Sa dalawang beses na nagkatawang-tao ang Diyos upang lumakad sa lupa at isagawa ang gawain ng pagliligtas sa tao Siya ay sinalubong ng matinding pagkalaban, pagkondena at nagngangalit na pang-uusig mula sa mga pinuno ng relihiyosong daigdig, isang katunayan na naging palaisipan at ikinagulat pa ng mga tao: Bakit sa tuwing inihahayag ng Diyos ang isang yugto ng bagong gawain Siya ay palaging sinasalubong ng ganitong uri ng pakikitungo? Bakit ang mga taong pinaka-galit na galit at agresibong kumakalaban sa Diyos ay ang mga pinuno ng relihiyon na paulit-ulit na nagbabasa ng Biblia at maraming taon nang nakapaglingkod sa Diyos? Bakit kaya na ang mga pinunong iyon ng relihiyon na nakikita ng mga tao na pinakadeboto, na pinakamatapat at pinakamasunurin sa Diyos ang sa katunayan ay hindi nagagawang maging tugma sa Diyos, at sa halip ay palaging kumikilos nang lisya at nagiging mga kaaway ng Diyos? Maaari ba na may nagawang pagkakamali ang Diyos sa Kanyang gawain? Maaari ba na ang mga pagkilos ng Diyos ay hindi masunurin sa katwiran? Tiyak na hindi iyan ang sitwasyon! May dalawang pangunahing dahilan kung bakit may mga tao sa iba’t ibang denominasyon at mga sekta ang nagagawang gampanan ang papel ng pagkalaban sa Diyos, pagiging mga kaaway ng Diyos, at ang mga ito ay: Una, kaakibat ng mga taong ito na hindi nagtataglay ng katotohanan at walang kaalaman tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu, sila rin ay walang kaalaman tungkol sa Diyos, palagi silang umaasa sa kanilang limitadong kaalaman tungkol sa Biblia, mga teoriya ng teolohiya at mga pagkaintindi at imahinasyon upang ilarawan ang gawain ng Diyos na palaging bago at hindi kailanman luma; Pangalawa, yamang ang sangkatauhan ay talagang nagawang tiwali ni Satanas, ang kalikasan nito ay arogante at makasarili, hindi nito kayang sundin ang katotohanan, at masyado nitong pinahahalagahan ang katayuan. Ang kombinasyon ng dalawang aspetong ito ay humahantong sa trahedya ng pagtalikod at pagkondena ng sangkatauhan sa tunay na daan nang paulit-ulit sa buong kasaysayan.
Lumingon sa nakalipas na dalawang libong taon, noong ang Panginoong Jesus ay kasalamuha ng mga Judio na ginawan Niya ng maraming himala, tinulungan Niya ang tao sa pamamagitan ng pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo, ipinangaral Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, tinuruan ang mga tao tungkol sa pagsisisi, at pinatawad sila sa kanilang mga kasalanan. Ang lahat ng mga bagay na ito ay hindi naitala sa Lumang Tipan, at ito rin ay gawain na hindi pa naisakatuparan noon. Siyempre, ito ay isang bagay rin na hindi maisasagawa ng sinuman, dahil maliban sa Diyos ay walang tao na may awtoridad at kapangyarihan upang gawin ang gayong mga bagay. Ang naisagawa ng Panginoong Jesus noong panahong iyon ay ang personal na akuin ang mga kasalanan ng tao sa pamamagitan ng pagpapako sa krus upang ang tao ay masagip at matubos mula sa kasalanan, pinagkakalooban ang tao ng napakarami at saganang biyaya at kapayapaan at kagalakan, at inilalabas ang tao mula sa mga panuntunan ng batas sa pamamagitan ng gawain ng bagong kapanahunan, kung saan ang tao ay hindi na pinarurusahan dahil hindi niya nasusunod ang batas. Ang mga taong nasasakop ng batas ay magkakamit lamang ng pagliligtas ng Diyos at hindi wawasakin sa pamamagitan ng pagsunod sa gawain ng Panginoong Jesus. Ngunit ang mga punong saserdote, mga eskriba at mga Fariseo ng Judaismo ay hindi nakikilala ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi nila nauunawaan kung anong uri ng gawain ang isinasagawa ng Panginoong Jesus, sa kanilang isipan sila ay naniniwalang: Ang hindi pagsunod sa batas, hindi pagdarasal sa pangalan ng Diyos na Jehova ay katumbas ng pagtataksil sa Diyos, na talagang napakasama. Bilang karagdagan, ipinagpaparangalan nila ang kanilang sarili bilang mga masigasig na tagabasa ng Biblia at mga tagapaglingkod ng Diyos na Jehova sa templo sa loob ng maraming taon, at naniniwala sila na ang pinanghahawakan nila ay ang katotohanan at ang pinakadalisay na paraan, at kung sila ang tatanungin, ang gawain ng Panginoong Jesus ay salungat sa Biblia at lumalabag sa batas, ito ay isang paraan na hiwalay sa Biblia, at dahil dito mas nanaisin nilang mamatay kaysa tanggapin ang daan na ipinapalaganap ng Panginoong Jesus. Itinuturing pa nila ang gawain ng Panginoong Jesus bilang “heresiya,” isang “masamang kulto” at bilang “mapanlinlang sa tao.” Kahit na ang gawain at salita ng Panginoong Jesus ay mayroong awtoridad, kapangyarihan at karunungan, kahit na ang mga himala na ipinakita ng Panginoong Jesus ay walang katulad sa kasaysayan, kahit na parami nang parami ang mga taong dumarating upang sumaksi sa mga gawa ng Panginoong Jesus at sumasaksi sa katotohanan na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas na darating, ayaw pa rin nilang tingnan at saliksikin ang mas mataas na daan, sa halip ay ipinipilit nila ang kanilang mga pananaw, at matitigas ang leeg na tahasang itinatatwa na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas na darating. Ito ay tulad lang ng inihayag ng Makapangyarihang Diyos: “Ang kaya lamang ng tao ay tumanggap ng isang uri ng gawain, o isang uri ng pagsagawa. Mahirap para sa tao ang tumanggap ng gawain, o paraan ng pagsagawa, na laban sa kanila, o mas mataas sa kanila—ngunit ang Banal na Espiritu ay laging gumagawa ng bagong gawain, at gayon lumilitaw ang mga pangkat sa pangkat ng mga relihiyosong mga dalubhasa na kumokontra sa bagong gawa ng Diyos. Ang mga taong ito ay naging mga “dalubhasa” nang husto dahil ang tao ay walang kaalaman tungkol sa kung paano ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman naluluma, at walang kaalaman tungkol sa mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at, higit pa rito, walang kaalaman sa maraming mga paraan kung paano inililigtas ng Diyos ang tao. Dahil dito, hindi lubos na masabi ng tao kung ito ay gawain na galing sa Banal na Espiritu, at kung ito ay gawa ng Diyos Mismo. Maraming tao ang nakakapit sa pag-uugali na, kung ito ay umaayon sa mga naunang salita, gayon tinatanggap nila ito, at kung mayroong mga pagkakaiba sa mga naunang gawain, gayon sinasalungat at itinatakwil nila ito” (“Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawa ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagkilos na tulad ng isang taong naniniwala sa Diyos, kahit paano dapat tayong magtaglay ng isang pusong nagpipitagan sa Diyos at nagugutom at nauuhaw sa pagkamatuwid, sa ganitong paraan lamang tayong magkakamit ng kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu, magkakaroon ng pang-unawa sa bagong gawain ng Diyos at makakasunod nang mabuti sa mga yapak ng Diyos. Ngunit ang mga punong saserdote, mga eskriba at mga Fariseong iyon mula sa Judaismo ay nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa Panginoong Jesus nang maraming beses, gayunman iyon ay hindi talagang sa paghahanap ng katotohanan. Palagi silang nag-iisip ng mga paraan upang subukan ang Panginoong Jesus, upang mapanghawakan ang isang bagay na gagamitin laban sa Panginoon Jesus. Pare-pareho silang lahat dahil wala silang alam tungkol sa Diyos, at may pinanghahawakan silang mga paniwala tungkol sa bagong gawain ng Diyos, samantalang si Nathanael at ang Samaritana at ang mga disipulo at mga karaniwang tao na sumusunod sa Panginoong Jesus ay nagagawang isantabi ang kanilang mga paniwala upang hanapin ang katotohanan. Sa ganitong paraan nagagawa nilang malaman ang pagkakakilanlan ni Cristo, nakikilala ang tinig ng Diyos, sinusunod at tinatanggap ang katotohanan, at nagbabalik sa harapan ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkukumparang ito malinaw nating makikita na ang mga taong nasa mas mataas na antas sa relihiyosong daigdig ng Judaismo ay hindi lamang matitigas ang ulo na konserbatibo, kundi sila rin ay arogante at makasarili, dahil unang-una hindi nila tinatanggap ang katotohanan, at talagang hindi nila sinusunod ang katotohanan. Doon nakasalalay ang isa sa mga dahilan ng kanilang pagkalaban sa Diyos.
Bilang karagdagan, habang mas maraming karaniwang mamamayang Judio ang nagsisimulang sumunod sa Panginoong Jesus, ang mga punong saserdote, mga eskriba at mga Fariseo ay lalong nag-alala na mawalan sila ng puwang sa mga puso ng karaniwang mamamayan. Dahil hindi na sila sinasamba at sinusundan ng mga tao lalo silang nabahala, sapagkat ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay hindi nila kayang abutin, sila ay nagiging maputla kapag ikinukumpara, kaya ikinahihiya nila ang kanilang mga sarili, at sa ganitong paraan lalo silang nakadarama ng krisis: Ang kailangan lamang ay mabuhay ang Panginoong Jesus nang isang araw, at pagkatapos ay mas marami pang mga karaniwang mamamayan ang lilisan sa kanila at hahayo para sumunod sa Panginoong Jesus, at mas magiging kaunti na ang mga tao sa templo, na nagiging dahilan para hindi na nila patuloy na matamasa ang isang buhay kung saan sila ay sinusuportahan at tinutustusan ng iba sa isang paraan na hindi nalampasan ng sinuman. Dahil dito ang Panginoong Jesus ay tulad ng isang karayom sa kanilang mata o isang tinik sa kanilang laman, dahil dito Siya ay naging isang kaaway na hindi maaaring mabuhay na kasama nila sa iisang daigdig. Upang mapangalagaan ang kanilang katayuan, iniisip nila ang bawat bagay na maaari nilang gawin at ginagamit ang lahat ng uri ng kasuklam-suklam na pamamaraan upang maglabas ng mga maling paratang laban sa Panginoong Jesus. Kanilang nilalapastangan at kinokondena ang gawain ng Panginoong Jesus, kanilang inaalipusta at sinisiraan ang Panginoong Jesus, sinasabing Siya ay umaasa kay Beelzebub upang makapagpalayas ng mga demonyo, at naglalabas sila ng maling saksi na inaakusahan ang Panginoong Jesus ng pagsasalita laban sa banal na lugar at laban sa batas (Para sa reperensya tingnan sa Mga Gawa 6:10-14). Gagawain nila ang lahat upang tanggalin ang Panginoong Jesus sa mga mamamayang Judio, at sa huli walang awa nilang ipinako Siya sa krus. Nang ang Panginoong Jesus ay nabuhay na muli, Siya ay nagpakita sa Kanyang mga alagad, at kasama ng kanilang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay mayroon noong kapangyarihan at mga himala, mga katunayan na sapat upang mapagtibay na ang paraang ito ay naglalaman ng gawain ng Banal na Espiritu, na ito ay inaayunan ng Banal na Espiritu, at na ito ang totoong daan! Sa ilalim ng mga kalagayang ito, ang mga punong saserdote, mga eskriba at mga Fariseo na iyon ay hindi pa rin napagnilay ito: Paanong gayon kaunlad ang ebanghelyo ng Panginoon Jesus? Sa katunayan, ang mga taong iyon na bihasa sa Biblia at itinuturing ang kanilang sarili na “kagalang-galang” ay nadarama lamang na alangan sa kanila ang tumulong at tumingin, pag-aralan ang gayong mga bagay kasama ang mga mangingisdang iyon ng nayon at mga ignoranteng karaniwang mamamayan na walang kaalaman o katayuan sa lipunan, at mapagpaimbabaw pa silang kumikilos sa ngalan ng “pagtataguyod sa batas at pagtatanggol sa tunay na daan” samantalang patuloy nilang sinasamantala ang kapangyarihan na nasa dulo ng kanilang mga daliri sa pamamagitan ng pakikisabwatan sa mga pinuno upang mapalakas ang kanilang nagngangalit na pang-aapi, pang-uusig at pagpatay sa mga apostol at mga mamamayang Judio na mga tagasunod ng Panginoong Jesus. Ginagawa nila ang lahat sa sakop ng kanilang kapangyarihan upang pigilan ang mga tao sa pagsunod sa Panginoong Jesus, mahigpit pa nilang pinagbabawalan ang sinuman sa pagpapalaganap ng pangalan ng Panginoong Jesus. … Upang mapangalagaan ang kanilang sariling mga posisyon at kanilang mga kabuhayan, talagang walang krimen na hindi nila gagawin, na isa pang dahilan ng kanilang nagngangalit na pagkalaban at pagkondena sa Panginoong Jesus. Siyempre, ang kanilang masasamang gawa ay nakapukaw sa matinding poot ng Diyos, dinanas nila ang mga kaparusahan ng Diyos. Ang buong lahi ng mga Judio ay isang bansang nalupig sa loob ng halos 2,000 taon, na siyang masakit na kabayarang ginawa nila sa pagkalaban sa Diyos at pagkokondena sa Diyos.
Magbalik tayo sa kasalukuyan kung saan tayo ay nasa mga huling araw. Ang Diyos ay naghanda ng mas dakilang kaligtasan para sa mga taong tinubos Niya. Ang kaligtasan na ito ay ang Diyos na gumagamit ng mga salita upang hatulan at linisin ang tao. Ito ay bago, mas mataas na gawain. Ang yugtong ito ng gawain ay lubusang mag-aalis sa tao ng kanyang malasatanas na tiwaling disposisyon. Palalayain nito ang tao mula sa madilim na impluwensya ni Satanas at gagawin ang sangkatauhan na isang lahi na nakakikilala sa Diyos, na tumutugma sa Diyos at tunay na nabibilang sa Diyos, kung saan sa pamamagitan nito ay magkakamit ito ng kaligtasan at magagawang perpekto. Ito ang huling yugto ng gawain sa loob ng anim-na-libong-taon na plano ng pamamahala ng Diyos. Sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang nagkatawang-taong si Cristo ay ipinahahayag ang lahat ng katotohanan na naglilinis sa tao at nagliligtas sa tao, inilalantad Niya at hinahatulan ang tiwaling sangkap at likas na katangian ng tao, at itinuturo Niya ang landas na maaaring tahakin ng tao upang makawala sa kanyang katiwalian. Inihahayag din Niya ang lahat ng uri ng mga hiwaga sa langit. Dagdag pa rito, ginagamit ng Diyos ang Kanyang karunungan, kapangyarihan at awtoridad upang ipalaganap ang ebanghelyo ng mga huling araw sa bawat pamilya sa buong mundo, at sa milyun-milyong tao na naghahanap at nauuhaw sa katotohanan na isa-isang bumalik mula sa iba’t ibang denominasyon at mga sekta tungo sa presensya ng Makapangyarihang Diyos. Ang walang katulad na tanawin ng lahat ng mga bansa na dumadaloy sa bundok na ito ay lumitaw, at ang ebanghelyo ng mga huling araw ay kasalukuyang umaabot sa bawat bansa at bawat lugar sa buong daigdig. Gayunman, kapag nahaharap sa lahat ng mga katotohanang ito, itong malaking kababalaghan na ito at ang patotoo ng gawain ng Banal na Espiritu, ang mga pinuno sa relihiyosong daigdig ay nagbubulag-bulagan at hindi man lang natitinag kahit kaunti sa mga ito, hindi nila pinag-aaralan ang mga ito nang buong ingat, at tiyak na hindi nila tinatanggap ang mga ito nang may pagpapakumbaba. Ang mga taong ito ay tulad ng mga Fariseo, hindi nila kinikilala na ang gawain ng Banal na Espiritu ay patuloy na sumusulong, hindi nila kinikilala na ang prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu ay palagi itong bago at hindi luma, wala sila ni katiting na kaalaman tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at naniniwala pa sila nang buong pagtitiwala sa sarili na: Yamang natatamasa na nila ang isang paraan na mas mataas kaysa noong Kapanahunan ng Kautusan, yamang sila ay dalubhasa sa Luma at Bagong Tipan sa kabuuan ng mga ito at nakapagtrabaho at nangaral ng mga sermon sa loob ng maraming taon, nakamit na nila ang katotohanan at nakilala ang Diyos. Bukod doon, buong katigasan ng ulo silang naniniwala sa isang maling konsepto na pinaniniwalaan nilang totoo: Na ang lahat ng mga salita ng Diyos ay nasa Biblia, na kung labis ito sa sakop ng gawain ng Panginoong Jesus, kung labis ito sa Biblia, kung gayon hindi ito ang tunay na daan. Ang paglihis sa mga hinihingi ng Diyos sa tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay mangangahulugan ng paglabag sa mga turo ni Cristo, ang mga bagay lamang na tinatanggap nila, nalalaman nila at pinanghahawakan ang totoong daan, ang anumang labis dito ay heresiya o isang masamang kulto. Buong katatagan na nailarawan ng mga taong ito ang Diyos ayon sa Biblia, nailarawan nila Siya ayon sa mga paniwala at imahinasyon ng tao. Kahit gaano kataas ang dinalang gawain ng Makapangyarihang Diyos, kahit gaano karami ang taglay nitong gawain ng Banal na Espiritu, gaano man karami ang mga paraan ng pagsasagawa na hatid nito, at gaano man karami ang mga katunayan upang mapagtibay ito, hindi nila kinikilala na ito ay mula sa Diyos, at dahil dito ang pananaw nilang lahat ay nananatiling salungat at mapag-alinlangan tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, kung kaya’t nilalapastangan nila ang Diyos na nagkatawang-tao at minamaliit at kinokondena ang gawain at salita ni Cristo sa mga huling araw. Hindi ba’t katulad sila ng mga Fariseo na noong kanilang panahon ay matitigas ang ulo at konserbatibo at arogante at makasarili, hinahamak ang katotohanan at nilalapastangan ang Banal na Espiritu? Tulad lang ito ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung nakilala mo lamang ang Diyos ayon sa isang yugto ng Kanyang gawain, gayon ang iyong kaalaman ay masyadong, masyadong kaunti. Ang iyong kaalaman ay isang patak lamang sa dagat. Kung hindi, bakit maraming mga relihiyosong konserbatibong ayaw sa pagbabago ang ipinako ang Diyos nang buhay sa krus? Hindi ba dahil ikinulong ng tao ang Diyos sa loob ng tiyak na parametro? Hindi ba maraming mga tao ang sumasalungat sa Diyos at hinahadlangan ang gawain ng Banal na Espiriru dahil hindi nila alam ang iba’t-iba at malawak na gawa ng Diyos, at, gayon din, dahil sila ay may angking munting kaalaman at doktrina na ginagamit bilang panukat sa gawain ng Banal na Espiritu? Kahit na ang mga karanasan ng mga taong iyon ay mababaw, sila ay mayabang at likas na abusado, at hinahamak nila ang gawain ng Banal na Espiritu nang may paghamak, hindi nila pinapansin ang mga disiplina ng Banal na Espiritu, at, bukod dito, ginagamit nila ang kanilang mga walang halagang lumang argumento upang “pagtibayin” ang gawain ng Banal na Espiritu. Sila ay nagkukunwari, at lubos na naniniwala sa kanilang sariling natutunan at kaalaman, at sila ay nakapaglakbay sa ibang dako sa mundo. Ang mga ganoong mga tao ba ay ang mga kinasuklaman at tinanggihan ng Banal na Espiritu, at hindi ba sila ang mga aalisin ng bagong panahon? Hindi ba silang mga taong lumalapit sa Diyos at lantarang sinasalungat Siya ay mga hamak na taong maigsi ang pananaw, na nagpapakita lamang kung gaano sila katalino? Sa kanilang kaunting kaalaman sa Biblia, sinusubukan nilang sakupin ang mga “academia” sa mundo, sila ay may angking mababaw na doktrina na ituturo sa mga tao, sinusubukan nilang baligtarin ang gawain ng Banal na Espiritu, at sinusubukan nilang paikutin ito sa kanilang mga pansariling proseso ng pag-iisip, at ang kanilang pagiging malabo ang pananaw, sinusubukan nilang makita sa isang tingin ang 6,000 taong gawa ng Diyos. Mayroon bang katuwirang magsalita itong mga taong ito? Sa katunayan, sa mas malawak na kaalaman ng mga tao sa Diyos, mas mabagal nilang huhusgahan ang Kanyang gawa. Bukod dito, kaunti lamang ang kanilang pinag-uusapan ukol sa kaalaman nila sa gawa ng Diyos ngayon, ngunit hindi sila padalos-dalos sa kanilang mga paghahatol. Kapag mas kaunti ang pagkakilala ng tao sa Diyos, sila’y mas mayabang at may labis-labis na pagtitiwala sa sarili, at mas lalo nilang pakawalang ihinahayag ang pagiging-Diyos—ngunit ang kanilang lamang pinag-uusapan ay teorya, at walang tunay na katibayan ang ipinapakita. Sila ang mga taong walang halaga sa anuman. Silang itinuturing ang gawain ng Banal na Espiritu bilang isang laro ay di-seryoso! Silang mga hindi maingat sa kanilang pagtagpo sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, mabibilis ang mga bibig na magsalita, mabilis humusga, na magbigay-laya sa kanilang likas na pakiramdam na tanggihan ang katuwiran ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto at nilalapastangan ito—ang mga napakawalang-galang na tao ba ay hindi mangmang sa gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba sila, bukod dito, ang mga mayayabang, likas na mapagmataas at hindi nagpapasakop?” (“Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawa ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Habang ang mga tao na tunay na naniniwala sa Panginoon ay nagbabalik nang maramihan sa bahay ng Diyos, ang unti-unting paglaganap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay naabot ang sukdulan nito, ngunit kahit na sa malaking paglaganap ng gawain ng Banal na Espiritu, ang mga pinuno ng relihiyon na nasanay sa pagiging mataas at makapangyarihan at ang mga dalubhasa ng relihiyon na namamahala sa iba ay hindi nagninilay sa kanilang mga sarili, ni hindi nila iniyuyuko ang kanilang aroganteng mga ulo upang magsaliksik at mag-aral. Sa kabilang banda, natatanto ng mga taong ito na ang kanilang mga posisyon ay nagiging lalong walang katiyakan, na sila ay mabuway sa lahat ng panahon, at nagsisimula silang mangamba na ang lahat ay babaling sa Makapangyarihang Diyos at tatanggihan sila at babalewalain. Bilang resulta, upang “matubos ang kasalukuyang situwasyon,” ang mga pastor, mga elder, mga pinuno at mga kapwa manggagawa mula sa iba’t-ibang mga denominasyon at mga sekta ay kumikilos sa ngalan ng “pagbabantay sa kawan para sa Panginoon at pagtatanggol sa totoong daan.” Sinimulan nilang sundin ang mga pamamaraang tulad ng pagbubuo at pamamahagi ng mga materyal para sa propaganda, ginagamit ang internet upang ipakalat ang mga tsismis at iba pang kasuklam-suklam na mga pamamaraan upang walang pakundangan na lapastanganin at tuligsain ang Makapangyarihang Diyos. Nagpapalaganap sila ng mapanghamak na mga tsismis, sinasabing ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay hindi ang salita ng Diyos, na ang mga ito ay isinusulat ng tao, at sinasabi pa nila ang kalokohan na tulad ng “ang aklat na ito ay tulad ng isang droga na gagayuma sa iyo, kung babasahin mo ito ikaw ay maloloko,” at ang iba pang mga bagay na nagpapasama at hindi naglalahad ng tunay na nangyari at nang-aalipusta sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang isang “pangkat ng Kidlat ng Silanganan,” na isang kriminal na organisasyon. Sa panlilinlang at pananakot sa mga mananampalataya sa ganitong paraan, nagiging dahilan ang mga ito upang ang mga hangal at ignoranteng mga tao ay hindi maglakas-loob na lapitan o makipag-ugnayan sa ebanghelyo ng Diyos, ipinipinid ang iba’t ibang mga denominasyon at mga sekta hanggang sa punto na ni hindi makaduro ang isang karayom, ni makapasok ang tubig. Mahigpit na pinagbabawalan ng mga pinunong ito ng relihiyon ang kanilang mga mananampalataya sa pagbabasa ng mga aklat ng Kidlat ng Silanganan o pakikinig sa mga sermon ng Kidlat ng Silanganan, hindi nila pinapayagan ang mga mananampalataya na tanggapin ang mga taong nangangaral ng pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw o maging ang sinumang dayuhan, at sila ay lubusang sumasalungat sa mga turo ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya kung saan ay hinihiling Niya sa tao na istimahin ang mga dayuhan. Ang pinakanakakagulat sa mga tao ay na, sa kabila ng pagiging mga mananampalataya sa Diyos, ang mga taong ito ay nakikipagsabwatan sa malasatanas na rehimen ng CCP, sinusulsulan sila sa kanilang madilim at masamang negosyo sa pamamagitan ng pagtunton, pagsubaybay at pag-uulat sa mga kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng mga huling araw, at nagsisilbi pa silang mga nakakubling traydor sa loob ng iglesia upang mangalap ng impormasyon para sa lihim na pagdakip ng CCP sa mga Cristiano. Tila nakadarama lamang sila ng kapanatagan mula sa poot na nasa kanilang mga puso sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga taong sumasaksi sa Diyos sa isang kampay at winawakasan ang bagong gawain ng Diyos. Lubusang batid ng mga taong ito na ang mga sumusunod sa Makapangyarihang Diyos ay mabubuting tao na tunay na naniniwala sa Diyos, at lalo pa nilang alam na walang anumang masamang naisin sa mga taong ito na nangangaral ng tungkol sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw, gayunman iniinsulto pa rin nila sila sa hindi sibilisado at malupit na paraan, hinahabol at pisikal pang sinasalakay ang mga kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Malinaw na ang mga pinunong ito ng relihiyon ay matagal nang tumigil sa pagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, at malinaw rin na hindi nila tinatanggap ang katotohanan, na kinapopootan nila ang katotohanan, at kinamumuhian nila ang likas na katotohanan at diwa nito. Sa panlabas ang mga taong ito ay nagtatatakbong ibinubuhos ang kanilang sarili sa pagsasagawa ng gawain, ngunit ang kanilang kalooban ay magkahalong mga mararahas na pangarap at pagsuway. Ang totoo ay sinusubukan lamang nilang magsabwatan para sa katayuan, nagmamadali para sa kanilang sariling kapakinabangan, at ginagawa ang lahat upang bigyang-kasiyahan ang kanilang makasariling mga hangarin.
Malinaw na makikita na ito man ay ang relihiyosong daigdig ng Judaismo sa panahon nito o ang mga pinuno ng relihiyon mula sa iba’t ibang denominasyon at mga sekta ngayon, ang dahilan na nagagawa nilang paulit-ulit na kalabanin ang Diyos, ang katotohanan at ang totoong daan, ang dahilan na “mas gugustuhin nilang mamatay kaysa magpasakop” at “harapin ang kamatayan nang mahinahon” ay pangunahing dahil sa hindi nila kinikilala ang prinsipyo na ang gawain ng Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma, ni wala silang kaalaman tungkol sa bagong gawain ng Diyos, at bukod pa rito hindi nila hinahangad talaga ang katotohanan, sila ay matitigas ang ulo at konserbatibo, sila ay mayayabang at mapagpahalaga sa sarili. May kinalaman din ito sa kanilang pagiging labis na pag-aalala tungkol sa kanilang katayuan at pagiging napakababa ng kalidad. Sa panahong ito, sa mahalagang puntong ito kung kailan papalitan ng bagong kapanahuhan ang lumang kapanahunan, ang labanan sa espirituwal na daigdig ay umabot na sa sukdulan nito. Kung ang mga tao ay naniniwala pa rin sa mga tsismis at mga maling paratang na ipinapakalat ng mga pinuno ng relihiyon at hinahayaang sila ay mamanipula nila, kung hindi sila makikinig sa o kaya ay pawawalang-halaga at aalipustahin ang gawaing isinasagawa at ang mga salitang binibigkas ng Diyos sa mga huling araw, kung hindi nila pananagutan ang kanilang sariling buhay at basta na lamang susunod sa kawan at susunod sa agos habang nagiging masyadong mapamintas sa gawain ng Banal na Espiritu nang may hindi mapigilang kawalang-pitagan, kung hindi nila itutuon ang kanilang sarili sa paghiwatig at pabulag na lamang na sasamba, makikinig at susunod sa mga tsismis at mga panlilinlang ng mga pastor at mga elder, kung hindi nila nagagawang bumaling sa pagkamatuwid at humiwalay sa pagkontrol ng mga puwersa ni Satanas at hahanapin ang totoong daan at makikinig sa tinig ng Diyos, kung hindi nila kayang gawin ang mga bagay na ito, hindi nila kailanman magagawang tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon, hindi nila kailanman masasaksihan ang mukha ng Manlilikha, hindi sila kailanman magkakaroon ng pagkakataong makilala ang Diyos, sila ay maibababa lamang sa pagiging isang papet sa kasaysayan, isang bagay na iaalay kay Satanas, at sila ay lulubog sa kadiliman kung saan sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin hanggang sa sila ay mamatay, tulad ng inihula sa Banal na Kasulatan: “Kaya’t puputulin ng PANGINOON sa Israel ang ulo’t buntot, ang sanga ng palma at ang tambo, sa isang araw. Ang matanda at ang marangal na tao, siyang ulo; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan, siyang buntot. Sapagka’t silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak” (Isa 9:14-16). Kailangan nating malaman na hindi pipili ang Diyos ng sinumang hindi nauuhaw sa katotohanan, na hindi malinaw tungkol sa kanilang pananampalataya sa Diyos, na walang matatag na paninindigan tungkol sa kanilang mga pananaw, na sumasamba sa kapangyarihan at impluwensya o nagsasamantala sa mga situwasyon. Sa kabilang banda, hinahanap, ginagawang perpekto at nakakamit ng Diyos ang malilinis na dalaga na gumagalang sa Diyos bilang dakila, na may malilinaw na kaisipan, na may dalisay na pagsunod, na tunay na nauuhaw at hinahanap ang Diyos. Ito ay sari-saring tunay na pangyayari! Maaari kayang ang dugong ibinuhos ng mga Israelita ay hindi sapat upang iyong malaman ang aral na ito?
Mula sa: Ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento