Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Abr 3, 2019

Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?


Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba't ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n'yo sa Makapangyarihang Diyos.

Mar 28, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal


Baixue Shenyang City
    Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabayad sa Diyos.

Mar 27, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan

nagkatawang tao, kabanalan, soberanya, Kaharian, Mga Himno




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan

I
Winak’san ng nagkatawang-taong D’yos ang panahon nang “ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,” at tinatapos ang kapanahunan ng paniniwala sa malabong D’yos. Gawain ng huling nagkatawang-taong D’yos dalhin lahat ng sangkatauhan, Dalhin ang tao sa mas totoo, mas praktikal, at mas mabuting panahon.

Ene 3, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – App


Diyos, Iglesia, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Jesus, ebanghelyo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – App

The Spring of Living Water
Downloading various books with one touch enables you to enjoy the supply of life anytime, anywhere.
Well-designed practical function offers you the best reading experience.
Rekomendasyon
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Okt 5, 2017

The Church of Almighty God | Sermons and Fellowship About God’s Word “Christ Does the Work of Judgment With the Truth” (V)

Christ Does the Work of Judgment With the Truth

The Church of Almighty God | Sermons and Fellowship About God’s Word “Christ Does the Work of Judgment With the Truth” (V)

139-B-1
“Christ Does the Work of Judgment With the Truth
The work of the last days is to separate all according to their kind, to conclude the management plan of God, for the time is near and the day of God has come. God brings all who have entered His kingdom, that is, all those who have been loyal to Him to the end, into the age of God Himself. However, before the coming of the age of God Himself, the work that God desires to do is not to observe the deeds of man or to inquire about the lives of man, but to judge his rebellion, for God shall purify all those who come before His throne. All those who have followed the footsteps of God to this day are those who have come before the throne of God, hence all who accept the last of God’s work are those to be purified by God. In other words, all those who accept the last of God’s work are those who will be judged by God.

Set 30, 2017

The Church of Almighty God - App Introduction

App, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

The Church of Almighty God App 

Gospel Videos
A collection of various videos including movies, chorus, dance and singing, MVs, hymns, and recitals, which enriches the spiritual life of you who hunger and thirst for righteousness.

Recommendation:

Expression of Almighty God

The Origin and Development of the Church of Almighty God

The Return of the Lord Jesus

Exploring the Eastern Lightning

Set 22, 2017

The Church of Almighty God Android App Introduction


The Church of Almighty God app leads you to follow the Lamb's footsteps. Investigate God's work of the last days, and you will see the appearance of God.

The Church of Almighty God Android App Introduction


The Eastern Lightning, the Church of Almighty God came into being because of the appearance and work of Almighty God—the returned Lord Jesus—Christ of the last days. The church is comprised of all those who accept Almighty God’s work of the last days and are conquered and saved by God’s word. It was entirely founded by Almighty God personally, and is also personally led and shepherded by Him, and it was by no means set up by any man. Christ is the truth, the way, and the life. God’s sheep hear God’s voice. Once you read Almighty God’s word, you will see God has appeared already.  

Set 21, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos,Praktikal na Diyos, Jesus

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

  Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Tao, at ang Salita na bumubuo sa Mismong Praktikal na Diyos, at ito ang tunay na kahulugan na Siya Mismo ang Praktikal na Diyos. Kung kilala mo lamang ang Tao—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subalit hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at nagbibigay-pansin lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, hindi alam ang gawa ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, ito ay nagpapatunay na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagkamkam sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Samakatuwid, pati, kabilang ba dito ang pagkilala sa bawat pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, una mo dapat malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa sangkatauhan at sa pagka-Diyos; dito, kapalit nito, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na kung saan kinaabalahan ng lahat.

Set 20, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Dumating na ang Milenyong Kaharian

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Dumating na ang Milenyong Kaharian

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Dumating na ang Milenyong Kaharian

  Nakita na ba ninyo kung ano’ng gawa ng Diyos ang matutupad sa grupo ng mga taong ito? Sinabi ng Panginoon, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga salita at magpatuloy, at sa hinaharap ang salita ng Diyos ay direktang pang gagabay sa buhay ng tao patungo sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagsugo ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang ang mga tao ay magtamasa, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na inilatag ng Diyos ang mga bagay upang makain at inumin ng mga tao upang pagsayahan, at personal Siyang nagpadala ng mga sumpa upang parusahan ang mga tao. At kaya ang bawat hakbang ng Kanyang gawa ay personal na ipinapatupad ng Diyos. Ngayon, hinahanap ng mga tao na muling mangyari ang mga katotohanan, sinusubukan nilang matanaw ang mga palatandaan at kababalaghan, at maaaring pabayaan ang mga taong iyon, dahil ang gawa ng Diyos ay siyang unti-unting napapatotohanan. Walang nakakaalam na ang Diyos ay bumaba mula sa langit, lingid pa rin sa kanilang kaalaman na nagpadala ang Panginoon ng pagkain at inumin mula sa langit—sa gayon, Siya ang tunay na nabubuhay, at ang mga maayang eksena ng Milenyong Kaharian na iniisip ng mga tao ay personal na mga salita din ng Diyos. Ito ay katotohanan, at tanging ito lamang ang umiiral sa Diyos na nasa lupa. Ang pag-iral ng Diyos sa lupa ay tumutukoy sa laman. Yaong hindi ukol sa laman ay wala sa lupa, at sa gayon ang lahat ng mga taong tumutuon sa pagpunta sa ikatlong langit ay kumikilos nang walang kabuluhan. Isang araw, kapag ang buong sansinukob ay nagbalik sa Diyos, ang sentro ng Kanyang gawa sa buong sansinukob ay susunod sa tinig ng Diyos; sa ibang dako, tatawag ang ilan, ang ilan ay gagamit ng eroplano, ang ilan ay gagamit ng bangka sa karagatan, at ang ilan ay gagamit ng mga laser upang makatanggap ng mga pananalita ng Diyos. Ang lahat ay magiging mapagsamba, at mapaghangad, sila lahat ay mapapalapit sa Diyos, at magtitipun-tipon sa Panginoon, at ang lahat ay sasamba sa Panginoon—at ang lahat ng ito ay mga gawa ng Diyos. Tandaan ito! Hindi kailanman muling magsisimula ang Panginoon saanman. Tutuparin ng Panginoon ang katotohanang ito: Gagawin Niya na ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob ay magtutungo sa Kanya, at sasamba sa Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay magugutom, at ang tanging ang Diyos nang ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na nagmamay-ari ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang oras na ang mga gawa ng Diyos ay mahahayag, at ang Diyos ay maluluwalhati; ang lahat ng tao sa buong sansinukob ay sasamba sa kabigha-bighaning “tao.” Hindi ba ito ang magiging araw ng kaluwalhatian ng Diyos? Isang araw, ang mga nakatatandang pastol ay magpapadala ng mga telegrama na humahanap sa tubig mula sa bukal ng tubig na buhay. Sila ay matatanda na, subalit sila ay tutungo pa rin upang sumamba sa taong ito, na kanilang itinakwil. Sa kanilang mga bibig kikilalanin nila at sa kanilang mga puso sila ay magtitiwala—at hindi ba ito isang senyales at kababalaghan? Kapag ang buong kaharian ay nagdiriwang, ito ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, at kung sinuman ang lalapit sa inyo at tatanggap sa mabuting balita ng Diyos ay pagpapalain ng Diyos, at ang mga bansang ito at ang mga taong ito ay pagpapalain at aalagaan ng Diyos. Ito ang tinatayang direksyon: Yaong mga tatanggap ng mga salita ng Diyos mula sa kanyang bibig ay magkakaroon ng landas na lalakaran sa mundo, at maging sila man ay mga negosyante o mga siyentipiko, o mga maestro o mga manggagawa, yaong mga walang salita ng Diyos ay mahihirapan kahit na sa unang hakbang, at sila ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ito ang ibig sabihin ng, “Sa katotohanan maaabot mo ang buong mundo; sa kawalan ng katotohanan, wala kang mararating.” Ang katotohanan ay: Gagamitin ng Diyos ang Daan (na nangangahulugang lahat ng Kanyang mga salita) upang atasan ang buong sansinukob at pamahalaan at lupigin ang sangkatauhan. Ang mga tao ay laging umaasa sa malaking pagbaling sa mga paraan na isinasagawa ng Diyos. Sa payak na pananalita, sa pamamagitan ng mga salita kinukontrol ng Diyos ang mga tao, at dapat mong gawin ang Kanyang sinasabi[a] naisin niyo man o hindi; ito ay isang tunay na layunin, at dapat na sundin ng lahat, at kaya, pati, ito ay hindi matitinag, at alam ng lahat.

Set 18, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos

Isang araw,
mararamdaman mo na ang Maylalang
ay hindi na isang palaisipan,
na ang Maylalang ay hindi kailanman nagtago sa iyo,
na ang Maylalang
ay hindi kailanman ikinubli ang Kanyang mukha sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi kailanman malayo sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi na ang Isa na 
walang tigil mong inaasam sa iyong mga kaisipan
ngunit hindi mo maaaring abutin ng iyong mga damdamin, 
na Siya ay talagang at tunay na nagbabantay sa iyong kaliwa at kanan,
nagtutustos ng iyong buhay, at tumatangan ng iyong tadhana, 
tumatangan ng iyong tadhana.
Wala Siya sa malayong abot-tanaw, 
ni inilihim Niya ang Kanyang Sarili sa itaas sa mga ulap.
Siya mismo ay nasa iyong tabi, namamahala sa lahat ng iyo,
Siya ay lahat ng bagay na tinataglay mo, at Siya ang tanging bagay na taglay mo.
Pinahihintulutan ka ng gayong Diyos na ibigin Siya mula sa puso, 

Set 17, 2017

The Church of Almighty God | Xiaozhen's Story | Musical Drama


The Church of Almighty God | Xiaozhen's Story | Musical Drama

Xiaozhen used to be a pure, kind-hearted Christian, who always treated her friends sincerely. However, when it was to their benefit, her former friends became her enemies. After suffering this tragedy, Xiaozhen was forced to abandon her true heart and her former principles. She began to betray her own good conscience and good spirit, and wallowed in the mire of the evil world. … As she fell from grace and walked a path of depravity, she was trampled by the world and became riddled with scars and bruises. She had reached a dead end, and at her point of despair when she had given up all hope, Almighty God's sincere call finally awakened Xiaozhen's heart and spirit …

Set 16, 2017

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, katotohanan, Iglesia

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad

  Ang Diyos ay Diyos ng realidad: Lahat ng Kanyang mga gawa ay tunay, at lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay totoo, at lahat ng mga katotohanan na ipinapahayag Niya ay totoo. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang laman, hindi umiiral, at hindi batay sa katotohanan. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay gumagabay sa mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung nais ng mga tao na ituloy ang pagpasok sa realidad, samakatuwid dapat nilang hanapin ang realidad at alamin ang realidad, matapos nito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Mas alam ng mga tao ang realidad, mas maaari nilang masabi kung ang salita ng iba ay tunay; mas alam ng mga tao ang reyalidad, mas mababa ang pagkakaroon nila ng mga maling pag-iisip; mas mararanasan ng mga tao ang realidad, at mas alam nila ang mga gawa ng Diyos ng realidad, at kung mas madali para sa kanila ang iwanan ang kanilang tiwaling, mala-satanas na mga disposisyon; mas mayroong realidad ang mga tao, mas makikilala nila ang Diyos, at mas kamumuhian nila ang laman at mamahalin ang katotohanan; mas mayroong realidad ang mga tao, mas malalapit sila sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos. Ang mga taong natamo ng Diyos ay yaong nagmamay-ari ng realidad, at alam ang katotohanan; yaong mga natamo ng Diyos ay nalaman ang tunay na mga gawa ng Diyos sa pamamagitan nang pagdanas ng realidad. Mas aktuwal na nakikipagtulungan ka sa Diyos at dinidisiplina ang iyong katawan, mas matatamo mo ang gawa ng Banal na Espiritu, mas matatamo mo ang realidad, at mas mabibigyang-liwanag ka ng Diyos—at sa gayon, mas higit ang iyong kaalaman sa tunay na mga gawa ng Diyos. Kapag nakakapamuhay ka sa aktuwal na liwanag ng Banal na Espiritu, ang kasalukuyang landas nang pagsasagawa ay magiging mas malinaw sa iyo, at mas maaari mong maihihiwalay ang iyong sarili mula sa mga relihiyosong maling pag-iisip at lumang mga gawi ng nakaraan. Ngayon, realidad ang tampulan: Mas mayroong realidad ang mga tao, mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan, mas higit ang kanilang pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Mapapangibabawan ng realidad ang lahat ng mga aral at mga doktrina, maaari nitong mapangibabawan ang lahat ng teorya at kasanayan, at mas nakatuon sa realidad ang mga tao, mas tunay nilang maiibig ang Diyos, at magugutom at mauuhaw sa Kanyang mga salita. Kapag lagi kang nakatuon sa realidad, ang iyong pilosopiyang pambuhay, mga relihiyosong maling pag-iisip, at likas na karakter ay natural lamang na mabubura alinsunod sa gawa ng Diyos. Yaong mga hindi tumutuloy sa realidad, at walang kaalaman sa realidad, ay malamang na tutuloy sa kung ano ang higit sa karaniwan, at madali silang malilinlang. Ang Banal na Espiritu ay walang kaparaanang gumawa sa mga naturang tao, kung kaya’t nararamdaman nila ang kawalang laman, at ang kanilang mga buhay ay walang kahulugan.

Set 15, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Musical Drama "Chinese Gospel Choir 19th Performance"


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Musical Drama "Chinese Gospel Choir 19th Performance"

Under a starry, quiet and peaceful night sky, a group of Christians earnestly awaiting the return of the Savior sing and dance to cheerful music. When they hear the joyful news “God has returned” and “God has uttered new words”, they are surprised and excited. They think: “God has returned? He has already appeared?!” With curiosity and uncertainty, one after another, they step into the journey of seeking God’s new words. In their arduous seeking, some people are questioning while others simply accept it. Some people look on without comment, while others make suggestions and search for answers in the Bible—they look but in the end it is fruitless…. Just when they become discouraged, a witness brings them a copy of the Age of Kingdom Bible, and they are deeply attracted to the words in the book. What kind of book is this really? Have they actually found the new words that God has uttered in that book? Have they welcomed the appearance of God?

Set 14, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos

  Ngayon, uunahin natin ang pakikipag-kapwa kung paano dapat paglingkuran ng tao ang Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, ano ang mga kondisyon na dapat tuparin at kung ano ang dapat maunawaan ng mga naglilingkod sa Diyos, at ano ang mga paglilihis sa inyong serbisyo. Dapat ninyong maunawaan ang lahat ng ito. Ang mga isyung ito ay tumutuon sa inyong paniniwala sa Diyos, kung paano kayo maglakad sa landas ng patnubay ng Banal na Espiritu, at kung paano ang inyong lahat ay inayos ng Diyos, at papahintulutan nila kayong malaman ang bawat hakbang ng gawa ng Diyos sa inyo. Kapag naabot ninyo ang puntong iyon, inyong ikalulugod ang pananampalataya sa Diyos, kung paano maniwala nang wasto sa Diyos, at ano ang dapat ninyong gawin upang kumilos sa pagkakatugma sa kalooban ng Diyos. Gagawin kayo nitong ganap at lubos na masunurin sa gawa ng Diyos, at hindi kayo magkakaroon ng reklamo, hindi kayo hahatulan, o pangangaralan, mas kaunting panghihimasok. Dagdag pa rito, magagawa ninyong maging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan, nagpapahintulot sa Diyos na mailihis kayo at mapaslang na parang isang tupa, upang kayong lahat ay maging mga Pedro ng panahong 1990, at maaaring sukdulang mahalin ang Diyos kahit na nasa krus, nang walang kahit kaunting reklamo. Doon lamang kayo maaaring mamuhay bilang mga Pedro ng panahong 1990.

Set 13, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Masama ay Nararapat Parusahan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Biblia, Jesus

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Masama ay Nararapat Parusahan

  Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung ang lahat ng iyong pagkilos ay nasusubaybayan ng Diyos, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Matatawag kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at kasakdalan, ay mga matuwid at kinalulugdan ng Diyos. Habang mas tinatanggap ninyo ang mga Salita ng Diyos ngayon mismo, mas nagagawa ninyo matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga Salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan. Ito ang komisyon ng Diyos sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong makamtan. Kung gumagamit kayo ng mga pananaw upang sukatin at ilarawan ang Diyos, na parang ang Diyos ay tulad ng isang di-nagbabagong imahen na gawa sa luwad, at kung nililimitahan ninyo ang Diyos sa Biblia, at pinipigilan ninyo Siya sa limitadong saklaw ng paggawa, ito ay nagpapatunay na hinatulan ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, ang mga Hudyo sa panahon ng Lumang Tipan ay ginawang isang hinulmang idolo ang Diyos, na parang ang Diyos ay tatawagin lamang Mesiyas, at tanging Siya lang na tinatawag na Mesiyas ay Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba nila Siya na parang isang (walang buhay na) imaheng gawa sa luwad, pinako nila si Jesus sa krus sa panahong iyon, na hinatulan nila Siya ng kamatayan—at walang pag-aalinglangang pinarusahan ang inosenteng si Jesus ng kamatayan. Walang ginawang krimen ang Diyos, ngunit hindi pinalampas ng tao ang Diyos at di nagdalawang isip na bigyan Siya ng parusang katamayan. Sa gayon, pinako si Jesus sa krus. Ang tao ay laging naniniwala na hindi nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Biblia, na parang nakita na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, taglay nila ang labis na kayabangan, taglay nilang lahat ang talino sa pagsasalita nang maganda. Gaano man kalalim ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, sinasabi ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, at wala ng iba pang mas tumututol sa Diyos, at hinatulan mo ang Diyos, sapagkat lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at ang lumakad sa landas na gawin kang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga ginagawa ng tao? Dahil hindi kilala ng tao ang Diyos, masyado siyang maraming mga pananaw, sa halip na sundin ang katotohanan, lahat ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay nanggaling mula sa parehong hibla, matibay at hindi nababali. Kaya, sa Kanyang pagdating sa mundo ngayon, ang Diyos ay minsan pang ipinako sa krus ng tao. Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus. Gaano karami ang maaaring tawagin na matuwid dahil talagang kumikilos sila para sa kapakanan ng Diyos?

Set 11, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Jesus, Sumunod

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

  Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatag sa saligan ng pagtalima sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagtalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang makamit nila ang pagtalima sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makapagbabago nito. Kung ang iyong mga adhikain ay hindi para sa kapakanan ng pagtalima sa Diyos, at mayroon kang ibang mga layunin, kung gayon ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga dasal sa harapan ng Diyos, at kahit ang bawa’t kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Diyos. Maaaring ikaw ay may malumanay na pananalita at marahang pag-uugali, ang bawa’t kilos mo at pagpapahayag ay maaaring tama kung tingnan, maaaring lumilitaw ka bilang isa na tumatalima, subali’t pagdating sa iyong mga adhikain at mga pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng iyong ginagawa ay pagsalungat sa Diyos, at masama. Ang mga taong nagpapakita na parang tumatalima gaya ng tupa, subali’t ang mga puso ay nagkakandili ng mga masasamang hangarin, ay mga lobo na nakadamit-tupa, sila ay direktang nagkakasala sa Diyos, at ang Diyos ay walang ititira kahit isa sa kanila. Ang Banal na Espiritu ang siyang magbubunyag sa bawa’t isa sa kanila, upang makita ng lahat na ang bawa’t isa sa kanila na mapagkunwari ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Ang Diyos ang siyang makikitungo at magpapasya sa kanila nang isa-isa.

Set 9, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Jesus, Iglesia

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?


  Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, nararapat mong maunawaan na ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay nakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunan ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong mundo. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyo. Samakatwid, kayo ang makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;” Sa nakaraan, narinig ninyo ang mga kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ito ang mga salita na isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lugar kung saan ito namamalagi. Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lugar na ito, ang mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinasalubong ng labis na mga hadlang, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa madaling panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit dahil na rin sa ganoong hirap na gumagawa ang Diyos ng larangan para sa Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang lubusin itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng masasamang disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahalagahan ng lahat ng paghahandog na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa ibang salita, yaon lamang nasa maruming lupa ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakamit sa maruming lupa at mula sa mga naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari lamang Siyang luwalhatiin sa kalagitnaan ng mga Pariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pag-uusig na iyon at ang pagkakanulo sa Kanya ni Hudas, hindi sana pinagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, higit dito ay ang ipako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kahit saan man gumawa ang Diyos sa bawat panahon at kahit saan siya gumawa ng Kanyang tungkulin sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at nagkakamit ng mga ninanais Niyang makamit. Ito ang plano ng gawa ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.

Set 8, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos



Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos



Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos na walang kalayaan sa impluwensya ni Satanas. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos itong ma-proseso ni Satanas, ay nagiging mas tiwali. Sa ibang salita, ang tao ay patuloy na nabubuhay sa kanyang tiwali at mala-demonyong disposisyon, walang kakayahang umibig ng tunay sa Diyos. Samakatuwid, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang alisin ang kanyang sariling-katuwiran, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagmamalaki, at mga kauri nito na nanggagaling sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, lubos na pag-ibig ni Satanas, at isang bagay na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung ang tao ay hindi direktang magawang perpekto, pakitunguhan, masira, pungusin, madisiplina, maparusahan, o gawing dalisay ng Banal na Espiritu, kung gayon ay walang tunay na umiibig sa Diyos.

Set 7, 2017

Kristianong video |"Sino Ang Aking Panginoon"—Debate Tungkol Lahat sa "Kung ang Biblia ay Kinasihan ng Diyos"



"Sino Ang Aking Panginoon"—Debate Tungkol Lahat sa "Kung ang Biblia ay Kinasihan ng Diyos"

Sa dalawang libong taon, ang relihiyosong mundo ay umasa sa kung ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa Biblia na kinasihan ng Diyos at laging naniwala na "Ang Biblia ay mga salita ng Diyos," at "Ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon." Tama ba ang mga ideyang ito? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!

Set 6, 2017

Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Ano ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawang-tao, at hindi rin upang mapayaman lamang ang inyong buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawang-tao o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at wala kang hilingin, ang hinahanap mong “pag-ibig” na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang manirahan sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahangad na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghangad ng madamdamin na kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa’ yo? Para ano ang iyong pag-ibig sa Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon? Ang pag-ibig ng karamihan sa inyo ay katulad ng dati nang nabanggit. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay hindi lumalago; hindi nito makamit ang walang hanggang katapatan, ni hindi mananatili sa tao. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay isang bulaklak na walang bunga pagkatapos nitong namukadkad at natuyo. Sa ibang salita, pagkatapos mong mahalin ang Diyos ng isang beses sa ganitong paraan at walang sinuman na umakay sa iyo sa landas na hinaharap, kung gayon ikaw ay mahuhulog. Kung iibigin mo lamang ang Diyos sa mga oras ng pagmamahal sa Diyos at hindi ka gagawa ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay pagkatapos, kung gayon ay patuloy kang mababalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi makatakas, at hindi pa rin magawang makawala mula sa pagmamanipula at panloloko ni Satanas. Walang ganitong tao ang ganap na makakamit ng Diyos; sa katapusan, ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan ay pag-aari pa rin ni Satanas. Ito ay hindi mapag-aalinlangan. Lahat ng mga taong hindi ganap na nakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, iyon ay, pabalik kay Satanas, at sila ay mapupunta pababa sa lawa na nagniningas na apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong nakamit ng Diyos ay ang mga nanghihimagsik laban kay Satanas at tatakas mula sa kanyang sakop. Ang ganitong mga tao ay opisyal na mapapabilang sa mga nasa kaharian. Ito ang kung paano mapapabilang ang mga tao sa kaharian. Pumapayag ka ba na maging ganitong uri ng tao? Pumapayag ka ba na makamit ng Diyos? Pumapayag ka ba na tumakas mula sa sakop ni Satanas at manumbalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ni Satanas ngayon o ikaw ay nabibilang sa mga nasa kaharian? Dapat malinaw lahat ng mga ganitong bagay at hindi kinakailangan ang higit pang paliwanag.