Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ago 6, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat

Makapangyarihang Diyos,Kidlat ng Silanganan,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,Pag-asa
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos,pag-ibig

  Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay tumitira sa isang mundong walang nagniningning na
liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehovah, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono.
Nawala mo na ang lahat ng bagay na dapat ay pag-aari mo at lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay pumasok sa isang walang katapusang dagat ng kapaitan, na walang lakas ng isang pagliligtas, walang pag-asa ng kaligtasan, naiwan lamang upang makibaka at magmadali. ... Mula sa sandaling iyon, ikaw ay tiyak na mapapahamak sa kapighatian sa pamamagitan ng masamang nilalang, inilayo mula sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi maabot ng mga probisyon ng Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay pumasok sa isang daan na wala nang balikan. Hindi na magawang pukawin ng milyong mga tawag ang iyong puso at espiritu. Natutulog ka nang mahimbing sa mga kamay ng masamang nilalang, na tinukso ka papunta sa walang hanggang kaharian, na walang direksyon, na walang mga palatandaan ng daanan. Kung kaya, nawala ang iyong orihinal na kadalisayan, kainosentehan, at nagsimulang magtago mula sa pag-aalaga ng Makapangyarihan sa lahat. Ang masamang nilalang ang naglalayo sa iyong puso sa lahat ng bagay at nagiging iyong buhay. Hindi ka na takot sa kanya, hindi na siya iniiwasan, hindi na rin siya pinagdududahan. Sa halip, itinuturing mo na rin siya bilang isang Diyos sa iyong puso. Sinisimulan mo na siyang gawan ng altar, sambahin siya, hindi ka mahiwalay na para bang kanyang anino, at kapwa nangako sa isa’t isa sa buhay at kamatayan. Wala kang palagay kung saan ka nagmula, bakit ka umiiral, o kung bakit ka mamamatay. Ang tingin mo sa Makapangyarihan sa lahat ay isang estranghero; hindi mo alam ang Kanyang pinagmulan, pati na rin ang lahat ng Kanyang ginawa para sa iyo. Ang lahat ng galing sa Kanya ay naging kamuhi-muhi para sa iyo. Hindi mo man lamang minamahal ang mga ito ni hindi man alam ang kanilang mga halaga. Ikaw ay naglalakad kasama ang masamang nilalang, mula noong parehong araw na nagsimula kang tumanggap ng mga probisyon mula sa Makapangyarihan sa lahat. Ikaw at ang masamang nilalang ay tumahak sa loob ng libu-libong taon ng bagyo at unos. Kasama siya, kumukontra ka sa Diyos, na pinagmulan ng iyong buhay. Hindi ka nagsisisi, lalo na nang malaman mong ikaw ay patungo sa punto ng pagkapahamak. Nakalimutan mo na ang masamang nilalang ay tinukso ka, pinahirapan ka; nakalimutan mo na ang iyong pinagmulan. Ganoon lang, ang masamang nilalang ay namiminsala sa iyo unti-unti, hanggang sa ngayon. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay hindi na sensitibo at nabubulok na. Hindi ka na nagrereklamo tungkol sa pagdurusa ng mundo, hindi na naniniwala na ang mundo ay hindi makatarungan. Hindi mo na rin pinahahalagahan ang tungkol sa pag-iral ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ay dahil itinuturing mo ang masamang nilalang bilang iyong tunay na ama, at hindi ka na maaaring mapahiwalay mula sa kanya. Ito ang lihim sa iyong puso.
Sa pagdating ng bukang-liwayway, isang tala sa umaga ang sumisikat mula sa silangan. Ito ay isang tala na wala dati. Pinaliliwanag nito ang kalangitang tahimik at puno ng mga bituin at pinagdidingas ang napawing liwanag sa puso ng mga tao. Ang mga tao ay hindi na nalulungkot, dahil sa liwanag na ito, ang liwanag na kumikinang para sa iyo at sa iba pa. Ngunit tanging ikaw lamang ang nananatiling mahimbing ang tulog sa madilim na gabi. Hindi mo na marinig ang tunog, ni hindi makita ang liwanag, hindi mapansin ang pagdating ng isang bagong langit at isang bagong lupa, ang isang bagong kapanahunan. Dahil ang iyong ama ay nagsasabi sa iyo, “Aking anak, huwag kang bumangon, maaga pa. Sa labas ay malamig, manatili sa loob, baka tumagos ng mga tabak o sibat sa iyong mga mata.” Naniniwala ka lamang sa pangaral ng iyong ama, dahil naniniwala ka na tama ang ama dahil ang ama ay mas matanda kaysa sa iyo, at ang ama ay tunay na nagmamahal sa iyo. Ang ganitong mga pangaral at ganitong pag-ibig ay nagdudulot sa iyong huwag nang maniwala sa mga alamat na may ilaw sa sanlibutan, at hindi na inaalala kung ang mundo ay may katotohanan. Hindi ka na naglakas-loob umasa sa pagliligtas mula sa Makapangyarihan sa lahat. Kontento ka na sa kasalukuyang kalagayan, hindi na umaasa para sa pagdating ng liwanag, at hindi na mananatiling nag-aantabay para sa mga pagdating ng maalamat na Makapangyarihan sa lahat. Sa iyong mga mata, ang lahat ng maganda ay hindi na muling mabubuhay, at hindi na rin patuloy na iiral. Sa iyong mga mata, ang bukas at ang kinabukasan ng sangkatauhan ay mawawala at magwawakas. Hinahawakan mo nang mahigpit sa damit ng iyong ama, handang magdusa nang magkasama, natatakot sa pagkawala ng iyong kapareha sa paglalakbay at ang direksyon ng iyong malayong paglalakbay. Ang malawak at makulimlim na mundo ay ginawa kang walang tinag at walang takot sa pagganap ng mga iba’t ibang papel sa mundong ito. Lumikha ito ng maraming “mandirigma” na hindi takot kahit sa kamatayan. Higit pa rito, ito ay lumikha ng mga pangkat ng mga taong hindi sensitibo at paralisado na hindi nakakaunawa ng layunin ng kanilang pagkakalikha. Ang mga mata ng Makapangyarihan sa lahat ay nakatingin sa paligid ng lubhang nahihirapang sangkatauhan, na naririnig ang panaghoy ng mga nagdurusa, nakikita ang kawalang-kahihiyan ng mga nahihirapan, at napapakiramdaman ang kawalan ng kakayahan at pangamba ng sangkatauhan na nawalan ng kaligtasan. Itinakwil ng sangkatauhan ang Kanyang pag-aalaga, tinatahak ang kanilang sariling mga landas, at iniiwasan ang paghahanap Niya. Mas gusto nila na tikman ang lahat ng kapaitan ng malalim na dagat, kasama ang kaaway. Ang panaghoy ng Makapangyarihan sa lahat ay hindi na maririnig pa. Ang mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat ay hindi na handang abutin ang kalunos-lunos na sangkatauhan. Inuulit Niya ang Kanyang gawain, nababawi at nawawala, muli’t muli. Mula sa sandaling iyon, unti-unti Siyang napapagod, at nakakaramdam ng pagkabagot, kaya itinigil Niya ang gawain sa Kanyang kamay, at hindi na naglilibot sa mga tao. ... Ang mga tao ay hindi man lamang namamalayan ang mga pagbabagong ito, hindi namamalayan ang mga pagdating at paglisan, ang kalungkutan at pagkabigo ng Makapangyarihan sa lahat.
Ang lahat ng nasa mundong ito ay mabilis na nagbabago sa isipan ng Makapangyarihan sa lahat, sa ilalim ng Kanyang pamamatyag. Ang mga bagay na hindi kailanman pa narinig ng sangkatauhan ay maaaring biglang dumating. At gayunman, ang anumang pagmamay-ari ng sangkatauhan ay maaaring makawala nang hindi nalalaman. Walang sinuman ang makakaunawa ng kinaroroonan ng Makapangyarihan sa lahat, at higit pa, walang sinuman ang maaaring makaramdam ng pagiging higit sa lahat at kadakilaan ng kapangyarihan ng buhay ng Makapangyarihan sa lahat. Ang Kanyang pagiging higit sa lahat ay nakasalalay sa kung paano Niya nauunawaan ang hindi kaya ng tao. Ang Kanyang kadakilaan ay nakasalalay sa kung paano Siya ang Isa na tinalikuran ng sangkatauhan ngunit nililigtas ang sangkatauhan. Alam Niya ang kahulugan ng buhay at kamatayan. Bukod pa rito, alam Niya ang mga patakaran ng buhay para sa sangkatauhan, na Kanyang nilikha. Siya ang batayan para sa ikaiiral ng tao at ang Manunubos ng sangkatauhan upang mabuhay na muli. Pinabibigat Niya ang mga nagagalak na puso sa pamamagitan ng pighati at iniaangat ang mga nalulungkot na puso sa pamamagitan ng kasiyahan. Lahat ng ito ay para sa Kanyang gawain, at Kanyang plano.
Hindi alam ng sangkatauhan, na iniwan ang panustos ng buhay mula sa Makapangyarihan sa lahat, kung bakit sila umiiral, gayunma’y natatakot sa kamatayan. Walang suporta, walang tulong, ngunit ang sangkatauhan ay nag-aatubili pa ring magsara ng kanilang mga mata, naglalakas-loob pa rin, nagpapatuloy sa walang dangal na pamumuhay sa mundong ito sa mga katawang walang kamalayan sa mga kaluluwa. Namumuhay ka nang gayon, na walang pag-asa; at siya ay umiiral nang ganyan, na walang layunin. Nariyan lamang ang Tanging Banal sa mga alamat na darating upang iligtas ang mga taong nananaghoy sa paghihirap at lubusang naghihintay para sa Kanyang pagdating. Ang paniniwalang ito ay hindi maaaring matanto sa ngayon ng mga tao na walang kamalayan. Gayunpaman, patuloy na hinahangad ito ng mga tao. Ang Makapangyarihan sa lahat ay may awa sa mga taong ito na malalim ang pagdurusa. Ganoon din, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil kailangan pa Niyang maghintay ng napakahabang panahon para sa sagot ng mga tao. Hinahangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na mauhaw, hindi na magutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang makaramdam ng kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Tagabantay, ay tatanggap sa iyong pagdating anumang oras. Nagbabantay Siya sa iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik. Siya ay naghihintay para sa araw ng pagbabalik ng iyong gunita: ang pagkakaroon ng kamalayan ng katunayan na ikaw ay nagmula sa Diyos, kahit paano at kahit saan ay minsang nawala, bumabagsak na walang malay sa tabing daan, at pagkatapos, walang kaalamang nagkaroon ng isang “ama.” Lalo mo pang naunawaan na ang Makapangyarihan sa lahat ay nagmamasid doon, hinihintay pa rin ang iyong pagbabalik. Nananabik Siyang may kapaitan, naghihintay ng tugon na walang kasagutan. Ang Kanyang pagbabantay ay hindi mababayaran at ito ay para sa puso at diwa ng mga tao. Marahil ang pagbabantay na ito ay walang katiyakan, at marahil ang pagmamatyag na ito ay malapit nang magwakas. Ngunit dapat mong malaman nang tamang-tama kung nasaan ngayon ang iyong puso at espiritu.
Mayo 28, 2003
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)




Rekomendasyon:



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento