Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)
Sa panahong iyon, nang si Jesus ay gumawa sa Judea, gumawa Siya nang lantaran, ngunit ngayon, gumagawa Ako at nagsasalita sa inyo nang lihim. Ganap na hindi ito alam ng mga hindi mananampalataya. Ang Aking gawain sa inyo ay hiwalay sa iba. Ang mga salitang ito, ang mga pagkastigong ito at mga paghatol, ay hayag lamang sa inyong lahat at wala nang iba. Lahat ng mga gawaing ito ay isinasagawa sa inyo at binuksan lamang sa inyo; wala sa mga hindi mananampalataya ang nakakaalam nito, dahil hindi pa dumarating ang oras. Malapit nang maging ganap ang mga taong ito matapos na tiisin ang mga pagkastigo, ngunit walang alam ang mga nasa labas tungkol dito. Masyadong nakatago ang gawaing ito! Para sa kanila, malihim ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit sa mga nasa daluyang ito, maaari Siyang ituring na hindi lihim. Kahit na ang lahat ay bukas sa Diyos, naihahayag ang lahat at inilalabas ang lahat, totoo lamang ito sa mga taong naniniwala sa Kanya, at walang ipinaaalam sa mga hindi mananampalataya.
Ang gawaing isinasagawa dito ngayon ay mahigpit na nakahiwalay upang hindi nila malaman. Kung malaman man nila, paghatol at pag-uusig lamang ang naghihintay. Hindi sila maniniwala. Ang gumawa sa bansa ng malaking pulang dragon, ang pinakapaurong na lugar, ay hindi madaling gawain. Kung ang gawaing ito ay ihahayag, samakatwid magiging imposibleng magpatuloy. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi basta maaaring sumulong sa lugar na ito. Paano nila pahihintulutan ito kung ang ganitong gawain ay natupad nang lantaran? Hindi ba ito magdadala ng mas malaking panganib? Kung hindi naitago ang gawaing ito, at sa halip ay ipinagpatuloy tulad sa panahon ni Jesus nang kamangha-mangha Siyang nagpagaling ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, kung ganoon hindi ba matagal na sana itong “sinunggaban” ng mga demonyo? Kaya ba nilang tiisin ang pag-iral ng Diyos? Kung papasok Ako ngayon sa mga bulwagan upang mangaral at magbigay ng panayam sa tao, hindi ba matagal na sana Akong nagkadurug-durog? At kung gayon, paanong patuloy na matutupad ang Aking gawain? Ang dahilan kung bakit ang mga tanda at kababalaghan ay hindi nahahayag nang lantaran ay para sa kapakanan ng pagkatago. Upang ang Aking gawain ay hindi makita, makilala o matuklasan ng mga hindi mananampalataya. Kung ang yugtong ito ng gawain ay gagawin sa parehong paraan tulad ng kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ito magiging matatag. Kaya, ang gawain na itatago sa paraang ito ay may benepisyo sa inyo at sa lahat ng gawain. Kapag ang gawain ng Diyos sa lupa ay dumating na sa katapusan, iyon ay, kapag ang lihim na gawaing ito ay natapos, ang yugtong ito ng gawain ay mahahayag. Malalaman ng lahat na may mga grupo ng mga mananagumpay sa Tsina; malalaman ng lahat na nasa Tsina ang Diyos na nagkatawang-tao at dumating na sa pagtatapos ang Kanyang gawain. Doon lamang ito magliliwanag sa tao: Bakit hindi pa nagpapakita ang Tsina ng paghina o pagbagsak? Lumalabas na ang Diyos ay personal na nagsasagawa ng Kanyang gawain sa Tsina at ginawang ganap ang isang grupo ng mga tao bilang mga mananagumpay.
Inihahayag lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang sarili sa ilang mga tao na sumusunod sa Kanya habang personal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain, at hindi sa lahat ng nilalang. Naging katawang-tao lamang Siya upang makumpleto ang isang yugto ng gawain, hindi upang ipakita sa tao ang Kanyang larawan. Gayunpaman, dapat na tuparin Niya mismo ang Kanyang gawain, kaya kinakailangan Niya itong gawin sa katawang-tao. Kapag natapos ang gawaing ito, aalis Siya mula sa daigdig; hindi Siya maaaring manatili sa mahabang panahon sa sangkatauhan dahil sa takot na maharangan ang darating na gawain. Ang inihahayag Niya sa karamihan ay ang Kanya lamang matuwid na disposisyon at ang lahat ng Kanyang mga gawa, at hindi ang larawan ng Kanyang katawan nang dalawang beses Siyang naging katawang-tao, dahil ang larawan ng Diyos ay maaari lamang na makita sa Kanyang disposisyon, at hindi pinalitan ng larawan ng Kanyang naging-taong katawan. Ipinapakita lamang sa limitadong bilang ng mga tao ang larawan ng Kanyang katawang-tao, tanging sa mga taong sumusunod sa Kanya habang gumagawa Siya sa katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit ang gawaing ipinapatupad ngayon ay ginagawa nang lihim. Tulad ni Jesus na ipinakita lamang ang Kanyang sarili sa mga Hudyo noong ginawa Niya ang Kanyang gawain, at hindi kailanman hayagan na ipinakita sa ibang bansa. Kaya, sa sandaling nakumpleto Niya ang Kanyang gawain, kaagad Niyang nilisan ang tao at hindi nanatili; sa sumunod na panahon, hindi Niya ipinahayag ang larawan ng Kanyang sarili sa tao, ngunit sa halip ang gawain ay isinakatuparan nang direkta ng Banal na Espiritu. Kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, umaalis na Siya mula sa mortal na mundo, at hindi na kailanman pang muling gagawa ng gawain na katulad ng Kanyang ginawa noong panahong Siya ay nagkatawang-tao. Ang gawain na sumunod ay direktang ginagawa lahat ng Banal na Espiritu. Sa panahong ito, mahirap makita ng tao ang Kanyang larawan sa katawang-tao; hindi Niya ipinapakita ang Kanyang sarili sa tao sa anumang paraan, at nananatiling nakatago magpakailanman. May limitadong oras para sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, na dapat matupad sa isang tiyak na kapanahunan, oras, bansa at sa mga partikular na tao. Ang ganitong gawain ay kumakatawan lamang sa gawain sa panahong ang Diyos ay nagkatawang-tao, at ito ay partikular sa kapanahunan, na kumakatawan sa gawain ng Espiritu ng Diyos sa isang partikular na kapanahunan, at hindi ang kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatuwid, hindi ipapakita sa lahat ng mga tao ang imahe ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang ipinapakita sa karamihan ay ang pagkamatuwid ng Diyos at ang Kanyang disposisyon sa kabuuan nito, sa halip na ang Kanyang larawan nang dalawang beses Siyang naging tao. Hindi ito ang nag-iisang larawan na ipinapakita sa tao, o ang dalawang imaheng pinagsama. Samakatuwid, kinakailangang umalis ang katawan ng naging-taong Diyos sa daigdig kapag nakumpleto ang gawain na kailangan Niyang gawin, sapagkat dumarating lamang Siya upang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, at hindi upang ipakita sa mga tao ang Kanyang larawan. Kahit na ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay natupad na ng Diyos nang dalawang beses na maging tao, hindi pa rin Niya lantarang ipapakilala ang Kanyang sarili sa anumang bansa na kailanman ay hindi pa Siya nakita. Hindi na kailanman muling ipapakita ni Jesus ang Kanyang Sarili sa mga Judio bilang Araw ng katuwiran, ni aakyatin Niya ang Bundok ng mga Olibo at magpapakita sa lahat ng mga tao; nakikita ng lahat ng mga Judio ang Kanyang larawan sa Kanyang panahon sa Judea. Sapagkat ang gawain ni Jesus na nagkatawang-tao ay matagal nang natapos dalawang libong taon na ang nakakaraan; hindi Siya babalik sa Judea sa Kanyang dating anyo, lalong hindi ipapakita ang kanyang anyo sa panahong iyon sa alinmang mga bansa ng Gentil, sapagkat ang anyo ni Jesus na nagkatawang-tao ay ang anyo lamang ng isang Judio, at hindi ang anyo ng Anak ng tao na nakita ni Juan. Bagamat ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na Siya ay muling darating, hindi Niya basta ipapakita ang Kanyang Sarili sa anyo ng isang Judio sa lahat niyaong nasa mga bansa ng Gentil. Dapat ninyong malaman na ang gawain ng Diyos na naging tao ay para magbukas ng bagong kapanahunan. Ang gawaing ito ay limitado sa iilang mga taon, at hindi Niya matutupad ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos. Ito ay kapareho ng kung paano ang larawan ni Jesus bilang Judio ay maaaring kumatawan lamang sa larawan ng Diyos habang gumagawa Siya sa Judea, at ang maaari lamang Niyang gawin ay ang gawain ng pagpapako sa krus. Noong panahon na si Jesus ay nagkatawang-tao, hindi Niya maaaring gawin ang gawain ng paghahatid ng kapanahunan sa isang katapusan o pagsira ng sangkatauhan. Samakatwid, pagkatapos na Siya ay ipinako sa krus at natapos ang Kanyang gawain, umakyat Siya sa itaas at magpakailanmang ikinubli ng Kanyang sarili mula sa tao. Mula noon, ang mga tapat na mananampalataya sa mga bansang Hentil ay maaaring makita lamang ang larawan Niya na inilagay nila sa mga pader, at hindi ang pagpapakita ng Panginoong Jesus. Ang larawan na ito ay isa lamang guhit ng tao, at hindi ang larawan na ipinakita ng Diyos Mismo sa tao. Hindi lantarang magpapakita ng Sarili ang Diyos sa maraming tao sa larawang mula nang Siya’y dalawang beses na nagkatawang-tao. Ang gawaing ginagawa Niya sa sangkatauhan ay upang hayaan silang maunawaan ang Kanyang disposisyon. Itong lahat ay tinupad sa pamamagitan ng pagpapakita sa tao sa pamamagitan ng gawain ng iba’t ibang kapanahunan, pati na rin ang disposisyon na ipinakilala Niya at ang gawaing Kanyang ginawa, sa halip na sa pamamagitan ng pagpapakita ni Jesus. Ibig sabihin, ang larawan ng Diyos ay hindi ipinakilala sa tao sa pamamagitan ng nagkatawang-taong larawan, ngunit sa halip ay sa pamamagitan ng gawain na natupad ng Diyos na nagkatawang-tao sa larawan at anyo; at sa pamamagitan ng Kanyang gawain, ang Kanyang larawan ay ipinapakita at ang Kanyang disposisyon ay ipinapaalam. Ito ang kahalagahan ng gawain na nais Niyang gawin sa katawang-tao.
Sa sandaling ang gawain nang Siya’y dalawang beses na naging tao ay dumating sa katapusan, magsisimula Siyang magpakita ng Kanyang matuwid na disposisyon sa ibayong mga bansang Hentil, na magpapahintulot sa maraming tao na makita ang Kanyang larawan. Nais Niyang ipahayag ang Kanyang disposisyon, at sa pamamagitan nito ay gawing malinaw ang katapusan ng iba’t ibang uri ng tao, dahil doon madadala ang lumang kapanahunan sa ganap na katapusan. Ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay hindi umaabot sa napakalaking kalawakan (gaya ng paggawa lamang ni Jesus sa Judea, at ngayon ay gumagawa lamang Ako kasama ninyo) dahil ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay may mga hangganan at limitasyon. Isinasagawa lamang Niya ang isang maikling panahon ng gawain sa larawan ng isang karaniwan at normal na katawang-tao, sa halip na gawin ang gawain ng walang-hanggan o gawin ang gawain ng pagpapakita sa lahat ng tao ng mga bansang Henti sa pamamagitan nitong naging-tao na katawan. Itong gawain sa katawang-tao ay dapat na limitado sa saklaw (gaya ng paggawa lamang sa Judea o sa inyo lamang), pagkatapos ay pinalaki sa pamamagitan ng gawain na natupad sa loob ng mga hangganan na ito. Siyempre, ang gawain ng ganitong pagpapalawak ay direktang tinutupad ng Kanyang Espiritu at hindi magiging gawain ng Kanyang katawang-tao. Sapagkat ang gawain sa katawang-tao ay may mga hangganan at hindi abot sa lahat ng mga sulok ng sandaigdig. Ito, hindi ito maaaring magawa. Sa pamamagitan ng gawain sa katawang-tao, tinutupad ng Kanyang Espiritu ang gawaing sumusunod. Kaya, ang gawain na ginawa sa katawang-tao ay isa sa simulaing ipinatupad sa loob ng mga hangganan; ang Kanyang Espiritu sa dakong huli ang magpapatuloy sa gawaing ito, at magpapalawak nito.
Dumarating ang Diyos dito sa mundo para gawin lamang ang gawain ng pamumuno sa kapanahunan; para magbukas ng isang bagong kapanahunan at dalhin ang luma sa katapusan. Hindi Siya naparito upang isabuhay ang kurso ng buhay ng tao sa lupa, upang maranasan Niya mismo ang mga kasiyahan at kalungkutan ng buhay bilang isang tao, o upang gawing perpekto ang isang tao sa pamamagitan ng Kanyang kamay o personal na panoorin ang isang tao habang siya ay lumalaki. Hindi Niya ito gawain; ang Kanyang gawain lamang ay buksan ang bagong kapanahunan at tapusin ang luma. Iyon ay, magbubukas Siya ng isang kapanahunan, dadalhin ang isa sa katapusan, at tatalunin si Satanas sa pamamagitan ng personal na pagtupad ng gawain. Tuwing tinutupad Niya ang gawain nang personal, tila inilalagay Niya ang isang paa sa lugar ng digmaan. Sa katawang-tao, uunahin muna Niyang talunin ang sanglibutan at magwawagi laban kay Satanas; tinatamo Niya ang lahat ng kaluwalhatian at itinataas ang mga kurtina sa gawain ng lahat ng dalawang libong taon, at ito’y nagbibigay sa lahat ng tao sa mundo ng tamang landas na susundin, at isang buhay na payapa at masaya. Subalit, ang Diyos ay hindi maaaring makipamuhay kasama ang tao sa mundo nang matagal, dahil ang Diyos ay Diyos, at hindi tulad ng tao matapos ang lahat. Hindi Niya maaaring isabuhay ang habang-buhay ng normal na tao, iyon ay, hindi Siya maaaring tumira sa mundo bilang isang taong hindi ordinaryo, dahil mayroon lamang Siyang napakaliit na bahagi ng normal na pagkatao ng mga ordinaryong tao para ipagpatuloy ang Kanyang buhay nang ganoon. Sa madaling salita, paano makakapagsimula ang Diyos ng pamilya at magpapalaki ng mga anak sa mundo? Hindi ba ito magiging isang kahihiyan? Siya’y nagtataglay ng normal na pagkatao para lamang sa layunin na isakatuparan ang gawain sa isang normal na paraan, hindi upang pahintulutan Siyang magsimula ng isang pamilya tulad ng ginagawa ng isang karaniwang tao. Ang Kanyang normal na katinuan, normal na pag-iisip, at ang normal na pagpapakain at gayak ng Kanyang katawang-tao ay sapat upang patunayang mayroon Siyang normal na pagkatao; hindi na Niya kailangang magsimula ng pamilya upang patunayang Siya’y pinagkalooban ng normal na pagkatao. Ito ay ganap na hindi kinakailangan! Ang Diyos ay dumarating sa lupa, ibig sabihin ang Salita ay nagiging tao; pinahihintulutan lamang Niya ang tao na maintindihan ang Kanyang salita at makita ang Kanyang salita, iyon ay, pinapahintulutan ang tao na makita ang gawaing tinupad sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang Kanyang layunin ay hindi para tratuhin ng mga tao ang Kanyang katawang-tao sa isang tiyak na paraan, kundi para lamang ang tao ay maging masunurin hanggang sa katapusan, iyon ay, upang sundin ang lahat ng salita na lumalabas mula sa Kanyang bibig, at para magpasakop sa lahat ng gawain na Kanyang ginagawa. Siya lamang ay gumagawa sa katawang-tao, hindi sadyang humihingi sa tao na purihin ang kadakilaan at kabanalan ng Kanyang katawang-tao. Ipinapakita lamang Niya sa tao ang karunungan ng Kanyang gawain at lahat ng kapangyarihan na Kanyang hawak. Samakatuwid, kahit na Siya ay may katangi-tanging pagkatao, hindi Siya gumagawa ng mga anunsyo, at nakatuon lamang sa gawain na dapat niyang gawin. Dapat ninyong malaman kung bakit ang Diyos ay naging tao subalit hindi ipinagyayabang o pinapatunayan ang Kanyang normal na pagkatao, at sa halip ay ipinapatupad lamang ang gawain na nais Niyang gawin. Ito ang dahilan kung bakit ang nakikita lamang ninyo ay ang persona na pagka-Diyos sa Diyos na naging tao, dahil sa simpleng kadahilanan na hindi Niya inihahayag ang Kanyang persona na pagkatao upang tularan ng tao. Tanging kapag pinamumunuan ng tao ang tao saka siya nagsasalita tungkol sa kanyang pagkatao, upang makamit niya ang pamumuno sa iba sa pamamagitan ng pagpapakitang-gilas at pagkumbinsi sa kanila. Sa kabaligtaran, nilulupig ng Diyos ang tao sa pamamagitan lamang ng Kanyang gawain (iyon ay, gawaing hindi natatamo ng tao). Hindi niya pinahahanga ang tao o pinasasamba ang lahat ng sangkatauhan sa Kanya, ngunit itinatanim lamang sa tao ang damdamin ng paggalang sa Kanya o ipinapaalam sa tao ang Kanyang kahiwagaan. Hindi na kailangan ng Diyos na magpahanga sa tao. Ang kailangan lang Niya ay ang gumalang ka sa Kanya kapag nasaksihan mo ang Kanyang disposisyon. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay sariling Kanya; hindi ito maaaring gawin ng tao kahalili Niya, ni hindi ito maisasakatuparan ng tao. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain at maghahatid sa isang bagong kapanahunan upang pangunahan ang tao sa bagong mga buhay. Ang gawain na Kanyangg inagawa ay upang magawang tanggapin ng tao ang isang bagong buhay at pumasok sa isang bagong kapanahunan. Ang lahat ng iba pang gawain ay ipinasa sa mga lalaki na mayroong normal na pagkatao at mga hinahangaan ng iba pa. Kung gayon, sa Kapanahunan ng Biyaya, tinapos Niya ang dalawang libong taon na gawain sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon sa Kanyang tatlumpu’t tatlong taon na nasa katawang-tao. Nang ang Diyos ay dumating sa lupa na ipinatutupad ang anyang gawain, palagi Niyang tinatapos ang dalawang libong taon na gawain o ang isang kabuuang kapanahunan sa loob ng ilang maigsing mga taon.
Hindi Siya nagsasayang ng oras, at hindi Siya nagpapaliban; pinaiikli lamang Niya ang gawain ng maraming mga taon upang ito ay matapos sa loob lamang ng ilang maigsing mga taon. Ito ay dahil sa ang gawain na Kanyang personal na ginagawa ay upang buksan lamang ang isang daan palabas at upang pangunahan ang bagong kapanahunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento