Christian Movie Trailer | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom
Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw.
Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God
Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon. Tatlong ulit siyang dinala ng mga pulis sa presinto upang tanungin, at binalaan na huwag nang manalig pa sa Diyos.
Tagalog Full Christian Movie | "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | God Is the Rock of My Life
Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos , nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon.
Tagalog Christian Movie | The Lord Has Returned "Kumakatok sa Pintuan" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)
Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20).
Napakagandang Tinig | "Wala bang mga Salita o Gawain ng Diyossa Labas ng Biblia?"
Naniniwala ang karamihan sa mga tao sa mga relihiyon na lahat ng salita ng Diyos ay nasa Biblia, at anumang wala sa Biblia ay hindi naglalaman ng Kanyang gawain at mga salita. Hindi nila hinahanap sa labas ng Biblia ang Kanyang mga binanggit sa Kanyang pagbalik.
Ano ang kaligtasan? Iniisip ng mga nananalig sa Panginoong Jesus na kung taos-puso silang magdarasal sa Panginoon, magtatapat ng kanilang mga kasalanan, at magsisisi, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, at pagkakalooban sila ng kaligtasan, at pagdating ng Panginoon, diretso silang iaakyat sa kaharian ng langit.
Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya. Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw.
Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para sa Panginoon nang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nang sumapit sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kumapit siya sa kanyang mga pagkaunawa. Paulit-ulit niyang tinanggihan, kinontra, at tinuligsa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw…. Kalaunan, matapos makipagtalo nang ilang beses sa mga pastor ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagising din sa katotohanan si Fan Guoyi, at tunay na naunawaan ang kahulugan ng isakatuparan ang kalooban ng Ama sa langit, gayundin kung paano patuloy na sumampalataya sa paraan na magtatamo siya ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit ….
Tuwing iisipin niya kung sino siya noong araw, dinuduro ng mga alaala ang puso niya na para bagang mga tinik …
Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …
Si Lin Bo'en ay matagal nang mangangaral na maraming dekada nang sumasampalataya sa Panginoon. Mula nang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, siya ay nakulong, inihiwalay, at pinatalsik mula sa mga komunidad ng relihiyon ng mga pastor at mga elder, na mga puwersang anticristo. Ngunit kahit na si Lin Bo'en ay tinuligsa, hinatulan, at pinaratangan, hindi siya natakot. Sa halip, lalong tumibay ang kanyang pananampalataya, at dahil dito naunawaan niya sa wakas na ang mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig ay nagpapakitang-tao lamang. Kasabay nito, nalaman niya na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at tanging si Cristo ang makapagliligtas at makapagpapadalisay at magpeperpekto sa tao. Dahil dito, nagpasiya siyang sundin si Cristo, sumaksi para kay Cristo, at gawin ang lahat sa abot-kaya niya para hanapin ang katotohanan, hangaring baguhin ang kanyang disposisyon upang siya'y maging tunay na saksi para sa Diyos. Nang matuklasan ng Chinese Communist Party na nakalaya si Lin Bo'en mula sa bilangguan at hindi nagbago, na hindi niya itinatwa ang kanyang pananampalataya kaliit-liitang paraan at naniwala pa sa Kidlat ng Silanganan, na nagpunta siya kahit saan para magpatotoo na muling dumating ang Panginoong Jesus at na Siya ang Makapangyarihang Diyos, isinama siya ng CCP sa listahan ng mga wanted o pinaghahanap at nagpunta sa lahat ng lugar para arestuhin siya. Napilitan si Lin Bo'en na iwanan ang kanyang pamilya, at sa bawat lugar ay nagpatotoo siya sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagawa niyang pamunuan ang maraming matatapat, mabubuting mananampalataya sa panig ng Diyos. Ang video na ito ay salaysay ng tunay na kuwento ni Lin Bo'en sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo para sa Diyos.
Tagalog Christian Movie 2018 | Babagsak ang Lungsod (Trailer)
Ang Kristiyanong si Cheng Huize ay isang kapanalig sa isang bahay-iglesia sa China. Nakita niya na nagbukas ng isang pabrika ang kanyang iglesia at hinikayat ng pastor ang mga nananalig na sumapi sa Three-Self Church para sumuko sa gobyernong CCP. Nagpakahirap nang hayagan at patago ang pastor at elder ng iglesia para mapanatili ang kanilang personal na kalagayan at pangalan, nagkainggitan, at nahati ang iglesia.
Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, "Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan. Malamang ay ito ang tunay na daan." Kaya sinuri niya ang Kidlat ng Silanganan sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natuklasan niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Naipasiya niya na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kaya agad niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Zheng Yi sa China at ipinasa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa kanyang kapatid na si Zheng Rui, isang mamamahayag ng balita.
Ang ama ni Zheng Yi na si Zheng Weiguo ang pastor ng United Front Work Department sa isang lungsod sa China. Nang malaman niya na naniwala ang kanyang mga anak sa Makapangyarihang Diyos, matigas niya itong tinutulan at paulit-ulit na ginamit ang mga tsismis at kamalian ng pamahalaang CCP para patigilin sila sa paniniwala sa Diyos. Sa maraming pagkakataon, nakipagdebate si Zheng Yi at ang kanyang kapatid sa kanilang ama. Ang espirituwal na labanang ito ng pamilya ay nauwi sa pagtatagumpay ng katotohanan laban sa kamalian at ang katotohanan laban sa tsismis! Sa takot sa masamang kapangyarihan ng CCP at sa determinasyong panatilihin ang kanyang katungkulan sa pamahalaan at kabuhayan, matigas na pumanig si Zheng Weiguo sa CCP at pinilit ang kanyang mga anak na isuko ang kanilang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos pero nawalan ito ng saysay. Sa huli ay pinalayas niya sila sa kanilang tahanan …
Matatag na pinili ni Zheng Yi at ng kanyang kapatid na iwanan ang kanilang pamilya at sundan si Cristo sa pangangaral at pagpapatotoo sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw.
Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game. Madalas siyang lumiliban sa klase upang makapunta sa internet cafe. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat upang makalaya siya sa adiksyon ng internet. Sa kasamaang palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging delinkwente. ... Nang malapit nang mawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Li Xinguang, nalaman nilang kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, kayang tulungang makalaya sa kanilang adiksyon sa internet at makawala sa paninira ni Satanas. Dahil dito, nagpasya silang maniwala sa Diyos at hinangad na maliligtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasiraan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kasamaan at kadiliman ng tao at naunawaan na tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao at makapagpapalaya mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Kailangan lamang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at magagawa niyang lumaya sa kanyang adiksyon sa internet. Dahil dito, ipinalaganap nila ang ebanghelyo kay Xinguang at ginabayan si Xinguang basahin ang mga salita ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos at hiningi sa Kanyang iligtas ang kanilang anak at tulungan siyang makalaya sa kanyang adiksyon sa internet. ... Pagkatapos ng isang laban, nagsimulang magdasal at magtiwala sa Diyos si Xinguang. Sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos, nagawa niyang makawala sa wakas sa kanyang adiksyon sa internet at pinalaya ang sarili mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Ang anak na dating wala nang pag-asa dahil sa mga internet game at internet cafe ay umuwi na sa wakas!
Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon. Doon, nangyari ang isang debate kila Zheng Xun at ng kanyang mga katrabaho kung ang isang mananampalataya sa Diyos ay dapat bang sundin o hindi yaong mga nasa kapangyarihan. Si Yu Congguang ay nagbahagi kaugnay sa isyung ito at iwinaksi ang kanilang pagkakalito. Lubos na nakatulong sa kanila ang pagbabahagi ni Yu Congguang, at nagsimula silang lahat na hanapin at pag-aralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Gayun pa man, nang malaman ni Elder Sun mula sa lokal na iglesia na si Yu Congguang ay isang saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ginawa niya ang lahat ng bagay na maaari niyang gawin para saraduhan ang iglesia at pigilan ang mga tagasunod mula sa paghahanap ng tunay na landas. Nagbahay-bahay si Sun na naghahanap kay Yu Congguang, at inutusan pa ang mga tagasunod na iulat si Yu sa mga pulis at arestuhin siya …
Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng'en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.
Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan. Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa. Nang lumaki si Wenya, siya ay naging napaka-ingat at masunurin, at nag-aral nang mabuti. Ngunit noong siya’y nagsisikap pa lamang sa paghahanda para sa eksamen para sa pagpasok sa kolehiyo, dumating sa kanya ang mga kasawian: nagkaroon ng pagdurugo sa utak ang kanyang ina at naging paralisado at naratay. Inabandona ng kanyang madrasto ang kanyang ina at kinamkam pa ang lahat ng kanyang ari-arian, at pagkatapos, ang kanyang itay ay naospital dahil sa kanser sa atay…. Hindi makayanan ni Wenya ang lahat ng responsibilidad sa kanyang pamilya, kaya dumulog siya sa mga kamag-anak at kaibigan, ngunit tinanggihan siya. …