Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 1, 2019

Makapangyarihang Diyos | Mga Pagsasalaysay | Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?


Makapangyarihang Diyos | Mga Pagsasalaysay | Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kasaysayan ay umuunlad pasulong, pati na ang gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago. Hindi magiging praktikal para sa Diyos na magpanatili ng isang yugto ng gawain sa anim na libong taon, sapagkat alam ng lahat ng tao na Siya ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya maaaring ipagpatuloy na katigan ang gawaing kahalintulad ng pagpapako sa krus, ng isa, dalawa, tatlong beses ... na mapako sa krus. Ito ang pagkaunawa ng isang kakatwang tao. Hindi itinataguyod ng Diyos ang parehong gawain, at ang Kanyang gawain ay pabago-bago at laging bago, tulad sa kung paano Ako araw-araw na nakikipag-usap sa inyo sa mga bagong salita at gumagawa ng mga bagong gawain. Ito ang gawain na Aking ginagawa, ang susi nito ay nakatuon sa mga salitang “bago” at “kamangha-mangha.” “Ang Diyos ay hindi nagbabago, at ang Diyos ay palaging magiging Diyos”; ang kasabihang ito ay talagang totoo.

Dis 17, 2018

Ang Kalungkutan ng mga Iglesia | Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?

Sagot: Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Dumarami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon. Hindi sinusunod ng mga pinuno ng relihiyon ang mga utos ng Panginoon , sinusunod lang nila ang mga tradisyon ng tao. Ipinangangaral lang nila ang kaalaman sa biblia para magyabang at magpatotoo sa kanilang mga sarili. Hindi talaga sila nagpapatotoo sa Diyos o nagpaparangal sa Diyos, at lubos na humiwalay sa daan ng Panginoon, kaya tinatanggihan at inaalis sila ng Diyos. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu.

Dis 14, 2018

Ebangheliyong pelikula | Mga Movie Clip (2) | "Anong mga Kamalian ang Pinakamadaling Nagagawa sa Pagsalubong sa Panginoon?"



Ebangheliyong pelikula | Mga Movie Clip (2) | "Anong mga Kamalian ang Pinakamadaling Nagagawa sa Pagsalubong sa Panginoon?"


    Maraming mga mananampalataya sa mga grupo ng relihiyon ang naniniwala sa sinasabi ng mga pastor at elder na, “Nasa Biblia ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos. Imposibleng mawala sa Biblia ang kahit na ano sa mga salita ng Diyos.” May matibay bang basehan sa Biblia ang pahayag nilang ito? Sinabi ba ng Panginoong Jesus ang mga salitang ito? Sa Pahayag, ilang beses iprinoposiya na, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia."

Dis 12, 2018

Paano Nakilala ni Pedro si Hesus

Kaalaman, Jesus, Ang Banal na Espiritu, panalangin, Mga Pagbigkas ni Cristo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosPaano Nakilala ni Pedro si Hesus


    Noong panahong si Pedro ay kasama ni Hesus, nakita niya ang maraming kaibig-ibig na katangian ni Hesus, maraming aspeto na karapat-dapat na tularan, at marami na nakapagtustos sa kanya. Bagaman nakita ni Pedro ang pagiging Diyos kay Hesus sa maraming paraan, at nakita ang maraming kaibig-ibig na mga katangian, sa simula hindi niya kilala si Hesus. Sinimulang sundan ni Pedro si Hesus noong siya ay 20 taong gulang, at nagpatuloy siya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyan, hindi niya kailanman nakilala si Hesus, nguni’t handang sundan Siya dahil lamang sa paghanga sa Kanya. Noong unang tinawag siya ni Hesus sa baybayin ng Dagat ng Galilea, itinanong Niya: “Simon, anak ni Jonas, susundan mo ba Ako?” Sinabi ni Pedro: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu. Susundan Kita.” Sa panahong ito, narinig ni Pedro na sinabi ang hinggil sa isang lalaki na nagngangalang Hesus, ang pinakadakila sa mga propeta, ang minamahal na Anak ng Diyos, at si Pedro ay walang tigil na umaasang matagpuan Siya, umaasa ng pagkakataon na makita Siya (dahil iyan ang paraan noon kung paano siya ginabayan ng Banal na Espiritu). Bagaman hindi pa niya kailanman nakita Siya at narinig lamang ang mga sabi-sabi tungkol sa Kanya, unti-unting lumago ang pananabik at paghanga kay Hesus sa kanyang puso, at madalas niyang pinanabikan na isang araw ay makita si Hesus. At paano tinawag ni Hesus si Pedro? Narinig din Niya nang mabanggit ang tungkol sa isang lalaki na tinatawag na Pedro, at hindi ito sa paraan na tinagubilinan Siya ng Banal na Espiritu: “Pumunta Ka sa Dagat ng Galilea, kung saan may isang tinatawag na Simon, anak ni Jonas.” Narinig ni Hesus ang isa na nagsabing mayroong isa na tinatawag na Simon, anak ni Jonas, at na narinig ng mga tao ang kanyang pangangaral, na ipinangaral niya rin ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng langit, at lahat ng mga taong nakarinig sa kanya ay naantig na lumuha. Pagkatapos marinig ito, sinundan ni Hesus ang taong iyan, at nagtungo sa Dagat ng Galilea; noong tinanggap ni Pedro ang tawag ni Hesus, sinundan niya Siya.

Dis 9, 2018

Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?

Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi.jpg


Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?


Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, ang paraan kung paano Siya gumagawa ay palaging nagbabago, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago angEbanghelyomga hindi nakakakilala sa gawa ng Banal na Espiritu at ang yaong mga balintunang tao na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil ang Kanyang gawain ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya kailanman inuulit ang gawaing luma sa halip ay sumusulong sa gawaing kailanman ay hindi pa nagawa.

Dis 2, 2018

Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos_compressed.jpg

Mga Salita ng na Makapangyarihang DiyosAng Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos itong sumailalim sa proseso ni Satanas, ay nagiging mas tiwali. Masasabi ng isang tao ay patuloy na nabubuhay sa kanyang tiwali at mala-demonyong disposisyon, walang kakayahang umibig ng tunay sa Diyos. Dahil dito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang alisin ang kanyang sariling-katuwiran, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagmamalaki, at mga kauri nito, na nanggagaling lahat sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, pag-ibig ni Satanas, at isang bagay na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos.

Dis 1, 2018

Patungkol sa pagbalik ng Panginoon, nakasulat sa Mateo 24:36: “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” Walang sinumang makakaalam kung kailan babalik ang Panginoong Jesus, kaya paano mo nalaman na nakabalik na ang Panginoong Jesus? Talagang parang mahirap isipin ‘yan!

Sagot:
Maaaring nagtatanong ang ilan sa mga kapatid: Sinasabi mo na ang Panginoon ay nagbalik na, ngunit papaano n’yo ito nalalaman sa inyong mga sarili? Sa anong batayan mo nalaman na Siya Mismo ang Diyos? Mga kapatid, kung gusto nating malaman kung ang Diyos ay dumating na o hindi, kailangan natin sa isang banda na umasa sa patotoo ng Banal na Espiritu, at sa kabilang banda ay kailangang ibatay ito sa gawaing ginawa ng Diyos. Alam nating lahat na bago ginampanan ng Panginoong Jesus ng Kanyang ministeryo, walang sinumang nakaalam na Siya ang Mesias na darating. Ngunit noong nagsimula ang Panginoong Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, personal na sumaksi ang Banal na Espiritu sa Kanya para alam ng tao ang tunay na pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus. Kung hindi dahil sa patotoo ng Banal na Espiritu, hindi nakilala ng tao na Siya ang nagkatawang-taong Diyos. Samakatuwid, ang kaalaman ng tao na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo ay batay sa patotoo ng Banal na Espiritu. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos patungkol sa ganitong aspeto ng katotohanan ay napakalinaw: “Sa simula, nang hindi pa nasisimulan ni Jesus ang pagsasagawa ng Kanyang ministeryo, katulad ng mga disipulong sumunod sa kanya, minsan ay dumalo rin Siya sa mga pagtitipon, at umawit ng mga himno, nagbigay ng papuri, at binasa ang Lumang Tipan sa templo. Matapos Niyang mabautismuhan at umahon, ang Espiritu ay opisyal na bumaba sa Kanya at nagsimulang gumawa, ibinubunyag ang Kanyang pagkakakilanlan at ang ministeryo na isasagawa Niya. Bago ito, walang nakakaalam sa Kanyang pagkakakilanlan…. Si Jesus ay 29 nang Siya ay sumailalim sa bautismo. Nang matapos ang Kanyang bautismo, nagbukas ang kalangitan, at isang tinig ang nagsabi: ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.’ … Kung nagsagawa ng dakilang gawain si Jesus bago magpatotoo ang Banal na Espiritu sa Kanya, ngunit wala ang patotoo ng Diyos Mismo, kaya gaano man kadakila ang Kanyang gawain, hindi malalaman ng mga tao ang Kanyang pagkakakilanlan, dahil hindi magkakaroon ng kakayahan ang mga mata ng tao na makita ito. Kung wala ang hakbang ng pagpapatotoo ng Banal na Espiritu, walang makakikilala sa Kanya bilang Diyos na nagkatawang-tao” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nob 18, 2018

Tanong 3: Ng sabi sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Pagkatapos mabuhay muli ng ang Panginoong Jesus, ang Kanyang espirituwal na katawan ang bumangon at umakyat sa langit. Sa pagbabalik ng Panginoon, dapat ang Kanyang espirituwal na katawan ang bababa sa ibabaw ng ulap. Gayunman, nagpapatotoo kayo na nagkatawang-tao ang Diyos---ang Anak ng tao---muli para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Halatang hindi ito ayon sa Biblia. Madalas na sinasabi ng mga pastor at elder na anumang patotoo ukol sa pagdating ng Panginoon na pagkakatawang-tao ay mali. Kaya iniisip kong imposibleng bumalik ang Panginoon sa katawang-tao. Hindi ko matatanggap ang inyong patotoo. Hihintayin ko na lang na bumaba ang Panginoon sa ulap at dalhin kami sa kaharian ng langit. Tiyak na hindi ito isang pagkakamali!


Sagot :
Sinasabi ninyong imposibleng bumalik ang Panginoon sa anyong-tao, tama ba? Nakasulat sa Biblia na babalik ang Panginoon sa anyong-tao. Ibig n’yo bang sabihin hindi ninyo ito matagpuan? Maraming propesiya ang nasusulat sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kung saan ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa anyong-tao ay napakalinaw. Halimbawa, noong sinabi ng ang Panginoong Jesus na, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Paulit-ulit na nagpropesiya ang Panginoong Jesus na Siya ay magbabalik bilang ang Anak ng tao. Ang Anak ng tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao, tulad ng Panginoong Jesus sa katawang-tao na kamukha ng karaniwan, normal na tao sa labas, na kumakain, umiinom, natutulog at lumalakad gaya ng normal na tao.

Nob 8, 2018

Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito



Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa. Ang sinasabi ng Diyos ngayon ay lalong maliwanag at malinaw, at nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao o ang iba’t-ibang mga kalagayan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay para sa lahat, kasinglinaw ng liwanag ng bilog na buwan. Kaya ngayon, naiintindihan ng mga tao ang maraming mga isyu; ang kulang sa kanila ay ang pagsasagawa sa Kanyang salita.

Nob 5, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Dumating na ang Milenyong Kaharian

Dumating na ang Milenyong Kaharian

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Dumating na ang Milenyong Kaharian


Nakita na ba ninyo kung ano’ng gawa ng Diyos ang matutupad sa grupo ng mga taong ito? Sinabi ng Panginoon, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga salita at magpatuloy, at sa hinaharap ang salita ng Diyos ay direktang pang gagabay sa buhay ng tao patungo sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagsugo ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang ang mga tao ay magtamasa, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na inilatag ng Diyos ang mga bagay upang makain at inumin ng mga tao upang pagsayahan, at personal Siyang nagpadala ng mga sumpa upang parusahan ang mga tao. At kaya ang bawat hakbang ng Kanyang gawa ay personal na ipinapatupad ng Diyos.

Nob 3, 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Kasalukuyang dumaranas ng malalang taggutom ang buong mundo ng relihiyon, hindi na nila kasama ang gawain ng Banal na Espiritu o ang presensiya ng Panginoon, parami nang parami ang ginagawa nilang masasama, at humihina at lumalamig ang pananampalataya at awa ng mga mananampalataya.

Okt 17, 2018

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (2)


Salita ng Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (2)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan.

Okt 16, 2018

Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me


Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me


Si Tao Wei ay isang mangangaral mula sa isang bahay-iglesia. Habang nagiging mas malungkot ang kanyang iglesia araw-araw, naging hindi aktibo at nanghina ang espiritu ng lahat ng kanyang tagasunod, at ngayon dumilim ang kanyang sariling espiritu. Hindi na niya maramdaman ang presensiya ng Panginoon , at nalito si Tao Wei, hindi alam ang gagawin.

Okt 15, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)


Tagalog church songs | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)


I
Tunay na daan ay ipinapakita ng anong mga pangunahing prinsipyo? Tingnan kung Espiritu'y gumagawa, kung katotohana'y inihahayag; tingnan kung sinong pinatotohana't anong dulot nito sa'yo. Paniniwala sa Diyos ay sa Espiritu din. Pananalig sa naging-taong Diyos ay pananalig na Siyang kumakatawan sa Espiritu ng Diyos, Siyang Espiritu ng Diyos na kumukuha sa anyo ng katawang-tao, Siya ang Salita na ngayo'y naging katawang-tao na.

Okt 6, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa ngayon, pormal na gagawing perpekto ng Diyos yaong mga walang relihiyosong paniwala, na handang isantabi ang kanilang dating mga sarili, at sumusunod sa Diyos sa matapat na paraan, at Kanyang gagawing perpekto yaong mga nananabik sa salita ng Diyos. Ang mga taong ito ay dapat manindigan at maglingkod sa Diyos.

Okt 3, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"


Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"


I
Nais n'yo bang malaman
kung bakit nilabanan ng mga Fariseo si Jesus?
Nais n'yo bang malaman kung ano ang diwa nila?
Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesias,
naniniwala lamang sa Kanyang pagdating,
di-hanap ang katotohanan ng buhay.
Sila'y naghihintay pa rin sa Kanya hanggang ngayon,
landas ng buhay at katotohana ay di nalalaman.

Set 29, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Pagsaliksik sa Dahilan ng Mapapanglaw na Iglesia"



Tagalog Christian Movie Clips | "Pagsaliksik sa Dahilan ng Mapapanglaw na Iglesia"


Sa nakalipas na mga taon, ang mundo ng relihiyon ay mas lalong pumapanglaw at mas lalong dumarami ang kasamaan, ang mga pastor at elder ay wala nang maipangaral at nawala na ang gawain ng Banal na Espiritu.

Set 24, 2018

Best Tagalog Christian Movie Trailer | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train"


Best Tagalog Christian Movie Trailer | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train"


Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia.

Set 22, 2018

Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya. Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw.

Set 16, 2018

Tagalog Christian Movie Trailer | "Mapalad ang Mapagpakumbaba" (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie Trailer | "Mapalad ang Mapagpakumbaba" (Tagalog Dubbed)


Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya. Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw.