Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Peb 20, 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang



Tagalog Praise Songs | "Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang"


I

Ang mga salita ng Diyos ay puno ng buhay,

nag-aalok sa atin ng landas na dapat nating tahakin,

ang pag-unawa sa kung ano ang katotohanan.

Nagsisimula tayo na maakit sa Kanyang mga salita;

nagsisimula tayong tumuon sa tono

at paraan ng Kanyang pagsasalita,

at maging kusa na pakinggan

ang panloob na tinig ng ordinaryong taong ito.


II

Nagtutuon ang Diyos sa atin;

para sa atin, hindi Siya makatulog o makakain;

para sa atin, Siya'y umiiyak at naghihinagpis;

para sa atin, Siya'y dumadaing sa sakit.

Siya'y dumaranas ng hiya

para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan,

at ang puso Niya'y lumuluha at nagdurugo

para sa pagiging suwail at manhid natin.

III

Wala sa mga ordinaryong tao

ang gayong katangian at mga ari-arian Niya.

Gayundin, sinuman sa masasamang tao ay hindi mataglay

o makamit ang mga ito.

Ang Kanyang pagpapaubaya

at pagtitiis ay lampas sa mga ordinaryong tao,

at ang pag-ibig Niya

ay hindi taglay ng anumang nilalang.

Ang pag-ibig Niya

ay hindi taglay ng anumang nilalang.

mula sa Sumunod sa Cordero@at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Rekomendasyon:Tagalog Prayer Song

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento