Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tinubos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tinubos. Ipakita ang lahat ng mga post

May 27, 2019

Mga Movie Clip | Talaga bang Pases sa Kaharian ng Langit ang Kapatawaran ng Ating mga Kasalanan?


Tagalog Christian Movie Clips 2018 | Napakagandang Tinig | "Talaga bang Pases sa Kaharian ng Langit ang Kapatawaran ng Ating mga Kasalanan?"


Maraming tao sa relihiyon ang nag-iisip na inamin na nila ang kanilang mga kasalanan at pinagsisihan na ang mga ito matapos manalig sa Panginoon, kaya natubos na sila, at naligtas sa pamamagitan ng biyaya. Pagdating ng Panginoon, direkta Niya silang iaangat sa kaharian ng langit, at marahil ay hindi na Niya gagawin ang pagdadalisay at pagliligtas.

Mar 2, 2019

Tagalog Christian Music | Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian


Tagalog Christian Music  | Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian


I
Nang sa mundo ng tao dumating si Jesus,
dinala N'ya panahon ng Biyaya,
tinapos Panahon ng Kautusan.
Muli Diyos naging tao sa mga huling araw.
Dinala N'ya Panahon ng Kaharian,
tinapos Panahon ng Biyaya.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos
aakayin sa Panahon ng Kaharian
at tatanggap ng Kanyang gabay.

Peb 5, 2019

Tanong 1: Malinaw itong nasusulat sa banal na kasulatan: “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Hebreo 13:8). Kaya nga, ang pangalan ng Panginoon ay di maaaring magbago! sinasabi nila na ang pangalan ni Jesus ay nagbabago sa mga huling araw. Paano mo ito ipaliliwanag?

Sagot: Mga kapatid, sinasabi sa Biblia, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Hebreo 13:8). Tinutukoy nito ang katotohanan na ang disposisyon ng Diyos at ang kanyang diwa ay walang-hanggan at di nagbabago. Hindi ibig sabihin nito na hindi magbabago ang Kanyang pangalan. Tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? … at ang mga salitang “Ang Diyos ay hindi magbabago” ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehovah, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.

Ene 27, 2019

Tanong 7: Pag di natin tinanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, magagawa ba talaga natin ang kalooban ng Ama sa langit? Makakapasok ba tayo talaga sa kaharian ng langit?

Sagot: Pag ang tinatanggap lang ng mga tao ay ang pagtubos ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, pero hindi nila tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Hindi sila makakalaya mula sa kasalanan, hindi nila magagawa ang kalooban ng Ama sa langit, at hindi sila makakapasok sa kaharian ng Diyos. Walang duda ‘yan! Kasi noong Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang pagtubos. Dahil sa katayuan ng mga tao noon, binigyan lang sila ng Panginoong Jesus ng paraan para makapagsisi, at inutusan ang mga tao na unawain ang ilang panimulang katotohanan at mga paraan para maisabuhay ang mga ‘yon. Halimbawa: inutusan Niya ang mga tao na aminin ang kanilang mga sala at magsisi at magpasan ng krus. Tinuruan Niya sila na magpakumbaba, magtitiis, magmahal, mag-ayuno, magpabinyag, atbp. Ito ang ilang napakalimitadong katotohanan na mauunawaan at matatamo ng mga tao noon. Hinding-hindi nagpahayag ang Panginoong Jesus ng mas malalalim na katotohanan na may kinalaman sa pagbabago ng disposisyon sa buhay, maligtas, malinis, magawang perpekto, atbp., dahil noon, wala sa katayuan ang mga tao para kayanin ang mga katotohanang ‘yon. Kailangan nilang hintaying magbalik ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Ipagkakaloob Niya sa tiwaling sangkatauhan ang lahat ng katotohanang kailangan para maligtas sila at maging perpekto ayon sa plano sa pamamahala ng Diyos na iligtas ang tiwaling sangkatauhan at mga pangangailangan nila. Katulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Napakalinaw ng mga salita ng Panginoong Jesus.

Ene 23, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?" (Tagalog Dubbed)



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?" (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Judio ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man Ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas Ko. Itinuring nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinaka-dakilang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, naguusap-usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing Ako si Elias, Ako si Moises, na Ako ang pinaka-sinauna sa lahat ng mga propeta, na Ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking katauhan o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin Ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao.

Ene 12, 2019

Tanong 2: Ipinako ang Panginoong Jesus bilang alay sa kasalanan para tubusin ang sangkatauhan. Tinanggap na natin ang Panginoon, at nakamit ang kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. Bakit kailangan pa nating tanggapin ang gawaing paghatol at pagdadalisay ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?

Sagot: Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos. Hindi gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw na iligtas ang sangkatauhan. Ang nakamit ng gawaing pagtubos ay nagsilbi ang Panginoong Jesus ilang alay sa kasalanan para sa ating lahat, at tinubos Niya tayo mula sa mga kamay ni Satanas, pinagsisi tayo sa ating mga kasalanan, at tinanggap ang pagliligtas ng Diyos. Ginawa Niya tayong karapat-dapat na humarap sa Diyos at tamasahin ang biyaya at pagpapala ng Diyos. Iyan ang tunay na kahulugan ng gawain ng pagtubos. Pero maraming tao ang hindi nakakaintindi. Palagi nilang iniisip na ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus ang nagkaloob ng ganap na kaligtasan sa sangkatauhan, at pinahintulutan tayong pumasok sa kaharian ng langit. Ang ideya na ‘yan ay ganap na nagmula sa imahinasyon ng tao. Binigyan tayo ng Panginoong Jesus ng kaligtasan, totoo ‘yan, pero binago ba nito ang mga makasalanang kalikasan natin? Talaga bang naging banal tayo dahil pinatawad ng Diyos ang mga kasalanan natin? Kung gayon, bakit madalas pa rin tayong nagkakasala? Talaga bang aaprubahan ng Panginoon ang mga madalas na nagkakasala? Kakaunting tao ang nag-isip tungkol sa problemang ito, at wala pa tayong nakitang kahit sino na talagang nakakaintindi sa problemang ito. Tinubos tayo ng Panginoong Jesus mula sa katayuan ng kasalanan. Napatawad ang ating mga kasalanan, nabigyan tayo ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya, katotohanan ito. Pero habang naniniwala tayo sa Panginoon at sinusunod at Panginoon, madalas din nating pinagtataksilan ang mga turo ng Panginoon, at nagpapaubaya sa mga kagustuhan ng laman na magkasala.

Ene 2, 2019

Salita ng Diyos | Tungkol sa Biblia (3)

Hindi lahat ng nasa Biblia ay isang talaan ng mga salitang personal na sinabi ng Diyos. Isinasaad lang ng Biblia ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung saan ang isang bahagi ay isang talaan ng mga hula ng mga propeta, at ang isang bahagi ay mga karanasan at kaalamang isinulat ng mga taong ginamit ng Diyos sa nagdaang mga panahon. Ang mga karanasan ng tao ay nabahiran ng mga opinyon at kaalaman ng tao, na hindi maiiwasan. Nasa marami sa mga aklat ng Biblia ang mga pagkaintindi ng tao, mga pagkiling ng tao, at mga kakatwang pakahulugan ng tao. Siyempre, karamihan ng mga salita ay resulta ng pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at tama ang mga pakahulugang iyon—pero hindi pa rin masasabi na sila ay tamang-tama na mga pagpapahayag ng katotohanan. Ang kanilang mga pananaw tungkol sa ilang bagay ay walang iba kundi ang kaalamang nagmula sa personal na karanasan, o ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Ang mga hula ng mga propeta ay personal na itinagubilin ng Diyos: Ang mga propesiya nina Isaias, Daniel, Ezra, Jeremias, at Ezekiel ay nagmula sa direktang tagubilin ng Banal na Espiritu, ang mga taong ito ay mga tagakita, natanggap nila ang Espiritu ng propesiya, lahat sila ay propeta ng Lumang Tipan. Noong Kapanahunan ng Kautusan ang mga taong ito, na nakatanggap ng inspirasyon ni Jehova, ay nagsalita ng maraming propesiya, na direktang itinagubilin ni Jehova. At bakit kumilos si Jehova sa kanila? Sapagkat ang bayan ng Israel ay ang piniling bayan ng Diyos: Kinailangang gawin ang gawain ng mga propeta sa gitna nila, at naging marapat sila na tumanggap ng gayong mga pahayag. Sa katunayan, hindi nila mismo naunawaan ang mga pahayag ng Diyos sa kanila. Sinabi ng Banal na Espiritu ang mga salitang iyon sa pamamagitan ng kanilang bibig upang maunawaan ng mga tao sa hinaharap ang mga bagay na iyon, at makita na ang mga iyon ay talagang gawa ng Espiritu ng Diyos, ng Banal na Espiritu, at hindi nagmula sa tao, at mabigyan sila ng pagpapatibay ng gawain ng Banal na Espiritu. Noong Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus Mismo ang gumawa ng lahat ng gawaing ito kahalili nila, kaya nga hindi na nagsalita ng propesiya ang mga tao.

Nob 14, 2018

Salita ng Buhay | "Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos"


Salita ng Buhay | "Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Matapos ang gawa ni Jehova, si Jesus ay naging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan ng mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinakatuparan nang hiwalay, subali’t itinatag sa ibabaw ng gawain ni Jehova. Ito ay gawain para sa isang bagong kapanahunan matapos tapusin ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, sapagka’t ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging umuunlad nang pasulong....

Nob 3, 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Kasalukuyang dumaranas ng malalang taggutom ang buong mundo ng relihiyon, hindi na nila kasama ang gawain ng Banal na Espiritu o ang presensiya ng Panginoon, parami nang parami ang ginagawa nilang masasama, at humihina at lumalamig ang pananampalataya at awa ng mga mananampalataya.

Okt 22, 2018

Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)


Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)


Simula pagkabata, tinuruan si Cheng Jianguang ng kanyang mga magulang at guro na ang mga patakarang tulad ng "Ang pagkakasundo'y kayamanan, pagtitimpi'y kabanalan," "Ang pananahimik sa mali ng mabuting kaibigan ay nagpapatagal sa samahan," "Kung mayroon mang mali, magsalita na lang ng kaunti" ang mga batong pansuri sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa ibang tao. Isinapuso niya ang mga aral na ito, at natutuhan niyang huwag kailan man saktan ang kalooban ng iba sa kanyang mga gawa at salita, at palaging pangalagaan ang kanyang kaugnayan sa iba, kaya nakilala siya bilang "mabuting tao" ng mga nasa paligid niya.

Okt 4, 2018

Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita


New Tagalog Songs | Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita


I
Ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga huling araw
winawakasan ang Kapanahunan ng Biyaya
at nagsasalita upang magperpekto at magliwanag,
mga salitang nag-aalis ng mga malabong pagkaunawa sa Diyos
mula sa puso ng tao.
Ginawa ni Jesus ang gawain na naiiba.

Set 30, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Makakapasok ba sa Kaharian ng Langit ang mga Naligtas?"


Tagalog Christian Movie Clips | "Makakapasok ba sa Kaharian ng Langit ang mga Naligtas?"


Sa Panahon ng Biyaya, isinagawa ng Panginoong Hesus ang gawain ng pagtubos na nagpatawad sa lahat ng ating mga kasalanan. Hangga't tinatanggap natin ang Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas at ipinagdasal at ikinumpisal natin ang ating mga kasalanan sa Panginoon, mapapatawad ang ating mga kasalanan at maliligtas tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya.

Set 23, 2018

Tagalog Christian Movie Trailer | "Kumawala sa Bitag" (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie Trailer | "Kumawala sa Bitag" (Tagalog Dubbed)


2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang paghatol. Muli, matindi Siyang tinuligsa, sinupil, at inaresto sa pagkakataong ito ng gobyernong Chinese Communist at mga relihiyon.

Set 4, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Kanyang Paglikha ng Tao"

Tagalog Christian Music Video | "Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Kanyang Paglikha ng Tao"


I
Sangkatauha'y nilikha ng Diyos,
nilagay sa lupa't pinangunahan hanggang kasalukuyan.
Nagsilbi S'yang handog sa kasalanan
at dahil dito niligtas N'ya ang tao.
Sa huli'y dapat pa rin N'yang lupigin,
ipanumbalik sa dating kalagayan ang tao.