Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)
Simula pagkabata, tinuruan si Cheng Jianguang ng kanyang mga magulang at guro na ang mga patakarang tulad ng "Ang pagkakasundo'y kayamanan, pagtitimpi'y kabanalan," "Ang pananahimik sa mali ng mabuting kaibigan ay nagpapatagal sa samahan," "Kung mayroon mang mali, magsalita na lang ng kaunti" ang mga batong pansuri sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa ibang tao. Isinapuso niya ang mga aral na ito, at natutuhan niyang huwag kailan man saktan ang kalooban ng iba sa kanyang mga gawa at salita, at palaging pangalagaan ang kanyang kaugnayan sa iba, kaya nakilala siya bilang "mabuting tao" ng mga nasa paligid niya.
Pagkatapos niyang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nalaman ni Cheng Jianguang mula sa salita ng Diyos na tanging sa paghahanap ng katotohanan at pagiging tapat niya makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at mapagkakalooban ng kaligtasan ng Diyos, kaya sumumpa siya na magiging matapat na tao. Pero, sa kanyang mga tungkulin, siya'y napigilan ng kanyang tiwaling disposisyon, at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa pagkilos ayon sa makasatanas na mga pilosopiya sa buhay: Nang matuklasan niya ang isang pinuno ng iglesia na di kumikilos ayon sa katotohanan sa kanyang mga tungkulin, na nakaimpluwensya sa gawain ng iglesia, nagpasiya si Cheng Jianguang na ingatan ang kanyang kaugnayan sa pinunong iyon, at nabigong kaagad na ipaalam ang problema; nang lapitan siya ng isang kapatid na naghahanap ng sagot na mangangailangan ng kanyang paninindigan at pagprotekta sa kapakanan ng iglesia, sa halip ay pinili ni Cheng Jianguang na magsinungaling, manlinlang, at talikuran ang kanyang mga responsibilidad dahil natatakot siyang masaktan ang damdamin ng iba, na nagresulta sa pag-aresto ng komunistang Pamahalaan ng Tsina sa kanyang mga kapatid…. Nang paulit-ulit siyang malantad ng mga pangyayari at nahatulan at nabunyag sa salita ng Diyos , naunawaan ni Cheng Jianguang na ang lohika at mga patakaran niya sa pagkilos ay mga makasatanas na lason at ipinamumuhay niya ang makasatanas na disposisyon. Nakita rin niya na ang diwa ng pagiging yes-man ay sa taong mapanlinlang, isang taong kinasusuklaman at kinaiinisan ng Diyos, at kung ang isang yes-man ay hindi magsisisi at magbabago, siya'y tiyak na tatanggihan at aalisin ng Diyos. Naunawaan din niya na tanging sa pagiging matapat na tao siya maaaring maging mabuting tao. Kaya, sinikap niyang hanapin ang katotohanan at maging matapat na tao, at sa patnubay ng salita ng Diyos, sa wakas siya'y nagtagumpay sa pamumuhay na tulad ng isang matapat na tao at lumakad sa landas ng kaligtasan ng Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento