Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 15, 2020

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos



Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos,Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman alam na alam ng mga tao ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain.Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos.

Mar 11, 2020

Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Pinalalaganap Ko ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Ang Aking kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob; ang Aking kalooban ay nakapaloob sa mga taong nakakalat dito at doon, lahat pinakikilos ng Aking kamay at inilalatag ang mga tungkulin na Aking naiatas na. Magmula ngayon, nakapasok na Ako sa isang bagong kapanahunan, dinadala ang lahat ng tao sa ibang mundo. Nang bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” nagsimula Ako ng isa pang bahagi ng gawain sa orihinal Kong plano, upang Ako ay makikilala ng mga tao nang mas malalim. Isinasaalang-alang Ko ang sansinukob sa kabuuan nito at nakikita na[a] ito ay isang magandang pagkakataon para sa Aking gawain, kaya’t Ako ay nagmamadaling nagpaparoon at parito, ginagawa ang Aking bagong gawain sa tao.

Dis 2, 2019

Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng mga Taong Ginamit ng Diyos


     Sa loob ng napakaraming taon walang-humpay na naghahanap ang Espiritu ng Diyos habang yumayaon Siyang gumagawa sa lupa. Sa kabuuan ng mga kapanahunan nakagamit na ang Diyos ng napakaraming tao upang gawin ang Kanyang gawain. Gayunman ang Espiritu ng Diyos ay wala pa ring angkop na lugar na pahingahan. Kaya ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, walang-humpay na kumikilos sa iba’t ibang tao, at sa kabuuan gumagamit Siya ng mga tao upang gawin ito. Iyan ay, sa loob nitong maraming taon, hindi kailanman tumigil ang gawain ng Diyos, ngunit patuloy na naisasakatuparang pasulong sa tao, tuluy-tuloy hanggang sa araw na ito. Bagaman nakapagwika na ang Diyos ng napakaraming salita at nakagawa ng napakaraming gawain, hindi pa rin kilala ng tao ang Diyos, lahat ay dahil hindi pa kailanman nagpakita ang Diyos sa tao at dahil din sa wala Siyang anyo na nahahawakan. Kaya’t dapat dalhin ng Diyos ang gawaing ito sa kaganapan—na magiging sanhi para sa lahat ng tao na malaman ang praktikal na kabuluhan ng praktikal na Diyos. Para makamit ang layuning ito, dapat ibunyag ng Diyos ang Kanyang Espiritu nang kongkreto sa sangkatauhan at gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan nila.

Hul 12, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang Utos ng Diyos kay Adan



Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang Utos ng Diyos kay Adan



(Gen 2:15-17) At kinuha ni Jehova ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan. At iniutos ni Jehova sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka.

May nakuha ba kayo na kahit anong bagay mula sa mga bersikulong ito? Ano ang naramdaman ninyo sa bahaging ito ng banal na kasulatan? Bakit hinango mula sa banal na kasulatan ang “Utos ng Diyos kay Adan”? Ang bawat isa na ba sa inyo ay may dagliang larawan ng Diyos at ni Adan sa inyong mga isipan?

Hun 28, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Nilikha ng Diyos si Eba


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Nilikha ng Diyos si Eba


(Gen 2:18-20) At sinabi ni Jehova, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya. At nilalang ni Jehova sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa’t itinawag ng lalake sa bawa’t kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon. At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawa’t ganid sa parang; datapuwa’t sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya.

Hun 2, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Sa Pang-anim na Araw, Nagsalita ang Maylalang, at ang Bawat Uri ng Buhay na Nilalang sa Kanyang Isipan ay Lumitaw, nang Isa-isa


Pagpapahayag ng Makapangyarihang DiyosSa Pang-anim na Araw, Nagsalita ang Maylalang, at ang Bawat Uri ng Buhay na Nilalang sa Kanyang Isipan ay Lumitaw, nang Isa-isa


Hindi namalayan, nagpatuloy ang paggawa ng Manlilikha sa lahat ng mga bagay nang limang araw, kasunod agad na sinalubong ng Manlilikha ang pang-anim na araw ng Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay. Panibagong simula na naman ang araw na ito, at panibagong pambihirang araw. Ano, ngayon, ang plano ng Maylalang sa bisperas ng bagong araw na ito? Anong mga bagong nilalang ang Kanyang ilalabas, lilikha ba Siya? Makinig, iyan ang boses ng Maylalang….

May 26, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan


Sabi ng mga Kasulatan, “At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:20-21).

May 19, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Sa Pang-apat na Araw, ang mga Panahon, mga Araw, at mga Taon ng Sangkatauhan ay Dumating habang Muling Ipinatupad ng Diyos ang Kanyang Awtoridad

Ginamit ng Maylalang ang Kanyang mga salita para tapusin ang Kanyang plano, at sa paraang ito, natapos Niya ang mga unang tatlong araw ng Kanyang plano. Sa loob ng tatlong araw na ito, hindi nakitang naging abala ang Diyos, o napagod ang Kanyang sarili; bagkus, natapos Niya ang kamangha-manghang unang tatlong araw ng Kanyang plano, at nakamit ang dakilang gawain ng pagpapanukala ng malubhang pagbabago sa mundo.

May 12, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Sa Pangatlong Araw, Nagbigay ng Buhay sa Lupa at sa Karagatan ang mga Salita ng Diyos, at Nagdulot ang Awtoridad ng Diyos sa Mundo ng Nag-uumapaw na Buhay

Susunod, basahin natin ang unang pangungusap sa Genesis 1:9-11: “At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan.” Ano ang mga pagbabagong naganap matapos simpleng sabihin ng Diyos ang, “Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan”? At ano ang nasa espasyong ito bukod sa liwanag at sa kalawakan?

May 5, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Sa Ikalawang Araw, Isinasaayos ng Awtoridad ng Diyos ang mga Katubigan, at Ginagawa ang mga Kalawakan, at Isang Puwang para sa Pinaka-pangunahing Kaligtasan ng Sangkatauhan ay Nagpapakita

Basahin natin ang ikalawang talata ng Biblia: “At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon” (Gen 1:6-7). Anong mga pagbabago ang mga nangyari matapos sabihin ng Diyos “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig”?

Abr 28, 2019

Salita ng Diyos |Sa Unang Araw, ang Araw at Gabi ng Sangkatauhan ay Isinilang at Nanindigan Salamat sa Awtoridad ng Diyos

Tingnan natin ang unang talata: “At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw” (Gen 1:3-5). Inilalarawan ng talatang ito ang unang kilos ng Diyos sa simula ng paglikha, at ang unang araw na dumaan Siya kung saan mayroong gabi at umaga.

Abr 21, 2019

Salita ng Diyos|Si Jesus ay Kumakain ng Tinapay at Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan Pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay


Salita ng Diyos|Si Jesus ay Kumakain ng Tinapay at Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan Pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay


(Lu 24:30–32) At nangyari, nang siya’y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila. At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya’y nakilala nila; at siya’y nawala sa kanilang mga paningin. At sila-sila’y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo’y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?

Abr 2, 2019

Salita ng Diyos|Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao


Salita ng Diyos|Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao


Ang lahat ng mga tao ay kailangang makaunawa sa layunin ng Aking gawain sa daigdig, iyan ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito nagiging ganap. Kung, pagkaraang maglakad na kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa nakakaunawa kung tungkol saan ang Aking gawain, kung gayon hindi ba walang-kabuluhan ang paglalakad nilang kasama Ko?

Mar 29, 2019

Salita ng Diyos|Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao


Salita ng Diyos|Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao


Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay.

Mar 26, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin



Mga Pagbigkas ni Cristo|Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos.

Mar 21, 2019

Salita ng Diyos | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Unang bahagi)


Salita ng Diyos | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Unang bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita.

Peb 10, 2019

Cristianong Kanta | Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay




 Tagalog Christian Songs| Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay


I
Ang ''Katotohanan'' ay ang pinaka-tunay
sa mga talinghaga ng buhay,
at pinakamataas ito sa buong sangkatauhan.
Tinatawag itong "talinghaga ng buhay",
ito ang hinihingi ng Diyos sa tao
at ginagawa Niyang personal,
hinihingi ng Diyos sa tao at ginagawa Niya nang personal.
Di kasabihang binuod mula sa isang bagay,
ni tanyag na kasabihang mula sa isang dakila.
Ngunit ito'y pagbigkas sa sangkatauhan
mula sa Panginoon ng lahat sa lupa at langit'.

Peb 2, 2019

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo | Ang Paggamit ng Salita ng Diyos bilang isang Salamin

Wu Xia Siyudad ng Linyi, Lalawigan ng Shandong



Pagkatapos tanggapin ang trabahong ito at kainin at inumin ang salita ng Diyos, naging malinaw sa akin na napakahalaga na nauunawaan ko ang aking sarili. Dahil dito, habang kinakain at iniinom ang salita ng Diyos, sinigurado ko na suriin nang mabuti ang sarili ko laban sa salita na kung saan inilalantad ng Diyos ang tao. Karamihan sa mga kaso, nagawa kong kilalanin ang aking mga kakulangan at mga kawalang-kakayahan. Naramdaman ko na talagang nagawa kong unawain ang sarili ko. Gayunpaman, sa pamamagitan lamang ng isang pagbubunyag mula sa Diyos ko nakita na hindi ko talaga nauunawaan ang aking sarili ayon sa salita ng Diyos.

Ene 29, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Ika-tatlumpu’t dalawang Pagbigkas

Ano ang liwanag? Sa nakaraan totoong ipinalagay ninyo na ang pagbabago ng gawain ng Banal na Espiritu bilang liwanag. May totoong liwanag sa lahat ng oras, na kinabibilangan ng pagtamo ninyo kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng paglapit sa Akin at pakikisama sa Akin; pagkakaroon ng kabatiran sa mga salita ng Diyos at pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita—iyon ay, habang kumakain at umiinom, nadarama ninyo ang Espiritu ng mga salita ng Diyos at tinatanggap ang salita ng Diyos sa loob ng inyong sarili; inuunawa kung ano Siya habang nararanasan at tinatanggap ang pagpapalinaw ng Diyos habang nakikipag-usap sa Kanya; at naliliwanagan din at nagkakaroon ng bagong kabatiran sa mga salita ng Diyos sa lahat ng oras habang nagmumuni-muni at nagbubulay-bulay. Kung nauunawaan ninyo ang salita ng Diyos at nararamdaman ang bagong liwanag, kung gayon hindi ba kayo magkakaroon ng kapangyarihan sa iyong paglilingkod? Talagang nababahala kayo sa inyong mga sarili sa inyong paglilingkod! Dahil iyan sa hindi ninyo nahahawakan ang katunayan, wala kayong tunay na karanasan o kabatiran.