Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Okt 24, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao


Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Ikalawang Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tumpak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos nito ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring mas tumpak at mas konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan sa mga tumatanggap sa ganitong paraan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan ng kung ano ang Diyos at ang pamumuhay kasama ng tao. Tanging ang gawaing ito ang nagsasakatuparan sa kagustuhan ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Partikular na, ang gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ay dinadala ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na mas makatotohanan, mas praktikal, at mas kaaya-aya. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina; ang mas mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagpapasimula sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya ang kapanahunan ng kalabuan nang lubusan, tinatapos Niya ang kapanahunan kung saan ang ninais ng buong sangkatauhan na hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas buong sangkatauhan, at inaakay ang buong sangkatauhan hanggang sa dulo ng isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay resulta ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip na ng Espiritu ng Diyos.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento