Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 14, 2019

Christian Movie | "Bakit Tinaglay ng Nagbalik na Panginoon ang Pangalan ng Makapangyarihang Diyos?"


Tagalog Christian Movie | "Bakit Tinaglay ng Nagbalik na Panginoon ang Pangalan ng Makapangyarihang Diyos?"


Nakahula sa Biblia, "at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan" (Pahayag 3:12). "Ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ni Jehova" (Isaias 62:2). Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita sa sangkatauhan sa pangalang "Makapangyarihang Diyos," ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa pamilya ng Diyos at ibinubunyag ang Kanyang matuwid, maharlika at puno ng poot na disposisyon. Malaki ang saklaw ng kahalagahan ng pangalang "Makapangyarihang Diyos"; alam ba ninyo ang kahalagahan ng pangalang ito? Ibibigay sa inyo ng video na ito ang sagot.

Hun 30, 2019

Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"


Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"


"Jehovah" at "Jesus" ang mga pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, at nakapropesiya sa Pahayag na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa mga huling araw. Bakit iba-iba ang mga pangalan ng Diyos sa magkakaibang kapanahunan? Ano ang kahalagahan ng dalawang pangalan, ang "Jehovah" at "Jesus"? Tutulong ang maikling video na ito na ibunyag ang hiwagang ito para sa inyo.

Yamang sinasabi mong ang pangalan ng Diyos sa bawat panahon ay hindi maaaring kumatawan sa Kanyang kabuuan, kung gayon, ano ang kahalagahan ng Kanyang pangalan sa bawat kapanahunan?

Ago 28, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I (Ika...





Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I (Ikatlong Bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ngunit sa puso ni Noe at sa kanyang kamalayan, ang pag-iral ng Diyos ay ganap at walang alinlangan, at kaya ang kanyang pagsunod sa Diyos ay walang halo at kayang tumayo sa pagsubok. Ang kanyang puso ay malinis at bukas sa Diyos. Hindi niya kailangan ng masyadong maraming kaalaman sa mga doktrina upang makumbinsi ang sarili niyang sumunod sa bawat salita ng Diyos, ni hindi rin niya kailangan ng maraming katunayan upang patunayan ang pag-iral ng Diyos, upang matanggap niya kung ano ang ipinagkatiwala ng Diyos at makayang gawin ang anumang ipinagagawa sa kanya ng Diyos. Ito ang mahalagang pagkakaiba ni Noe at ng mga tao sa kasalukuyan, at ito rin ang tiyak na tunay na kahulugan ng kung ano ang isang perpektong tao sa mata ng Diyos. Ang nais ng Diyos ay mga taong tulad ni Noe. Siya ang uri ng taong pinupuri ng Diyos, at tiyak rin na uri ng taong pinagpapala ng Diyos. May natanggap ba kayong anumang pagliliwanag mula rito? Ang mga tao ay tumitingin sa mga tao mula sa labas, samantalang ang tinitingnan ng Diyos ay ang mga puso ng mga tao at ang kanilang diwa."





Mar 26, 2018

Kanta ng Papuri Tagalog | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyos

Hoy, mga kapatid, tayo’y umawit at sumayaw upang purihin ang Diyos!
Okey!
I
Mga kapatid, kumilos at sumayaw;
Huwag maalangan o mahiya.
Di alintana ng Diyos kung kilos mo’y di maganda,
tanging pagpupuring totoo ang nakasisiya sa Kanya.
Kung ibig mong purihin Siya nang buo mong puso,
isaisantabi ang ‘yong hiya at kumilos sa pagsayaw.
Di alintana ng Diyos kung ga’no tayo katanda, o ga’no karaming taong nakatayo.
Taos na pagpupuri’y nagpapalaya sa espiritu natin. Ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos.
Ang ating taos pusong pagpuri sa Diyos ay nagbibigay kasiyahan,
Ang biyaya ng Diyos ay tiyak na ipinagkaloob sa atin.

Okt 15, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao

  Bawat yugto ng gawain na ginawa ng Diyos ay mayroong tunay na kahalagahan. Noong dumating si Jesus, Siya ay lalaki, at sa oras na ito Siya ay babae. Mula dito, iyong makikita na nilikha ng Diyos ang parehong lalaki at babae para sa Kanyang gawain at sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag ang Kanyang Espiritu ay dumating, maaari Siyang mag-anyo ng anumang katawang-tao na naisin at ang katawan ay kumakatawan sa Kanya. Maging ito man ay lalaki o babae, parehong kumakatawan sa Diyos basta’t ito ay ang Kanyang nagkatawang-taong laman. Kung si Jesus ay dumating at nagpakita bilang isang babae, sa ibang salita, kung ang batang babae, hindi isang lalaki, na mabubuo ng Banal na Espiritu, ang yugtong iyon ng gawain ay magiging kumpleto pa rin. Kung gayon, ang yugtong ito ng gawain ay dapat matapos sa halip ng isang lalaki at ang gawain ay samakatwid makukumpleto pa rin. Ang gawain na tinupad sa parehong mga yugto ay mahalaga; walang gawain ang inulit o magkakasalungat sa bawat-isa. Sa oras ng Kanyang gawain, si Jesus ay tinawag na ang tanging Anak na Lalaki, na nagpapahiwatig ng kasarian ng lalaki. Sa gayon bakit ang tanging Anak na Lalaki ay hindi nabanggit sa yugtong ito? Ito ay dahil sa ang mga pangangailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago sa kasarian na kakaiba mula doon kay Jesus. Sa Diyos ay walang pagkakaiba sa kasarian. Ang Kanyang gawain ay natupad ayon sa Kanyang mga pag-nanais at hindi sakop ng kahit anumang mga pagbabawal, lubusang malaya, ngunit ang bawat yugto ay mayroong tunay na kahulugan. Ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao, at ito ay nangyayari na walang sinasabi na ang Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ang huling pagkakataon. Siya ay dumating upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga gawain. Kung sa yugtong ito ay hindi Siya naging tao upang personal na gumawa upang masaksihan ng tao, ang tao ay magpakailanmang mananatili sa paniwala na ang Diyos ay lalaki lamang, hindi babae. Bago ito, ang lahat ay naniwala na ang Diyos ay maaaring lalaki lamang at ang babae ay hindi maaaring matawag na Diyos, sapagkat ipinagpalagay ng lahat na ang lalaki ay mayroong awtoridad sa babae. Naniniwala sila na walang babae ang maaaring magkaroon ng awtoridad, kundi lalaki lamang. Sinabi rin nila na ang pinuno ng babae ay lalaki at na ang babae ay dapat sumunod sa lalaki at hindi niya maaaring malampasan. Noong ito ay sinambit sa nakaaran na ang lalaki ay ang pinuno ng babae, ito ay sinabi hinggil kay Adan at Eba na nilinlang ng ahas, at hindi sa lalaki at babae na nilikha ni Jehovah sa simula. Syempre, ang babae ay dapat na sumunod at mahalin ang kanyang asawa, kagaya ng isang lalaki na dapat matuto na suportahan ang kanyang pamilya. Ito ang mga batas at mga kautusan na itinakda ni Jehovah kung saan ay dapat sundin ng sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa mundo. Sinabi ni Jehovah sa babae, “at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.” Ito ay sinabi lamang upang ang sangkatauhan (iyon ay, kapwa babae at lalaki) ay maaaring mamuhay ng karaniwang pamumuhay sa ilalim ng dominyon ni Jehovah, upang ang mga buhay ng sangkatauhan ay magkaroon ng balangkas at hindi mawala ang kaayusan. Sa gayon, si Jehovah ay gumawa ng mga karampatang alituntunin kung paano ang lalaki at babae ay dapat kumilos, ngunit ang mga ito ay nakatukoy lamang sa lahat ng mga nilikhang namumuhay sa mundo at hindi sa Diyos na nagkatawang-tao. Paano magiging kapareho ng Diyos ang Kanyang nilikha? Ang Kanyang mga salita ay para lamang sa sangkatauhan na Kanyang nilikha; ang mga ito ay alituntunin na itinakda para sa lalaki at babae upang ang sangkatauhan ay maaaring mamuhay ng karaniwang buhay. Noong simula, nang nilikha ni Jehovah ang sangkatauhan, ginawa Niya ang parehong babae at lalaki; sa gayon, ang Kanyang laman na nagkatawang-tao ay naiiba rin sa kahit alin sa lalaki o babae. Hindi Siya nagpasiya ng Kanyang gawain batay sa mga salitang winika Niya kina Adan at Eba. Ang dalawang beses Niyang pagkakatawang-tao ay ganap na itinakda ayon sa Kanyang kaisipan noong una Niyang nilikha ang sangkatauhan. Iyon ay, ganap Niyang naisagawa ang trabaho ng Kanyang dalawang pagkakatawang-tao ayon sa lalaki at babae na hindi nadungisan ng kasalanan. Kung isasagawa ng tao ang mga salitang sinabi ni Jehovah kay Adan at Eba na nalinlang ng ahas sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi rin ba dapat mahalin ni Jesus ang Kanyang asawa sa paraan na Kanyang kinakailangan? Ang Diyos ba ay Diyos parin samakatwid? Kung gayon, magagawa ba Niyang kumpletuhin ang Kanyang gawain? Kung mali na ang nagkatawang-tao ng Diyos ay maging babae, hindi rin ba ito malaking kamalian na nilikha ng Diyos ang babae? Kung ang lalaki ay naniniwala parin na ang Diyos na nagkatawang-tao bilang babae ay kamalian, hindi ba ang pagkakatawang-tao ni Jesus, na hindi nag-asawa at sa gayon hindi maaaring mahalin ang Kanyang asawa, ay maging higit na kamalian bilang kasalukuyang pagkakatawang-tao? Yamang iyong ginagamit ang mga salita na sinambit ni Jehovah kay Eba upang masukat ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa araw na ito, dapat mong gamitin ang mga salita ni Jehovah kay Adan upang hatulan ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba magkapareho ang dalawang ito? Yamang iyong hinatulan ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng lalaki na hindi nalinlang ng ahas, hindi mo maaaring hatulan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao sa araw na ito sa pamamagitan ng babae na siyang nalinlang ng ahas. Iyon ay hindi patas! Kung gagawa ka ng ganoong paghatol, sa gayon ito ay patunay ng iyong kakulangan ng pagkamakatuwiran. Nang si Jehovah ay dalawang beses na nagkatawang-tao, ang kasarian ng Kanyang laman ay kaugnay sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas. Dalawang beses Siyang naging tao na ayon sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas. Huwag isipin na ang pagkalalaki ni Jesus ay katulad kay Adan na siyang nalinlang ng ahas. Siya ay lubos na walang kaugnayan sa kanya, at sila ay dalawang lalaki na iba ang mga katangian. Tiyak na hindi maaari na ang pagiging lalaki ni Jesus ay patunay na Siya lamang ang pinuno ng lahat ng mga kababaihan ngunit hindi ng lahat ng kalalakihan? Hindi ba Siya ang Hari ng lahat ng mga Hudyo (kasama ng kapwa mga lalaki at mga babae)? Siya ay ang Diyos Mismo, hindi lamang pinuno ng babae ngunit ang pinuno rin ng lalaki. Siya ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang at ang pinuno ng lahat ng mga nilalang. Paano mo natitiyak na ang pagkalalaki ni Jesus ay magiging simbolo ng pinuno ng babae? Hindi ba ito kalapastanganan? Si Jesus ay lalaki na hindi nadungisan. Siya ay Diyos; Siya ay si Kristo; Siya ang Panginoon. Paano Siya magiging lalaking tulad ni Adan na naging tiwali? Si Jesus ay ang laman na ginamit nang pinaka-banal na Espiritu ng Diyos. Paano mo masasabi na Siya ay isang Diyos na nagtataglay ng pagkalalaki ni Adan? Kung gayon hindi ba lahat ng gawa ng Diyos ay kamalian? Maaari bang isama ni Jehovah kay Jesus ang pagkalalaki ni Adan na siyang nalinlang? Hindi ba ang kasalukuyang pagkakatawang-tao ay iba pang gawain ng Diyos nagkatawang-tao na iba sa kasarian ni Jesus ngunit kapareho sa kalikasan? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sasabihin na ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi maaaring babae yamang ang babae ang unang nalinlang ng ahas? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sabihin na ang babae ay ang pinaka-marumi at pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, marahil ang Diyos ay hindi maaaring maging tao bilang babae? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sabihin na “ang babae ay dapat laging sumunod sa lalaki at hindi kailanman magpakilala o direktang kumatawan sa Diyos”? Hindi mo naintindihan noong nakaraan; maaari mo pa rin bang lapastanganin ang gawain ng Diyos, lalo na ang laman ng nagkatawang-taong Diyos? Kung hindi mo ito nakikita nang malinaw, mabuting isipin ang iyong pananalita, upang ang iyong kahangalan at kamangmangan ay hindi maibunyag at ang iyong kapangitan ay mailantad. Huwag isipin na iyong naintindihan ang lahat. Sinasabi Ko sa iyo na ang lahat ng iyong nakita at naranasan ay kulang upang maunawaan ang kahit isa-sa-isang-libo ng Aking plano sa pamamahala. Kaya’t bakit ikaw ay masyadong mapagmataas? Ang iyong hamak na kapirasong talento at kaunting kaalaman ay kulang upang magamit kahit man lang sa isang segundo ng gawain ni Jesus! Gaano karaming karanasan ang tunay na mayroon kayo? Ang lahat ng iyong nakita at lahat ng iyong narinig sa iyong buong buhay at kung ano ang inyong mga naisip ay mas kaunti kaysa sa Aking ginagawa sa isang sandali! Mas mabuting huwag kang maghiniksik at maghanap ng kamalian. Hindi alintana kung gaano ka mapanghamak, ikaw parin ay isang nilalang na mas mababa kaysa sa langgam! Lahat ng nasa loob ng iyong tiyan ay mas mababa kaysa sa loob ng tiyan ng langgam! Huwag mong isipin na dahil marami kang naging karanasan at naging mas nakatatanda, maaari ka na magsalita at kumilos nang may hindi mapigil na kayabangan. Hindi ba ang iyong mga karanasan at iyong pagiging nakatatanda ay bunga ng mga salita na Aking winika? Naniniwala ka ba na ang mga ito ay nakakamit sa pamamagitan ng iyong pagtatrabaho at paghihirap? Ngayong araw, makikita mo ang Aking pagkakatawang-tao, at bilang resulta ikaw ay mayroong mga mayamang pagkaintindi, kung saan nagmula di-mabilang na mga paniniwala. Kung hindi dahil sa Aking pagkakatawang-tao, kahit na gaano kagila-gilalas ang iyong mga talento, hindi ka magkakaroon ng maraming pagkaintindi. Hindi ba dito nagmula ang iyong mga paniwala? Kung hindi sa unang pagkakataon na nagkatawang-tao si Jesus, ano ang iyong malalaman sa pagkakatawang-tao? Hindi ba ito dahil sa iyong kaalaman ng unang pagkakatawang-tao kaya ikaw ay naglakas-loob na mangahas na hatulan ang pangalawang pagkakatawang-tao? Bakit kailangan mo itong kilatisin sa halip na maging masunuring tagasunod? Kayo ay pumasok sa daloy na ito at humarap sa nagkatawang-taong Diyos. Paanong ikaw ay pahihintulutang mag-aral? Mainam para sa iyo na pag-aralan ang kasaysayan ng iyong sariling pamilya, ngunit kung iyong pag-aaralan ang “kasaysayan ng pamilya” ng Diyos, paano ka pahihintulutan ng Diyos ngayon na gawin ito? Hindi ka ba bulag? Hindi ka ba naghahanap ng mga kaguluhan?

Ago 14, 2017

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Jesus

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at makilala ng Diyos. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na bagay ng buong puso at wala sa kanila ang may nais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Sa ganitong katuwiran, marami sa inyo ang laging sinusubukan na makamit ang pagtangi ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at sinseridad sa Diyos ay sobrang kakaunti kumpara sa inyong katapatan at sinseridad sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at lalong hindi Ko tatanggapin ang pagkakaroon ng Diyos sa loob ng inyong mga puso. Sa madaling sabi, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi namalagi. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang tiyak ay sapagkat napakalayo pa ninyo sa tunay na Diyos. Ang katapatan ninyong taglay ay galing sa pagkakaroon ng ibang diyus-diyosan sa inyong mga puso, at para sa Akin, ang Diyos na ipinapalagay bilang malaki o maliit sa inyong mga mata, kinikilala ninyo Ako sa salita lamang. Kapag nagsasalita Ako sa inyong malaking agwat mula sa Diyos, ang tinutukoy Ko ay kung gaano kayo kalayo sa tunay na Diyos, samantalang ang malabong Diyos ay parang napakadaling abutin. Kapag sinabi Kong “hindi dakila” ang tinutukoy nito ay kung paanong ang Diyos na inyong sinasampalatayanan sa kapanahunan ngayon ay mukhang tao lang na walang makapangyarihang kakayanan; isang tao na hindi masyadong matayog. At kapag sinabi Kong “hindi maliit”, ang ibig sabihin nito ay kahit ang taong ito ay hindi kayang tawagin ang hangin at utusan ang ulan, kaya Niyang tumawag sa Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing makayayanig sa langit at lupa, ito ang nakatutuliro sa tao. Sa panlabas na anyo, makikita kayong napakamasunurin sa Cristong nasa lupa, bagamat sa pinakadiwa wala kayong pananampalataya sa Kanya ni pag-ibig sa Kanya. Ang ibig Kong sabihin ay ang tunay ninyong sinasampalatayanan ay ang malabong Diyos sa inyong damdamin, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos ninyong hinahangad sa gabi at sa araw, ngunit hindi nakita ng personal kailanman. At para sa Cristong ito, ang pananampalataya ninyo ay maliit na bahagi lamang, at ang inyong pag-ibig sa Kanya ay balewala. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pag-ibig ay pagsamba at ang paghanga sa puso, na kailanma’y hindi maghihiwalay. Gayunman ang inyong pananampalataya at pag-ibig kay Cristo sa panahong ito ay malayong makaabot dito. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo sumampalataya sa Kanya? Pagdating sa pag-ibig, paano bang Siya ay minamahal ninyo? Wala kayong alam sa Kanyang disposisyon, lalong higit pa sa Kanyang sangkap, kaya’t paano kayo nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang katotohanan ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang inyong katotohanan sa pag-ibig sa Kanya?

Ago 12, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Tungkol Sa Amin

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad, “At kung pupunta ako doon at ipaghanda kayo ng kalalagyan, muling akong paparito, at tatanggapin ko kayo; upang saan man ako naroroon, naroon din kayo” (Jhn 14:3). Ipinropesiya rin Niya, “Dahil gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mat 24:27). Sa mga huling araw, tulad ng ipinangako at ipinropesiya Niya mismo, muling naging tao ang Diyos at bumaba sa Silangan ng mundo—China—upang gawin ang gawain ng paghatol, pagkastigo, panlulupig, at pagliligtas gamit ang salita, sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Dito, natupad na rin ang mga propesiya ng Biblia na “Ang paghatol ay nagsisimula sa bahay ng Diyos” at natupad din ang “Makinig ang may tainga sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia!” Natapos na ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Nang mabilis na kumalat ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa Mainland China, nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tulad ng pinatunayan ng mga katotohanan, nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang ganap dahil sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at hindi itinatag ng sinumang tao. Ito ay dahil ang mga piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nananalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, sinusunod ang Kanyang gawain, at tinatanggap ang lahat ng katotohanang ipinahayag Niya.

Ago 9, 2017

Ang himno ng Salita ng Makapangyarihang Diyos | Mga Simbolo ng Tagumpay ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Simbolo ng Tagumpay ng Diyos

I
Naibalik ang tao sa dati niyang anyo.
Tungkuli'y matutupad, lugar nila'y hawak,
ayos ng Diyos ay masusunod.
May grupo na ang Diyos na sa lupa Siya'y sasambahin.
Siya ay magtatayo ng kahariang sasamba sa Kanya sa lupa.
Siya ay magtatayo ng kahariang sasamba sa Kanya sa lupa.

Ago 8, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Makapangyarihang Diyos,Kidlat ng Silanganan,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,grasya

Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at di alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng matamis at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, di alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.

Ago 7, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ibigin ang Praktikal na D’yos nang Ating Buong-puso


Ibigin ang Praktikal na D'yos nang Ating Buong-puso

La … la la la … la la la….
La … la la la … la la la … la….
Araw ng kat'wira'y sumisikat mula sa Silangan.
O D'yos! L'walhati Mo, pinuno ang langit at lupa.
Giliw ko, pag-ibig Mo ay pumaligid sa puso ko.
Mga taong hanap ay katotohanan, pag-ibig ay sa D'yos.
Paggising mag-isa sa madaling-araw, pagnilay sa salita ng D'yos saya ang ramdam.
Mga salitang magiliw, parang inang mapagmahal, mga salitang paghatol parang amang mahigpit. (Ha...)
Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin.
Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha....
Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin.
Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha....
Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin.

Ago 6, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat

Makapangyarihang Diyos,Kidlat ng Silanganan,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,Pag-asa
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos,pag-ibig

  Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay tumitira sa isang mundong walang nagniningning na
liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehovah, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono.

Ago 5, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa D'yos




Ang Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa D'yos


Ay ... mga awiting kayrami, mga sayaw kay ganda;
sansinukob at dulo ng lupa, naging kumukulong dagat.
Ay ... langit ay bago, lupa ay bago.
Sansinukob nagpupuri; tayo'y sumisigaw, tumatalon sa tuwà.
Bundok sama-sama, tubig sama-sama, kapatiran puso sa puso.