Tagalog Christian Movie Trailer | "Mapalad ang Mapagpakumbaba" (Tagalog Dubbed)
Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya. Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito.
Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan. Dinalaw niya ang ilang sekta, pero ang kanilang pagkawasak at kabuktutan ay nagdulot lang sa kanya ng mas lalong pagkaligaw at pagkalito, at wala siyang magawa. Ang sabi niya sa Panginoon: " Panginoon! Nasaan Ka? Nang magsimula si Cho Yeonghan na suriin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, malugod siyang nasurpresa nang matuklasang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay puno ng awtoridad, kapangyarihan at ang katotohanan! Pagkatapos makinig sa pakikipagbahagi at pagpapatotoo ng mga saksi mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ni Cho Yeonghan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na bilang isang manananampalataya ng Panginoong Hesus, na pinatawad na ang kanyang mga kasalanan at nailigtas na ng biyaya ng Diyos, ibig sabihin, hindi na siya muling babansagan ng Diyos na makasalanan at may karapatan na siyang lumapit sa harapan ng Diyos at manalangin at tamasahin ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Gayunpaman, dahil sa makasalanang kalikasan na malalim nakatanim sa kanyang pagkatao, nakagapos at kontrolado pa rin siya ng kasalanan at hindi maaring maging banal. Tanging sa pagtanggap sa paghahatol at pagkakastigo ng salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw lamang niya makakayang unti-unting kumawala sa kasalanan, tunay na makamit ang pagdadalisay at kaligtasan, at maakay ng Diyos papasok sa Kaniyang kaharian. Sa sandaling ito, si Cho Yeonghan ay napuno ng pananabik, at masaya niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagbalik upang tumayo sa harapan ng trono ng Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento