sa bubungan, ang ilan ay naanod, ang iba’y nasangat sa mga puno …

Mar 14, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon

Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon

Zhang Jin, Beijing
August 16, 2012
    Ako’y isang matandang kapatid na may kapansanan sa dalawang paa. Kahit na ang panahon ay maaliwalas, hirap ako sa paglalakad, subalit nang ang tubig baha ay tatangayin na ako, ipinahintulot ng Diyos na mahimalang makaligtas ako sa panganib.
    Noon ay Hulyo 21, 2012. Nang araw na iyon isang humuhugos na ulan ang bumuhos, at nagkataong ako’y nasa labas na tumutupad ng aking tungkulin. Pagkatapos ng ika-4:00 n.h., hindi pa rin tumigil ang ulan. Nang matapos ang aming pulong, sinuong ko ang ulan at sumakay ng bus pauwi. Habang nasa byahe, lalong lumakas pa ang ulan, at nang ang bus ay kailangang tumigil bago ang sa amin, sinabihan ng tsuper ang mga pasahero, “Hindi na makapagpapatuloy ang bus na ito; ang daan sa unahan ay gumuho.” Wala nang ibang magagawa, kaya wala akong mapagpipilian kundi ang bumaba ng bus at maglakad na pauwi. Hindi nangangahas na iwan ang Diyos, patuloy akong nananalangin sa aking puso. Dahil sa puwersa ng delubyo, lubos na nilamon ng tubig ang kalsada. Sinubukan kong magpatuloy sa pamamagitan ng paghawak sa mga haliging semento na nakahilera sa kalsada, na ako’y umusad nang paisa-isang hakbang. Noon ay narinig kong may sumisigaw sa likuran ko, “Huwag ka nang magpatuloy! Bilis; umikot at bumalik ka na! Hindi ka makakadaan; malalim ang tubig at napakabilis ng agos. Kapag natangay ka nito, hindi kita kayang sagipin!” Nang panahong iyon, hindi na ako makasulong o umurong man sapagkat ang tubig ay umabot na sa aking dibdib. Hindi ko na tinangkang magpatuloy kaya ang aking nagawa ay manalangin sa Diyos at mamanhik na gumawa Siya ng daan palabas dito: “Diyos! Ipinahintulot po Ninyong sapitin ko ito, at nasa Inyong mga kamay kung ako’y mabubuhay o mamamatay. Kung ang tubig ay bumaba nang may kahit kalahating piye, kakayanin kong magpatuloy sa pagsulong. Diyos, gawin mo ang Iyong kalooban; handa akong ipagkatiwala ang aking buhay sa Iyo!” Matapos kong masambit ang panalanging ito, ako ay napanatag at nanahimik. Nagunita ko ang isa sa mga winika ng Diyos: “Ang mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay ay itinatatag at ginagawang ganap sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig at kasama Ako anumang bagay ay kayang maisakatuparan” (Mga Wika at Patotoo ni Cristo sa Pasimula). Ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pananampalataya at lakas ng loob. Sapagkat ang kalangitan at kalupaan at lahat ng mga bagay ay nasa kamay ng Diyos, batid kong gaano man kalupit ng delubyong ito, di ito makalalampas sa kakayahan ng Diyos. Wala ni isa man ang maaaring asahan; ang aking anak na lalaki, anak na babae… wala ni isa man ang may kakayanang ingatan ang isa’t-isa. Nanalig ako na hangga’t ako’y nananahan sa Diyos, walang anumang pagsubok ang di ko malalampasan. Nang sandaling iyon, isang himala ang naganap. Ang agos ay humina nang humina hanggang sa ito’y hindi na kasing-tindi ng agos ilang sandali lang ang nakaraan, at ang mga haliging semento na nakahilera sa daan ay unti-unting lumitaw. Tunay nga, ang tubig ay bumaba nang may kalahating piye mula sa aking dibdib. At sa gayon, lumakad ako doon, paunti-unti, sa pamamatnubay ng Diyos. Kung hindi dahil sa kagandahang-loob at pag-iingat ng Diyos, hindi ko alam kung saan na ako tinangay ng baha. Mula sa kaibuturan ng aking puso, ipinahahayag ko ang aking pasasalamat at pagpupuri, na nagpapasalamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagbibigay ng Diyos sa akin ng ikalawang pagkakataon sa buhay.

Mar 13, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos

Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos

Hong Wei, Beijing
August 15, 2012
    Noong Hulyo 21, 2012, isang napakalakas na ulan ang nagpasimulang bumuhos. Nang araw na iyon, nagkataong mayroon akong tungkuling gagampanan, kaya pagkatapos ng aming pagpupulong at nakita kong tumila ang ulan, nagmadali akong umuwi sakay ng aking bisikleta. Pagkarating ko lamang sa lansangang bayan saka ko natuklasang ang tubig ay rumaragasa mula sa bundok na gaya ng isang talon, at ang kalsada ay nakalubog sa umaagos na tubig ulan na anupa’t hindi na ito makita pa. Nahintakutan ako sa aking nakita, kaya sa puso ko ay walang-lubay akong nanawagan, “Diyos! Nagsusumamo ako Sa’yo na dagdagan ang aking pananampalataya at lakas ng loob. Ngayon ang panahon na ibig Mong manindigan akong saksi. Kung hahayaan Mo akong matangay ng tubig, sa gayon ay naroon din ang Iyong mabuting layunin para rito. Handa akong pasakop sa iyong pangangasiwa at pagsasaayos.” Pagkatapos kong manalanging gaya nito, napanatag ako; hindi na ako ganoon katakot, at patuloy na hinarap ang bagyo pauwi sa bahay. Sinong nakaaalam na higit pang malaking panganib ang naghihintay sa akin? Sa daan pauwi sa aking bahay ay may matarik na dalisdis. Dahil sa bagong lagay na aspalto at sa tubig ulan na umaagos mula sa dalisdis, ang dalawang preno ng bike sa unahan ay di gumagana habang palusong ako. Sa paanan ng burol na ito ay may isang kalsadang patungo sa Pambansang Ruta 108, at sa kabilang bahagi nito ay hilera ng mga puno. Sa ibayo noon ay ang agos ng ilog; kung hindi ko mapababagalan ang aking takbo, sa gayo’y wala akong mapagpipilian kundi sumalpok sa mga punong iyon, at posible pang mahulog ako sa ilog. Ang mga kahihinatnan noon…. naisip ko, Ngayon, mapapahamak ako! Habang iniisip ko ito, may kung anong lakas na nanggaling kung saan ang biglang nagpabagsak sa akin mula sa aking bisikleta. Ang bugso ng bisikleta ay tinangay ako, at nadala ako hanggang sa interseksyon sa paanan ng burol. Sa tagpong iyon, dalawang kotse ang nagkataong dumaang magkasabay sa mismong harap ko. Muntik na! Buti na lang, sa gitna ng kagipitang ito, iniligtas ako ng Diyos.

Mar 7, 2018

Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Wenzhong, Beijing
Agosto 11, 2012
   Noong gabi ng Hulyo 21, 2012, nagkaroon ng malaking baha sa amin na hindi karaniwang nangyayari. Nais kong ipahayag sa lahat ng nauuhaw sa Diyos ang aking talagang naranasan at nakita nang araw na iyon.
    Nang araw na inasikaso naming mag-asawa ang bakuran ng kamalig ng aking kapatid na babae. Kinagabihan, patuloy na bumuhos ang napakalakas na ulan at natulog kami nang maaga. Pagpatak ng alas tres kwarenta’y singko ng madaling araw ay ginising kami ng tawag ng aking bayaw na nagsasabing, “Bubuksan nila ang prinsa! Lahat ay babahain! Kailangan nating agad na lumikas!” Nang marinig ko ito ay natulos ako at ang naibulong ko lamang sa Diyos sa kaibuturan ng aking puso ay ang mga katagang, “Diyos ko! Diyos ko!” Ang tanging naisip kong isalba ay ang elektronikong scooter at MP5 player at TF card na ginagamit ko upang makinig ng mga himno at sermon. Bagama’t lito at matindi ang takot ay pumunta ako sa garahe upang itulak palabas ang elektronikong scooter at pinatakbo pauwi ng bahay upang masiguro ko ang kalagayan ng aking mga aklat ukol sa mga salita ng Diyos at ako ay nag-aalala rin sa kalagayan ng aking biyenan at mga anak. Nagmaneho ako sa kahabaan ng pangunahing kalsada subalit dahil hindi ako makakita nang mabuti sa gitna ng malakas na ulan, nabangga ko ang isang tipak ng aspalto na inanod ng malaking baha at ako ay tumilapon kasama ang aking scooter sa tubig. Taimtim akong nanalangin, “O Diyos, ito po ay batay sa Iyong katuwiran kung ako ay maanod ng baha ngayon. Iligtas Mo ako at gagawin ko ang aking tungkulin nang mabuti simula ngayon!” Ang kabiyak ng aking sapatos ay naanod na ng baha kaya minabuti kong magtungo sa pangunahing kalsada. Subalit nanghina ako sa aking nakita; ang kabilang kalsada ay nakabakod at hindi ako makaliban. Nahulog muli ako sa tubig at ang kabilang sapatos ko ay inanod na rin. Tumaas na ang baha sa aking hita at wala akong magawa kundi subukang makaliban sa ikatlong pagkakataon habang tahimik na nananalangin. Sa pagkakataong iyon, tatlong mag-anak ang lumitaw mula sa isa sa ilang kulungan ng baboy at nabuhayan ako ng loob sa pasasalamat sa Diyos. Sumabay ako sa kanila at nagsimulang tunguhin ang pangunahing kalsada nang biglang dumating ang aking asawa. Gumamit siya ng drill upang makagawa ng butas sa kawad na bakod at ako ang unang nakaliban sa pangunahing lansangan nang nakayapak. Sa timog ay may kurba ng ilog na dumadaloy pahilaga, at sa hilaga ang pangunahing daan ay lubog sa tubig na dumadaloy patimog, kaya kami ay naipit sa gitna at wala kaming magagawa kundi baybayin ang patungong pangunahing kalsada.

Mar 6, 2018

Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

     Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:
  Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa ‘Puting Ulap’”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Peb 12, 2018

Ang tinig ng Diyos | Tanging ang mga Ginawang Perpekto ang Maaaring Mamuhay ng Makahulugang Buhay

 krus, buhay, katotohanan, Jesus, iglesia

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Tanging ang mga Ginawang Perpekto ang Maaaring Mamuhay ng Makahulugang Buhay

    Sa katunayan, ang gawain na ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang dating ninuno. Nilalayon ng lahat ng mga paghatol ayon sa salita na ilantad ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at mangyaring maipaunawa sa mga tao ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumatagos lahat sa mga puso ng mga tao. Tuwirang nakaaapekto ang bawat paghatol sa kanilang kapalaran at sinadyang sugatan ang kanilang mga puso upang mapakawalan nila ang lahat ng mga bagay na iyon at sa gayon mapanuto sa buhay, malaman ang maruming mundong ito, at malaman din ang karunungan ng Diyos at kapangyarihan at malaman ang sangkatauhang ito na ginawang tiwali ni Satanas. Habang nararagdagan ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, lalong masusugatan ang puso ng tao at lalong magigising ang kanyang espiritu. Ang layunin ng mga ganitong uri ng paghatol ay ang paggising sa mga espiritu ng mga lubhang tiwali at pinakanalinlang sa mga tao. Walang espiritu ang tao, iyon ay, namatay ang kanyang espiritu sa matagal na panahong nakalipas at hindi niya alam na may langit, hindi alam na may Diyos, at tiyak na hindi batid na siya ay nagpupumiglas sa kailaliman ng kamatayan; paano niya posibleng malalaman na siya ay namumuhay sa buktot na impiyerno sa daigdig? Paano niya posibleng malalaman na ang nabubulok na bangkay niya ay, sa pamamagitan ng katiwalian ni Satanas, ay nahulog sa Hades ng kamatayan? Paano niya posibleng malaman na ang lahat ng bagay sa daigdig ay matagal nang sira na hindi na makukumpuni ng sangkatauhan? At paano niya posibleng malaman na ang Maylalang ay dumating sa daigdig sa ngayon at naghahanap ng isang grupo ng mga tiwaling tao na Kanyang ililigtas? Kahit matapos na maranasan ng tao ang bawat posibleng kapinuhan at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pang napukaw at tila walang tugon. Napakasama ng sangkatauhan! Bagaman ang ganitong paghatol ay tulad ng malupit na graniso na nahuhulog mula sa kalangitan, ito ang pinakadakilang pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na tulad nito, walang resulta at walang pasubali na imposibleng iligtas ang mga tao sa kailaliman ng paghihirap. Kung hindi dahil sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay namatay sa matagal ng panahon at ang kanilang mga espiritu ay matagal ng niyurakan ni Satanas. Ang pagligtas sa inyo na lumubog sa kailaliman ng kasamaan ay kinakailangan na walang humpay na tawagan kayo, na walang humpay na hatulan kayo, at sa gayon lamang na ang nagyeyelong puso ninyo ay magigising. Ang inyong katawang-tao, ang inyong mga mararangyang pagnanasa, ang inyong kasakiman, at ang inyong kalibugan ay malalim na nakaugat sa inyo. Ang mga bagay na ito ay walang tigil na kumokontrol sa inyong mga puso na kayo ay walang kapangyarihan na itakwil ang yugto ng mga piyudal at masasamang kaisipang iyon. Hindi kayo nananabik na baguhin ang inyong kasalukuyang sitwasyon, ni takasan ang impluwensya ng kadiliman. Kayo ay simpleng nakatali sa mga bagay na iyon. Kahit na alam ninyo na ang gayong buhay ay lubhang nakasasakit at ang gayong mundo ay napakadilim, magkagayunman, walang ni isa man sa inyo ang may tapang na baguhin ang ganitong uri ng buhay. Nananabik lamang kayo na tumakas sa ganitong tunay na buhay, pakawalan ang inyong mga kaluluwa mula sa purgatoryo, at mamuhay sa isang kapaligirang mapayapa, maligaya, at katulad ng langit. Hindi kayo handang tiisin ang mga kahirapan upang baguhin ang inyong kasalukuyang buhay; hindi kayo handang hanapin sa loob ng paghatol at pagkastigo na ito para sa buhay na dapat ninyong pasukan. Sa halip, nangangarap kayo ng mga hindi makatotohanang pangarap tungkol sa magandang mundo sa ibayo ng katawang-tao. Ang buhay na pinananabikan ninyo ay isa na walang pagpupunyagi ninyong makakamit nang hindi makararanas ng anumang kirot. Iyan ay ganap na hindi makatotohanan! Dahil kung ano ang inyong inaasahan ay hindi ang isabuhay ang makahulugang haba ng buhay sa katawang-tao at matamo ang katotohanan sa buong haba ng buhay, iyon ay, upang mamuhay para sa katotohanan at tumayo para sa katarungan. Hindi ito ang dapat isaalang-alang ninyo na isang maningning, nakasisilaw na buhay. Naramdaman ninyo na ito ay hindi kahali-halina o makahulugang buhay. Sa inyo, ang pagsasabuhay ng gayong buhay ay tunay na pagmamaliit ng inyong sarili! Kahit na tinanggap ninyo ang ganitong pagkastigo sa kasalukuyan, magkagayunman kung ano ang inyong hinahangad ay hindi upang makamit ang katotohanan o mamuhay sa katotohanan sa kasalukuyan, ngunit sa halip upang pumasok sa isang maligayang buhay sa ibayo ng katawang-tao sa kinalaunan. Kayo ay hindi naghahanap ng katotohanan, ni hindi naninindigan para sa katotohanan, at tiyak na kayo ay hindi nabubuhay para sa katotohanan. Hindi kayo naghahangad sa pagpasok sa ngayon, ngunit walang tigil na nag-iisip na may darating na araw kapag tumitingin kayo sa bughaw na kalangitan at umiyak ng mga mapapait na luha, umaasang dadalhin sa langit. Hindi ninyo ba alam na ang gayong pag-iisip ay wala na sa katotohanan? Nanatili kang nag-iisip na ang Tagapagligtas ng walang hanggang kabaitan at malasakit ay walang dudang darating isang araw na kukunin ka kasama Niya, ikaw na nagtiis ng kahirapan at pagdurusa sa mundong ito, at Siya ay walang dudang maghihiganti para sa inyo na nabiktima at inapi. Hindi ka ba puno ng kasalanan? Ikaw lamang ba ang nadusa sa mundong ito? Nahulog ka mismo sa sakop ni Satanas at nagdusa, at gayunma’y kailangan mo ang Diyos upang ipaghiganti ka? Yaong mga hindi mabigyang kasiyahan ang mga hinihingi ng Diyos—sila bang lahat ay mga kaaway ng Diyos? Yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—hindi ba sila ang antikristo? Ano ang silbi ng iyong mabubuting gawa? Mapapalitan ba nila sa lugar ang isang puso na sumasamba sa Diyos? Hindi mo matatanggap ang biyaya ng Diyos sa paggawa lamang ng ilang mga mabubuting gawa, at hindi ipaghihiganti ng Diyos ang mga pagkakasala laban sa iyo dahil lamang sa nabiktima o inapi ka. Yaong mga naniniwala sa Diyos ngunit hindi kilala ang Diyos, ngunit gumagawa ng mga mabubuting gawa—hindi rin ba sila kakastiguhin? Naniniwala ka lamang sa Diyos, gusto mo lamang sa Diyos na ituwid at ipaghiganti ang mga pagkakasala laban sa iyo, at nagnanais na tustusan ka ng Diyos ng pagtatakasan mula sa iyong kahirapan. Ngunit tumatanggi kang magbigay pansin sa katotohanan; ni nauuhaw na isabuhay ang katotohanan. Lalong mas mahirap na kayanin mong tumakas sa mahirap, walang katuturang buhay. Sa halip, habang isinasabuhay ang iyong buhay sa katawang-tao at iyong buhay sa kasalanan, umaasa ka sa Diyos na itama ang iyong mga karaingan at hawiin ang hamog ng iyong pag-iral. Paano ito naging posible? Kung tinataglay mo ang katotohanan, maaari mong sundan ang Diyos. Kung isinasabuhay mo, maaaring ikaw ay kahayagan ng salita ng Diyos. Kung tinataglay mo ang buhay, malalasap mo ang biyaya ng Diyos. Yaong mga nagtataglay ng katotohanan ay maaaring tamasahin ng biyaya ng Diyos. Tinitiyak ng Diyos ang pagtutuwid para sa mga taong buong pusong iniibig Siya gayundin ang pagtitiis sa mga kahirapan at mga pagdurusa, hindi para sa mga taong iniibig lamang ang kanilang mga sarili at nasilo ng mga panlilinlang ni Satanas. Paano magkakaroon ng kabutihan sa mga taong hindi umiibig sa katotohanan? Paano magkakaroon ng pagkamatuwid sa mga taong iniibig lamang ang laman? Hindi ba ang pagkamatuwid at kabutihan ay lahat sa pagtukoy sa katotohanan? Hindi ba sila nakalaan sa mga taong buong pusong iniibig ang Diyos? Yaong mga hindi umiibig sa katotohanan at na walang iba kundi mga nabubulok na mga bangkay—hindi ba ang lahat ng mga taong ito kumukupkop sa kasamaan? Yaong mga hindi kayang isabuhay ang katotohanan—hindi ba silang lahat ay mga kaaway ng katotohanan? Paano naman kayo?

Peb 10, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Paano Matatanggap ng Tao ang Pahayag ng Diyos na Kanyang Tinukoy sa Kanyang Pagkaintindi?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Paano Matatanggap ng Tao ang Pahayag ng Diyos na Kanyang Tinukoy sa Kanyang Pagkaintindi?

    Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang hangarin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, ang paraan kung paano Siya gumagawa ay patuloy na nagbabago, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Kapag mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, iyon ay dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago na ang mga hindi nakakakilala sa gawa ng Banal na Espiritu at ang yaong mga hibang na tao na hindi nakakaalam sa katotohanan at nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kahit minsan nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pag-iisip ng tao, dahil ang Kanyang gawain ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya kahit minsan inuulit ang gawaing luma sa halip ay sumusulong sa gawaing kailanman ay hindi pa nagawa. Dahil ang Diyos ay hindi nag-uulit ng Kanyang gawain at ang tao ay walang paltos na naghuhusga sa gawain ng Diyos ngayon batay sa Kanyang gawain sa nakaraan, iyon ay lubhang mahirap para sa Diyos na ipagpatuloy ang bawat yugto ng gawain sa bagong kapanahunan. Nagpapakita ang tao ng mas maraming balakid! Ang pag-iisip ng tao ay masyadong makitid! Walang tao ang may alam sa gawain ng Diyos, gayon pa man lahat sila ay nagpapakahulugan sa ganoong gawain. Malayo sa Diyos, nawawalan ng buhay, katotohanan, at mga biyaya ng Diyos ang tao, gayon man ni hindi rin tanggap ng tao ang buhay o katotohanan, mas lalo na ang mas malaking biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Ninanais ng lahat ng tao na makamit ang Diyos ngunit hindi kayang tiisin ang anumang pagbabago sa gawain ng Diyos. Ang sinumang hindi tumanggap sa bagong gawain ng Diyos ay naniniwala na ang gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, at na ang gawain ng Diyos ay magpakailanmang nananatiling nakapirmi. Sa kanilang paniniwala, ang tangi lamang kailangan upang makamit ang walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos ay sa pagsunod sa kautusan, at habang sila ay nagsisisi at nangungumpisal ng kanilang kasalanan, ang puso ng Diyos ay masisiyahan magpakailanman. Kanilang ipinapalagay na ang Diyos ay maaari lamang na Diyos sa ilalim ng kautusan at ang Diyos na ipinako sa krus para sa tao; kanila ding ipinagpalagay na ang Diyos ay hindi dapat at hindi maaaring humigit sa Biblia. Tiyak na ang mga opinyong ito ang mahigpit na nagtatanikala sa kanila sa kautusan ng nakaraan at pinanatili silang nakakadena sa mahigpit na mga tuntunin. Mas marami ang naniniwala na anuman ang bagong gawain ng Diyos, ito ay kailangang mapatunayan ng mga hula, at sa bawat yugto ng gayong gawain, ang lahat ng sumusunod sa Kanya nang may katapatan ng puso ay dapat mapakitaan ng mga pahayag, kung hindi ang gawaing iyon ay hindi sa Diyos. Hindi na madaling tungkulin para sa tao na makilala ang Diyos. Bilang karagdagan sa mangmang na puso ng tao at ng kanyang mapanghimagsik na kalikasan ng kapalaluan at kayabangan, sa gayon ito ay mas higit na mahirap para sa tao na tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Hindi pinag-aaralan ng tao ang bagong gawain ng Diyos nang maingat ni tinatanggap ito nang may pagpapakumbaba; sa halip, ang tao ay pumapanig sa asal na pag-aalipusta, naghihintay sa mga paghahayag at paggabay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng tao na naghihimagsik at tumututol sa Diyos? Paano makakamit ng ganoong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?

Peb 9, 2018

Ang tinig ng Diyos | Tanging ang mga Kilala ang Diyos at Kanyang mga Gawa ang Makapagbibigay Kasiyahan sa Diyos

katotohanan, Langit, Cristo, buhay, Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Tanging ang mga Kilala ang Diyos at Kanyang mga Gawa ang Makapagbibigay Kasiyahan sa Diyos

    Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging laman, di Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupat ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, di pa rin naniwala sa Kanya o kinilala man lang Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayanang magpatotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkod sa Diyos, ang pagluluwalhati sa Diyos—hindi ba ito mga mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga walang katunayan at di-praktikal na mga bagay na ito, hindi ba gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka magiging matalik na kaibigan ng Diyos kung hindi mo naman kilala kung sino ang Diyos? Hindi ba ang ganitong pagsisikap ay malabo at mahirap maunawaan? Hindi ba ito mapanlinlang? Paano ba maging matalik na kaibigan ng Diyos? Ano ba ang makabuluhang kahalagahan ng pagiging malapit sa Diyos? Maaari ka bang maging matalik na kaibigan ng Espiritu ng Diyos? Kaya mo bang makita kung gaano kadakila at kabunyi ang Espiritu? Ang maging matalik na kaibigan ng di-nakikita at di-nahahawakang Diyos—hindi ba iyon malabo at mahirap maunawaan? Ano ang praktikal na kahalagahan ng ganiyang pagsisikap? Hindi ba ang lahat ng ito ay mga mapanlinlang na kasinungalingan? Ang pinagsisikapan mo ay maging matalik na kaibigan ng Diyos, gayong sa totoo lang ikaw ay masunuring aso ni Satanas, dahil hindi mo kilala ang Diyos, at pinagsisikapan mo ang di-umiiral na “Diyos ng lahat ng mga bagay” na di-nakikita at di-nahahawakan at mula sa iyong mga sariling pagkaintindi. Sa malabong pananalita, ang gayong “Diyos” ay si Satanas, at sa praktikal na pananalita, ito ay ikaw sarili mo. Matalik na kaibigan mo ang iyong sarili ngunit sinasabi mo na nagsisikap ka para maging matalik na kaibigan ng Diyos—hindi ba iyon isang paglalapastangan? Ano ang halaga ng gayong pagsisikap? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi maging tao, ang sangkap ng Diyos Mismo ay magiging di-nakikita, di-nahahawakang Espiritu, walang anyo at walang hugis, di-malapitan at di-maunawaan ng mga tao. Paano magiging matalik na kaibigan ng tao ang isang walang katawan, kamangha-mangha, at di-maarok na Espiritu na gaya nito? Hindi ba ito isang biro? Ang ganitong kakatuwang pangangatuwiran ay hindi tama at hindi praktikal. Ang nilikhang mga tao ay ibang-iba sa Espiritu ng Diyos, kaya paano sila magiging matalik na magkaibigan? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi naging laman, kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao at nagpakumbaba sa Sarili Niya upang maging nilalang, ang taong nilalang ay walang kakayanan at hindi magiging Kanyang matalik na kaibigan, at maliban sa mga mananampalatayang maka-Diyos na may pagkakataong maging mga matalik na kaibigan ng Diyos matapos makapasok ang kanilang kaluluwa sa langit, karamihan sa mga tao ay hindi maaaring maging mga matalik na kabigan ng Diyos. At kung nais ng tao na maging matalik na kaibigan ng Diyos sa langit sa ilalim ng gabay ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba siya isang kagila-gilalas na hangal na di-tao? Ang mga tao ay nagsusumikap magpamalas ng “katapatan” sa isang di-nakikitang Diyos, at hindi nagtutuon ni katiting na pansin sa nakikitang Diyos sapagkat madaling magsikap sa isang di-nakikitang Diyos—maaari itong gawin ng tao ayon sa gusto niya. Ngunit ang pagsisikap sa nakikitang Diyos ay hindi madali. Ang mga tao na naghahanap sa isang malabong Diyos ay isa na hindi matatamo ang Diyos sapagkat lahat ng malabo at di-maintindihang mga bagay ay iniisip lamang ng mga tao, at hindi nila maaaring matamo. Kung ang Diyos na pumarito sa inyo ay mataas at matayog na Diyos na hindi ninyo maabot, paano ninyo mahahanap ang Kanyang kalooban? At paano ninyo Siya makikilala at mauunawaan? Kung ginawa lamang Niya ang Kanyang gawain, at nagkaroon ng karaniwang ugnayan sa tao, at walang taglay na normal na pagkatao at hindi malapitan ng mga mortal lamang, kahit na marami Siyang ginawa para sa inyo ngunit wala kayong pakikipag-ugnayan sa Kanya, hindi Siya makita, paano ninyo Siya makikilala? Kung hindi dahil sa laman na taglay ng normal na pagkatao, hindi makikilala ng tao ang Diyos; ito lamang ay dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos kaya ang mga tao ay may kakayanang maging malapit sa Diyos na nagkatawang-tao. Ang mga tao ay nagiging matalik na kaibigan ng Diyos dahil nakikipag-ugnayan ang tao sa Kanya, sapagkat ang tao ay naninirahan kasama Siya at nananatiling Siya ay kasama, at unti-unti na kinikilala Siya. Kung hindi ito ganoon, hindi ba ang pagsisikap ng mga tao ay walang kabuluhan? Sa madaling salita, hindi lamang dahil sa mga gawain ng Diyos kung kaya ang mga tao ay maaaring maging matalik na kaibigan Niya, kundi sa pagkatotoo at pagka-karaniwan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ay dahil lamang sa ang Diyos ay naging tao kaya ang mga tao ay nagkaroon ng pagkakataon upang gawin ang kanyang tungkulin, at pagkakataon upang sambahin ang Diyos. Hindi ba ito ang pinakatunay at praktikal na katotohanan? Ngayon, nais mo pa bang maging matalik na kaibigan ng Diyos na nasa langit? Tanging kapag nagpakababa ang Diyos Mismo hanggang sa isang punto, na ibig sabihin, tanging kapag ang Diyos ay maging tao, ang mga tao ay maaaring maging matalik na kaibigan Niya. Ang Diyos ay Espiritu: Paano magkakaroon ng kakayanan ang tao na maging matalik na kaibigan Niya, na napakataas at di-maarok? Tanging kapag bumaba ang Espiritu ng Diyos sa laman, at maging isang nilalang na may parehong panlabas na anyo ng tao, kayang unawain ng tao ang Kanyang kalooban at talagang matamo Niya. Siya ay nagsasalita at kumikilos sa laman, nakikihati sa kaligayahan, kalungkutan at kapighatian ng tao, naninirahang kasama ng tao, iniingatan ang tao, ginagabayan siya, at sa pamamagitan nito nililinis Niya ang tao, at hinahayaang matamo ng tao ang Kanyang kaligtasan at Kanyang mga pagpapala. Matapos matamo ang mga bagay na ito, mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at saka lamang maaari siyang maging matalik Niyang kaibigan. Natatanging ito ang praktikal. Kung ang Diyos ay di-nakikita at di-nauunawaan ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan Niya? Hindi ba ito isang doktrinang walang katuturan?

Peb 7, 2018

Salita ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao

Pananampalataya, Langit, katotohanan, buhay, Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao

    Dapat kayong makarating sa pagkakaalam sa pangitain ng gawain ng Diyos at matarok ang pangkalahatang tunguhin ng Kanyang gawain. Ito ay pagpasok sa isang positibong paraan. Sa sandaling makabisado ninyo nang tumpak ang mga katotohanan ng pangitain, ang iyong pagpasok ay magiging ligtas; paano man nagbabago ang Kanyang gawain, ikaw ay mananatiling matatag sa iyong puso, magiging malinaw tungkol sa pangitain, at ikaw ay magkakaroon ng isang tinutumbok para sa iyong pagpasok at iyong paghahabol. Sa gayong paraan, ang lahat ng karanasan at kaalaman sa loob mo ay lalalim at magiging mas pino. Sa sandaling matarok mo ang mas malaking larawan sa kabuuan nito, hindi ka magdurusa ng mga kawalan sa buhay, at hindi ka mawawala. Kung hindi mo malalaman ang mga hakbang na ito ng gawain, magdurusa ka ng kawalan sa bawa’t isa sa mga iyon. Hindi ka makababawi sa loob lamang ng ilang araw, at hindi ka makatatahak sa tamang landas kahit sa loob ng ilang linggo. Hindi ba ito nakapipigil sa iyo? Mayroong napakarami sa pagpasok sa isang positibong paraan at ganoong mga pagsasagawa na dapat mong makabisa, at ganoon din dapat mong tarukin ang maraming punto hinggil sa pangitain ng Kanyang gawain, katulad ng kahalagahan ng Kanyang gawain ng paglupig, ang landas sa pagiging pineperpekto sa hinaharap, ano ang dapat makamtan sa pamamagitan ng karanasan sa mga pagsubok at mga paghihirap, ang kahalagahan ng paghatol at pagkastigo, ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at ang mga prinsipyo ng pagkaperpekto at ng paglupig. Ang mga ito ay lahat mga katotohanan ng pangitain. Ang iba pa ay ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kaharian, gayundin ang patotoo sa hinaharap. Ang mga ito ay mga katotohanan din patungkol sa pangitain, at ang mga pinakapangunahin, gayundin ay pinakamahalaga. Sa kasalukuyan, may napakarami na dapat ninyong pasukin at isagawa, at ito ngayon ay higit na susun-suson at mas detalyado. Kung ikaw ay walang kaalaman sa mga katotohanang ito, ito ay patunay na hindi ka pa nakapapasok. Kadalasan, ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay masyadong mababaw; hindi kayang isagawa ng tao ang ilang mga pangunahing katotohanan at hindi alam kung papaano gampanan kahit ang mga di-gaanong mahahalagang bagay. Ang dahilan kung bakit hindi makayang isagawa ng tao ang katotohanan ay dahil sa kanyang disposisyon ng pagiging suwail, at dahil ang kanyang kaalaman sa mga gawain ng kasalukuyan ay masyadong mababaw at may pinapanigan. Sa gayon, hindi madaling gawain na ang tao ay gawing perpekto. Ang iyong pagiging-suwail ay masyadong matindi, at napakalaki ng iyong dating sarili ang nananatili sa iyo; hindi ka makapanindigan sa panig ng katotohanan, at hindi mo makayang isagawa kahit ang pinakamaliwanag sa mga katotohanan. Ang ganoong mga tao ay hindi maililigtas at ang mga yaong hindi pa nalulupig. Kung ang iyong pagpasok ay walang detalye ni mga layunin, magiging mabagal ang dating ng paglago para sa iyo. Kung ang iyong pagpasok ay wala ni kaunti mang reyalidad, kung gayon ang iyong paghahabol ay masasayang lamang. Kung ikaw ay hindi nakakamalay sa nilalaman ng katotohanan, ikaw ay mananatiling hindi-nababago. Ang paglago sa buhay ng tao at mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay nakakamtang lahat sa pamamagitan ng pagpasok tungo sa reyalidad at, higit sa rito, sa pamamagitan ng pagpasok sa detalyadong mga karanasan. Kung ikaw ay maraming detalyadong mga karanasan sa panahon ng iyong pagpasok, at ikaw ay maraming tunay na kaalaman at pagpasok, ang iyong disposisyon ay mabilis na magbabago. Kahit na sa kasalukuyan ay hindi ka pa masyadong naliliwanagan sa pagsasagawa, ikaw ay dapat na maliwanagan man lamang tungkol sa pangitain ng gawain. Kung hindi, ikaw ay hindi makapapasok, at hindi mo ito magagawa malibang magkaroon ka muna ng kaalaman sa katotohanan. Tangi lamang kung liliwanagan ka ng Banal na Espiritu sa iyong karanasan magkakamit ka ng mas malalim na pang-unawa sa katotohanan at makapapasok nang mas malalim. Dapat mong malaman ang gawain ng Diyos.

Peb 5, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang

karunungan, paniniwala, buhay, Kaalaman, panginoon

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kalooban ng Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang

   Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang panahon ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa anumang yugto ng gawaing ito ang nilisan ang Israel; ang mga ito ay ang mga yugto ng gawain na natupad sa kalagitnaan ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehovah ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagkumpleto ng gawain ng pagpapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na tumubos sa ang mga Ingles, ni ang Panginoon na tumubos sa mga Amerikano, ngunit Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ang nakaraang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at sa ganitong paraan, ilang mga pagkaintindi ang nabuo sa mga tao. Iniisip ng mga tao na si Jehovah ay nasa paggawa sa Israel at si Jesus Sarili Niya ay tinupad ang Kanyang gawain sa Judea—bukod pa rito, ito ay sa pamamagitan ng pagkakatawang—tao na Siya ay nasa paggawa sa Judea-at anuman ang kalagayan, ang gawain na ito ay hindi na lumawak nang lampas sa Israel. Hindi Siya nasa paggawa sa mga taga Egipto; hindi Siya nasa paggawa sa mga Indiyano; nasa paggawa lamang Siya sa mga Israelita. Samakatuwid ang mga tao ay bumuo ng iba’t-ibang pagkaintindi; bukod pa rito, binuo nila ang plano ng gawain ng Diyos sa loob ng isang tiyak na saklaw. Sabi nila na kapag ang Diyos ay nasa paggawa, dapat itong matupad sa mga piniling tao at sa Israel; maliban sa mga Israelita, ang Diyos ay wala ng iba pang tagatanggap ng Kanyang gawain, at wala rin Siyang iba pang saklaw para sa Kanyang gawain; sila ay partikular na mahigpit sa “pagdidisiplina” ng Diyos na nagkatawang tao, hindi Siya pinapahintulutan na lumampas sa saklaw ng Israel. Hindi ba lahat ng ito ay mga pagkaintindi ng tao? Ginawa ng Diyos ang lahat ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ginawa lahat ng mga nilalang; paanong lilimitahan Niya ang Kanyang gawain na para lamang sa Israel? Kung magkagayon, ano ang silbi sa Kanya para gawin ang kabuuan ng Kanyang paglalang? Nilikha Niya ang buong sanlibutan; isinagawa Niya ang plano sa pamamahala ng anim-na libong-taon hindi lamang sa Israel kundi pati na rin sa bawat tao sa sansinukob. Hindi alintana kung sila ay nakatira sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o Rusya, isang inapo ni Adan ang bawat tao; silang lahat ay ginawa ng Diyos. Walang kahit isang tao ang maaaring umaklas mula sa saklaw ng paglalang ng Diyos, at walang kahit isang tao ang maaaring makatakas sa tatak bilang “inapo ni Adan.” Nilalang silang lahat ng Diyos, at lahat sila ay inapo ni Adan; kaapu-apuhan rin sila ng ginawang tiwaling Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilalang ng Diyos, ngunit ang lahat ng mga tao; gayon pa man, sinumpa ang ilan sa mga nilikha, at pinagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na mga bagay ang patungkol sa mga Israelita; ang Diyos sa simula ay nasa paggawa kasama nila dahil sila ang mga pinaka-di-tiwaling tao. Ang Intsik ay walang sinabi kung ihahambing sa kanila, at hindi maaaring umasa upang makapantay sila; kaya, ang Diyos ay gumawa sa pasimula sa gitna ng mga tao ng Israel, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay natupad lamang sa Judea. Bilang resulta nito, bumuo ang mga tao ng mga maraming pagkaintindi at mga maraming patakaran. Sa totoo lang, kung kikilos Siya nang ayon sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita; sa ganitong paraan hindi Niya makakayanang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil, sapagkat Siya ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita sa halip na Diyos ng lahat ng nilalang. Sinabi ng mga propesiya na magiging dakila sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah at kakalat sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah—bakit nila sasabihin ito? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa gayon Siya ay nasa paggawa lamang sa Israel. Karagdagan pa, hindi Niya palalawakin ang gawaing ito, at hindi Niya gagawin ang propesiyang ito. Dahil ginawa Niya ang propesiyang ito, kailangan Niyang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil at sa bawat bansa at lugar. Dahil sinabi Niya ito, gagawin Niya ito. Ito ang Kanyang plano, dahil Siya ay ang Panginoong lumalang ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi alintana kung Siya ay nasa paggawa kasama ang mga Israelita o sa buong Judea, ang gawain Niya ay ang gawain ng buong sansinukob at ang gawain ng lahat ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Gentil—ay ang gawain pa rin ng lahat ng sangkatauhan. Maaaring maging batayan ang Israel para sa Kanyang gawain sa lupa; gayon din naman, maaari ring ang Tsina ang maging batayan para sa Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Hindi pa ba Niya natupad ngayon ang hula na “ang pangalan ni Jehovah ay magiging dakila sa mga bansang Gentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa mga bansang Gentil ay tumutukoy sa gawain na Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Upang ang Diyos nagkatawang-tao ay maging nasa paggawa sa lupaing ito at upang maging nasa paggawa sa mga sinumpang tao ay partikular na salungat sa mga pagkaintindi ng tao; ang mga taong ito ay ang pinakamababa at walang halaga. Ito ang lahat ng mga tao na unang inabandona ni Jehovah. Maaaring abandonahin ng mga tao ang ibang tao, ngunit kung sila ay inabandona ng Diyos, hindi magkakaroon ng katayuan ang mga taong ito, at sila ay magkakaroon ng pinakamababang halaga. Bilang isang bahagi ng paglalang, ang pagiging sakop ni Satanas o inabandona ng ibang tao ay parehong mga masasakit na bagay, ngunit kung ang isang bahagi ng paglalang ay inabandona ng Panginoon ng paglalang, nagpapahayag ito na ang kanyang katayuan ay nasa isang lubusang pagkababa. Isinumpa ang mga inapo ni Moab, at ipinanganak sila sa loob ng di-mauunlad na bansang ito; walang duda, ang mga inapo ni Moab ay ang mga taong may pinakamababang katayuan sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Dahil ang mga taong ito ay nagtataglay ng pinakamababang katayuan noong nakaraan, may kakayahang sumira ng mga pagkaintindi ng tao ang gawaing ginawa sa gitna nila, at ito rin ang gawaing pinaka-kapakipakinabang sa Kanyang buong anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Para sa Kanya ang gumawa sa gitna ng mga taong ito ay ang aksyon na tunay na may kakayahang magwasak ng pagkaintindi ng tao; dahil dito naglunsad Siya ng isang panahon; gamit ito winawasak Niya ang lahat ng pagkaintindi ng tao; sa ganito Niya tinatapos ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.

Peb 2, 2018

Salita ng Diyos | Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao

    Karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos alang-alang sa kanilang hantungan sa hinaharap, o para sa pansamantalang kaluguran. Para sa mga hindi sumasailalim sa kahit anong pakikitungo, ang paniniwala sa Diyos ay alang-alang sa pagpasok sa langit, upang magkamit ng mga gantimpala. Ito ay hindi upang magawang perpekto, o para gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Na ang ibig sabihin, karamihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa Diyos upang tuparin ang kanilang responsibilidad, o para ganapin ang kanilang tungkulin. Bihira na ang mga tao ay naniniwala sa Diyos upang magkaroon ng makabuluhang mga buhay, ni mayroong mga naniniwalang sapagka’t ang tao ay buháy, dapat niyang mahalin ang Diyos dahil ito ay batas ng langit at panuntunan ng daigdig na gawin ang gayon, at ito ay ang likas na tungkulin ng tao. Sa ganitong paraan, kahit na ang iba’t ibang mga tao ay hinahabol ang kanya-kanyang sariling mga nilalayon, ang layunin ng kanilang paghahabol at ang pangganyak sa likod nito ay magkakaparehong lahat, at, higit pa rito, para sa karamihan sa kanila, ang mga layon ng kanilang pagsamba ay malaki ang pagkakapareho. 

Peb 1, 2018

Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao

paniniwala, Biblia, katotohanan, buhay, simulain

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao

    Gaano karami sa gawain ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu at gaano karami ang karanasan ng tao? Kahit ngayon, masasabi na hindi pa rin nauunawaan ng mga tao ang ganitong mga tanong, ito lahat ay dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang mga gumagawang simulain ng Banal na Espiritu. Mangyari pa, ang gawain ng tao na sinasabi Ko ay tumutukoy sa mga tao na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu o ang mga taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Hindi Ko tinutukoy ang gawain na nagmula sa kalooban ng tao kundi sa gawain ng mga apostol, manggagawa o mga karaniwang lalaki at babae na sakop ng gawain ng Banal na Espiritu. Dito, ang gawain ng tao ay hindi tumutukoy sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kundi sa sakop at mga simulain ng gawain ng Banal na Espiritu sa mga tao. Gayong ang mga simulaing ito ay ang mga simulain at sakop ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi ito katulad sa mga simulain at sakop ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang gawain ng tao ay may sangkap at simulain ng tao, at ang gawain ng Diyos ay may sangkap at simulain ng Diyos.