Sagot: Sa relihiyon, iniisip ng ilang tao na ang mga relihiyosong pastor at elder ay napili at itinatag ng Panginoon. Samakatuwid, dapat silang sundin ng mga tao. May batayan ba sa Biblia ang ganitong pananaw? Napatunayan ba ito ng salita ng Panginoon? Mayroon ba itong patotoo ng Banal na Espiritu at kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu? Kung ang lahat ng sagot ay hindi, hindi ba’t kung gayon ang paniniwala ng karamihan na ang mga pastor at elder ay lahat pinili at itinatag ng Panginoon ay galing sa paniniwala at imahinasyon ng mga tao? Isipin natin ang tungkol dito.
Sa Kapanahunan ng Kautusan, pinili at itinatag ng Diyos si Moises. Nangangahulugan ba ito na ang lahat ng mga pinuno ng Judio sa Kapanahunan ng Kautusanay pinili at itinatag ng Diyos? Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang 12 apostol ng Panginoong Jesus ay personal na pinili at hinirang mismo ng Panginoong Jesus. Nangangahulugan ba ito na lahat ng mga pastor at elder na na sa Kapanahunan ng Biyaya ay personal na pinili at itinatag ng Panginoon? Maraming tao ang gustong sumunod sa mga itinakdang utos at hindi pinakikitunguhan ang mga bagay alinsunod sa katotohanan. Bilang resulta, bulag nilang sinasamba at sinusunod ang mga tao. Ano ang problema rito? Bakit hindi kayang kilalanin ng mga tao ang pagkakaiba ng dalawang bagay na ito? Bakit hindi nila kayang hanapin ang katotohanan sa mga bagay na ito? Nakikita natin mula sa kung ano ang naitala sa Biblia na sa bawat panahon ng Kanyang gawain, pinipili at hinihirang ng Diyos ang ilang mga tao na makipag-ugnayan sa Kanyang gawain. At ang mga taong personal na hinirang at ginamit ng Diyos Mismo ay kinumpirma ng Kanyang salita. Kahit kung hindi man, naroon naman ang kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Tulad ng Kapanahunan ng Kautusan, hinirang ng Diyos si Moises upang pamunuan ang mga Israelita.Ito ay napatunayan sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos na Jehovah: “At ngayon narito, ang daing ng mga anak ni Israel ay umabot sa akin: saka aking nakita ang kapighatian na ipinipighati sa kanila ng mga Egipcio. Halika nga ngayon, at ikaw ay aking susuguin kay Faraon, upang iyong ilabas sa Egipto ang aking bayan na mga anak ni Israel” (Exodo 3:9-10). Sa Kapanahunan ng Biyaya, Ang Panginoong Jesus ay hinirang ang 12 apostol upang pastulan ang mga iglesia. Pinatunayan din ito ng mga salita ng Panginoon. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus nang hinirang Niya si Pedro: “Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? ... Pakanin mo ang aking mga tupa” (Juan 21:17). “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit” (Mateo 16:19). Makikita natin na ang mga taong hinirang at ginamit ng Diyos ay kinumpirma ng salita ng Diyos, kahit na walang salita ang Diyos na patunay, dapat ay naroon man lamang ang kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang lahat ng kanilang gawain ay itinaguyod ng Diyos. Ang pagsunod sa kanilang gawain at pamumuno ay pagsunod sa Diyos. Ang sinuman sa ating nanlalaban sa taong hinirang at ginamit ng Diyos ay nanlalaban sa Diyos at isusumpa at parurusahan ng Diyos. Tulad ng sa Kapanahunan ng Kautusan, si Korah, Dathan at ang kanilang mga tao ay nilabanan si Moises. Anong nangyari sa huli? Sila ay direktang pinarusahan ng Diyos. Binuka ng Diyos ang lupa at nilulon silang lahat. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga apostol na hinirang ng Panginoong Jesus ay may kumpirmasyon lahat ng salita ng Panginoon. Ngunit hinirang ba ng Panginoon ang mga relihiyosong pastor at elder ngayon? Napatunayan ba ito ng salita ng Panginoon? Karamihan sa kanila ay nilinang ng mga paaralang teolohiko at mayroong mga sertipiko ng pagtatapos sa teolohiya, na kanilang inasahan na maging mga pastor, hindi dahil ang Banal na Espiritu ang personal na sumaksi sa kanila at ginamit sila. Hindi ba iyon isang katotohanan? Sino sa atin ang nakakita na sa Banal na Espiritu na personal na sumaksi o naghirang sa sinumang pastor? Kailanman hindi nangyari 'yun! Kung sila ay tunay na hinirang ng Panginoon, tiyak na mayroong tunay na patotoo ng Banal na Espiritu at maraming mananampalataya na saksi. Samakatuwid, ang mga relihiyosong pastor at elder ay hindi lahat hinirang ng Panginoon. Sigurado ito! Narinig ko na may ilang mga pastor na hindi naniniwala na ang Panginoong Jesus ay mula sa paglilihi ngBanal na Espiritu. Hindi nila iniisip na “ang konsepto ng Banal na Espiritu” ay may anumang batayan o sumusunod sa agham. Mas malabo pang tanggapin ng mga taong ito na si Cristo ang pagpapakita ng Diyos. Kung umiiral ang gayong mga pastor sa panahon kung kailan Ang Panginoong Jesus ay nagtrabaho, tiyak na hindi nila tinanggap ang Panginoong Jesus. Kung gayon paano nila tatratuhin ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang tao sa mga huling araw? Lahat sila ay magiging tulad ng mga punong saserdoteng Judio, mga eskriba, at mga Fariseo, galit na galit na binabatikos at sinasalungat ang Panginoong Jesus. Kung gayon, ang mga tulad ng mga pastor at elder na iyon ba ay mga taong tunay na sumusunod sa Diyos? Hindi rin sila naniniwala sanagkatawang-taong Diyos, at saka hindi kinikilala ang mga katotohanang ipinahayag ngnagkatawang-taong Diyos. Hindi ba’t anti-cristo ang mga taong ito? Kaya ang pananaw na “Ang mga relihiyosong pastor at elder ay hinirang at ginamit ng Panginoon” ay mapaninindigan pa rin? Kung ipipilit natin na ang mga pastor at elder na ito ay hinirang at ginamit ng Diyos, Kung gayon hindi ba iyon paninirang-puri at paglapastangan sa Diyos? Hindi ba’t ang gayong pananaw ay walang katotohanan, masyadong nakakalinlang? Hindi ba ito pagbabaluktot ng katotohanan at paghahalo ng itim at puti? Hihirangin at gagamitin ba ng Diyos ang mga hindi mananampalataya at anti-cristong ito upang pamunuan ang mga napiling tao ng Diyos? Tiyak na hindi! Ang lahat ng mga hinirang at ginamit ng Diyos ay personal na pinatotohanan ng Diyos, at mayroon man lang ng kumpirmasyon at mga epekto ng gawain ng Banal na Espiritu, at kayang tulungan ang mga piniling tao ng Diyos na makamit ang tustos ng buhay at tunay na pagpapastol. Sapagkat ang Diyos ay matuwid, banal, ang lahat ng mga hinirang at ginamit ng Diyos ay tiyak na kaayon ang kalooban ng Diyos. Tiyak na hindi sila magiging mga ipokritong Fariseo, at bukod pa dito, hindi mga nasusuklam sa katotohanang anti-cristong sumasalungat sa Diyos.
Tingnan natin kung gayon ang mga relihiyosong pastor at pinuno ngayon. Karamihan sa kanila ay nilinang ng mga paaralang teolohiko at hindi personal na hinirang at ginamit ng Diyos. Nag-aaral lamang sila ng teolohiya at Biblia. Ang kanilang gawain at pangangaral ay nakatuon lamang sa pag-uusap tungkol sa kaalaman sa Biblia, teolohiya, o mga karakter at kwento sa Biblia, mga makasaysayang pinagmulan, at iba pa. Ang kanilang isinasagawa ay pagtuturo lamang sa mga tao na magsagawa ng mga relihiyosong ritwal at sundin ang mga panuntunan. Hindi nila binibigyang-pansin ang pagsasabi ng katotohanan sa mga salita ng Diyos, ni hindi nila ginagabayan ang mga tao na magsagawa at maranasan ang mga salita ng Diyos o sundin ang mga utos ng Diyos. Hindi nila tinalakay kung paano nila makikilala ang kanilang sarili at mga tunay na karanasan sa pagpasok sa buhay, at bukod dito ay hindi nila kailanman tinalakay ang tunay na kaalaman sa Diyos. Maaari bang makamit ng naturang gawain at pangangaral ang gawain ng Banal na Espiritu? Kaya bang tugunan ng naturang serbisyo ang mga intensyon ng Diyos? Kaya ba nitong gabayan tayo na magsagawa ang katotohanan at pumasok sa tamang daan ng paniniwala sa Diyos? Sa pagpapaliwanag sa Biblia sa ganitong paraan, hindi ba nila tinatahak ang kanilang sariling landas at nilalabanan ang Diyos? Lalo na kapag ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng mga katotohanan at ginagampanan ang Kanyanggawainng paghatolsa mga huling araw, malinaw na alam ng mga relihiyosong pinuno na ito na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan lahat at kayang dalisayin at iligtas ang mga tao, gayunpaman hindi nila ito hinahanap at tinatanggap. Mas kasuklam-suklam pa na hindi nila pinahihintulutan ang mga mananampalataya na magbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos o makinig sa tinig ng Diyos. Alang-alang sa pagprotekta sa kanilang katayuan at mga kabuhayan, lubusan nilang sinisiraang-puri at binabatikos ang Makapangyarihang Diyos, maging ang makipag-ugnayan sa CCP, sa satanikong rehimen, sa pag-aresto at pag-usig sa mga ebanghelista. Gaano ang pinagkaiba ng mga pagkilos at pag-uugali ng mga pastor at elder na ito sa mga Fariseong iyon na nanlaban sa Panginoong Jesus noon? Hindi ba sila mga balakid sa pagtanggap ng tunay na daan? Paanong ang mga suklam sa katotohanan at makasalungat sa Diyos na mga taong ito ay hihirangin at gagamitin ng Diyos? Hihirangin ba ng Diyos ang mga taong ito na galit sa katotohanan at hadlang sa kalooban ng Diyos upang pamunuan ang mga napiling tao ng Diyos? Talagang hindi. Iyon ang katotohanan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento