Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 5, 2020

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos?

Nob 27, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Dapat Wasakin ng Diyos ang Sodoma

Gen 18:26 At sinabi ni Jehova, Kung makasumpong Ako sa Sodoma ng limampung matuwid sa loob ng lungsod, patatawarin Ko ang buong lugar, alang-alang sa kanila.

Gen 18:29 At siya’y muling nagsalita pa sa Kanya, at sinabi, Marahil ay may masusumpungang apatnapu. At sinabi Niya, Hindi Ko gagawin.

Gen 18:30 At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong tatlumpu. At sinabi Niya, Hindi Ko gagawin.

Gen 18:31 At kanyang sinabi, kung sakaling may masusumpungan doong dalawampu. At sinabi Niya, Hindi Ko lilipulin.

Gen 18:32 At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong sammpu. at sinabi Niya, Hindi Ko lilipulin.

Ito ang ilang mga siping napili Ko mula sa Biblia. Hindi ito ang kumpleto at orihinal na mga bersyon. Kung nais ninyong makita ang mga iyon, maaari ninyo mismong tingnan sa Biblia; upang makatipid sa oras, inalis Ko ang orihinal na bahagi ng nilalaman. Pinili Ko lamang dito ang ilang pangunahing sipi at pangungusap, at iniwan ang ilang pangungusap na walang kinalaman sa ating pagbabahagi ngayon. Sa lahat ng sipi at nilalaman na ating ibinabahagi, hindi natin pagtutuunan ng pansin ang mga detalye ng mga kuwento at asal ng tao sa mga kuwento; sa halip, pag-uusapan lang natin ang mga kaisipan at ideya ng Diyos sa panahong iyon. Sa mga kaisipan at ideya ng Diyos, makikita natin ang disposisyon ng Diyos, at mula sa lahat ng ginawa ng Diyos, makikita natin ang tunay na Diyos Mismo—at makakamtan natin mula rito ang ating layunin.
Sodoma,galit ng Diyos

Pinagtutuunan Lamang ng Pansin ng Diyos ang mga Nakakasunod sa Kanyang mga Salita at Sinusunod ang Kanyang mga Utos

Okt 31, 2019

Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob


Pinalalaganap Ko ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Ang Aking kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob; ang Aking kalooban ay nakapaloob sa mga taong nakakalat dito at doon, lahat pinakikilos ng Aking kamay at inilalatag ang mga tungkulin na Aking naiatas na. Magmula ngayon, nakapasok na Ako sa isang bagong kapanahunan, dinadala ang lahat ng tao sa ibang mundo. Nang bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” nagsimula Ako ng isa pang bahagi ng gawain sa orihinal Kong plano, upang Ako ay makikilala ng mga tao nang mas malalim.

Okt 22, 2019

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas


Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Tumatayo Ako sa ibabaw ng sansinukob sa bawa’t araw, nagmamasid, at mapagpakumbabang itinatago ang Aking Sarili sa Aking dakong tahanan upang maranasan ang pantaong buhay, maiging pinag-aaralan ang bawat gawa ng tao. Kailanma’y walang sinumang tunay na naghandog ng kanyang sarili sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang nagsikap na matamo ang katotohanan. Wala kahit isa ang kailanma’y naging napakaingat para sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang gumawa ng mga pagpapasya sa harap Ko at nanatili sa kanyang tungkulin. Wala kahit isa ang kailanma’y pinayagan Akong manahan sa kanya. Walang sinuman ang nagpahalaga sa Akin tulad ng pagpapahalaga niya sa kanyang sariling buhay. Kailanma’y walang sinumang nakakita sa praktikal na reyalidad sa buong katauhan ng Aking pagkadiyos. Walang sinuman ang kailanma’y nagnais na makaugnay ang praktikal na Diyos Mismo."

Rekomendasyon: Tagalog Christian Movies

Okt 19, 2019

Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos

Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng tao ay yaong nauunawaan nila ang katotohanan nguni’t hindi ito maisasagawa. Ang isang salik ay yaong ayaw ng tao na magbayad ng halaga, at ang isa pa ay yaong masyadong di-sapat ang pagtalos ng tao; hindi niya kayang makakita nang lampas sa marami sa mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may napakaliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong pag-unawa ng katotohanan, hindi niya kayang lutasin ang mga paghihirap na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay mananampalataya sa Diyos sa salita lamang, gayunpaman hindi niya kayang dalhin ang Diyos sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Sa ibang salita, ang Diyos ay Diyos, at ang buhay ay buhay, para bagang ang tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanyang buhay. Iyan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao. Ang ganitong pamamaraan ng pananampalataya sa Diyos ay hindi magpapahintulot sa tao na makamit at maperpekto Niya sa realidad. Sa katotohanan, hindi sa hindi ganap ang salita ng Diyos, bagkus ay na hindi lang sapat ang kakayahan ng tao upang tanggapin ang Kanyang salita. Masasabi na halos walang isa mang tao na kumikilos ayon sa mga hangarin ng Diyos. Sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling mga intensyon, naitatag na mga relihiyosong pagkaunawa, at mga kaugalian. Kakaunti ang mga sumasailalim sa pagbabago kasunod ng pagtanggap ng salita ng Diyos at nagsisimulang kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Sa halip, nagpipilit sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang tao ay nagsisimulang maniwala sa Diyos, ginagawa niya ito batay sa nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikipag-ugnayan sa iba na lubusang batay sa kanyang sariling pilosopiya sa buhay. Iyan ang kalagayan ng siyam sa bawat sampung tao. Napakakaunti ang mga nagbubuo ng isa pang plano at nagpapanibagong simula pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Walang nagpapalagay o nagsasagawa ng salita ng Diyos bilang ang katotohanan.

Okt 17, 2019

Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng tagubilin ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa tagubilin ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa tagubilin ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.

Okt 8, 2019

Kabanata 1 Dapat Mong Malaman na ang Makapangyarihang Diyos ang Nag-iisang Totoong Diyos na Lumikha ng Kalangitan at ng Lupa at Lahat ng Naroon

3. Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananalig sa Makapangyarihang Diyos


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’y naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na upain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Set 25, 2019

Tungkol sa mga Hakbang ng Gawain ng Diyos

Mula sa labas, tila natapos na ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa kasalukuyang yugtong ito, at parang naranasan na ng sangkatauhan ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at pagpipino ng Kanyang mga salita, at tila sumailalim na sila sa mga hakbang kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo, ang pagpipino sa mga panahon ng pagkastigo, ang pagsubok ng kamatayan, ang pagsubok ng mga hambingan, at ang mga panahon ng[a] pag-ibig sa Diyos. Bagamat sumailalim ang mga tao sa matinding pagdurusa sa bawat hakbang hindi pa rin nila naunawaan ang kalooban ng Diyos. Kagaya ng pagsubok ng mga taga-serbisyo, kung ano ang natamo ng mga tao mula roon, kung ano ang naunawaan nila mula rito, at kung ano ang resultang gusto ng Diyos na makamit sa pamamagitan niyon—nananatili pa ring hindi malinaw sa mga tao ang tungkol sa mga usaping ito. Tila sa bilis ng takbo ng gawain ng Diyos, na alinsunod sa kasalukuyang tulin ang mga tao ay tiyak na hindi makaaagapay.

Set 21, 2019

Nilayon ng Diyos na Sirain ang Mundo Gamit ang isang Baha, Sinabihan si Noe na Gumawa ng isang daong

(Gen 6:9–14) Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios. At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet. At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan. At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa. At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa. Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing.

(Gen 6:18–22) Datapuwa’t pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo; at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw, at ang iyong mga anak na lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo. At sa bawa’t nangabubuhay, sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ng sasakyan ng dalawa sa bawa’t uri upang maingatan silang buhay, na kasama mo; lalake at babae ang kinakailangan. Sa mga ibon ayon sa kanikanilang uri, at sa mga hayop ayon sa kanikanilang uri, sa bawa’t nagsisiusad, ayon sa kanikanilang uri, dalawa sa bawa’t uri, ay isasama mo sa iyo, upang maingatan silang buhay. At magbaon ka ng lahat ng pagkain na kinakain, at imbakin mo sa iyo; at magiging pagkain mo at nila. Gayon ang ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya.
…………

Set 9, 2019

Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya


Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at walang anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa iyo? Para ano at mahal mo ang Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon?

Set 4, 2019

Gumawa ang Diyos ng mga Kasuotang Balat para kina Adan at Eva


(Gen 3:20–21) At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka’t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.
Tingnan natin itong pangatlong pahayag, na nagsasabing may kahulugan sa likod ng pangalan na binigay ni Adan kay Eba, di ba? Ipinakikita dito na pagkatapos nilikha, may sariling mga kaisipan si Adan at nakakaintindi ng maraming mga bagay. Ngunit sa ngayon hindi natin pag-aaralan o sasaliksikin kung ano ang kanyang naintindihan o kung gaano karami ang kanyang naintindihan dahil hindi ito ang pangunahing punto na nais Kong talakayin sa ikatlong pahayag. Kaya ano ang pangunahing punto ng ikatlong pahayag? Tingnan natin ang linyang, “At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.” Kung hindi natin pagsasamahan ang tungkol sa linyang ito ng banal na kasulatan sa araw na ito, marahil ay hindi ninyo kailanman mauunawaan ang kahulugan na nasa likod ng mga salitang ito.

Ago 23, 2019

Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo

Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking naipahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao ay maaaring maging kaayon sa Akin. Ngunit kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na kaayon sa Akin, at kaya Aking sinasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi kaayon sa Akin. Sa paraang ito, ang gawaing Aking ginagawa ay hindi lamang upang Ako ay sambahin ng tao; ang mas mahalaga, ito ay upang maging kaayon sa Akin ang tao. Ang mga taong nagawang masama, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Araw-araw silang naghahanap ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong nakatatagpo ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang mga kasulatan.

Hul 20, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos



Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos


Upang maunawaan ang layunin ng gawa ng Diyos, kung ano ang bungang makakamit sa pagiging tao, at ang kalooban ng Diyos tungo sa tao, ito ang dapat makamit ng bawat taong sumusunod sa Diyos. Ang kulang ngayon sa lahat ng tao ay ang kaalaman sa gawa ng Diyos. Hindi ganap na nauunawaan ni naiintindihan ng tao kung ano ang bumubuo sa mga gawa ng Diyos sa tao, ang lahat ng gawa ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos simula nang likhain ang mundo. Ang ganitong kakulangan ay hindi lamang nakikita saan mang dako ng relihiyosong mundo, kundi higit pa, sa lahat ng mananampalataya ng Diyos.

Hul 6, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan


Yaong mga kabilang sa mga kapatiran na palaging nagbubulalas ng kanilang pagiging-negatibo ay mga sunud-sunuran kay Satanas at ginagambala nila ang iglesia. Isang araw ang mga taong ito ay kailangang maitiwalag at maalis. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, kung ang mga tao ay hindi nagtataglay sa loob nila ng isang pusong gumagalang sa Diyos, kung sila ay walang puso na masunurin sa Diyos, kung gayon hindi lamang sa sila ay hindi makagagawa ng anumang gawain para sa Diyos, kundi sa kabaligtaran ay magiging mga tao na gumagambala sa gawain ng Diyos at mga sumusuway sa Diyos.

Hun 22, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao


Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan.

Hun 14, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Sa Ilalim ng Awtoridad ng Maylalang, Perpekto ang Lahat ng mga Bagay


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Sa Ilalim ng Awtoridad ng Maylalang, Perpekto ang Lahat ng mga Bagay


Ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, kasama na ang mga nakagagalaw at mga di nakagagalaw, tulad ng mga ibon at isda, tulad ng mga puno at mga bulaklak, at kasama ang mga hayop, mga insekto, at mga mababangis na hayop na ginawa noong pang-anim na araw—maganda ang lahat ng mga ito sa Diyos, at, dagdag pa rito, sa mga mata ng Diyos, ang mga bagay na ito, ayon sa Kanyang plano, ay umabot lahat sa rurok ng pagka-perpekto, at narating ang mga pamantayan na nais makamit ng Diyos.

Hun 8, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag



Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag


Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod lamang sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; iginagalang lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya hinahangaan nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad.

May 30, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos


Ngayon, sa inyong paghanap sa pag-ibig at pagkilala sa Diyos, sa isang banda dapat ninyong tiisin ang hirap at pagpipino, at sa ibang banda, kailangan ninyong magbigay ng kabayaran. Walang leksiyon na mas malalim kaysa sa turo ng maibiging Diyos, at maaaring sabihing ang leksiyong natututunan ng mga tao sa panghabambuhay na paniniwala ay kung paano mahalin ang Diyos. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Diyos dapat mong mahalin ang Diyos.

May 23, 2019

Pag-bigkas ng Diyos | Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Matatamo ng Diyos


Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawa’t araw, pataas nang pataas sa bawa’t hakbang; ang pagbubunyag bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi nakakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan.

May 16, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso


Ang grupo ng mga tao na gustong makamit ng Diyos ay yaong nagsisikap na makipagtulungan sa Diyos, na magagawang sundin ang Kanyang gawain, at naniniwala na ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay totoo, na magagawang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos. Sila yaong mga mayroong tunay na pagkaunawa sa kanilang mga puso.