Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na daan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na daan. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 22, 2018

Christian Maikling Dula | New Gospel Skit "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God


Christian Maikling Dula | New Gospel Skit "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God


"Ipinapaliwanag ng munting dula na Ang Panginoon ay Kumakatok kung paanong, sa mga huling araw, ang Panginoon ay kumakatok sa pinto ng ating mga puso gamit ang Kanyang mga salita, at na maririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at magpipiging na kasama ng Cordero. Noon pa man ay hinihintay na ni Pastor Chang Shoudao ang pagbabalik ng Panginoon, ngunit nang magpatotoo si Brother Zhen sa kanya na nagbalik na ang Panginoon, buong pagmamatigas siyang nakakapit sa kanyang sariling mga paniwala at guni-guni, naniniwala na magbabalik ang Panginoon sa ibabaw ng isang ulap, at pinananatiling nakasara ang pinto ng kanyang puso sa totoong landas.

Dis 18, 2018

Tanong 1: Ang Biblia ay isang patotoo sa gawain ng Diyos, napakalaki ng pakinabang nito sa sangkatauhan. Sa pagbabasa ng Biblia, nauunawaan natin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay, nakikita natin ang kamangha-mangha at makapangyarihang mga gawa, at ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos. Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao sa Diyos, hindi matatanggap ng isang tao ang buhay na walang hanggan sa pagbabasa ng Biblia. bakit hindi matagpuan sa Biblia ang daan tungo sa buhay na walang hanggan?

X. Daan ng Walang-Hanggang Buhay

    Sagot: Sa pagbabasa ng Biblia nauunawaan natin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay at sinisimulan nating makilala ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa. Ito ay dahil ang Biblia ay isang patotoo sa unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ito ay isang talaan ng mga salita at gawain ng Diyos at ang patotoo ng tao noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Kaya, napakahalaga ng Biblia sa ating pananampalataya. Pag-isipan n’yo ito, kung hindi dahil sa Biblia, paano mauunawaan ng tao ang salita ng Panginoon at makikilala ang Panginoon? Paano pa sasaksi ang tao sa mga gawa ng Diyos at magkakaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos? Kung hindi nagbabasa ng Biblia ang tao, paano pa siya sasaksi sa tunay na patotoo ng lahat ng banal sa lahat ng panahon na sumusunod sa Diyos? Kaya, ang pagbabasa ng Biblia ay mahalaga sa pagsampalataya, at walang sinumang nananalig sa Panginoon na dapat lumihis sa Biblia kailanman. Masasabi mong, siya na lumilihis mula sa Biblia ay hindi maaaring manalig sa Panginoon. Napatunayan na ito sa mga karanasan ng mga banal sa lahat ng panahon. Wala ni isang mangangahas na ikaila ang kahalagahan at kahulugan ng pagbabasa ng Biblia sa pagsampalataya. Kaya, ang tingin ng lahat ng banal at nananalig sa lahat ng panahon sa pagbabasa ng Biblia ay isa itong napakahalagang bagay. Sasasabihin pa nga ng ilan na, ang pagbabasa ng Biblia at pagdarasal ay kasinghalaga ng dalawang paa natin para makalakad, na kung wala ang alinman dito ay hindi tayo uusad. Pero sinabi na ng Panginoong Jesus: “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).

Nob 28, 2018

Best Christian Music Video 2018 "Ang Mga Salita ng Diyos ay ang Paraan na Dapat Panatilihin ng Tao"


Best Christian Music Video 2018 "Ang Mga Salita ng Diyos ay ang Paraan na Dapat Panatilihin ng Tao"


I
Sa lahat ng bawat edad,
kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa,
Siya'y laging nagbibigay ng ilang mga salita sa sangkatauhan,
Siya'y nagsasabi ng ilang mga katotohanan.
Ang mga katotohanang ito ay nagsisilbing paraan na
dapat sundin ng tao,
ang paraan na dapat panatilihin ng tao.

Nob 26, 2018

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalawang Bahagi)


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalawang Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Maglakad sa Landas ng Diyos: Matakot sa Diyos at Iwasan ang Kasamaan Gumagamit ang Diyos ng Iba’t ibang mga Pagsubok upang Suriin kung ang mga Tao ay Takot sa Diyos at Iwas sa Kasamaan Ang Hindi Matakot sa Diyos at Iwasan ang Kasamaan ay Pagtutol sa Diyos

Nob 14, 2018

Salita ng Buhay | "Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos"


Salita ng Buhay | "Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Matapos ang gawa ni Jehova, si Jesus ay naging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan ng mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinakatuparan nang hiwalay, subali’t itinatag sa ibabaw ng gawain ni Jehova. Ito ay gawain para sa isang bagong kapanahunan matapos tapusin ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, sapagka’t ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging umuunlad nang pasulong....

Nob 13, 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Makakamit ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan"


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Makakamit ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan"


Sa loob ng libu-libong taon ginusto ng mga mananampalataya sa Panginoon na makamit ang walang hanggang buhay, pero walang nakatupad sa hangaring ito. Ngayon, nalilito ka ba tungkol sa kung mayroon nga ba o walang daan ng walang hanggang buhay

Nob 6, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sinisikap lamang ninyong maging kaayon sa malabong Diyos, at naghahanap ng malabong paniniwala, ngunit hindi pa rin kayo kaayon kay Cristo. Hindi ba’t ang inyong paghahangad ng masama ay makatatanggap din ng kaparehong parusa gaya ng sa masama? Sa oras na iyon, inyong mapagtatanto na walang sinumang hindi kaayon kay Cristo ang makatatakas sa araw nang matinding galit, at inyong matutuklasan kung anong uri ng parusa ang nararapat sa mga nakikipag-alitan kay Cristo.

Nob 5, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Dumating na ang Milenyong Kaharian

Dumating na ang Milenyong Kaharian

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Dumating na ang Milenyong Kaharian


Nakita na ba ninyo kung ano’ng gawa ng Diyos ang matutupad sa grupo ng mga taong ito? Sinabi ng Panginoon, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga salita at magpatuloy, at sa hinaharap ang salita ng Diyos ay direktang pang gagabay sa buhay ng tao patungo sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagsugo ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang ang mga tao ay magtamasa, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na inilatag ng Diyos ang mga bagay upang makain at inumin ng mga tao upang pagsayahan, at personal Siyang nagpadala ng mga sumpa upang parusahan ang mga tao. At kaya ang bawat hakbang ng Kanyang gawa ay personal na ipinapatupad ng Diyos.

Nob 1, 2018

Mga Patotoo-Malinaw na Pagtingin sa Tunay Kong Kulay

Xiaoxiao Lungsod ng Xuzhou, Lalawigan ng Jiangsu


Dahil sa mga pangangailangan ng gawain sa iglesia, inilipat ako sa ibang lugar para gampanan ang aking tungkulin. Sa oras na iyon, ang gawain sa ebanghelyo sa lugar na iyon ay bumaba ng kaunti, at karaniwang hindi maganda ang sitwasyon ng mga kapatiran. Ngunit dahil ako’y hinipo ng Banal na Espiritu, ginawa ko pa rin ang lahat ng bagay na ipinagkatiwala nang may buong kumpiyansa.

Okt 31, 2018

Tagalog Christian Testimony Video | "Nagising" (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Testimony Video | "Nagising" (Tagalog Dubbed)


Ang pangalan niya'y Chen Xi, at simula noong maliit pa siya dahil sa edukasyon at impluwensya ng kanyang mga magulang at kanyang pag-aaral ay nais niya palaging mahigitan ang ibang tao at maging mas mataas kaysa sa iba, kaya't masigasig siya sa kanyang pag-aaral at walang sinasayang na pagkakataon. Matapos maniwala sa Diyos binasa ni Chen Xi ang napakaraming salita ng Diyos at naunawaan niya ang ilang katotohanan. Nakita niya na ang tanging wastong landas sa buhay ay ang maniwala sa at sumunod sa Diyos at naging masugid na mananaliksik, at napaka-aktibo sa pagganap sa kanyang tungkulin.

Okt 22, 2018

Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)


Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)


Simula pagkabata, tinuruan si Cheng Jianguang ng kanyang mga magulang at guro na ang mga patakarang tulad ng "Ang pagkakasundo'y kayamanan, pagtitimpi'y kabanalan," "Ang pananahimik sa mali ng mabuting kaibigan ay nagpapatagal sa samahan," "Kung mayroon mang mali, magsalita na lang ng kaunti" ang mga batong pansuri sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa ibang tao. Isinapuso niya ang mga aral na ito, at natutuhan niyang huwag kailan man saktan ang kalooban ng iba sa kanyang mga gawa at salita, at palaging pangalagaan ang kanyang kaugnayan sa iba, kaya nakilala siya bilang "mabuting tao" ng mga nasa paligid niya.

Okt 15, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)


Tagalog church songs | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)


I
Tunay na daan ay ipinapakita ng anong mga pangunahing prinsipyo? Tingnan kung Espiritu'y gumagawa, kung katotohana'y inihahayag; tingnan kung sinong pinatotohana't anong dulot nito sa'yo. Paniniwala sa Diyos ay sa Espiritu din. Pananalig sa naging-taong Diyos ay pananalig na Siyang kumakatawan sa Espiritu ng Diyos, Siyang Espiritu ng Diyos na kumukuha sa anyo ng katawang-tao, Siya ang Salita na ngayo'y naging katawang-tao na.

Okt 11, 2018

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Buong pelikula)


Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Buong pelikula)


Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Okt 10, 2018

Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)


Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw.

Set 12, 2018

Christian Variety Show | "Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon" (Tagalog Skit 2018)


Christian Variety Show | "Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon" (Tagalog Skit 2018)


Si Zheng Xinming na may edad nang halos pitumpo, ay isang matapat na Kristiyano. Dahil sa kanyang pananampalataya sa Panginoon, nadetine at nabilanggo siya, at nahatulan ng walong taon.

Abr 29, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Kanta | Disidido Akong Sundin ang Diyos



Tinangan nang matagal ang pananalig, nakita ngayon ang liwanag. Dumanas ng tagumpay, kabiguan, pag-uusig at kahirapan. Tinanggihan ng mundo; nilayuan ng mga mahal ko. Maraming gabing nanatiling gising at nanalangin? Ligaya at kalungkutan, damit na basa ng luha. Naglilibot araw-araw, walang lugar na pahingahan. Kalayaan, isa lang paimbabaw, karapatang pantao’y di umiiral? Matinding galit kay Satanas! Inaasam ang pagkuha ni Cristo ng kapangyarihan! Itong mundo, madilim at masama, mas ninanais ko ang liwanag ng buhay. Si Cristo ang katotohanan, daan, at buhay. Nagpasya ako na sundin Siya. Itong mundo, madilim at masama, mas ninanais ko ang liwanag ng buhay. Si Cristo ang katotohanan, daan, at buhay. Nagpasya ako na sundin Siya.

Peb 6, 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan

I
Ialay ‘yong sarili sa Diyos, sarili’y ilaan sa Kanya,
Iniwan ng pamilya, sinira ng mundo.
Hindi patag ang daan pagsunod sa Diyos.
Puso’t kaluluwa’y ‘nilagak sa paglawak ng kaharian ng Diyos.
Nakita ko pagpapalit ng panahon.
Tanggap ko’ng pagsapit ng saya’t lungkot.
Upang kamtin kailangan ng Diyos, pagsasaayos Niya’y sinusunod.
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!

Ene 1, 2018

Kristianong Awitin -Siya Ang Ating Diyos

Diyos, buhay, daan, Jesus, ebanghelyo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin -Siya Ang Ating Diyos

I
Siya lang ang may alam ng ating iniisip. Uri’t diwa natin ay talos N’ya, tulad ng palad N’ya. Tanging S’ya ang hukom sa taong tiwali at suwail. Tanging S’ya ang magsasabi’t gagawa sa atin sa ngalan ng Diyos. S’ya lang ang nag-aangkin ng kapangyariha’t dunong ng Diyos. Tanging S’ya lamang ang nag-aangkin ng dangal ng Diyos. Ang disposisyon ng Diyos at kung ano S’ya at mayro’n S’ya ay ganap na hayag sa buo, sa buo Niyang katawan. S’ya lang ang makapagdadala ng liwanag sa atin. S’ya lang ang makapagtuturo ng tamang daan. S’ya lang maghahayag mga hiwagang di-hayag ng Diyos, Di-hayag ng Diyos mula sa paglikha hanggang ngayon. S’ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas, at mula sa tiwali ng ating, ng ating disposisyon. S’ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas, at sa tiwaling disposisyon, ng ating disposisyon.

Dis 25, 2017

Pananalig sa Diyos | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kristianong video | Pananalig sa Diyos | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?

  Maraming tao ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan nang hindi binabatay ang mga pagkilos na ito sa mga salita at gawain ng Diyos. Sa halip, sinusunod nila ang mga takbo ng relihiyosong mundo at naniniwala sila na ang binabatikos ng Komunistang gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo ay hindi ang tunay na daan—ito ba ang tamang daan para tahakin? Sinasabi ng Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5: 19). “Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11: 29). Kung kaya, makikita na ang mga ateistang politikal na rehimen at ang relihiyosong mundo ay tiyak na itatakwil at babatikusin ang tunay na daan. Noong ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya, gigil na gigil Siyang sinalungat at hinatulan ng mga Judio at ng gobyerno ng Roma, at sa huli, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Hindi ba ito ang tunay na sitwasyon? Kapag dumating ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, magdudusa Siya sa mabagsik na pagsuway at pambabatikos ng gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba karapat-dapat na pagnilayan natin ito?

Rekomendasyon

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Dis 23, 2017

Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?

Sa bawat panahon na nagkakatawang-tao ang Diyos at nagpapakita para gawin ang Kanyang gawain, malupit na sinusuway at binabatikos ng masasamang puwersa ni Satanas ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng digmaan sa loob ng espirituwal na mundo na humahati at naglalantad sa relihiyosong mundo. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak” (Mateo 10: 34). Noong nagpakita ang Panginoong Jesus at nagtrabaho sa Kapanahunan ng Biyaya, nahati sa maraming pangkat ang Judaismo. Sa pagpapakita ngayon at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ang relihiyosong mundo ay sumasailalim sa malaking paglalantad; ang trigo at ang mga damo, ang mga tupa at ang mga kambing, ang matatalinong birhen at ang mga hangal na birhen, at ang mga mabuting lingkod at ang mga masamang lingkod—ay lahat inilantad, ang bawat isa sa kanilang sariling uri. Tunay na hindi maarok ang karunungan at kamanghaan ng Diyos!
Rekomendasyon
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?