Sagot: Napaka-kritikal ng tanong na ito. Isang tanong na napakahalaga sa ating pang-unawa sa pagkakatawang-tao ng Diyos! Kapag nagkatawang-tao ang Diyos upang maging si Cristo, makikita ng tao ang normal na pagkatao kay Cristo. Ipinapahayag ni Cristo ang katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain sa Kanyang normal na pagkatao.
Maging kapag nagsasagawa Siya ng mga palatandaan at kababalaghan, ginagawa Niya ito sa normal na pagkatao, walang pambihira tungkol sa Kanya. Tinutulutan tayo nitong makita ang kalikasan ng pagkatao ni Cristo, dahil dito, mahirap para sa marami ang maniwala na si Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao. Kaya’t, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga sumusunod sa Panginoong Jesus ay tinawag Siyang Cristo, ang Anak ng Diyos, ngunit halos walang sumunod at sumamba sa Panginoong Jesus bilang Diyos Mismo. Bakit ganito? Naniniwala ako na dahil ito sa napaka-normal na pagkatao ni Cristo, talagang walang anumang pambihira. Sa mga mata ng tao, si Cristo ay isang karaniwang tao lamang. Kaya kahit gaano man magpatotoo ang Banal na Espiritu, nahihirapan pa rin ang tao na isipin ang Panginoong Jesus bilang Diyos. Ang isa pang isyu noon ay masyadong kakaunti ang karanasan ng mga tao noong panahong iyon tungkol sa salita ng Panginoong Jesus, kaya napakahirap para sa kanila na maunawaan ang katotohanan at malaman ang pagka-Diyos ni Cristo. Si Cristo ay may normal na pagkatao, ngunit kakaunti lamang ang may lubos na pagkaunawa sa normal na pagkatao ni Cristo. Si Cristo ay walang kasalanan. Ang Kanyang normal na pagkatao ay banal. Siya ay walang karumihan at katiwalian, pagmamataas, rebeldeng disposisyon, at talagang walang kababaan ng pagkatao at pagkamakasarili. Napakalaki ng pagkakaiba nito sa pagkatao ng tao, hindi maaaring paghambingin ang dalawa. Basahin natin ang dalawang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos upang mas malinawan.
Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang laman na sinuot ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling laman ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan, banal at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang laman ay kataas-taasan, makapangyarihan, at matuwid din. Ang laman na tulad nito ay may kakayanang lamang na gumawa nang matuwid at kapaki-pakinabang sa sangkatauhan, na kung saan ay banal, maluwalhati, at makapangyarihan, at walang kakayanang gumawa ng anumang lalabag sa katotohanan o moralidad at katarungan, mas higit ng anumang bagay na magkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ang Kanyang laman ay hindi magagawang tiwali ni Satanas; ang Kanyang laman ay naiibang diwa kaysa sa laman ng tao. Sapagkat ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginawang tiwali ni Satanas; hindi maaaring posibleng gawing tiwali ni Satanas ang laman ng Diyos. Sa gayon, sa kabila ng katotohanang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tanging ang tao lamang ang siyang nadomina, nagamit at nabitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagkat si Satanas ay kailanman hindi makakayanang umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman maaaring makalapit sa Diyos” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Ang pagkatao ni Cristo ay pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman Siya ay nasa katawang-tao, ang Kanyang pagkatao ay hindi lubusang katulad ng sa taong may laman. Siya ay may sariling natatanging karakter, at ito rin ay pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. … Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na tuwirang pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa karaniwang buhay ng Kanyang pagkatao, lahat ng iba pang pagkilos ng Kanyang pagkatao ay iniimpluwensyahan, naaapektuhan at pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman si Cristo ay may pagkatao, ito ay hindi nakakagambala sa gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Ito ay tiyak na dahil sa ang pagkatao ni Cristo ay pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos; bagaman ang Kanyang pagkatao ay hindi angkop sa Kanyang kilos tungo sa iba, ito ay hindi nakakaapekto sa mga karaniwang gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Kapag sinabi ko na ang Kanyang pagkatao ay hindi nagawang tiwali, ang ibig kong sabihin ay ang pagkatao ni Cristo ay maaaring tuwirang mapangunahan ng Kanyang pagka-Diyos, at Siya ay may mas mataas pang pandama kaysa roon sa karaniwang tao. Ang Kanyang pagkatao ay pinaka-nababagay sa pagiging pinangungunahan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang Kanyang pagkatao ay pinaka-may-kakayahang magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at pati na rin pinaka-may-kakayahang magpasakop sa ganoong gawain. At dahil ang Diyos ay gumagawa sa katawang-tao, Siya ay hindi nawawalan ng pagtanaw sa tungkulin na dapat ginagampanan ng taong nasa laman; Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit na may totoong puso. Siya ay may sangkap ng Diyos, at ang Kanyang pagkakakilanlan ay sa Diyos Mismo. Ito lamang ay sa dahilang Siya ay bumaba rito sa lupa at naging isang nilikhang may buhay, na may panlabas na balat ng isang nilikhang may buhay, at ngayon ay nagtaglay ng pagkatao na wala sa Kanya noong una; Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit. Ito ang kabuuan ng Diyos Mismo at hindi mapaparisan ng tao” (“Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikita natin na dahil ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay may pagka-Diyos at ang Banal na Espiritu ay nagkatotoo at naninirahan sa Kanya, hindi kaya ni Satanas na gawin Siyang tiwali. Ito ay dahil sa si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Hindi Siya tinatablan ng katiwalian ni Satanas. Tulad sa atin, kung isang araw ay makamit natin ang buong katotohanan, hindi na magagawa ni Satanas na linlangin tayo at gawing tiwali. Sa gayon tayo ay tunay na magiging sa Diyos. Malinaw na nating nakikita ngayon na ang sarili nating tiwaling pagkatao ay talagang napakalayo sa normal na pagkatao ni Cristo! Sa loob ng normal na pagkatao ni Cristo, naroon ang konsensya at rasyonalidad ng normal na tao, may tunay na pagmamahal sa Kanyang puso para sa Diyos, at may tunay na pagsunod sa Diyos. Kapag si Cristo ay gumagawa at nagsasalita sa Kanyang normal na pagkatao, kahit gaano pa ang gawing paninira, pagkondena o paglapastangan sa Kanya ng masasamang puwersa ni Satanas, ano man ang mga kahirapang makaharap Niya sa Kanyang gawain, palagi Niyang sinusunod nang lubusan ang Diyos, at upang isakatuparan ang kalooban ng Diyos, handa Siyang pagbayaran ang anumang halaga. Tulad nang magpunta ang Panginoong Jesus sa ilang sa loob ng apatnapung araw para tuksuhin ni Satanas, nilabanan Niya ang tukso ng makamundong mga yaman at kapangyarihan at lubusang nilupig si Satanas. At lalo na nang ipapako na sa krus ang Panginoong Jesus, sa kabila ng likas na kahinaan ng Kanyang pagkatao, sa kabila ng napakatinding pahirap sa Kanyang puso, inuna ng Panginoong Jesus ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos, mas ginustong isakripisyo ang Kanyang sariling buhay at mabaon ang mga pako sa Kanyang buhay na katawan sa halip na talikuran ang kalooban ng Diyos. Hindi maisasagawa ng tiwaling tao ang adhikaing ito. Wala ni katiting ng pagkaarogante at pagpapahalaga sa sarili ang Panginoong Jesus. Bagamat Siya ang Diyos Mismo, namumuhay na kasama ng mga tao, gayunman hindi kailanman inilagay ng Panginoong Jesus ang Kanyang sarili sa katayuan ng Diyos. Buong pagpapakumbaba Siyang nagtago sa kalipunan ng mga tao, nagsasalita at gumagawa, naglilingkod at nagsusuplay sa tao; Pinagaling Niya ang karamdaman ng tao at itinaboy ang mga diyablo na nasa kalooban nila, inibsan Niya ang kanilang mga pag-aalala at nilutas ang mga kahirapan nila, na umupo pang kasama ng mga makasalanan, atbp. Mula sa Panginoong Jesus na nagkatawang-tao nakikita natin kung paanong banal at mabuti ang pagkatao ni Cristo. Ipinakikita ni Cristo ang lahat ng aspeto ng normal na pagkatao. Tunay na sinusunod at minamahal ni Cristo ang Diyos, at mahal Niya ang iba gaya ng pagmamahal Niya sa Kanyang sarili. Sa gayon, nagagawa ni Cristo na sundin ang komisyon ng Diyos, ginagawa ang gawain ng Diyos, at isinasakatuparan ang kalooban ng Diyos.
Sa pagbabahaginang ito, nakita natin kung paanong ang pagkatao ni Cristo ang talagang mahalaga bilang normal na pagkatao. Kaya ni Cristo na tuparin ang komisyon ng Diyos, ginagawa ang Kanyang gawain, at isinasagawa ang Kanyang kalooban. Kung ang ating pagkatao ay magiging kasing-normal na tulad ng kay Cristo, hindi kaya natin makakayang isagawa ang kalooban ng Ama sa langit? Sa kasamaang-palad, tayong lahat ay ginawang tiwali ni Satanas. Ang ating pagkatao ay puno ng makademonyong disposisyon, ang ating mga salita at gawa ay minamanipula ng ating kalikasan na maka-demonyo, arogante, taksil, sakim, makasarili, galit sa katotohanan, sumasamba sa masama. … Nabubuhay tayong tulad ng mga demonyo, walang normal tungkol sa gayong pagkatao! Kahit naniniwala tayo sa Panginoon, hindi tayo tunay na sumusunod sa Kanya. Kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa ating mga pagkaintindi at ilusyon, tayo’y nagrerebelde, lumalaban, at nagtataksil pa sa Diyos. Kahit ang mga gumagawa ng malaking paggugol para sa Panginoon, na walang-sawang gumagawa sa paglilingkod sa Kanya, ginagawa nila ito para lamang magantimpalaan at pumasok sa kaharian ng langit. Ginagawa nila ito para sa sarili nilang pakinabang, hindi bilang konsiderasyon sa kalooban ng Diyos, o para gawin ang kalooban ng Diyos. Hindi ba’t ito ang katayuan ng tiwaling sangkatauhan? Malinaw na, ang tunay na diwa ng tiwaling tao ay makademonyo, lumalaban ito at traydor sa Diyos, ang ipinapakita ng tao ay puro makademonyong disposisyon, wala ni kaunting pagkatao na makikita. Ngunit ang Cristong nagkatawang-tao ay kaiba. Dahil si Cristo ay may pagka-Diyos at hindi natiwali ni Satanas, Siya ay walang kasalanan. Sa kalooban ni Cristo ay walang pagrerebelde o paglaban, walang pagka-arogante, pagkamakasarili o pagtataksil. Kaya ni Cristo na sundin ang Diyos at lubusang isakatuparan ang kalooban ng Diyos. Tanging ang pagkatao ni Cristo ang normal na pagkatao. Ito ang malaking kaibahan sa pagitan ng normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao at ng pagkatao ng tiwaling tao. Marami ang hindi nakaaalam sa normal na pagkatao ni Cristo at bumubuo pa ng mga pagkaintindi at paghatol laban kay Cristo. Ano ang isyu dito? Ang tiwaling tao ay masyadong arogante at laging iniisip ang kasamaan! Sinasamba nila si Satanas sa kanilang puso, at sinusunod si Satanas nang hindi nila alam; kinakalaban at kinokondena pa nila si Cristo nang matindi, talagang napakasama! Talagang mababa ang kanilang pagkatao! Ang Diyos ay nagpakita sa laman, at ginagawa ang Kanyang gawain sa loob ng normal na pagkatao, gayunman ang mga tao, sa kanilang kabulagan, ay hindi nakikita, hindi nila Siya makilala. Paano nila aasahang kamtin ang papuri ng Diyos? Paano nila aasahang dadalhin sila sa kaharian ng langit?
mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento