Mga Pagbigkas ni Cristo | Tanging Ang Pagsasagawa ng Katotohanan Ang Siyang Pagkakaroon ng Katotohanan
Wala silang taglay na anumang katotohanan, ang tanging mayroon sila ay mga teorya na higit na mas matayog kaysa doon sa mga relihiyon, nang walang anuman sa mga katotohanan ng Diyos na hinihingi sa kanila ng Diyos sa araw na ito. Lalo Akong nayayamot sa kanila na nagsasalita lamang ukol sa mga teorya at walang taglay na katotohanan. Sila ang gumagawa ng pinakamalakas na mga hiyaw kapag ipinatutupad ang kanilang gawain, ngunit sila’y natutumba kapag nakaharap sa katotohanan. Hindi ba nito ipinakikita na ang mga taong ito ay walang katotohanan? Kung makapananatili kang nakatayo sa kabila ng kabangisan ng unos na iyong kinakaharap, nang wala ni kapirasong pag-aalinlangan na sumasagi sa iyong isipan, kung makapananatili kang nakatayo, kung makapagpapatuloy kang hindi tinatanggihan ang gawain ng Diyos, kahit na wala ng iba pang natira, kung gayon ipinakikita nito na mayroon kang tunay na pagkaunawa, ipinakikita nito na talagang taglay mo ang katotohanan. Kung susundan mo saanman patungo ang ihip ng hangin, kung susundan mo ang karamihan at matutuhang sabihin ang sinasabi ng iba, gaano mo man kahusay masasabi ang gayong mga bagay, hindi ito katibayan na taglay mo ang katotohanan. Kung gayon, ipinapayo Ko sa iyo na huwag maging wala sa panahon sa pagsigaw ng mga walang lamang salita. Nalalaman mo ba ang gawain na isasagawa ng Diyos? Huwag kang kumilos gaya ng isa pang Pedro kung hindi ay magdudulot ka ng kahihiyan sa iyong sarili, baka hindi mo na maitaas ang iyong noo, at hindi ito magdudulot ng anumang kabutihan kaninuman. Karamihan sa mga tao ay walang totoong tayog. Hindi pa sila dinadalaw ng anumang pagdating ng mga katotohanan pagkatapos ng lahat ng gawain na isinagawa ng Diyos, upang mas maging eksakto, hindi pa kailanman kinastigo ng Diyos ang sinuman; ang ilan sa kanila ay inihayag nang gayong mga pagsubok, sa kanilang mga galamay ng mga kasalanan na gumagapang palayo nang palayo, iniisip na maaari nilang ituring ang Diyos sa isang basta-basta na lang na paraan, at ang paggawa sa anumang kanilang maibigan. Yayamang ni hindi sila makapanindigan sa gayong mga pagsubok, ang lalong mapaghamong mga pagsubok ay hindi mangyayari, ang katotohanan ay hindi mangyayari. Hindi ba ito panlilinlang sa Diyos? Ang pagkakaroon ng katotohanan ay isang bagay na hindi madadaya, hindi rin ito isang bagay na makakamit mula sa iyong kaalaman rito; ito ay batay sa iyong totoong tayog, ito ay nakabatay sa kung magagawa mong matagalan ang lahat ng mga pagsubok. Naiintindihan mo na ba ngayon?
Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao ay hindi basta makapagsalita lamang tungkol sa katotohanan. Hindi ba magiging napakadali ng gayon? Bakit nagsasalita ang Diyos kung gayon tungkol sa pagpasok sa buhay? Bakit Siya nagsasalita tungkol sa pagbabago? Kung mayroon lamang mga salitang walang kabuluhan ukol sa katotohanan, ang pagbabago kaya sa disposisyon ay matatamo? Ang pagsasanay sa isang piling hukbo ng kaharian ay hindi kagaya ng pagsasanay sa mga tao na maaring magsabi lamang tungkol sa katotohanan, hindi ito kapareho ng pagsasanay sa mga tao na nagmamapuri lamang, ngunit mga taong maaaring isabuhay palagi ang mga salita ng Diyos, na maging matatag maging anumang mga dagok ang kanilang kinakaharap, na mabubuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos sa lahat ng mga panahon, at hindi upang magbalik sa mundo. Ito ang katotohanan na sinasabi ng Diyos, at ito ang hinihingi ng Diyos sa mga tao. Kung gayon, huwag ituring ang katotohanan na sinalita ng Diyos nang ganoon lamang. Kahit ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu ay hindi kapantay ng pagtataglay sa katotohanan: Hindi ito ang tayog ng mga tao, ngunit ang biyaya ng Diyos, at wala itong kasangkot na anumang mga nagawa ng mga tao. Kailangang tiisin ng bawat tao ang mga pagdurusa ni Pedro, at higit na lalong taglayin ang kaluwalhatian ni Pedro, na siyang isinabuhay ng mga tao pagkatapos nilang matanggap ang gawain ng Diyos; ito lamang ang maaaring tawaging katotohanan. Huwag mong iisipin na magkakaroon ka ng katotohanan sapagkat maaari kang magsalita tungkol sa katotohanan. Isa itong kamalian, hindi ito akma sa kalooban ng Diyos, at ito ay walang totoong kabuluhan. Huwag kang magsasalita ng gayong mga bagay sa hinaharap, patayin ang gayong mga kasabihan! Lahat silang nagtataglay ng isang maling pagkaunawa ukol sa mga salita ng Diyos ay mga hindi sumasampalataya. Wala silang anumang totoong kaalaman, lalong wala silang anumang totoong tayog; sila ay mga taong mangmang na walang katotohanan. Iyon ay, lahat silang nabubuhay sa labas ng diwa ng mga salita ng Diyos ay mga hindi sumasampalataya. Yaong mga itinuturing na hindi sumasampalataya ng mga tao ay mga hayop sa mga mata ng Diyos, yaong mga ibinibilang na mga hindi sumasampalataya ay yaong mga walang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay. Kung gayon, yaong mga hindi tinataglay ang katotohanan ng mga salita ng Diyos at nabigo na maisabuhay ang mga salita ng Diyos ay mga hindi sumasampalataya. Ang layunin ng Diyos ay gawing anupa’t maisabuhay ng lahat ang katotohanan ng mga salita ng Diyos, hindi ang lahat ay basta na lamang nakapagsasalita tungkol sa katotohanan, ngunit mas mahalaga, na naisasabuhay ng lahat ang katotohanan ng mga salita ng Diyos. Ang katotohanan na nakikita ng mga tao ay masyadong napakababaw, wala itong halaga, hindi nito matutupad ang kalooban ng Diyos, ito ay masyadong mahalay, ni hindi man ito dapat banggitin, ito ay masyadong kulang, masyado itong malayo mula sa pamantayan ng mga kahilingan ng Diyos. Isang napakalaking pagsisiyasat ang dadalaw sa bawat isa sa inyo, upang makita kung sino sa inyo ang nalalaman lamang na magsalita tungkol sa inyong pagkaunawa ngunit hindi ngunit hindi maipakita ang landas, upang makita kung sino sa inyo ang walang kabuluhang basura. Tandaan mo ito sa hinaharap. Huwag magsalita tungkol sa hungkag na mga pagkaunawa, magsalita lamang tungkol sa landas ng pagsasagawa, magsalita lamang tungkol sa katotohanan. Lumipat mula sa totoong kaalaman patungo sa totoong pagsasagawa, pagkatapos ay lumipat mula sa pagsasagawa patungo sa pagsasabuhay sa katotohanan. Huwag pangaralan ang iba, huwag magsalita tungkol sa totoong kaalaman. Kung ang iyong pagkaunawa ay isang landas, kung gayon ay mapakakawalan mo ito; kung hindi ito isang landas, kung gayon pakiusap tumahimik ka, at tumigil sa pagsasalita. Ang iyong sinasabi ay walang saysay, ilang mga salita lamang ng pagkaunawa upang linlangin ang Diyos, upang kainggitan ka lamang ng iba, hindi ba iyon ang iyong pangarap? Hindi ba ito sadyang pakikipaglaro sa iba? Mayroon bang anumang kabuluhan sa ganito? Magsalita lamang tungkol sa pagkaunawa pagkatapos itong maranasan, sa gayon ay hindi ka na nagmamapuri, kung hindi ay isang tao ka lamang na nagsasabi ng palalong mga salita. Ni hindi mo mapagtagumpayan ang maraming mga bagay sa iyong totoong karanasan, ni hindi ka makalaban sa iyong sariling laman, palaging ginagawa ang anumang idinidiktang gawin ng iyong mga pagnanasa, ang hindi pagpapalugod sa kalooban ng Diyos, ngunit mayroon ka pang lakas ng loob na magsalita tungkol sa panteoryang mga pagkaunawa, ikaw ay walanghiya; ngunit mayroon ka pang lakas ng loob na magsalita tungkol sa iyong pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, wala ka talagang pakundangan. Ang gayong pagyayabang at paghahambog ay naging kalikasan mo na, nakasanayan mo na ang mga ito, sila’y nasa dulo ng iyong mga daliri kailan mo man gustuhing magsalita tungkol sa kanila, at ikaw ay nagpapakalabis sa mga palamuti pagdating sa pagsasagawa. Hindi ba ito panlilinlang sa iba? Malilinlang mo ang iba, ngunit ang Diyos ay hindi maaaring linlangin. Hindi alam ng mga tao, hindi nila nauunawaan, ngunit ang Diyos ay seryoso tungkol sa gayong mga bagay, at hindi ka Niya paliligtasin. Maaaring ang iyong mga kapatid ay sumuporta para sa iyo, pupurihin ang iyong pagkaunawa, hahangaan ka, ngunit kung ikaw ay walang katotohanan, ang Banal na Espiritu ay hindi ka paliligtasin. Marahil ay hindi hahalungkatin ng praktikal na Diyos ang iyong mga kapintasan, ngunit hindi ka papansinin ng Espiritu ng Diyos, at ang gayon ay magiging sapat. Naniniwala ka ba sa Akin? Dagdagan ang pagsasalita tungkol sa katotohanan ng pagsasagawa; nakalimutan mo na ba? Dagdagan ang pagsasalita tungkol sa praktikal na mga landas; nalimutan mo na ba? “Huwag gaanong magsalita tungkol sa malalaking mga teorya, o mga kahambugan na walang mga pagpapahalaga, pinakamabuti na magsimulang magsagawa mula sa sandaling ito,” nalimutan mo na ba ang mga salitang ito? Hindi mo ba nauunawaan ang alinman sa mga ito? Wala ka bang pagkaunawa sa kalooban ng Diyos?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento