Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Mar 20, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Dalanging Tunay

How should we pray to achieve the result?

panalangin, Jesus, Himno, iglesia, Salita ng Diyos




I

Ang dalanging tunay ay mula sa puso. Ito ay batay sa kalooban at salita ng Diyos. Pakiramdam mo’y napakalapit mo sa Kanya, at tila Siya ay kaharap mo. Ibig sabihin nito’y marami kang masasabi sa Diyos, puso mo’y umaalab na parang araw, ika’y napupukaw ng kariktan ng Diyos, ang mga nakakarinig ay naluluguran. Ang dalanging tunay ay magdadala ng kapayapaa’t kagalakan, ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas, ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama; at lahat ito’y magiging patunay na dalangin mo’y tunay.

panalangin, Jesus, Himno, iglesia, Salita ng Diyos

II
Ang dalanging tunay ay walang pormalidad at di lang pagbibigkas. Ito ay hindi panggagaya ng iba. Sambitin mo ang nasa iyong puso at nang pukawin ka ng Diyos. Upang maging mabisa ang mga dalangin mo, salita ng Diyos ay dapat mong basahin. Makikita lamang ang kaliwanagan kung salita Niya’y batayan ng dalangin.
III
Dalanging tunay ay napapakita ng pusong nagnanais ng nais ng Diyos, kagustuhang ito’y mangyari, at pagkamuhi sa mga ayaw Niya. At batay sa alam mo, malinaw lahat ang katotohanang sinasabi ng Diyos, may matibay na pananampalataya at paraan upang ito’y isabuhay. Ito lamang ang dalanging tunay. Oo, ito lamang ang dalanging tunay. Ang dalanging tunay ay magdadalang kapayapaa’t kagalakan, ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas, ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama; at lahat ito’y magiging patunay na dalangin mo’y tunay. Oo, ang mga dalangin mo ay tunay.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon
Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento