Ay … mga awiting kayrami, mga sayaw kay ganda;
sansinukob at dulo ng lupa, naging kumukulong dagat.
Ay …
langit ay bago, lupa ay bago.
Sansinukob nagpupuri; tayo’y sumisigaw, tumatalon sa tuwà.
Bundok sama-sama, tubig sama-sama, kapatiran puso sa puso.
D’yos ating pinupuring walang-humpay. Mga nilalang iniibig ang D’yos,
buong-galak sa trono N’ya, sasambang sama-sama.
D’yos sa Sion ‘binunyag sa sansinukob Kanyang kabanalan at pagkamatwid.
Bayan ng D’yos nakangiti sa tuwa, nagpupuri sa D’yos walang-humpay.
Papuri Diyos, papuri Diyos!
Aleluya! Papuri Diyos, papuri Diyos!
Upang ibigin S’ya, pusong tapat, dapat ialay.
Awit at sayaw papuri sa Makapangyarihang D’yos.
Tinig na nagpupuri’y abot-langit.
Tayong lalaki’t babae, matanda’t bata, sama-sama.
Alay mo’y mga awit, sa aki’y mga sayaw, umawit ka, ‘ko’y iindak.
D’yablo’y napahiya— malaking pulang dragon; naluwalhati ang makapangyarihang tunay na D’yos.
Ating nakita sa gawa N’ya, matwid N’yang disposisyon.
Makapangyarihang D’yos ay matwid. Bayan N’ya’y nakita maluwalhating mukha N’ya.
Hangarin nating lahat maibig S’ya’t masiyahan, sa Kanya’y tapat kailanman.
Papuri Diyos, papuri Diyos!
Aleluya! Papuri Diyos, papuri Diyos!
Darating! Papuri Diyos!
Darating! Papuri Diyos!
Darating!
Mga bundok nagbubunyi, mga tubig tumatawa,
Mga bansa’t tao tumatawang masaya. Kaybagong anyô!
Ang bagong langit, bagong lupa at bagong kaharian!
Ating sinasayaw at kinakanta bagong mga awit para sa D’yos; kaysaya!
Pinakamagandang awit, pinakamagandang sayaw, sa D’yos inialay.
Isang pusong taós, isang pusong tunay, sa D’yos inialay.
Lahat ng mga baya’t bagay, pupurihin S’yang walang-humpay. Ay!
O! kayluwalhati ng Sion!
Tahanan ng D’yos, baga sa liwanag. Luwalhati’y nagniningning sa buong sansinukob.
Makapangyarihang D’yos may ngiti, sa trono’y nagmamasid sa bagong anyô ng sansinukob. Uy!
mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit