Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 24, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Mga Patotoo | Paglutas sa Espirituwal na Pagkalito | Ang Panginoong Jesus ba ay Diyos o ang Anak ng Diyos?



Ang Panginoong Jesus ba ay Diyos o ang Anak ng Diyos?


Ni: Xie Wen, Japan

Kamakailan, nang malapit ng matapos ang isang grupo sa pag-aaral ng Biblia, ang Kapatid na Li, isang manggagawa, ay nagtanong ng ganito: “Nakatala sa Biblia, ‘At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya; At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan’ (Mateo 3:16-17).

Nob 6, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sinisikap lamang ninyong maging kaayon sa malabong Diyos, at naghahanap ng malabong paniniwala, ngunit hindi pa rin kayo kaayon kay Cristo. Hindi ba’t ang inyong paghahangad ng masama ay makatatanggap din ng kaparehong parusa gaya ng sa masama? Sa oras na iyon, inyong mapagtatanto na walang sinumang hindi kaayon kay Cristo ang makatatakas sa araw nang matinding galit, at inyong matutuklasan kung anong uri ng parusa ang nararapat sa mga nakikipag-alitan kay Cristo.

Okt 23, 2018

Salita ng Buhay | "Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan"



Salita ng Buhay | "Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos.

Okt 12, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sumusunod kayo sa Akin sa mahabang panahon, nguni’t wala ni katiting na katapatan kayong naigawad para sa Akin. Sa halip, kayo’y uminog sa mga taong mahal ninyo at mga bagay na nagpapasaya sa inyo kaya sila ay pinanatiling malapit sa inyong mga puso at hindi kailanman tinalikdan, anumang oras, kahit saan man...

Set 27, 2018

Tagalog Christian Music Video | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)

Tagalog Christian Music Video | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)


I
Diyos na nagkakatawang tao'y tinatawag na Cristo,
ang Cristong makapagbibigay ng katotohana'y Diyos.
Hindi kalabisang sabihin nang gayon.
Dahil angkin N'ya ang diwa ng Diyos.
Angkin N'ya ang disposisyon ng Diyos at dunong sa gawa N'ya,
na di-maabot ng tao.

Ago 20, 2018

Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)

iglesia, Cristianismo, Diyos, Salita ng Diyos, Cristo

 

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)


Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; isa lamang siyang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kasunod ng bautismo ni Jesus, “ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya tulad ng isang kalapati.” Sinimulan na Niya ang Kanyang gawain, iyon ay, sinimulan Niyang isagawa ang ministeryo ni Cristo. Iyon ang dahilan kung bakit ginampanan Niya ang katauhan ng Diyos, sapagkat Siya ay nagmula sa Diyos. Anuman ang katayuan ng Kanyang pananampalataya bago ito—marahil kung minsan ito ay mahina, o kung minsan ito ay malakas—iyon lamang ang Kanyang normal na buhay bilang tao bago Niya ginanap ang Kanyang ministeryo. Pagkatapos Siyang binautismuhan (pahiran), agad Siyang nagkaroon ng kapangyarihan at ng kaluwalhatian ng Diyos, at sa gayon ay nagsimulang ganapin ang Kanyang ministeryo.

Hul 24, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Sinong Nakakaalam ng Puso ng Diyos na Tulad ng Isang Ina?

Qingxin….Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan
Dati akong may tila nakakatawang pagkakaunawa tungkol sa aspeto ng katotohanan na ang “Diyos ay matuwid”. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan. Iyon ang pagkamatuwid ng Diyos. Dahil dito sa aking maling pagkakaunawa, dinagdagan pa ng takot na mawalan ng tungkulin dahil sa mga nagagawang pagkakamali sa aking trabaho, may naisip akong “matalinong” paraan: Sa tuwing gagawa ako ng isang bagay na mali, sinisikap kong huwag munang ipaalam sa mga pinuno, at agad na sinusubukang bumawi sa sarili ko at gawin ang lubos ng aking makakaya upang itama ito. Hindi ba makakatulong iyon kung gayon na mapanatili ko ang aking tungkulin? Kaya, tuwing magbibigay ako ng mga ulat tungkol sa aking trabaho, napapaliit ko ang malalaking isyu at ang maliliit na isyu ay napapawalang saysay. Kung nagsasawalang-bahala ako minsan, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang mapagtakpan ito sa harap ng aking mga pinuno at magpanggap na tila lubos na aktibo at positibo, natatakot na iisipin ng mga pinuno na ako ay walang kakayahan at huminto sila na pagkatiwalaan ako. Kaya ganon na lang, nag-iingat ako nang husto sa mga pinuno sa lahat ng aking ginagawa.

Hul 11, 2018

Readings of God’s Words | “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan”


Readings of God's Words | "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya."


Hul 8, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng Mga Huling Araw | "Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kayo ay humahanga at takot lamang sa di-nakikitang Diyos sa langit at walang pagsasaalang-alang sa buhay na Cristo sa lupa. Hindi ba ito rin ang inyong di-pananampalataya? Hinahangad lamang ninyo ang Diyos na gumawa sa nakaraan ngunit ayaw harapin ang Cristo ng panahong ito. Ito parati ang “pananampalatayang” humalo sa inyong mga puso na hindi nananampalataya sa Cristo ng panahong ito. Hindi Ko kayo minamaliit, sapagkat napakaraming di-pananampalataya sa inyong kaloob-looban, halos ang kabuuan ninyo ay marumi at dapat na masuri. Ang mga karumihang ito ay tanda na kayo ay walang anumang pananampalataya; ito ay marka ng inyong pagtatakwil kay Cristo at tinatatakan kayo bilang taksil kay Cristo. Ang mga ito ay mga talukbong na nagtatakip sa inyong kaalaman tungkol kay Cristo, isang hadlang sa pagkamit ninyo kay Cristo, isang balakid na pumipigil sa inyong pagiging-kaayon kay Cristo, at patunay na kayo ay hindi sinasang-ayunan ni Cristo."


Hul 4, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan

pag-ibig, Diyos, langit, Cristo

🎻 🎶 .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ 🎶 🎻





I
Maging sa pagpapakita ng pagkamatuwid N'ya,
kamahalan N'ya o poot,
isinasagawa ng D'yos ang pamamahala N'ya't
inililigtas ang tao dahil sa pag-ibig N'ya.
Gaano kalaking pag-ibig? Ila'y nagtanong.
Hindi ito konting pag-ibig,
isangdaang pors'yento pag-ibig ng D'yos.
Dahil kung ang pag-ibig ng Diyos
ay medyo mas kaunti lamang,
ang mga tao ay hindi maliligtas.
Para sa sangkatauhan lahat ng pag-ibig N'ya,
ibinibigay ng D'yos.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya
sa sangkatauhan,
Ibinibigay N'ya lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay N'ya pag-ibig N'ya.

May 9, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | 1. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.

I. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Pagkakatawang-tao ng Diyos


1. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating(Lucas 12:40).
Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).
Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).
Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).
Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).
At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi” (Pahayag 1:12-16).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, ngunit nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Nasabi ba Niya talaga sa iyo? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis sa isang ulap ngunit nalalaman mo ba talaga kung paano ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talagang nakikita mo, kung gayon paano maipaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sinabi Niya, "Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa mga huling araw, hindi Niya malalaman sa ganang Kanyang Sarili, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng lahat ng mga tao. Tanging ang Ama ang makakaalam, iyon ay, ang Espiritu lamang ang makakaalam." Kung may kakayahan kang makaalam at makakita, kung gayon hindi ba mga salitang hungkag ang mga ito? Hindi nalalaman maging ng Anak ng tao sa ganang Kanyang Sarili, ngunit nagagawa mong makita at malaman? Kung nakita mo gamit ang iyong sariling mga mata, ang mga salita bang iyon ay hindi sinabi nang walang kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus ng panahong iyon? "Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. … Mangagpuyat nga kayo: sapagkat hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon." Kapag dumating ang araw na yaon, hindi 'yon malalaman ng Anak ng tao Mismo. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong laman ng Diyos, na magiging isang normal at karaniwang tao. Maging Siya Mismo ay hindi alam, kayo paano mo nalaman?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mayroong mga nagsasabi na sinabi ng Diyos Mismo na Siya ay darating na nasa ulap. Totoo na sinabi ng Diyos Mismo, ngunit hindi mo ba alam walang tao ang makaaarok sa mga hiwaga ng Diyos? Hindi mo ba alam na walang tao ang makakapagpaliwanag sa mga salita ng Diyos? Ikaw ba ay nakatitiyak nang walang bahid ng pagdududa na napaliwanagan at naliwanagan ka ng Banal na Espiritu? Pinakita ba sa iyo ng Banal na Espiritu sa gayong tuwirang paraan? Ang Banal na Espiritu ba ang nagturo, o ang mga pagkaintindi mo ang nagdulot sa iyo na isipin ang ganito? Sinabi mo, “Sinabi ito ng Diyos Mismo.” Ngunit hindi natin maaaring gamitin ang ating mga sariling pagkaintindi at pag-iisip upang sukatin ang mga salita ng Diyos. Para sa mga salita ni Isaias, kaya mo bang ipaliwanag nang may buong katiyakan ang kanyang mga salita? Pinangangahasan mo bang ipaliwanag ang kanyang mga salita? Dahil hindi ka nagkalakas-loob na ipaliwanag ang mga salita ni Isaias, bakit ka nangangahas na ipaliwanag ang mga salita ni Jesus? Sino ang mas itinataas, si Jesus o si Isaias? Dahil ang sagot ay si Jesus, bakit mo ipinaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sasabihin ba ng Diyos sa iyo ang Kanyang gawain nang pauna? Walang nilalang ang maaaring makaalam, kahit na ang mga sugo ng langit, ni ang Anak ng tao, kaya paano mo malalaman? 
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” … Napakaraming taong kakatwa na naniniwala na ang mga salita ng Banal na Espiritu ay dapat bumaba mula sa kalangitan patungo sa mga tainga ng tao. Sinuman ang nag-iisip ng ganito ay hindi kilala ang gawain ng Diyos. Sa katotohanan, ang mga pagbigkas na binanggit ng Banal na Espiritu ay ang mga binigkas ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi maaaring direktang magsalita ang Banal na Espiritu sa tao, at si Jehova ay hindi direktang nagsalita sa mga tao, kahit na sa Kapanahunan ng Kautusan. Hindi ba mukhang malamang na hindi Niya gagawin ito sa kapanahunan ngayon? Para ang Diyos ay magwika ng mga pagbigkas upang ipatupad ang gawain, Siya ay dapat magkatawang-tao, kung hindi ang Kanyang gawain ay hindi makapagkakamit ng Kanyang hangarin. Yaong mga nagkakaila na ang Diyos ay nagkatawang-tao ay ang mga hindi kilala ang Espiritu o ang mga panuntunan kung paano gumagawa ang Diyos.
mula sa “Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa loob ng libong mga taon, pinananabikan ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Pinananabikan nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad ng dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinusumbatan ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namamatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay desperadong pinananabikan ang biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik Ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong desperadong nananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Judio. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na nangingikil sa Kanya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang handog para sa kasalanan na puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang ideya na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos ang tao, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Diyos ay walang imik, at hindi kailanman nagpakita sa atin, ngunit ang Kanyang gawain ay hindi huminto. Binabantayan Niya ang lahat ng lupain, at inuutusan ang lahat ng bagay, at pinagmamasdan ang lahat ng mga salita at gawa ng tao. Ang Kanyang pamamahala ay isinasagawa sa bawat hakbang at alinsunod sa Kanyang plano. Ito ay tahimik na nagpapatuloy, hindi masigabo, ngunit ang Kanyang mga yapak ay sumusulong nang palapit sa sangkatauhan, at ang Kanyang upuan sa paghatol ay lumawak hanggang pandaigdigan na kasing-bilis ng kidlat, kasunod nito ang pagpanaog ng Kanyang trono sa ating kalagitnaan. Isang makahari na tanawin yaon, isang marangal at taimtim na larawan. Katulad ng isang kalapati, at katulad ng umaatungal na leon, ang Espiritu at dumating sa ating kalagitnaan. Siya ay matalino, Siya ay matuwid at makahari, Siya ay tahimik na dumarating sa ating kalagitnaan na may angking awtoridad at puno ng pagmamahal at awa. Walang nakakaalam sa Kanyang pagdating, walang sumasalubong sa Kanyang pagdating, at higit sa lahat, walang nakakaalam sa lahat ng Kanyang gagawin. Ang buhay ng tao ay nananatiling hindi nagbabago; gayundin ang kanyang puso, at ang mga araw ay dadaan gaya ng dati. Ang Diyos ay namumuhay sa ating kalagitnaan katulad ng isang karaniwang tao, katulad ng isang hamak na tagasunod at karaniwang mananampalataya. Siya ay may sariling mga gawain, Kanyang sariling mga layunin, at higit sa lahat, Siya ay may pagka-Diyos na wala sa kahit na sinong karaniwang tao. Walang sinuman ang nakapansin sa Kanyang pagka-Diyos, at walang sinuman ang nakaramdam ng kaibahan ng Kanyang diwa at sa kung ano ang sa tao. Tayo ay namumuhay na kasama Siya, malaya at walang takot, dahil nakikita natin Siya bilang hindi hihigit sa isang hamak na mananampalataya.
mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nagkatawang-tao ang Diyos sa lupalop ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob ng bansa. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagkat ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang nagtatrabaho at namumuhay sa laman, gayon pa man walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakikilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang hanggang bugtong. Sa panahong ito ang pagdating ng Diyos sa laman ay hindi isang bagay na kahit sino ay may kakayahang mabatid. Gaano man kalaki at makapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling buo ang Diyos, hindi kailanman ibibigay ang Sarili Niya palayo. Maaaring sabihin ng isa na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa makalangit na kaharian. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat ng tao, walang sinuman ang nakakikilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yungtong ito ng Kanyang trabaho, magigising ang lahat sa kanilang mahabang panaginip at babaligtarin ang kanilang nakaraang mga ugali.[1] … Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa laman. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay nahihimbing, marahil maraming maingat na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayon man sa gitna ng lahat ng maraming mga tao, wala ni isang nakakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa. Gumawa ang Diyos nang tulad nito nang sa gayon mas maayos na maisagawa ang Kanyang gawain at makamit ang mas mahusay na mga resulta, at upang maiwasan din ang maraming mga tukso. Sa pagkagising ng tao sa tagsibol na pagkakaidlip, ang gawain ng Diyos ay matagal na sanang natapos at Siya'y aalis na, dadalhin sa pagtatapos ang Kanyang buhay nang paglilibot at pansamantalang pagtigil sa lupa.
mula sa “Gawa at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga taong ayaw tanggapin ang katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sa ibabaw ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang lahing lilipulin. Hinahangad lang ninyo ang biyaya ni Jesus, at gusto lang ninyong matamasa ang napakaligayang kaharian ng langit, subalit hindi naman ninyo sinunod kailanman ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi ninyo natanggap kailanman ang katotohanang ipinahayag ni Jesus pagbalik Niya sa Kanyang katawang-tao. Ano ang pinanghahawakan ninyo bilang kapalit ng katotohanan ng pagbalik ni Jesus na nasa ibabaw ng puting ulap? Ang kataimtiman ba ninyo na paulit-ulit kayong gumagawa ng mga kasalanan, at pagkatapos ay ikinukumpisal ang mga ito, nang paulit-ulit? Ano ang iaalay ninyong sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sa ibabaw ng puting ulap? Ang mga taon ba ng pagtatrabaho na nagpapadakila sa inyong sarili? Ano ang pinanghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Iyon bang mayabang ninyong kalikasan, na hindi sumusunod sa anumang katotohanan?
mula sa “Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay tiyak na kategorya na daranas ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tanggapin ang mga salita ni Jesus na nagbalik sa katawang-tao ay tiyak na anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. Marahil ay magiging panahon iyan ng katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang oras na nasaksihan mong bumaba si Jesus mula sa langit ang iyon ring oras ng pagbaba mo sa impiyerno para parusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano sa pamamahala ng Diyos, at mangyayari kapag ginantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarusahan ang masasama. Sapagkat nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kapag pagpapahayag lamang ng katotohanan ang naroon. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayo'y napadalisay na, ay nakabalik na sa luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Maylalang. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na "Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo" ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at pinapakawalan ang tunay na daan ng buhay. Kaya maaari lamang na harapin sila ni Jesus kapag hayagan Siyang bumalik nang nasa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa sarili, masyadong mayabang. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang mga gayong mababang-uri? Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito'y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang.
mula sa “Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Aking pag-asa na ang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae na naghahanap ng pagpapakita ng Diyos ay hindi uulitin ang trahedya ng kasaysayan. Hindi kayo dapat maging mga Pariseo ng modernong panahon at muling ipako ang Diyos sa krus. Dapat ninyong maingat na isaalang-alang kung paanong malugod na tanggapin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat magkaroon ng malinaw na isip kung paanong maging isang tao na nagpapasailalim sa katotohanan. Ito ang pananagutan ng bawat isa na naghihintay kay Jesus na bumalik kasama ang mga ulap. Dapat nating kuskusin ang ating mga espiritwal na mga mata, at hindi dapat mabiktima sa mga salita na puno ng mga paglipad ng guniguni. Dapat nating pag-isipan ang tungkol sa praktikal na gawain ng Diyos, at dapat tingnan ang tunay na panig ng Diyos. Huwag padadala o iwaglit ang inyong mga sarili sa mga pangangarap nang gising, palaging inaabangan ang araw na ang Panginoong Jesus ay biglaang bababa sa inyo mula sa isang ulap upang dalhin kayo na kailanma'y hindi nakakilala sa Kanya ni nakakita sa Kanya, at hindi alam kung paano gagawin ang Kanyang kalooban. Mas mainam na pag-isipan ang praktikal na mga bagay!
mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
1. “Babaligtarin ang kanilang nakaraang mga ugali” ay tumutukoy sa kung paano nagbabago ang mga pagkaintindi at pananaw ng mga tao tungkol Diyos sa sandaling makilala nila ang Diyos.

Rekomendasyon:
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw





May 2, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movie 2018 | Red Re-Education sa Bahay (Trailer)


Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, "Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan. Malamang ay ito ang tunay na daan." Kaya sinuri niya ang Kidlat ng Silanganan sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natuklasan niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Naipasiya niya na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kaya agad niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Zheng Yi sa China at ipinasa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa kanyang kapatid na si Zheng Rui, isang mamamahayag ng balita.

Ang ama ni Zheng Yi na si Zheng Weiguo ang pastor ng United Front Work Department sa isang lungsod sa China. Nang malaman niya na naniwala ang kanyang mga anak sa Makapangyarihang Diyos, matigas niya itong tinutulan at paulit-ulit na ginamit ang mga tsismis at kamalian ng pamahalaang CCP para patigilin sila sa paniniwala sa Diyos. Sa maraming pagkakataon, nakipagdebate si Zheng Yi at ang kanyang kapatid sa kanilang ama. Ang espirituwal na labanang ito ng pamilya ay nauwi sa pagtatagumpay ng katotohanan laban sa kamalian at ang katotohanan laban sa tsismis! Sa takot sa masamang kapangyarihan ng CCP at sa determinasyong panatilihin ang kanyang katungkulan sa pamahalaan at kabuhayan, matigas na pumanig si Zheng Weiguo sa CCP at pinilit ang kanyang mga anak na isuko ang kanilang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos pero nawalan ito ng saysay. Sa huli ay pinalayas niya sila sa kanilang tahanan …


Matatag na pinili ni Zheng Yi at ng kanyang kapatid na iwanan ang kanilang pamilya at sundan si Cristo sa pangangaral at pagpapatotoo sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw.
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw









Abr 29, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Kanta | Disidido Akong Sundin ang Diyos



Tinangan nang matagal ang pananalig, nakita ngayon ang liwanag. Dumanas ng tagumpay, kabiguan, pag-uusig at kahirapan. Tinanggihan ng mundo; nilayuan ng mga mahal ko. Maraming gabing nanatiling gising at nanalangin? Ligaya at kalungkutan, damit na basa ng luha. Naglilibot araw-araw, walang lugar na pahingahan. Kalayaan, isa lang paimbabaw, karapatang pantao’y di umiiral? Matinding galit kay Satanas! Inaasam ang pagkuha ni Cristo ng kapangyarihan! Itong mundo, madilim at masama, mas ninanais ko ang liwanag ng buhay. Si Cristo ang katotohanan, daan, at buhay. Nagpasya ako na sundin Siya. Itong mundo, madilim at masama, mas ninanais ko ang liwanag ng buhay. Si Cristo ang katotohanan, daan, at buhay. Nagpasya ako na sundin Siya.

Abr 27, 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.”

Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan 





Abr 18, 2018

Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Diyos, Iglesia, Jesus, Cristo, Landas

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Mga Aklat ng Iglesia ng|Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?


Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:

 Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa ‘Puting Ulap’”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mar 31, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Isa ay Magbabalik Mula sa Kanilang Pinanggalingan

Cristo, Jesus, iglesia, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan

Sa buong mga kapanahunan, ang lahat ng mga tao ay nakasunod sa parehong mga batas ng pag-iral; simula sa kanilang mga unang salita hanggang sa pagputi ng kanilang mga buhok, ginugugol nila ang kanilang buong Buhay na nagmamadali, hanggang sa bumalik sila sa alabok sa kahuli-hulihan …
Rekomendasyon

Pagkaunawa Kidlat ng Silanganan

Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus

Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos