Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Masaya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Masaya. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 14, 2019

Himno ng Iglesia | Tumayo at Sumayaw para sa Diyos



I
Narinig na natin ang tinig ng Diyos at naitaas na tayo
sa harap Niya upang makadalo sa piging. sa piging.
Ating kinakain at iniinom ang mga salita ng Diyos
at nagdadasal tayo sa Kanya,
ang mabuhay sa harap Niya'y kagalakan.
Nang maniwala tayo sa Diyos sa relihiyon,
puso nati'y madilim at wala tayong tinahak.
Ngayon kinakain natin at iniinom ang Kanyang salita,
nakikibahagi sa katotohana't.
Ang tamasahin ang gawain
ng Banal na Espiritu'y kasiyahan.
Mga kapatid, tumayo at sumayaw!
Ialay ang bagong sayaw sa pagpuri sa Diyos!
Natakasan na natin ang mga gapos
ng mga ritwal ng relihiyon,
naunawaan na natin ang katotohanan,
ang ating espiritu ay napalaya na.
Lahat ng salita ng Diyos ay katotohanan,
itinuturo sa atin ang daan ng buhay.
Di na tayo muling magpaplano sa'ting sarili,
lubos nating susundin kapamunuan at pagsasaayos Niya.