Ano ang isang matapat na tao? Bakit gusto ng Diyos ang matatapat na tao?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. Ang Diyos ay may diwa ng katapatan, kaya’t ang Kanyang salita ay palaging mapapagkatiwalaan. Higit pa, ang Kanyang mga pagkilos ay walang kapintasan at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos yaong mga lubos na matapat sa Kanya.
Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman maging huwad sa Kanya sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi kailanman nagtatago ng katotohanan; huwag kailanman gawin yaong nanlilinlang sa mga nakatataas at nagliligaw sa mga nasa ibaba; at huwag kailanman gawin yaong pagmamagaling lamang ng iyong sarili sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pag-iwas sa karumihan sa mga kilos at salita, at ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. … Ang iba ay matino at maayos kung kumilos at tila lalong “pinong kumilos” sa presensiya ng Diyos, ngunit nagiging suwail at lubusang nawawalan ng lahat ng pagpipigil sa presensiya ng Espiritu. Ibibilang ba ninyo ang ganoong tao sa hanay ng mga matapat? Kung ikaw ay isang ipokrito at isa na bihasang makipagsosyalan, kung gayon ay sinasabi Kong ikaw ay tiyak na isa na nagwawalang-bahala sa Diyos. Kung ang iyong mga salita ay puno ng mga pagdadahilan at walang-kabuluhang mga pangangatwiran, kung gayon sinasabi Ko na ikaw ay isa na lubhang nasusuklam na magsagawa ng katotohanan. Kung marami kang mga itinatago na atubili kang ibahagi, at kung ayaw na ayaw mong ilantad ang iyong mga lihim—ibig sabihin, ang iyong mga paghihirap—sa harap ng iba upang sa gayon ay hanapin ang daan ng liwanag, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isa na hindi madaling makakatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon mula sa kadiliman. Kung ang paghahanap sa daan ng katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa na laging nananahan sa liwanag. Kung galak na galak kang maging isang tagapagsilbi sa tahanan ng Diyos, masipag at matapat na gumagawa nang nakakubli, laging nagbibigay at hindi kailanman kumukuha, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isang tapat na banal, sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala at isang matapat na tao lamang. Kung handa kang maging lantad, kung handa kang gugulin ang iyong lahat-lahat, kung kaya mong isakripisyo ang iyong buhay para sa Diyos at tumayong saksi, kung ikaw ay matapat hanggang sa punto na ang alam mo lamang ay bigyang-kasiyahan ang Diyos at hindi isaalang-alang ang iyong sarili o kumuha para sa sarili, kung gayon ay sinasabi Ko na ang mga taong ito ay yaong pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay magpakailanman sa kaharian.
Walang kalikuan o panlilinlang sa mga disposisyon ng mga normal na tao, may normal na relasyon sa isa’t isa ang mga tao, hindi sila nag-iisa, at hindi katamtaman ni may-kabulukan ang kanilang buhay. Gayundin naman, mataas sa lahat ang Diyos, lumalaganap sa gitna ng tao ang Kanyang mga salita, namumuhay ang mga tao nang may kapayapaan sa isa’t isa at sa ilalim ng pag-aalaga at pag-iingat ng Diyos, napupuspos ng pagkakasundo ang lupa, nang walang panghihimasok ni Satanas, at ang kaluwalhatian ng Diyos ang itinuturing na pinakamahalaga sa gitna ng tao. Ang gayong mga tao ay tulad ng mga anghel: dalisay, masisigla, hindi kailanman nagrereklamo tungkol sa Diyos, at ginugugol ang lahat ng kanilang mga pagsisikap para lamang sa kaluwalhatian ng Diyos sa lupa.
Lubos Kong kinalulugdan ang mga hindi nagkikimkim ng paghihinala tungkol sa iba at gustung-gusto Ko rin yaong mga tumatanggap kaagad ng katotohanan; ang dalawang uri ng mga taong ito ang lubos Kong kinakalinga, dahil sa Aking paningin sila ay matapat na mga tao.
Ang Aking kaharian ay humihingi sa kanila na tapat, hindi mapagkunwari, at hindi mapanlinlang. Hindi ba’t ang mga tunay at tapat na mga tao sa mundo ay hindi sikat? Ako lang ang kabaligtaran. Ito ay katanggap-tanggap para sa tapat na mga tao na lumapit sa Akin; Ako ay nalulugod sa ganitong uri ng tao, kailangan Ko rin ang ganitong uri ng tao. Ito mismo ang Aking pagkamakatuwiran.
Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging matapat ang nagpapatunay na tunay na kinamumuhian Niya ang mga mandaraya, na hindi Niya gusto ang mga taong mandaraya. Ang katunayan na hindi gusto ng Diyos ang mga mandaraya ay nangangahulugan na hindi Niya gusto ang kanilang mga kilos, disposisyon, at ang kanilang mga motibo; iyon ay, hindi nais ng Diyos ang paggawa nila ng mga bagay-bagay. Kaya kung bibigyan natin ng kasiyahan ang Diyos, dapat muna nating baguhin ang ating mga kilos at paraan ng pag-iral. Dati-rati, umasa tayo sa mga kasinungalingan at pagkukunwari para mamuhay sa piling ng mga tao. Ito ang ating puhunan, at ang batayan ng pag-iral, buhay, at pundasyon ng ating pagkilos, at lahat ng ito ay kinamuhian ng Diyos. Sa mga walang-pananalig sa mundo, kung hindi mo alam kung paano magmanipula o manloko, baka mahirapan kang manindigan. Makakaya mo lang magsinungaling, manloko, at makipagsabwatan at lihim na manira para protektahan ang iyong sarili at magbalatkayo para magkaroon ng mas mainam na buhay. Sa bahay ng Diyos, iyon mismo ang kabaligtaran: Habang mas nanloloko ka, mas gumagamit ka ng sopistikadong pagmamanipula para magkunwari at manloko ng mga tao, sa gayo’y mas hindi mo kakayaning manindigan, at mas kinamumuhian at inaalis ng Diyos ang gayong mga tao. Naitadhana na ng Diyos na ang matatapat na tao lamang ang magkakaroon ng bahaging gagampanan sa kaharian ng langit. Kung hindi ka matapat, at kung, sa buhay mo, hindi nakatuon ang iyong pagsasagawa sa pagiging matapat at hindi mo ipinapakita ang totoong pagkatao mo, hindi ka magkakaroon ng anumang pagkakataon kailanman na matamo ang gawain ng Diyos o ang Kanyang papuri.
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging matapat na tao? Una, masasabi natin nang may katiyakan na ang matapat na tao ay may konsensya at may katwiran, na sa kanilang mga puso ay dinadakila nila ang Diyos, at kaya nilang suklian ang pagmamahal ng Diyos. Pangalawa, ang matapat na tao ay nagsasalita sa isang praktikal at makatotohanang paraan. Hindi nila binabaluktot ang mga katotohanan, patas silang magsalita, at patas ang turing nila sa mga tao. Pangatlo, ang matapat na tao ay iginagalang ang Diyos, isinasagawa nila ang katotohanan, at sinusunod ang Diyos. Pang-apat, ang matapat na tao ay ginagampanan ang kanilang mga tungkulin nang buong katapatan. Sila’y tapat sa Diyos sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa. Panglima, ang matapat na tao ay minamahal ang Diyos sa kanilang puso. Kaya nilang isaalang-alang ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Pang-anim, ang matapat na tao ay namumuhay sa mga salita ng Diyos. Kaya nilang tunay na sambahin ang Diyos. Ang isang tao na kayang taglayin itong mga nasa itaas na katangian ay isang matapat na tao. Kuntento ang Diyos na mabuhay ang mga taong ito sa Kanyang presensya. Ito mismo ang uri ng tao na gustong gawing ganap ng Diyos. Ito mismo ang uri ng tao na gustong makamit ng Diyos. Ang ganitong uri ng tao ay isang matapat na tao.
Bakit gusto ng Diyos ang matatapat na tao? Una, makakasundo ng matatapat na tao ang iba; maaari silang maging matalik na kaibigan ng iba. Hindi ka nila niloloko, kundi sinasabi ang katotohanan; kapag nakikitungo ka sa ganitong klaseng mga tao, malinaw ang isipan mo, panatag ka at payapa. Pangalawa, ang pinakamahalaga ay mapagkakatiwalaan at maaasahan ang matatapat na tao; napagkakatiwalaan mo sila kapag may ipinagkatiwala ka sa kanila o tinutulungan ka nila. Kaya kampante ka, panatag, walang inaalala, at payapa kapag nakikitungo sa matatapat na tao; maginhawa at masaya ang pakiramdam mo. Ang matatapat na tao lang ang magiging matatalik na kaibigan sa iba at magtatamo ng tiwala nila, sa gayon ay matatapat na tao lang ang tunay na kawangis ng isang tao.
Higit pang pansin: Ano ang katapatan? Ang katapatan ay kasangkot sa puso ng tao. Ibig sabihin, dapat maging matapat ang ating mga puso; nag-iisip at kumikilos tayo sa parehong paraan; dapat tayong maging dalisay sa ating mga kilos at salita; dapat nating gawin ang lahat ng bagay sa harap ng Diyos at tanggapin ang pagmamasid ng Diyos. Ang mga gumagawa lamang sa mga paraang ito ang maaaring purihin ng Diyos at makapasok sa kaharian ng Diyos.
Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman maging huwad sa Kanya sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi kailanman nagtatago ng katotohanan; huwag kailanman gawin yaong nanlilinlang sa mga nakatataas at nagliligaw sa mga nasa ibaba; at huwag kailanman gawin yaong pagmamagaling lamang ng iyong sarili sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pag-iwas sa karumihan sa mga kilos at salita, at ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. … Ang iba ay matino at maayos kung kumilos at tila lalong “pinong kumilos” sa presensiya ng Diyos, ngunit nagiging suwail at lubusang nawawalan ng lahat ng pagpipigil sa presensiya ng Espiritu. Ibibilang ba ninyo ang ganoong tao sa hanay ng mga matapat? Kung ikaw ay isang ipokrito at isa na bihasang makipagsosyalan, kung gayon ay sinasabi Kong ikaw ay tiyak na isa na nagwawalang-bahala sa Diyos. Kung ang iyong mga salita ay puno ng mga pagdadahilan at walang-kabuluhang mga pangangatwiran, kung gayon sinasabi Ko na ikaw ay isa na lubhang nasusuklam na magsagawa ng katotohanan. Kung marami kang mga itinatago na atubili kang ibahagi, at kung ayaw na ayaw mong ilantad ang iyong mga lihim—ibig sabihin, ang iyong mga paghihirap—sa harap ng iba upang sa gayon ay hanapin ang daan ng liwanag, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isa na hindi madaling makakatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon mula sa kadiliman. Kung ang paghahanap sa daan ng katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa na laging nananahan sa liwanag. Kung galak na galak kang maging isang tagapagsilbi sa tahanan ng Diyos, masipag at matapat na gumagawa nang nakakubli, laging nagbibigay at hindi kailanman kumukuha, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isang tapat na banal, sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala at isang matapat na tao lamang. Kung handa kang maging lantad, kung handa kang gugulin ang iyong lahat-lahat, kung kaya mong isakripisyo ang iyong buhay para sa Diyos at tumayong saksi, kung ikaw ay matapat hanggang sa punto na ang alam mo lamang ay bigyang-kasiyahan ang Diyos at hindi isaalang-alang ang iyong sarili o kumuha para sa sarili, kung gayon ay sinasabi Ko na ang mga taong ito ay yaong pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay magpakailanman sa kaharian.
—mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang kalikuan o panlilinlang sa mga disposisyon ng mga normal na tao, may normal na relasyon sa isa’t isa ang mga tao, hindi sila nag-iisa, at hindi katamtaman ni may-kabulukan ang kanilang buhay. Gayundin naman, mataas sa lahat ang Diyos, lumalaganap sa gitna ng tao ang Kanyang mga salita, namumuhay ang mga tao nang may kapayapaan sa isa’t isa at sa ilalim ng pag-aalaga at pag-iingat ng Diyos, napupuspos ng pagkakasundo ang lupa, nang walang panghihimasok ni Satanas, at ang kaluwalhatian ng Diyos ang itinuturing na pinakamahalaga sa gitna ng tao. Ang gayong mga tao ay tulad ng mga anghel: dalisay, masisigla, hindi kailanman nagrereklamo tungkol sa Diyos, at ginugugol ang lahat ng kanilang mga pagsisikap para lamang sa kaluwalhatian ng Diyos sa lupa.
—mula sa “Kabanata 16” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Lubos Kong kinalulugdan ang mga hindi nagkikimkim ng paghihinala tungkol sa iba at gustung-gusto Ko rin yaong mga tumatanggap kaagad ng katotohanan; ang dalawang uri ng mga taong ito ang lubos Kong kinakalinga, dahil sa Aking paningin sila ay matapat na mga tao.
—mula sa “Paano Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
—mula sa “Kabanata 33” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging matapat ang nagpapatunay na tunay na kinamumuhian Niya ang mga mandaraya, na hindi Niya gusto ang mga taong mandaraya. Ang katunayan na hindi gusto ng Diyos ang mga mandaraya ay nangangahulugan na hindi Niya gusto ang kanilang mga kilos, disposisyon, at ang kanilang mga motibo; iyon ay, hindi nais ng Diyos ang paggawa nila ng mga bagay-bagay. Kaya kung bibigyan natin ng kasiyahan ang Diyos, dapat muna nating baguhin ang ating mga kilos at paraan ng pag-iral. Dati-rati, umasa tayo sa mga kasinungalingan at pagkukunwari para mamuhay sa piling ng mga tao. Ito ang ating puhunan, at ang batayan ng pag-iral, buhay, at pundasyon ng ating pagkilos, at lahat ng ito ay kinamuhian ng Diyos. Sa mga walang-pananalig sa mundo, kung hindi mo alam kung paano magmanipula o manloko, baka mahirapan kang manindigan. Makakaya mo lang magsinungaling, manloko, at makipagsabwatan at lihim na manira para protektahan ang iyong sarili at magbalatkayo para magkaroon ng mas mainam na buhay. Sa bahay ng Diyos, iyon mismo ang kabaligtaran: Habang mas nanloloko ka, mas gumagamit ka ng sopistikadong pagmamanipula para magkunwari at manloko ng mga tao, sa gayo’y mas hindi mo kakayaning manindigan, at mas kinamumuhian at inaalis ng Diyos ang gayong mga tao. Naitadhana na ng Diyos na ang matatapat na tao lamang ang magkakaroon ng bahaging gagampanan sa kaharian ng langit. Kung hindi ka matapat, at kung, sa buhay mo, hindi nakatuon ang iyong pagsasagawa sa pagiging matapat at hindi mo ipinapakita ang totoong pagkatao mo, hindi ka magkakaroon ng anumang pagkakataon kailanman na matamo ang gawain ng Diyos o ang Kanyang papuri.
—mula sa “Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging matapat na tao? Una, masasabi natin nang may katiyakan na ang matapat na tao ay may konsensya at may katwiran, na sa kanilang mga puso ay dinadakila nila ang Diyos, at kaya nilang suklian ang pagmamahal ng Diyos. Pangalawa, ang matapat na tao ay nagsasalita sa isang praktikal at makatotohanang paraan. Hindi nila binabaluktot ang mga katotohanan, patas silang magsalita, at patas ang turing nila sa mga tao. Pangatlo, ang matapat na tao ay iginagalang ang Diyos, isinasagawa nila ang katotohanan, at sinusunod ang Diyos. Pang-apat, ang matapat na tao ay ginagampanan ang kanilang mga tungkulin nang buong katapatan. Sila’y tapat sa Diyos sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa. Panglima, ang matapat na tao ay minamahal ang Diyos sa kanilang puso. Kaya nilang isaalang-alang ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Pang-anim, ang matapat na tao ay namumuhay sa mga salita ng Diyos. Kaya nilang tunay na sambahin ang Diyos. Ang isang tao na kayang taglayin itong mga nasa itaas na katangian ay isang matapat na tao. Kuntento ang Diyos na mabuhay ang mga taong ito sa Kanyang presensya. Ito mismo ang uri ng tao na gustong gawing ganap ng Diyos. Ito mismo ang uri ng tao na gustong makamit ng Diyos. Ang ganitong uri ng tao ay isang matapat na tao.
—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
Bakit gusto ng Diyos ang matatapat na tao? Una, makakasundo ng matatapat na tao ang iba; maaari silang maging matalik na kaibigan ng iba. Hindi ka nila niloloko, kundi sinasabi ang katotohanan; kapag nakikitungo ka sa ganitong klaseng mga tao, malinaw ang isipan mo, panatag ka at payapa. Pangalawa, ang pinakamahalaga ay mapagkakatiwalaan at maaasahan ang matatapat na tao; napagkakatiwalaan mo sila kapag may ipinagkatiwala ka sa kanila o tinutulungan ka nila. Kaya kampante ka, panatag, walang inaalala, at payapa kapag nakikitungo sa matatapat na tao; maginhawa at masaya ang pakiramdam mo. Ang matatapat na tao lang ang magiging matatalik na kaibigan sa iba at magtatamo ng tiwala nila, sa gayon ay matatapat na tao lang ang tunay na kawangis ng isang tao.
—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
Higit pang pansin: Ano ang katapatan? Ang katapatan ay kasangkot sa puso ng tao. Ibig sabihin, dapat maging matapat ang ating mga puso; nag-iisip at kumikilos tayo sa parehong paraan; dapat tayong maging dalisay sa ating mga kilos at salita; dapat nating gawin ang lahat ng bagay sa harap ng Diyos at tanggapin ang pagmamasid ng Diyos. Ang mga gumagawa lamang sa mga paraang ito ang maaaring purihin ng Diyos at makapasok sa kaharian ng Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento