Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaligtasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaligtasan. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 13, 2019

Ginugol ang Kabataan Nang Walang Pagsisisi

Mga Salaysay ng Pag-uusig,Mission

Xiaowen Lungsod ng Chongqing

Ang ‘pag-ibig’ ay tumutukoy sa isang damdamin na dalisay at walang kapintasan, kung saan ginagamit mo ang iyong puso upang magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pag-ibig walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang agwat. Sa pag-ibig walang paghihinala, walang pandaraya, at walang katusuhan. Sa pag-ibig walang agwat at walang karumihan” (“Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Itong himno ng salita ng Diyos ay minsang tinulungan akong malampasan ang sakit ng matagal at hindi matapos-tapos na buhay sa kulungan na tumagal ng 7 taon at 4 na buwan. Kahit pa ipinagkait sa akin ng gobyerno ng CCP ang pinakamagagandang taon ng aking kabataan, nakuha ko ang pinakamahalaga at tunay na katotohanan mula sa Makapangyarihang Diyos at samakatuwid wala akong mga reklamo o pagsisisi.

Dis 7, 2019

Mga Pagsasalaysay ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos (Sipi III)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Sipi III)"


         Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Dis 4, 2019

Mga Pagsasalaysay ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos (Sipi II)


Mga Pagsasalaysay ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Sipi II)"


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Nob 2, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"


Tagalog Christian Movies | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"



Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit?

Okt 24, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao


Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Ikalawang Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tumpak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos nito ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring mas tumpak at mas konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan sa mga tumatanggap sa ganitong paraan.

Okt 8, 2019

Kabanata 1 Dapat Mong Malaman na ang Makapangyarihang Diyos ang Nag-iisang Totoong Diyos na Lumikha ng Kalangitan at ng Lupa at Lahat ng Naroon

3. Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananalig sa Makapangyarihang Diyos


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’y naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na upain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Hul 26, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang Awa ng Diyos sa Tao Kailanma'y Hindi Tumigil



I
Ang habag ng Lumikha ay
di hungkag na kasabihan, ni pangakong napapako.
Mayroon itong mga prinsipyo at layunin,
tunay at totoo, walang pagkukunwari.
Ang Kanyang awa ay ipinapagkaloob
sa sangkatauhan sa lahat ng panahon.
Datapwa't ang salita ng Lumikha kay Jonas ay nananatiling
ang natatangi Niyang pahayag kung bakit Siya ay mahabagin,
at kung paano Nya ipinapakita ito,
kung gaano Sya magpaubaya sa tao,
at ang tunay Nyang damdamin sa kanila.

Poot ng Diyos madalas sapitin ng tao,
nguni't awa Nya'y di kailanman tumitigil.

Hun 3, 2019

Napakagandang Tinig (Clips 5) Ang Paghuhukom ng Diyos sa mga Huling Araw ang Kaligtasan para sa Tao


Tagalog Christian Movie | "Napakagandang Tinig" (Clips 5/5) Ang Paghuhukom ng Diyos sa mga Huling Araw ang   para sa Tao


Binabasa ng ilang tao ang mga salita ng Diyos at nakikita na may ilang malulupit na bagay na hatol ng sangkatauhan, at pagtuligsa at sumpa. Iniisip nila na kung hinahatulan at isinusumpa ng Diyos ang mga tao, hindi ba sila huhusgahan at parurusahan? Paano masasabi na ang ganitong klaseng paghatol ay para padalisayin at iligtas ang sangkatauhan?

May 13, 2019

Mga Movie Clip | "Kinakatawan Ba ng Pagiging Ligtas ang Ganap na Kaligtasan?"


Tagalog Christian Movie | Pagkamulat | "Kinakatawan Ba ng Pagiging Ligtas ang Ganap na Kaligtasan?"

Madalas na ipinangangaral ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon sa mga mananampalataya na mawawala ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoong Jesus at ginawa silang karapat-dapat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, at kapag may isang naligtas, ligtas na rin sila habangbuhay.

Abr 29, 2019

Paano Makikilala ang Pagkakaiba ng Pagkakaligtas at Totoong Kaligtasan


Tagalog Christian Movies | Mapalad ang Mapagpakumbaba "Paano Makikilala ang Pagkakaiba ng Pagkakaligtas at Totoong Kaligtasan"


Naniniwala ang maraming nasa mundo ng relihiyon tayong mga nananalig sa Panginoon ay napatawad na ang mga kasalanan at nailigtas na sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya, at isinasabuhay natin ang kababaang-loob at pagtitiis, pinapasan ang ating mga krus at nagkakaroon ng maraming magandang pag-uugali, kaya hindi pa ba ito nangangahulugan na sumailalim kami sa pagbabago?

Abr 24, 2019

Mga Pagsasalaysay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit.

Abr 17, 2019

Ebangheliyong pelikula | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Tagalog Christian Movies | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia.

Abr 16, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao


Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas.

Mar 19, 2019

Tagalog Christian Movies | "Mabuting Tao Ako!" | How to Be Good People in the Eyes of God


Tagalog Christian Movies | "Mabuting Tao Ako!" | How to Be Good People in the Eyes of God


Nagustuhan na ni Yang Huixin, isang Kristiyano, na maging mabuting tao noong bata pa siya. Ayaw niyang makasakit ng iba. Naniniwala siya na mabuti siyang tao dahil siya ay mabait at kaaya-aya sa iba.

Mar 10, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Pagsasagawa (8)

Napakarami ng tungkol sa mga tao ang lihis at mali, hindi nila kailanman magagawang maunawaan sa kanilang mga sarili, at kaya kailangan pa ring gabayan sila sa pagpasok sa tamang landas; sa ibang pananalita, nagagawa nilang ayusin ang kanilang mga buhay pantao at mga buhay espirituwal, ilagay ang parehong mga aspeto sa pagsasagawa, at walang pangangailangan para sa kanila na palaging sinusuportahan at ginagabayan. Tanging sa gayon nila tataglayin ang tunay na tayog. Ang ganito ay mangangahulugan na, sa hinaharap, kapag walang sinuman para gabayan ka, makararanas ka pa rin sa sarili mo. Sa kasalukuyan, kung makarating ka sa pagkaunawa sa kung ano ang mahalaga at hindi, sa hinaharap, magagawa mong makapasok sa katotohanan. Sa kasalukuyan, kayo ay inaakay patungo sa tamang landas, tinutulutan kayo na maunawaan ang maraming katotohanan, at sa hinaharap magagawa ninyong mas lumalim pa. Maaaring sabihin na ang ipinauunawa sa mga tao ngayon ay ang pinakadalisay na paraan. Sa kasalukuyan, ikaw ay dinadala sa tamang landas—at kung, isang araw, walang sinuman ang gagabay sa iyo, magsasagawa ka at susulong nang mas malalim alinsunod sa pinakadalisay sa lahat ng mga landas. Ngayon, ipinauunawa sa mga tao kung ano ang tama, at kung ano ang lihis, at pagkatapos maunawaan ang mga bagay na ito, sa hinaharap ang kanilang mga karanasan ay lalalim. Sa kasalukuyan, ang mga bagay na hindi ninyo nauunawaan ay binabaligtad, at ang landas ukol sa positibong pagpasok ay ibinubunyag sa inyo, pagkatapos ay magwawakas ang yugto ng gawaing ito, at sisimulan ninyong lakaran ang landas na nararapat sa inyong mga tao. Sa panahong iyon, ang Aking gawain ay matatapos, at mula sa puntong iyon pasulong hindi na kayo makikipagkita sa Akin. Sa kasalukuyan, ang inyong tayog ay masyado pang maliit. Maraming mga paghihirap na mga bagay ukol sa sangkap at kalikasan ng tao, at kaya, pati, mayroong ilang mga bagay na naka-ugat nang malalim na hindi pa nahuhukay. Hindi ninyo nauunawaan ang mas maliliit na detalye ng sangkap at kalikasan ng mga tao, at kailangan pa rin Ako para banggitin ang mga ito; kung hindi, hindi ninyo malalaman. Kapag ito ay nakaabot sa isang partikular na punto at ang mga bagay sa loob ng inyong mga buto at dugo ay nailalantad, ito ang kilala bilang pagkastigo at paghatol. Kapag ang Aking gawain ay ganap at lubos na naipatupad saka Ko lamang wawakasan ito.

Mar 6, 2019

Tanong 1: Naniniwala ako na kung tayo ay magiging tapat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa paraan ng Panginoon at hindi tatanggapin ang panlilinlang ng bulaang Cristo at mga bulaang propeta, kung tayo ay alerto habang tayo ay naghihintay, kung gayon ang Panginoon ay tiyak na magbibigay sa atin ng mga rebelasyon kapag Siya ay dumating. Hindi natin kailangang makinig sa boses ng Panginoon upang tayo ay dalhin. Sabi ng Panginoong Jesus, “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan: ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:23-24). Hindi n’yo ba nakikita ang panlilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta? Kaya nga, naniniwala kami na lahat ng nagpapatotoo sa pagdating ng Panginoon ay tiyak na bulaan. Hindi na natin kailangang maghanap at magsiyasat. Dahil pagdating ng Panginoon, maghahayag Siya sa atin, at tiyak na hindi Niya tayo pababayaan. Naniniwala ako na ito ang tamang pagpapatupad. Ano sa tingin ninyong lahat?

Sagot: Tunay ngang sinabi ng Panginoong Jesus na magkakaroon ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta sa mga huling araw. Ito’y katotohanan. Ngunit malinaw na nagpropesiya din ang Panginoong Jesus nang maraming beses na Siya ay babalik. Pinaniniwalaan ba natin ito? Kapag sinisiyasat ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus, maraming tao ang nagbibigay prayoridad sa pagiging maingat sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. At hindi man lang iniisip kung paano sasalubong sa pagdating ng kasintahang lalaki, at kung paano makikinig sa tinig ng kasintahang lalake. Ano ba ang isyu rito? Hindi ba’t ito’y kaso ng hindi pagkain dahil sa takot na mabulunan, ng pagiging maingat tungkol sa mga bagay na walang halaga at pagbabalewala sa mga bagay na mahalaga? Sa katunayan, gaano man tayo kahigpit mag-ingat laban sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, kung hindi natin tatanggapin ang pagbabalik ng Panginoon, at hindi tayo madadala sa harapan ng trono ng Diyos, tayo’y mga hangal na birhen na pinaalis at itinakwil ng Diyos, at ang paniniwala natin sa Panginoon ay isang lubos na kabiguan! Ang susi sa kung matatanggap natin ang pagbabalik ng Panginoon o hindi ay kung naririnig natin ang tinig ng Diyos o hindi. Hangga’t ating kinikilala na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, hindi tayo mahihirapang tukuyin ang tinig ng Diyos. Kung hindi natin mabatid ang katotohanan, at nakatuon lamang sa mga tanda at kababalaghan ng Diyos, tiyak na malilinlang tayo ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Kung hindi natin hahanapin at sisiyasatin ang tamang daan, hindi natin maririnig ang tinig ng Diyos kailanman. Hindi ba natin hinihintay ang kamatayan, at magdadala ng sarili nating pagkawasak? Naniniwala kami sa mga salita ng Panginoon, naririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos. Yaong mga tunay na may talino, at kalibre, at nakakarinig sa tinig ng Diyos ay hindi malilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta.

Mar 5, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo | 17. Ano ang isang bulaang Cristo?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kung ang tao ay tinatawag ang kanyang sarili na Diyos nguni’t hindi kayang ipahayag ang kabuuan ng pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, siya ay walang-alinlangang hindi Diyos, dahil wala sa kanya ang esensya ng Diyos, at yaong likas na kayang makamit ng Diyos ay hindi umiiral sa loob niya.

mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bukod kay Cristo, silang mga may kabulaanang nag-aangking sila ay si Cristo ay wala ng mga katangian Niya. Kapag ikinumpara laban sa mga mapagmataas at mapagmapuring disposisyon niyaong mga huwad na Cristo, nagiging mas malinaw kung ano ang klase ng katawang-tao ng tunay na Cristo. Mas huwad sila, mas lalong ipinagyayabang ng gayong mga huwad na Cristo ang kanilang mga sarili, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga palatandaan at mga kagila-gilalas na mga bagay upang linlangin ang tao.

Peb 27, 2019

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos

Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob ng iglesia ngayon? Mayroon ka bang nauunawaan sa gayon? Ano ang pinakadakilang mga paghihirap ng mga kapatid? Ano ang pinakakulang sa kanila? Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na negatibo sa gitna ng mga pagsubok, at ang iba sa kanila ay nagrereklamo pa, at ang ilan ay hindi na nagpapatuloy pa sapagkat ang Diyos ay hindi na nagsasalita. Ang mga tao ay hindi nakapasok sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos. Hindi nila kayang mamuhay nang mag-isa, at hindi nila mapanatili ang kanilang sariling buhay espiritwal. May ilang mga tao na sumusunod, taglay ang udyok para sa paghahangad, at nakahanda sa pagsasagawa kapag nagsalita ang Diyos. Ngunit kapag hindi nagsasalita ang Diyos, hindi na sila nagpapatuloy. Hindi pa rin naiintindihan ng mga tao ang kalooban ng Diyos sa loob ng kanilang mga puso at wala kaagad silang pag-ibig para sa Diyos; Ang kanilang pagsunod sa Diyos sa nakaraan ay dahil pinilit sila. Ngayon mayroong ilang mga tao na pagod na sa gawain ng Diyos. Hindi ba sila nasa panganib? Napakarami sa mga tao ang nasa isang kalagayan na kinakaya lamang. Bagamat kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos at nananalangin sa Kanya, lahat ng ito ay pabantulot. Wala silang udyok na taglay nila dati, at ang karamihan sa mga tao ay hindi interesado sa gawain ng Diyos na kapinuhan at pagka-perpekto. Ito ay parang hindi pa sila nagkaroon ng anumang panloob na udyok, at kapag sila ay napagtatagumpayan ng mga pagsalangsang hindi nila nadarama ang utang na loob sa Diyos. Hindi sila nagsisisi sa kanilang mga sarili at hindi nila hinahangad ang katotohanan o iniiwan ang iglesia. Ang hinahangad lamang nila ay mga panandaliang kaaliwan. Ito ang pinakahangal na uri ng mangmang! Kapag dumating ang oras, silang lahat ay itatakwil, wala ni isa man ang maliligtas!

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabintatlong Pagbigkas



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabintatlong Pagbigkas


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung walang aktuwal na karanasan, hindi Ako kailanman makikilala ng isang tao, hindi niya kailanman magagawang makilala Ako sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ngunit ngayon, personal Akong naparito sa inyong kalagitnaan: Hindi ba nito padadaliin ang pagkilala ninyo sa Akin? Maaari kaya na hindi rin kaligtasan para sa inyo ang Aking pagkakatawang-tao? Kung hindi Ako bumaba sa sangkatauhan sa sarili Kong katauhan, ang buong sangkatauhan ay matagal nang napuno ng mga pagkaintindi, ibig sabihin, naging mga pag-aari na ni Satanas, dahil ang iyong pinaniniwalaan ay imahe lamang ni Satanas at walang anupamang kinalaman sa Diyos Mismo.