Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na buhay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na buhay. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 27, 2018

Tagalog Praise Songs | Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos




Tagalog Praise SongsTungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos



I
Yaong ipinagkakaloob sa inyo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na
ang inyong patotoo ay malampasan ang kay Moises
at ang inyong mga salita ay higit sa kay David.
Binibigyan kayo ng Diyos ng makasandaan,
kaya naman hinihiling Niya sa inyo na tumbasan ninyo rin ito.

Dis 25, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo | Tanging Ang Pagsasagawa ng Katotohanan Ang Siyang Pagkakaroon ng Katotohanan

Mga Pagbigkas ni Cristo | Tanging Ang Pagsasagawa ng Katotohanan Ang Siyang Pagkakaroon ng Katotohanan


    Ang maipaliwanang nang tahasan ang mga salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan. Hindi ganoon kasimple ang mga bagay kagaya ng iyong iniisip. Kung taglay mo man ang katotohanan o hindi ay hindi nakabatay sa kung ano ang iyong sasabihin, sa halip ito ay nakabatay sa iyong isinasabuhay. Nang ang mga salita ng Diyos ay naging iyong buhay at ang iyong likas na pagpapahayag, iyon ay kapag taglay mo ang katotohanan, iyon ay kung nakamit mo ang pagkaunawa at tunay na tayog. Kailangan mong makayanan ang pagsusulit sa mahabang panahon, kailangan mong maisabuhay ang imahe na hinihingi sa iyo ng Diyos. Hindi ito dapat sa anyo lamang, ngunit kailangan itong likas na dumaloy palabas sa iyo; sa gayon ka lamang tunay na magkakaroon ng katotohanan, sa gayon mo lamang makakamit ang buhay. Gagamitin Ko ang halimbawa ng mga “taga-serbisyo” na kabisado ng lahat. Ang sinuman ay maaring magsalita tungkol sa matatayog na mga teorya na may kinalaman sa mga “taga-serbisyo”; lahat kayo ay mayroong isang marangal na antas ng pagkaunawa tungkol sa bagay na ito, at ang bawat isa sa inyo ay mahusay sa pagsasalita tungkol sa paksang ito na parang ito ay isang paligsahan.

Dis 21, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X" (Ikalawang Bahagi)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X" (Ikalawang Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
1. Paano Pinamamahalaan at Pinangangasiwaan ng Diyos ang Espirituwal na Mundo
1) Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya

Dis 16, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga.

Dis 13, 2018

Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)



Tagalog church songs | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)


I
Alam mo ba ang pasanin,
ang tungkulin at ang komisyon sa iyong balikat?
Nasaan ang iyong makasaysayang diwa ng misyon?
Paano ka magiging isang mabuting panginoon
sa susunod na kapanahunan?
Matatag ba ang 'yong diwa ng pagka-puno?
Paano mo maipapaliwanag ang panginoon ng lahat?
Ito ba ang talagang 
panginoon ng lahat ng nabubuhay,
o panginoon ng lahat ng materyal na mundo?
Anong plano mo sa sunod na hakbang ng gawa?
Gaano karami ang naghihintay sa iyo na iyong papastulan?
Hindi ka ba nabibigatan sa iyong gawain?

Dis 8, 2018

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII" (Ikatlong Bahagi)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII" (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nagtrabaho nang palihim ang Diyos. Noong hindi pa dumarating ang tao sa mundong ito, bago makadaupang-palad ang sangkatauhang ito, nilikha na ng Diyos ang lahat ng ito. Ang lahat ng ginawa Niya ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, para sa kapakanan ng kaligtasan ng kanilang buhay, at para sa konsiderasyon ng pag-iral ng sangkatauhan, upang maaaring mamuhay ang sangkatauhan sa mayaman at saganang materyal na mundong nilikha ng Diyos para sa kanila,

Dis 5, 2018

Tagalog Christian Song | "Umaasa ang Diyos na ang Sangkatauha'y Patuloy na Mabuhay"


Tagalog Christian Song | "Umaasa ang Diyos na ang Sangkatauha'y Patuloy na Mabuhay"


I
Kinamuhian ng Diyos ang tao,
dahil sila'y sumalungat sa Kanya.
ngunit sa puso Niya, Kanyang pag-aalaga, pagmamalasakit,
at awa sa sangkatauha'y nanatiling di nagbabago.
Subalit nang sila'y Kanyang nilipol,
Kanyang puso'y di pa rin nagbago (nagbago).
Nang ang sangkatauhan ay puno ng katiwalian,
sumuway sa tiyak na hangganan, hangganan,
kinailangan silang lipulin ng Diyos
dahil sa Kanyang mga prinsipyo at diwa.
Ngunit dahil sa diwa ng Diyos
kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan,
hinangad na iligtas sa iba't-ibang pamamaraan,
upang sila'y patuloy na mabuhay.
Ngunit dahil sa diwa ng Diyos
kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan,
hinangad na iligtas sa iba't-ibang pamamaraan,
upang sila'y patuloy na mabuhay.

Dis 2, 2018

Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos_compressed.jpg

Mga Salita ng na Makapangyarihang DiyosAng Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos itong sumailalim sa proseso ni Satanas, ay nagiging mas tiwali. Masasabi ng isang tao ay patuloy na nabubuhay sa kanyang tiwali at mala-demonyong disposisyon, walang kakayahang umibig ng tunay sa Diyos. Dahil dito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang alisin ang kanyang sariling-katuwiran, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagmamalaki, at mga kauri nito, na nanggagaling lahat sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, pag-ibig ni Satanas, at isang bagay na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos.

Dis 1, 2018

Patungkol sa pagbalik ng Panginoon, nakasulat sa Mateo 24:36: “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” Walang sinumang makakaalam kung kailan babalik ang Panginoong Jesus, kaya paano mo nalaman na nakabalik na ang Panginoong Jesus? Talagang parang mahirap isipin ‘yan!

Sagot:
Maaaring nagtatanong ang ilan sa mga kapatid: Sinasabi mo na ang Panginoon ay nagbalik na, ngunit papaano n’yo ito nalalaman sa inyong mga sarili? Sa anong batayan mo nalaman na Siya Mismo ang Diyos? Mga kapatid, kung gusto nating malaman kung ang Diyos ay dumating na o hindi, kailangan natin sa isang banda na umasa sa patotoo ng Banal na Espiritu, at sa kabilang banda ay kailangang ibatay ito sa gawaing ginawa ng Diyos. Alam nating lahat na bago ginampanan ng Panginoong Jesus ng Kanyang ministeryo, walang sinumang nakaalam na Siya ang Mesias na darating. Ngunit noong nagsimula ang Panginoong Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, personal na sumaksi ang Banal na Espiritu sa Kanya para alam ng tao ang tunay na pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus. Kung hindi dahil sa patotoo ng Banal na Espiritu, hindi nakilala ng tao na Siya ang nagkatawang-taong Diyos. Samakatuwid, ang kaalaman ng tao na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo ay batay sa patotoo ng Banal na Espiritu. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos patungkol sa ganitong aspeto ng katotohanan ay napakalinaw: “Sa simula, nang hindi pa nasisimulan ni Jesus ang pagsasagawa ng Kanyang ministeryo, katulad ng mga disipulong sumunod sa kanya, minsan ay dumalo rin Siya sa mga pagtitipon, at umawit ng mga himno, nagbigay ng papuri, at binasa ang Lumang Tipan sa templo. Matapos Niyang mabautismuhan at umahon, ang Espiritu ay opisyal na bumaba sa Kanya at nagsimulang gumawa, ibinubunyag ang Kanyang pagkakakilanlan at ang ministeryo na isasagawa Niya. Bago ito, walang nakakaalam sa Kanyang pagkakakilanlan…. Si Jesus ay 29 nang Siya ay sumailalim sa bautismo. Nang matapos ang Kanyang bautismo, nagbukas ang kalangitan, at isang tinig ang nagsabi: ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.’ … Kung nagsagawa ng dakilang gawain si Jesus bago magpatotoo ang Banal na Espiritu sa Kanya, ngunit wala ang patotoo ng Diyos Mismo, kaya gaano man kadakila ang Kanyang gawain, hindi malalaman ng mga tao ang Kanyang pagkakakilanlan, dahil hindi magkakaroon ng kakayahan ang mga mata ng tao na makita ito. Kung wala ang hakbang ng pagpapatotoo ng Banal na Espiritu, walang makakikilala sa Kanya bilang Diyos na nagkatawang-tao” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nob 28, 2018

Best Christian Music Video 2018 "Ang Mga Salita ng Diyos ay ang Paraan na Dapat Panatilihin ng Tao"


Best Christian Music Video 2018 "Ang Mga Salita ng Diyos ay ang Paraan na Dapat Panatilihin ng Tao"


I
Sa lahat ng bawat edad,
kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa,
Siya'y laging nagbibigay ng ilang mga salita sa sangkatauhan,
Siya'y nagsasabi ng ilang mga katotohanan.
Ang mga katotohanang ito ay nagsisilbing paraan na
dapat sundin ng tao,
ang paraan na dapat panatilihin ng tao.

Nob 25, 2018

True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God


Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon. Tatlong ulit siyang dinala ng mga pulis sa presinto upang tanungin, at binalaan na huwag nang manalig pa sa Diyos.

Nob 22, 2018

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo-Ang mga Pamantayan ng Tunay na Mabuting Tao

Moran Linyi City, Shandong Province


Mula noong bata pa ako, palagi ko nang binibigyan ng importansya ang tingin ng ibang tao sa akin at ang kanilang opinyon tungkol sa akin. Upang makakuha ako ng papuri mula sa ibang mga tao para sa lahat ng ginagawa ko, hindi ako kailanman nakipagtalo sa sinuman tuwing may lumilitaw na anumang bagay, upang maiwasang sirain ang mabuting imahe ng mga tao tungkol sa akin. Pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagpatuloy ako nang ganito, itinataguyod sa bawat posibleng paraan ang mabuting imahe ng aking mga kapatid tungkol sa akin. Dati, kapag may hinahawakan akong gawain, madalas na sinasabi ng aking pinuno na ang aking pagganap ay parang sa isang “palatangong-tao,” hindi ang pagganap ng isang tao na nagsasa-gawa sa katotohanan. Hindi ko kailanman dinibdib ito, ngunit sa halip kung iniisip ng ibang mga tao na isa akong mabuting tao, kuntento na ang pakiramdam ko.

Nob 15, 2018

Tagalog Full Christian Movie | "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | God Is the Rock of My Life


Tagalog Full Christian Movie | "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | God Is the Rock of My Life


Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos , nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon.

Nob 13, 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Makakamit ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan"


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Makakamit ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan"


Sa loob ng libu-libong taon ginusto ng mga mananampalataya sa Panginoon na makamit ang walang hanggang buhay, pero walang nakatupad sa hangaring ito. Ngayon, nalilito ka ba tungkol sa kung mayroon nga ba o walang daan ng walang hanggang buhay

Nob 12, 2018

Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Nakarating na ang Milenyong Kaharian”

Kaharian, kabanalan, pagkamatuwid, buhay, Pag-bigkas ng Diyos

Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Nakarating na ang Milenyong Kaharian


Paano ninyo nakikita ang pangitain ng Milenyong Kaharian? Masyadong nag-iisip ang ilang tao tungkol dito, at sinasabi na ang Milenyong Kaharian ay magtatagal ng isang libong taon sa lupa, kaya’t kung ang mga nakatatandang miyembro ng iglesia ay hindi pa nakakapag-asawa, dapat ba silang magpakasal na? Ang aking pamilya ay walang pera, dapat ba akong magsimulang kumita ng pera? … Ano ang Milenyong Kaharian? Alam ba ninyo? Ang mga tao ay malabo ang mata, at nagdurusa ng mahigpit na pagsubok. Sa katunayan, ang Milenyong Kaharian ay hindi pa opisyal na dumating. Sa panahon ng yugto ng paggawang perpekto sa mga tao, ang Milenyong Kaharian ay maliit lamang na daigdig; sa panahon ng Milenyong Kaharian na binigkas ng Diyos, ang mga tao ay nagawa nang perpekto. Sa nakaraan, sinabi na ang mga tao ay magiging tulad ng mga banal at maninindigang matatag sa lupain ng Sinim.

Nob 11, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito"


I
Tanging ang Lumikha ang may matibay na awa't pag-ibig.
Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha,
sa Kanyang mga nilikha.
Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao.
Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao.

Nob 2, 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos



Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang sanhi ay ayaw magbayad ng halaga ang tao, at ang isa pa, masyadong di-sapat ang pang-unawa ng tao; hindi niya kayang makita ang nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong pang-unawa ng katotohanan, hindi niya kayang malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay naglilingkod sa salita lamang sa kanyang
pananampalataya sa Diyos , gayunpaman hindi nakikita ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay.

Okt 30, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ikalimang bahagi)


Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ikalimang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Hindi Kailanman Nangahas si Satanas na Suwayin ang Awtoridad ng Maylalang, at Dahil Dito, Maayos na Nabuhay ang Lahat ng mga Bagay Tanging ang Diyos, na May Pagkakakilanlan ng Maylalang, ang Nagtataglay ng Natatanging Awtoridad Natatangi ang Pagkakakilanlan ng Maylalang,

Okt 28, 2018

Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan (Tagalog Song)


Tagalog Christian Songs | Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan (Tagalog Song)


I
Kung nararamdaman man ng tao ang kalooban Niya o hindi,
Siya ay walang humpay na nagpapatuloy sa gawain
na kailangan Niyang gawin
Kung naiintindihan man ng tao ang pamamahala Niya o hindi,
Ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong
at tustos na maaaring madama ng lahat.

Okt 26, 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos"


Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos"


Kapag nahaharap sa kalungkutan ng mga iglesia at kadiliman sa espiritu, paano natin hahanapin ang mga yapak ng Panginoon? Mula sa mga sinaunang panahon inusig na ang totoong daan, at ang pagpapakita at gawain ng totoong Diyos ay palaging sasalubungin ng pinakamalupit na pagpigil at pag-uusig at ng pinakamalupit na pagtutol at pagkokondena ng mundo ng relihiyon at mga ateistang pamahalaan.