Sagot: Ang inyong paniniwala sa Panginoong Jesus bilang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi mali. Pero bakit kayo naniniwala sa Panginoong Jesus? Talaga bang naniniwala kayo na ang Panginoong Jesus ang Diyos? Naniniwala kayo sa Panginoong Jesus dahil sa nakatala sa Biblia at dahil sa gawain ng Banal na Espiritu. Pero kahit ano pa ang sabihin ninyo, kung hindi ninyo harapang nakita ang Panginoong Jesus, talaga bang malakas ang loob ninyong sabihin na kilala ninyo ang Panginoong Jesus?
Sa paniniwala ninyo sa Panginoon, inuulit lamang ninyo ang mga salita ni Pedro, na nagsabing ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay, ngunit naniniwala ba kayo na ang Panginoong Jesus ay ang pagpapamalas ng Diyos, ang Diyos Mismo? Lakas-loob ba ninyong sinasabi na nakikilala ninyo ang pagka-Diyos ng Panginoong Jesus? Nangangahas ba kayong garantiyahan na kung sakaling darating muli ang Panginoong Jesus na nagpapahayag ng katotohanan, makikilala ninyo ang Kanyang tinig? Ang paniniwala ninyo sa Panginoong Jesus ay katumbas lamang ng paniniwala sa “ang Panginoong Jesus” ang tatlong salitang ito. Naniniwala kayo sa Kanyang pangalan lamang. Hindi ninyo nauunawaan ang banal na diwa ng Panginoong Jesus. Kung talagang nauunawaan ninyo, kung gayon bakit hindi ninyo nakikilala ang tinig ng Espiritu ng Diyos? Bakit hindi ninyo kinikilala na ang katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay nagmumula sa Diyos at ito ang tinig at salita ng Banal na Espiritu? Batay sa nakita ko ngayon, sa paraan ng pagtanggi ninyo sa tinig ng Diyos at sa pagkakaila ng katotohanan na ipinapahayag ng Diyos, natitiyak ko na hindi ninyo kilala ang Diyos na nagkatawang-tao! Kung isinilang kayo dalawang libong taon na ang nakararaan, sa panahon kung kailan nangangaral ang Panginoong Jesus at ginagawa ang Kanyang gawain, tiyak na nakiisa kayo sa mga punong saserdoteng Judio, mga eskriba, at mga Fariseo sa pagkondena sa Panginoong Jesus. Di ba’t totoo ito? Ang mga punong saserdoteng Judio, mga eskriba, at mga Fariseo ay naniwala sa iisa at tanging Diyos sa loob ng maraming taon, pero bakit hindi nila nakilala ang Panginoong Jesus? Bakit nila Siya ipinako sa krus? Ano ang isyu? Bakit bigo ang mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig sa mga huling araw na marinig ang tinig ng Banal na Espiritu? Bakit kinokondena pa rin nila ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Itatanong ko sa inyong lahat: Hindi ba’t ang taong naniniwala sa Diyos ngunit bigong kilalanin ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang anticristo? Kinalaban at tinanggihan ng mga pinunong Judio ang Panginoong Jesus, ang Diyos na nagkatawang-tao. Silang lahat ay mga anticristo na ibinunyag ng gawain ng Diyos. Tungkol naman sa mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig sa mga huling araw na kumakalaban at nagkokondena sa Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba’t sila rin ay mga anticristo na inilantad ng gawain ng Diyos? Malinaw nating nakikita na ang karamihan sa mga pastor at elder sa daigdig ng relihiyon ay kumakalaban at nagkokondena sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw; tinitingnan nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos nang hindi talaga ito nakikita, pinakikinggan nila ang Kanyang mga salita nang hindi talaga nakikinig. Ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Siya ay nanlupig, nagligtas, at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Ang ebanghelyo ng kaharian ay lumalaganap sa buong mundo, ito ay di natitinag! Posible bang hindi nakikita ng mga pastor at mga lider ng relihiyosong daigdig ang mga katotohanan ng gawain ng Diyos? Paanong nasasabi pa rin nila na, “Ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay paniniwala sa isang tao”? Sa pagninilay tungkol dito, kaagad kong naalala kung paanong ang Panginoong Jesus, nang dumating Siya para gawin ang Kanyang gawain, ay kinalaban, kinondena, at nilapastangan ng mga punong saserdoteng Judio, mga eskriba, at mga Fariseo. Hindi ba’t sinabi rin nila na ang paniniwala sa Panginoong Jesus ay paniniwala lamang sa isang tao? Ano ang isyu dito? Ipinakikita lamang nito na marami ang naniniwala sa malabong Diyos ng mataas na kalangitan, ngunit may iilan na may kaalaman tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao. Bakit kinondena ng Panginoong Jesus ang mga Fariseong iyon na kumalaban sa Kanya? Dahil naniwala lamang sila sa malabong Diyos ng mataas na kalangitan, ngunit kinondena at kinalaban ang Diyos na nagkatawang-tao.
Ang mga punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo ay nakita nang malinaw ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus. Kaya paanong buong pagmamatigas pa rin nilang kinalaban, kinondena, at nilapastangan ang Panginoong Jesus? Sinabi nila na nagtaboy Siya ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, na pinuno ng mga diyablo, at nagtangkang linlangin ang mga tao, at ipinako pa Siya sa krus nang buhay, ano ang ipinapakita nito? Hindi ba dahil sa karaniwang tao ang tinging nila sa Panginoong Jesus kaya ginawa nila ang lahat ng ito? Tulad ng sinabi nila, “Hindi ba’t ito ang Nazareno, ang anak ng anluwagi?” Sa pagkaintindi ng mga Fariseo, ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao ay dapat magtaglay ng mga pambihirang katangian. Dapat ay malaki ang pangangatawan Niya at malakas, na tila bayani ang dating at kayang mag-utos. Ang Kanyang mga salita ay dapat nakayayanig at nakabibingi, dapat itong magdulot ng takot sa mga puso ng tao, para walang maglakas-loob na lumapit sa Kanya. Ang totoo, wala sila ni katiting na pang-unawa sa ibig sabihin ng pagkakatawang-tao at hindi hinanap ang salita at gawain ng Panginoong Jesus para sa katotohanan, para hanapin ang disposisyon ng Diyos at ang lahat ng kung ano ang Diyos at kung anong mayroon Siya. Itinuring nila ang Panginoong Jesus bilang karaniwang tao, hinahatulan at nilalapastangan Siya batay sa kanilang mga ilusyon at pagkaintindi. Patunay ito na bagamat naniwala sila sa Diyos, hindi nila Siya kilala at kinalaban pa Siya. Ngayon, sinasabi ng mga pastor at elder ng daigdig ng relihiyon na ang pinaniniwalaan natin ay tao lamang. Wala itong ipinagkaiba sa kung paanong ang mga punong saserdoteng Judio, mga eskriba, at mga Fariseo ay kinondena ang mga alagad ng Panginoong Jesus. Gaya ng nakikita ninyo, karamihan ng mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig ay hindi kaiba sa mga mapagpaimbabaw na Fariseo noon, naniniwala silang lahat sa Diyos samantalang kinakalaban nila Siya. Sila’y mga taong tampalasan na kinikilala lamang ang malabong Diyos ng mataas na kalangitan samantalang itinatatwa si Cristo Mismo! Ano’ng karapatan nila para ikondena ang mga tumatanggap at sumusunod kay Cristo?
Sa mga huling araw, nagbalik ang Diyos sa laman para ipahayag ang Kanyang salita at gawin ang Kanyang gawain sa mga tao. Dumating Siya sa pagkakataong ito bilang ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Sa Kanyang panlabas na anyo, ang Makapangyarihang Diyos ay tila gaya ng isang karaniwang tao, praktikal na namumuhay kasama ng mga tao, kapiling nila, at nakikibahagi sa kanilang buhay. Ipinapahayag Niya ang katotohanan ayon sa mga pangangailangan ng tao at ginagawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Sa pagdanas sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, narinig natin sa sarili nating mga tainga ang salita ng Makapangyarihang Diyos. Nakita natin mismong ibinunyag Niya ang mga hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos, ibig sabihin, ang tunay na kuwento ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan, ang layunin ng plano ng pamamahala ng Diyos, ang hiwaga ng pagkakatawang-tao, kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, ang diwa at katotohanan ng pagkatiwali ng tao na gawa ni Satanas, paano dinadalisay, inililigtas, at ginagawang perpekto ng Diyos ang tao, ang kahulugan at layunin ng gawain ng paghatol ng Diyos, sino ang minamahal ng Diyos at sino ang isinusumpa Niya, sino ang maliligtas at sino ang mawawasak, at destinasyon ng tao, ang katapusan ng lahat ng uri ng mga tao, at paano mangyayari ang kaharian ng Diyos sa lupa, atbp. Habang ipinapahayag ang mga katotohanang ito, ang Makapangyarihang Diyos ay humahatol din at inilalantad ang makademonyong disposisyon ng tao at ang kanyang likas at ang diwa ng pagkalaban sa Diyos, nagtutulot na makita natin ang diwa at katunayan ng ating lubos na katiwalian na gawa ni Satanas, para makita kung gaano tayo ka-arogante at mapagpayaman sa sarili, taksil at makasarili, kung paanong wala tayong anumang pagkakatulad sa mga tao, kung gaano tayo hindi marapat na mamuhay sa harapan ng Diyos. At gayunman ang Diyos ay nagkatawang-tao, buong pagpapakumbabang nagtatago at namumuhay na kasama ng marurumi at tiwaling tao, ipinapahayag ang katotohanan upang hatulan, ilantad, at iligtas ang tao. Nadama nating mabuti na ang diwa ng buhay ng Diyos ay napakabait at kagalang-galang. Ang pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan ay tunay na tunay! Sa pagdanas ng paghatol ng Diyos sa pamamagitan ng salita, mas nalapit tayo at nakilala ang matwid, banal, at di nasasaktang disposisyon ng Diyos, at nadama ang awtoridad at kapangyarihan ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Hindi batid, lumago ang paggalang para sa Diyos sa ating mga puso, sinimulan nating hanapin ang katotohanan, at ang ating disposisyon sa buhay ay nagsimulang magbago. Sa panahong ito natin lubusang natanto na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ang lahat ng katotohanan upang dalisayin at iligtas tayo, na nagtutulot para maalis natin sa ating sarili ang pagka-arogante, pagiging taksil, at ang ating makademonyong disposisyon, at mamuhay na tulad ng isang matapat na tao. Ang Makapangyarihang Diyos ay kasama nating namumuhay, lumalakad sa mga iglesia. Sa labas, Siya ay isang karaniwang tao lamang, gayunman ipinapahayag Niya ang katotohanan at ipinakikita ang matwid na disposisyon ng Diyos, at ang lahat ng kung ano ang Diyos at kung anong mayroon Siya. Ang mga sumusunod sa Kanya at nararanasan ang Kanyang gawain ay tinanggap ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Nakikita nila ang paraan ng paggawa ng Diyos na napaka-praktikal at matalino. Nakikita nila kung gaano ang pagpapakumbaba at pagtatago ng Diyos, kung gaano Siya kaibig-ibig, ang Diyos ay walang pagmamataas, ang disposisyon ng Diyos ay hindi tiwali. Ito ay aayon sa katwiran na ang Diyos, ang Kataastaasan, ay magtataglay Mismo ng isang katawan na malaki at matipuno, ang uri ng katawan na mapipilitan ang tao na sambahin. Ngunit hindi ito ang ginawa ng Diyos. Upang mailigtas ang tiwaling tao, ang Diyos ay nagtaglay Mismo ng karaniwang katawan, tinaglay Niya ang hitsura ng isang karaniwang tao at dumating para mamuhay na kasama nating tiwaling mga tao. Siya ay nagpapahayag ng mga salita, humahatol at nagbibigay sa atin batay sa ating mga pangangailangan. Ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang isang taong mahirap at dumanas ng maraming pahirap at dusa. Bukod dito, naranasan Niya ang panlalait, pagkondena, at pagtanggi ng tiwaling sangkatauhan, gayundin ang pagtugis at pang-uusig ng gobyernong CCP, at higit pa riyan, ang Diyos ay nagpipilit sa di maarok na katatagan ng kalooban na ipahayag ang katotohanan at isagawa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang Diyos ay dumanas ng matinding pagpapahirap upang mailigtas ang sangkatauhan! Ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan ay napakatunay! Dito’y nakikita natin kung gaano kabanal at kadakila ang Diyos. Walang mga salitang makapaglalarawan sa Kanya! Mas inilalapit tayo ng Makapangyarihang Diyos sa Diyos, dinadala tayo nang harapan sa Diyos, upang makita natin Siya, makilala Siya, at magkaroon ng tunay na pagmamahal para sa Kanya, at sa paggawa nito, tinutulutan tayong matanggap ang pagperpekto ng Diyos, upang tunay nating sambahin at sundin ang Diyos. Kinilala nating lahat sa ating mga puso na ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan natin ay ang Panginoong Jesus na nagbalik sa katawang-tao. Siya ay tao, ngunit Siya rin ay Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisa at tanging Diyos, ang Lumikha ng kalangitan, lupa, at ng lahat ng bagay! Tayo ay kinokondena ng mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig, iniisip na tao lamang ang pinaniniwalaan natin. Ngayon hayaang itanong ko: Sino sa buong sangkatauhan ang may kakayahang ipahayag ang katotohanan at tinig ng Diyos? Sino sa mga tao ang napaka-praktikal na makapagsasagawa ng gawain ng pagdadalisay at pagliligtas ng sangkatauhan? Sino sa mga tao ang maaaring magpahintulot sa tiwaling tao na maging perpekto at tunay na mga nakakaalam at sumusunod sa Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng kanyang mga gawa? Wala, wala ni isa! Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang may kakayahang gawin ang gayong praktikal na gawain. Ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapamalas ng Tagapagligtas ng mundo. Siya ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa sangkatauhan at makapaglalaan sa tao ng napakagandang patutunguhan!
mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento