Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Matapat na Tao. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Matapat na Tao. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 25, 2019

"Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" - Isang Kristiyano ang Kumilos nang Matapat at Pinagpala ng Diyos (Clips 1/2)


Tagalog Christian Movie | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" - Isang Kristiyano ang Kumilos nang Matapat at Pinagpala ng Diyos (Clips 1/2)


Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Ang Kristiyanog si Cheng Nuo ay isang doktor. Sa buhay niya, nagpunyagi siyang maging matapat na tao ayon sa mga salita ng Panginoon. Minsan, sa isang pagtatalo tungkol sa paggamot sa isang pasyente, ipinagtapat niya sa mga kapamilya ng isang pumanaw na pasyente ang mga pagkakamali ng ospital. Nakaapekto naman ito sa reputasyon ng ospital, at pinaalis siya ng ospital dahil sa hindi pagsunod sa mga pamantayan ng medisina. Dahil sa kanyang "masamang track record," paulit-ulit na tinanggihan si Cheng Nuo nang maghanap siya ng bagong trabaho. Matindi niyang nilabanan ang kanyang sarili: Pagsasabi ng katotohanan ang dahilan kaya hindi siya makahanap ng trabaho, pero ang hindi pagsasabi ng katotohanan ay labag sa salita ng Diyos…. Paano niya dapat sundin ang mga salita ng Panginoon at maging isang matapat na tao? Sa pamamagitan ng paghahangad, sa wakas ay nakahanap siya ng paraan para maisagawa ang katotohanan at maging isang matapat na tao, at di-inaasahan na pinagpala siya ng Diyos sa paggawa nito …

Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/videos/acts-honestly-and-receives-God-s-blessing.html

Ene 25, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Ang Mga Taong Hindi Madaya ay Hindi Nangangahulugang Mga Matapat na Tao

Cheng Mingjie Lungsod ng Xi’an, Probinsiya ng Shaanxi


Itinuturing ko ang sarili ko na isang uri ng tao na mapagkaibigan at tapat kung magsalita. Nakikipag-usap ako sa mga tao sa paraan na tapat; anuman ang nais kong sabihin, sinasabi ko ito—hindi ako ang uri na nagpapaliguy-ligoy. Sa aking mga pakikipag-ugnayan sa mga tao may posibilidad akong maging medyo prangka. Madalas, nadaraya ako o kinukutya dahil sa madaling pagtitiwala sa iba. Pagkatapos lamang nang magsimula akong magpunta sa simbahan na naramdaman kong nakatagpo ako ng isang lugar na matatawag kong akin. Akala ko sa sarili ko: Dati ang hindi ko pandaraya ay naglagay sa akin sa kawalan at ginawa akong mahina sa pandaraya ng iba; pero sa simbahan gusto ng Diyos ang matatapat na tao, mga taong hinamak ng lipunan, kaya hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa pagiging sobrang hindi madaya. Naramdaman kong lalo akong naaaliw nang marinig kong mahal ng Diyos ang mga matapat at simple, at ang matapat lamang ang tatanggap ng kaligtasan ng Diyos. Nang makita ko kung paano naging balisa ang aking mga kapatid na babae at lalaki habang nagsisimula silang makilala ang kanilang mapanlinlang na kalikasan ngunit hindi ito mabago, naramdaman kong mas maginhawa na, sa pagiging matapat at prangka, hindi ko kailangang tahakin ang gayong pagkabalisa. Gayunman, isang araw, pagkatapos na matanggap ang isang pagbubunyag mula sa Diyos, sa wakas ay natanto ko na hindi ako ang matapat na tao na akala ko ay ako.