Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 2, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"


Tagalog Christian Movies | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"



Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit?

Okt 31, 2019

Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob


Pinalalaganap Ko ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Ang Aking kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob; ang Aking kalooban ay nakapaloob sa mga taong nakakalat dito at doon, lahat pinakikilos ng Aking kamay at inilalatag ang mga tungkulin na Aking naiatas na. Magmula ngayon, nakapasok na Ako sa isang bagong kapanahunan, dinadala ang lahat ng tao sa ibang mundo. Nang bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” nagsimula Ako ng isa pang bahagi ng gawain sa orihinal Kong plano, upang Ako ay makikilala ng mga tao nang mas malalim.

Hul 22, 2019

Tagalog Christian Movie | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom

Tagalog Christian Movie | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom


Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Abr 2, 2019

Salita ng Diyos|Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao


Salita ng Diyos|Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao


Ang lahat ng mga tao ay kailangang makaunawa sa layunin ng Aking gawain sa daigdig, iyan ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito nagiging ganap. Kung, pagkaraang maglakad na kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa nakakaunawa kung tungkol saan ang Aking gawain, kung gayon hindi ba walang-kabuluhan ang paglalakad nilang kasama Ko?

Mar 3, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Anong Saloobin ang Mayroon Ka Tungo sa Labintatlong mga Sulat

Nilalaman ng Bagong Tipan ng Biblia ang labintatlong mga sulat ni Pablo. Ang labintatlong mga sulat na ito ay isinulat lahat ni Pablo sa mga iglesia na naniwala kay Jesu-Cristo sa panahon ng Kanyang gawain. Iyon ay, isinulat niya ang mga sulat pagkatapos na si Jesus ay umakyat sa langit at siya ay ibinangon. Ang kanyang mga sulat ay mga patotoo ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus at pag-akyat sa langit pagkatapos ng Kanyang kamatayan, at ipinangangaral ang daan para magsisi ang mga tao at pasanin ang krus. Mangyari pa, ang mga paraang ito at mga patotoo ay para lahat sa pagtuturo sa mga kapatid sa iba’t-ibang mga dako ng Judea sa panahong iyon, sapagkat sa panahong iyon si Pablo ay lingkod ng Panginoong Jesus, at siya ay ibinangon upang sumaksi sa Panginoong Jesus. Iba’t-ibang mga tao ang ibinabangon upang gampanan ang Kanyang iba’t-ibang gawain sa bawat panahon ng gawain ng Banal na Espiritu, iyon ay, para gawin ang gawain ng mga apostol upang ipagpatuloy ang gawain na tinatapos ng Diyos Mismo. Kung ito ay tuwirang ginawa ng Banal na Espiritu at walang mga taong ibinangon, kung gayon magiging mahirap para sa gawain na maipatupad. Dahil dito, si Pablo ay naging yaong pinabagsak sa daan papuntang Damasco at pagkatapos ay ibinangon upang maging isang saksi ng Panginoong Jesus. Siya ang apostol sa labas ng labindalawang mga disipulo ni Jesus. Maliban sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, ginampanan din niya ang gawaing pagpapastol ng mga iglesia sa iba’t-ibang mga dako, na pangangalaga sa mga kapatid sa mga iglesia, iyon ay, pag-aakay sa mga kapatid sa Panginoon. Ang kanyang patotoo ay upang ipaalam ang katotohanan ng muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ng Panginoong Jesus, at upang turuan ang mga tao na magsisi at mangumpisal at lakaran ang daan ng krus. Siya ay isa sa mga saksi ng Panginoong Jesus sa panahong iyon.

Ene 4, 2019

Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (5) | "Kumakatok ang Panginoon sa Pinto: Nakikilala Mo ba ang Kanyang Tinig? (2)"



Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (5) | "Kumakatok ang Panginoon sa Pinto: Nakikilala Mo ba ang Kanyang Tinig? (2)"


Sinabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig" (Juan 10:27). Malinaw na nagsasalita ang Panginoon upang hanapin ang Kanyang tupa sa Kanyang pagbabalik. Ang pinakamahirap na gagawin ng mga Kristiyano habang hinihintay nila ang pagdating ng Panginoon ay ang paghahangad na marinig ang tinig ng Panginoon.

Dis 7, 2018

Mga Movie Clip (1) | "Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?"


Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (1) | "Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?"


Sabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin"(Juan 10:27). Ilang beses ding iprinoposiya sa Pahayag na, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Ang tinig at mga salita ng Espiritu ang tinig ng Panginoon,

Nob 30, 2018

Ang Pagsisikap ba sa Pagtatrabaho ay Nangangahulugang Sinusunod Natin ang Kalooban ng Ama sa Langit?


Ang Pagsisikap ba sa Pagtatrabaho ay Nangangahulugang Sinusunod Natin ang Kalooban ng Ama sa Langit?


Iniisip ng ilang mananampalataya na ang tanging kailangan nating gawin ay magdusa at bayaran ang kapalit na ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon, pasanin ang krus at sundan ang Panginoon, at magpakumbaba, magpasensiya at magtitis, at sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng ito sinusunod natin ang kalooban ng Ama sa langit, at naniniwala rin sila na kung palagi tayong magpupursige sa pananampalataya natin sa ganitong paraan, sa kalauna’y ililigtas tayo ng Diyos at makakapasok sa kaharian ng langit at makakamit ang walang hanggang buhay.

Nob 29, 2018

Christian Movie Trailer | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom


Christian Movie Trailer | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom


Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Nob 20, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Dadakilain Ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Dadakilain Ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil"


I
Layon ng paghatol ng Diyos himukin pagsunod ng tao;
layon ng pagkastigo ng Diyos hayaan pagbabago ng tao.
Bagama't gawain ng Diyos ay sa pamamahala N'ya,
lahat ay mabuti para sa tao.
Nais ng Diyos na sumunod kahit ang mga di-Israelita,
upang gawin silang tunay na mga tao,
kaya inaabot ng Diyos lupaing labas ng Israel.
Pamamahala ito ng Diyos.
Gawain N'ya sa lupaing Gentil.

Nob 16, 2018

Best Tagalog Christian Movie | "Ang Paglabas ng Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible


Best Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible


Si Wang Yue ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Buong puso’t kaluluwa siyang nangaral at namuno sa iglesia para sa Panginoon. Pero nang mas lalong nawalan ng mga tao ang kanyang iglesia, lubha siyang nabalisa pero wala siyang nagawa tungkol doon. Habang nagdurusa at nalilito, sinuwerte siyang tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Nang matamasa niya ang saganang salita ng Diyos, lubos niyang nalaman ang lawak ng pagliligtas ng Kanyang pagliligtas.

Nob 1, 2018

Mga Patotoo-Malinaw na Pagtingin sa Tunay Kong Kulay

Xiaoxiao Lungsod ng Xuzhou, Lalawigan ng Jiangsu


Dahil sa mga pangangailangan ng gawain sa iglesia, inilipat ako sa ibang lugar para gampanan ang aking tungkulin. Sa oras na iyon, ang gawain sa ebanghelyo sa lugar na iyon ay bumaba ng kaunti, at karaniwang hindi maganda ang sitwasyon ng mga kapatiran. Ngunit dahil ako’y hinipo ng Banal na Espiritu, ginawa ko pa rin ang lahat ng bagay na ipinagkatiwala nang may buong kumpiyansa.

Okt 4, 2018

Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita


New Tagalog Songs | Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita


I
Ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga huling araw
winawakasan ang Kapanahunan ng Biyaya
at nagsasalita upang magperpekto at magliwanag,
mga salitang nag-aalis ng mga malabong pagkaunawa sa Diyos
mula sa puso ng tao.
Ginawa ni Jesus ang gawain na naiiba.

Set 11, 2018

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)


Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya.

Set 5, 2018

The Lord Has Come Back | Tagalog Gospel Movie | "Pagkamulat" | The Call of God's Love


The Lord Has Come Back | Tagalog Gospel Movie | "Pagkamulat" | The Call of God's Love


Isang tagapangaral si Lu Xiu'en sa isang bahay-iglesia sa Tsina. Sa paniniwala niya sa mga maling pananaw na ikinakalat ng mga relihiyosong pastor at elder, nagpatuloy siya sa pagpilit na "pinatawad na ng Panginoong Jesus ang kasalanan ng tao, at palaging maliligtas ang mga naniniwala sa Panginoon. Hindi na nila kailangang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw." Paulit-ulit niyang kinalaban at tinanggihan ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kaharian... Ganunpaman, dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon siya ng pagkakataong matuklasan na iba ang ipinakitang ugali ng kanyang pastor sa harap ng mga tao, at inilabas ang tunay nitong ugali sa likod nila, at nakita niya kung gaano kaipokrito ang kanyang pastor. Sa pagkakataong iyon ay dumating naman sa kanya ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kaharian. Matiyagang nagbahagi at nagpatotoo sa kanya ang mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, at matapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naitindihan niya ang katotohanan tungkol sa pagkakaiba ng maligtas at makamit ang ganap na kaligtasan at napagtanto niyang ang mga pananaw na sinang-ayunan niya noon ay pawang mga haka-haka lamang na likha ng imahinasyon ng tao at hindi umaayon sa reyalidad ng gawain ng Diyos. Kaya, masaya niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ganunpaman, nung malaman ito ng kanyang pastor, inutusan nito ang mga mananampalataya na kondenahin at iwan siya, at inutusan din ang kanyang pamilya na idiin si Lu Xiu'en... Nalubog sa sakit si Lu Xiu'en at tuluyang nagulo ang pag-iisip. Sa huli, nagawa niyang maintindihan ang katotohanan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita niyang ipokrito ang kanyang pastor sa mundo ng relihiyon, isang kalaban ng Diyos na galit sa katotohanan at anticristong may likas na kademonyohan. Tuluyang nagising si Lu Xiu'en, at iniwasan niya ang panloloko at pagkontrol ng kanyang pastor. Sinunod niya ang Makapangyarihang Diyos, pinili ang tamang landas at nagpursigi upang makamit ang katotohanan at ang ganap na kaligtasan ...

Ago 13, 2018

Ano ang matatalinong dalaga? Ano ang mangmang na mga dalaga?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa kasalukuyan, lahat niyaong sumusunod sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos. … "Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu" ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayroong kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, ngunit makakaya ding malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ding malaman ang mga pagkaintindi at pagkamasuwayin ng tao, at kalikasan at katuturan ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong sa tunay na daan. Ang mga taong inalis sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu ay mga tao na walang kakayahan na sundin ang pinakahuling gawain ng Diyos, at mga naghihimagsik laban sa pinakahuling gawain ng Diyos. Na ang gayong mga tao ay hayagang kinakalaban ang Diyos sapagkat ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, at sapagkat ang larawan ng Diyos ay hindi kagaya ng sa kanilang mga pagkaintindi-bilang resulta nito hayagan nilang kinakalaban ang Diyos at hinahatulan ang Diyos, na humahantong na sila ay kasuklaman at itakwil ng Diyos. Ang pagtataglay ng kaalaman ukol sa pinakahuling gawain ng Diyos ay hindi magaan na bagay ngunit kung sadyang susundin ng mga tao ang gawain ng Diyos at hahangarin ang salita ng Diyos, magkakaroon sila ng pagkakataon na makita ang Diyos, at magkakaroon ng pagkakataon na kamtin ang pinakabagong paggabay ng Banal na Espiritu. Yaong mga sinasadyang kalabanin ang gawain ng Diyos ay hindi makakatanggap ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu o ng paggabay ng Diyos; kaya, matanggap man o hindi ng mga tao ang pinakahuling gawain ng Diyos ay nakasalalay sa biyaya ng Diyos, nakasalalay ito sa kanilang paghahangad, at nakasalalay ito sa kanilang mga layunin.

Ago 9, 2018

Full Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay: Isang Oda sa Mananagumpay" (Tagalog Dubbed)


Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos. Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? ...




Ago 6, 2018

Tagalog Christian Gospel Video | "Ang Iglesiang Three-Self Ang Aking Payong"


Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar. Nagpasimula ito ng mga talakayan sa pagitan ng mga miyembro ng Iglesia ng Three-Self. Ilang tao ang naniwala na ang Kidlat sa Silanganan ay nagdusa sa malupit na pagsupil at pag-uusig ng Komunistang pamahalaan ng China. Napakamapanganib na maniwala sa Kidlat ng Silanganan, at pinakaligtas na maniwala sa Iglesia ng Three-Self. Hindi sila magdurusa ng paghihirap at magagawa nilang pumasok sa kaharian ng langit. Naniwala ang ibang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang siyang tunay na daan, ngunit masyadong mabagsik ang kinakaharap nitong pag-uusig at aresto. Kung maniniwala sila, inisip nila na mas mabuting maniwala nang palihim. Sa sandaling matutumba ang Komunistang pamahalaan ng China, malaya na silang maniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Inimbestigahan ng ilang tao ang Kidlat ng Silanganan ngunit naniwala sila na ikinakalat ng Kidlat ng Silanganan ang ebanghelyo at sumasaksi sa Panginoon nang walang pagsasaalang-alang sa buhay o kamatayan at na sila ay pinupuri ng Diyos. Inisip nila na ang mga taong nagtatago sa loob ng Iglesia ng Three-Self ay mga taong duwag na inaanod sa buhay nang walang layunin at na hindi sila karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. … Pagkatapos ng mainit na talakayang ito, nalaman ba ng lahat kung anong uri ng mga tao ang pinupuri ng Panginoon at kung ang mga natatakot ba ay makakapasok sa kaharian ng langit?

Hul 13, 2018

Bakit ang Relihiyosong Daigdig ay Palaging Galit na Galit na Kinakalaban at Kinokondena ang Bagong Gawain ng Diyos?

Sa dalawang beses na nagkatawang-tao ang Diyos upang lumakad sa lupa at isagawa ang gawain ng pagliligtas sa tao Siya ay sinalubong ng matinding pagkalaban, pagkondena at nagngangalit na pang-uusig mula sa mga pinuno ng relihiyosong daigdig, isang katunayan na naging palaisipan at ikinagulat pa ng mga tao: Bakit sa tuwing inihahayag ng Diyos ang isang yugto ng bagong gawain Siya ay palaging sinasalubong ng ganitong uri ng pakikitungo? Bakit ang mga taong pinaka-galit na galit at agresibong kumakalaban sa Diyos ay ang mga pinuno ng relihiyon na paulit-ulit na nagbabasa ng Biblia at maraming taon nang nakapaglingkod sa Diyos? Bakit kaya na ang mga pinunong iyon ng relihiyon na nakikita ng mga tao na pinakadeboto, na pinakamatapat at pinakamasunurin sa Diyos ang sa katunayan ay hindi nagagawang maging tugma sa Diyos, at sa halip ay palaging kumikilos nang lisya at nagiging mga kaaway ng Diyos? Maaari ba na may nagawang pagkakamali ang Diyos sa Kanyang gawain? Maaari ba na ang mga pagkilos ng Diyos ay hindi masunurin sa katwiran? Tiyak na hindi iyan ang sitwasyon! May dalawang pangunahing dahilan kung bakit may mga tao sa iba’t ibang denominasyon at mga sekta ang nagagawang gampanan ang papel ng pagkalaban sa Diyos, pagiging mga kaaway ng Diyos, at ang mga ito ay: Una, kaakibat ng mga taong ito na hindi nagtataglay ng katotohanan at walang kaalaman tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu, sila rin ay walang kaalaman tungkol sa Diyos, palagi silang umaasa sa kanilang limitadong kaalaman tungkol sa Biblia, mga teoriya ng teolohiya at mga pagkaintindi at imahinasyon upang ilarawan ang gawain ng Diyos na palaging bago at hindi kailanman luma; Pangalawa, yamang ang sangkatauhan ay talagang nagawang tiwali ni Satanas, ang kalikasan nito ay arogante at makasarili, hindi nito kayang sundin ang katotohanan, at masyado nitong pinahahalagahan ang katayuan. Ang kombinasyon ng dalawang aspetong ito ay humahantong sa trahedya ng pagtalikod at pagkondena ng sangkatauhan sa tunay na daan nang paulit-ulit sa buong kasaysayan.

Hul 10, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong " Lord Jesus Has Come Again


Si Lin Bo'en ay matagal nang mangangaral na maraming dekada nang sumasampalataya sa Panginoon. Mula nang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, siya ay nakulong, inihiwalay, at pinatalsik mula sa mga komunidad ng relihiyon ng mga pastor at mga elder, na mga puwersang anticristo. Ngunit kahit na si Lin Bo'en ay tinuligsa, hinatulan, at pinaratangan, hindi siya natakot. Sa halip, lalong tumibay ang kanyang pananampalataya, at dahil dito naunawaan niya sa wakas na ang mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig ay nagpapakitang-tao lamang. Kasabay nito, nalaman niya na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at tanging si Cristo ang makapagliligtas at makapagpapadalisay at magpeperpekto sa tao. Dahil dito, nagpasiya siyang sundin si Cristo, sumaksi para kay Cristo, at gawin ang lahat sa abot-kaya niya para hanapin ang katotohanan, hangaring baguhin ang kanyang disposisyon upang siya'y maging tunay na saksi para sa Diyos. Nang matuklasan ng Chinese Communist Party na nakalaya si Lin Bo'en mula sa bilangguan at hindi nagbago, na hindi niya itinatwa ang kanyang pananampalataya kaliit-liitang paraan at naniwala pa sa Kidlat ng Silanganan, na nagpunta siya kahit saan para magpatotoo na muling dumating ang Panginoong Jesus at na Siya ang Makapangyarihang Diyos, isinama siya ng CCP sa listahan ng mga wanted o pinaghahanap at nagpunta sa lahat ng lugar para arestuhin siya. Napilitan si Lin Bo'en na iwanan ang kanyang pamilya, at sa bawat lugar ay nagpatotoo siya sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagawa niyang pamunuan ang maraming matatapat, mabubuting mananampalataya sa panig ng Diyos. Ang video na ito ay salaysay ng tunay na kuwento ni Lin Bo'en sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo para sa Diyos.