Unawain ang Saloobin ng Diyos at Bitawan ang Lahat ng mga Maling Pagkaintindi sa Diyos
Itong Diyos na kasalukuyan ninyong pinaniniwalaan, isinaalang-alang niyo na ba kung anong uri ng Diyos Siya? Kapag nakakakita Siya ng isang masamang tao na gumagawa ng masasamang bagay, kinamumuhian ba Niya ito? (Kinamumuhian Niya ito.) Kapag nakikita Niya ang mga pagkakamali ng mga ignoranteng tao, ano ang saloobin Niya? (Kalungkutan.) Kapag nakikita Niya ang mga taong ninanakaw ang mga handog sa Kanya, ano ang saloobin Niya? (Kinamumuhian Niya sila.) Napakalinaw ang lahat ng mga ito, hindi ba? Kapag nakikita Niya ang isang tao na nagiging pabaya sa kanilang paniniwala sa Diyos, at hindi nila sinusunod ang katotohanan, ano ang saloobin ng Diyos? Hindi ito masyadong malinaw sa inyo, hindi ba? Ang kawalan ng pag-iingat ay saloobin na hindi isang kasalanan, at hindi ito nakapananakit sa Diyos. Naniniwala ang mga tao na hindi dapat itong ituring na isang malaking pagkakamali. Kung gayon, ano sa tingin mo ang saloobin ng Diyos? (Ayaw Niyang tumugon dito.) Ayaw tumugon dito—anong saloobin ito? Mababa ang pagtingin ng Diyos sa mga taong ito, kinasusuklaman Niya ang mga taong ito! Hinaharap ng Diyos ang mga taong ito sa pamamagitan ng pagsasawalang-bahala sa kanila. Ang hakbang Niya ay upang balewalain sila, hindi Siya gagawa ng anumang bagay sa mga ito, kabilang na ang pagliliwanag, pagpapalinaw, pagkakastigo, o disiplina. Hindi kabilang ang ganitong uri ng tao sa gawain ng Diyos. Ano ang saloobin ng Diyos sa mga taong pinapalubha ang Kanyang disposisyon, at nagkakasala sa mga atas ng Kanyang pamamahala? Matinding pagkasuklam! Matindi ang poot ng Diyos sa mga taong hindi nagsisisi sa pagpapalubha sa Kanyang disposisyon! Ang “matinding poot” ay isa lamang pakiramdam, isang kondisyon; hindi nito kinakatawan ang isang malinaw na saloobin. Ngunit ang pakiramdam na ito, ang kondisyon na ito, ay magdudulot ng isang kalalabasan para sa taong ito: Pupunuin nito ng matinding pagkamuhi ang Diyos! Ano ang kahihinatnan ng matinding pagkamuhi na ito? Babalewalain ng Diyos ang taong ito, at hindi Siya tutugon sa kanila sa mga oras na iyon. Hihintayin Niyang maihiwalay sila sa panahon ng pagganti. Ano ang ipinahihiwatig nito? May kalalabasan pa rin ba ang taong ito? Hindi kailanman hinangad ng Diyos na mabigyan ng kalalabasan ang ganitong uri ng tao! Kaya hindi ba normal na hindi tumutugon ang Diyos sa ganitong uri ng tao sa kasalukuyan? (Oo.) Paano dapat ang paghahanda ng ganitong uri ng tao ngayon? Dapat silang maghanda sa pagtanggap ng mga negatibong kahihinatnan na sanhi ng kanilang pag-uugali, at ng kasamaang nagawa nila. Ito ang pagtugon ng Diyos sa ganitong uri ng tao. Kaya malinaw kong sasabihin ngayon sa ganitong uri ng tao: Huwag na ninyong panghawakan ang mga kahibangan, at huwag na kayong makibahagi pa sa mga mapagmithing pag-iisip. Hindi laging nagpaparaya ang Diyos sa mga tao; Hindi Niya titiisin nang walang takda ang mga kasalanan o pagsuway. Sasabihin ng ilang tao: “May nakita rin akong ilang mga tao na tulad nito. Kapag sila’y nananalangin nahihipo sila ng Diyos, at matindi ang kanilang pag-iyak. Karaniwan na napakasaya rin nila; tila nasa kanila ang presensya ng Diyos, at ang patnubay Niya.” Huwag sabihin na walang kapararakan yan! Ang pag-iyak nang matindi ay hindi nangangahulugang hinipo sila ng Diyos o pagkakaroon ng presensya ng Diyos, mas lalo na ang patnubay ng Diyos. Kung napagagalit ng tao ang Diyos, gagabayan pa rin ba ng Diyos ang mga ito? Samakatuwid, kapag nagpasya ang Diyos na alisin ang isang tao, na abandonahin ang mga ito, ang taong iyan ay wala ng kalalabasan. Hindi mahalaga kung gaano kakampante ang pakiramdam nila kapag nananalangin sila, at kung gaano ang tiwalang ipinakikita nila sa Diyos sa kanilang puso; hindi na mahalaga ito. Ang mahalaga ay hindi na kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng kumpiyansa, na itinakwil na ng Diyos ang taong ito. Kung paano ang makitungo sa kanila pagkatapos ay hindi na rin mahalaga. Ang mahalaga ay sa sandaling ginalit ng taong ito ang Diyos, naitakda na ang kanilang kalalabasan. Kung itinakda na ng Diyos na hindi iligtas ang ganitong uri ng tao, maiiwanan sila upang parusahan. Ito ang saloobin ng Diyos.
Kahit na ang bahagi ng diwa ng Diyos ay pag-ibig, at iniaabot Niya ang Kanyang awa sa lahat ng tao, hindi napapansin at nakalilimutan ng mga tao ang punto na diwa rin Niya ang karangalan. Hindi nangangahulugan na dahil may pag-ibig Siya ay maaaring malayang magkasala ang mga tao sa Kanya at wala na Siyang kahit anong mga damdamin, o anumang mga reaksyon. Hindi nangangahulugan na dahil may awa Siya ay wala na Siyang mga prinsipyo sa pagtrato sa mga tao. Ang Diyos ay buhay; talagang umiiral Siya. Hindi Siya isang kathang-isip na sunud-sunuran o iba pang bagay. Dahil Siya ay umiiral, dapat makinig tayong mabuti sa tinig ng Kanyang puso sa lahat ng oras, bigyang-pansin natin ang Kanyang saloobin, at unawain natin ang Kanyang mga damdamin. Huwag sana nating gamitin ang imahinasyon ng mga tao na ipakahulugan ang Diyos, at huwag sana nating ipataw ang mga saloobin at kagustuhan ng mga tao sa Diyos, pinalalabas na ang Diyos ay ginagamit ang istilo at pag-iisip ng tao kung paano Niya tratuhin ang sangkatauhan. Kung gagawin mo ito, ginagalit mo ang Diyos, tinutukso mo ang poot ng Diyos, at hinahamon mo ang karangalan ng Diyos! Kaya, pagkatapos ninyong naunawaan ang kahigpitan ng bagay na ito, hinihimok ko ang bawat isa sa inyo rito na maging maingat at matalino sa inyong mga kilos. Maging maingat at matalino sa inyong pagsasalita. At tungkol sa pagtrato ninyo sa Diyos, habang mas maingat at matalino kayo, mas mahusay! Kapag hindi mo naiintindihan ang saloobin ng Diyos, huwag kang magsasalita nang walang-ingat, huwag kang maging bulagsak sa iyong mga kilos, at huwag kang basta-basta sa pagbabansag. Mas lalo na, huwag kang darating sa mga konklusyon na walang batayan. Sa halip, dapat kang maghintay at sumunod; isa rin itong pagpapahayag ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Kung makakamit mo ang puntong ito nang higit sa lahat, at matatamo mo ang pag-uugaling ito nang higit sa lahat, hindi ka sisisihin ng Diyos dahil sa iyong katangahan, sa iyong kamangmangan, at sa iyong kawalan ng katuwiran. Sa halip, dahil sa iyong takot na masaktan ang Diyos, sa iyong paggalang sa mga layunin ng Diyos, at sa saloobin mong sumunod sa Kanya, aalalahanin ka ng Diyos, gagabayan at bibigyan ka ng kaliwanagan, o magpaparaya Siya sa iyong kamusmusan at kamangmangan. Kabaligtaran naman nito, dapat bang walang paggalang ang iyong saloobin sa Kanya—walang batayan na paghatol sa Diyos, walang batayan na paghula at pagtukoy sa mga ideya ng Diyos—bibigyan ka ng Diyos ng isang paniniwala, disiplina, kahit kaparusahan; o magbibigay Siya sa iyo ng isang pahayag. Marahil kasama ang iyong kalalabasan sa pahayag na ito. Samakatuwid, nais ko pa itong bigyang-diin nang isa pang beses, at sabihan ang lahat na narito na maging maingat at matalino sa lahat ng bagay na nanggagaling sa Diyos. Huwag magsalita nang padalos-dalos, at huwag maging padalos-dalos sa iyong mga kilos. Bago mo sabihin ang anumang bagay, dapat ka munang mag-isip: Nakagagalit ba sa Diyos ang paggawa nito? Ang paggawa ba sa bagay na ito ay pagkatakot sa Diyos? Kahit sa mga simpleng bagay, dapat mo pa ring subukin na intindihin ang mga katanungang ito, talagang isaalang-alang ang mga ito. Kung tunay mong maisasagawa ayon sa mga prinsipyong ito sa lahat ng dako, sa lahat ng bagay, at sa lahat ng oras, lalo na sa mga bagay na hindi mo maunawaan, kung gayon palaging gagabay ang Diyos sa iyo, at palagi kang bibigyan ng isang landas na susundin. Anuman ang ipinakikita ng mga tao, tiyak na nakikita ng Diyos ang lahat ng mga ito, malinaw, at magbibigay Siya sa iyo ng isang tumpak at angkop na pagsusuri sa mga pagpapakitang ito. Pagkatapos mong maranasan ang huling pagsubok, kukunin ng Diyos ang lahat ng mga pag-uugali mo at ibubuod ang mga ito nang ganap upang maitaguyod ang iyong kalalabasan. Kukumbinsihin ng resultang ito ang lahat ng walang kahit anong pagdududa. Ang gusto kong sabihin sa inyo ay ang bawat gawa ninyo, ang bawat pagkilos ninyo, at ang bawat pag-iisip ninyo ang magtatakda sa inyong kapalaran.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento