Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 16, 2019

Tanong 4: Lahat ng pastor sa iba’t ibang relihiyon ay pamilyar sa Biblia. Madalas nilang ipaliwanag ang Biblia sa mga iglesia at purihin ang Biblia. Inakala natin palagi ay dapat silang maging mga tao na kilala ang Diyos. Kung gayo’y bakit kaya ang gawain ng Diyos na nagkatawang tao sa mga huling araw ay marahas na tinuligsa at nilabanan ng karamihan sa mga pastor sa iba’t ibang relihiyon? Naniniwala ako na hindi posibleng ang tunay na daan ang tinutuligsa ng karamihan sa mga pastor at pinuno ng iba’t ibang relihiyon!


Sagot: Sa pagsisiyasat kung ito ang gawain ng Diyos, hindi tayo dapat manghusga ayon sa kung tinanggap ito ng karamihan sa mga pinuno ng iba’t ibang relihiyon. Gunitain kung kailan nagpakita ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain. Sino yaong mga nagpako sa Panginoong Jesus sa krus? Hindi ba ang mga pinuno ng mga relihiyon na pamilyar sa Biblia at madalas magpaliwanag ng Biblia sa iba? Ano ang sinasabi sa atin ng tunay na pangyayaring ito? Hindi komo pamilyar ang isang tao sa Biblia at kayang magpaliwanag sa Biblia ay alam na niya ang gawain ng Diyos, at bukod pa riyan ay hindi siya isang tao na tiyak na masasabing kilala ang Diyos.

Hun 18, 2019

Pagsuri sa Diwa ng mga Fariseo | Tanong 2: Ang mga pastor at elder ay pinili at hinirang ng Panginoon, at silang lahat ay mga taong naglilingkod sa Panginoon. Ang pagsunod sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Panginoon. Kung lalabanan natin at babatikusin ang mga pastor at elder, nilalabanan natin kung gayon ang Panginoon. Tanging mga pastor at elder ang nakakaunawa sa Biblia at kayang ipakahulugan ang Biblia. Tanging sila ang makakapagpastol sa atin. Hangga’t ang sinasabi ng mga pastor at elder ay tumatalima sa Biblia at may batayan sa Biblia, dapat tayong tumugon at sumunod. Hangga’t ang ginagawa ng mga pastor at elder ay tumatalima sa Biblia, dapat nating tanggapin at sundin. Paano iyon magiging mali?


Sagot: Sa relihiyon, iniisip ng ilang tao na ang mga relihiyosong pastor at elder ay napili at itinatag ng Panginoon. Samakatuwid, dapat silang sundin ng mga tao. May batayan ba sa Biblia ang ganitong pananaw? Napatunayan ba ito ng salita ng Panginoon? Mayroon ba itong patotoo ng Banal na Espiritu at kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu? Kung ang lahat ng sagot ay hindi, hindi ba’t kung gayon ang paniniwala ng karamihan na ang mga pastor at elder ay lahat pinili at itinatag ng Panginoon ay galing sa paniniwala at imahinasyon ng mga tao? Isipin natin ang tungkol dito.

Hun 4, 2019

Pagsuri sa Diwa ng mga Fariseo | Tanong 1: Nagpapatotoo kayo na kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, magiging tao muna Siya at darating nang palihim, at pagkatapos gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay, ay bababa sa publiko nang nasa mga alapaap upang magpakita sa harapan ng lahat ng tao. Ang gayong pag-uusap ay may katuturan. Ngunit sa loob ng 2,000 taon, karamihan sa mga mananampalataya sa Panginoon ay naghihintay lahat na Siya ay bumaba nang nasa mga alapaap. Madalas ding sabihin ng mga relihiyosong pastor at elder. Paano tayo magkakamali sa pamamagitan ng paghihintay alinsunod sa propesiya ng Biblia? Ang mga relihiyosong pastor at elder ay mga taong naninilbihan lahat sa Panginoon. Naghihintay silang lahat sa pagbabalik ng Panginoon sa ganitong paraan. Hindi ako naniniwala na ang nagbalik na Panginoon ay iiwanan ang lahat ng mga relihisyong pastor at elder na ito! Imposible iyon!


Sagot: Anong uri ng batayan ang mayroon kayo sa pagsabi ng isang bagay na gaya niyan? Ang sinasabi ba ninyo ay naka-ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus? Nakabatay ba ang mga ito sa mga salita ng Diyos? Kung ang sinasabi ninyo ay ganap na nakabatay sa mga paniniwala’t imahinasyon ng tao, iyon ay hindi pagsunod sa Panginoon! Tingnan natin kung paano hinintay ng mga Fariseo ang pagdating ng Mesias. at kung bakit nila ipinako ang Panginoong Jesus sa krus.

Peb 28, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip | (1) Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon



Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosMga Movie Clip |  (1) Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon



Ang Kidlat ng Silanganan—ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay niyanig ang lahat ng sekta at denominasyon, at ibinunyag na ang lahat ng klase ng tao. Mas gusto pa ng maraming mabubuting tupa sa iglesia na dumanas ng di-mapigil na pag-aresto at pagpapahirap ng Chinese Communist Party para lang mahanap at masiyasat ang Kidlat ng Silanganan. Gayunman, naniniwala ang ilang tao sa mga salita ng mga pastor at elder at pilit na tumatangging siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, samantalang ayaw namang maglakas-loob ng iba, kahit alam na alam nila na pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan ang katotohanan, na hanapin at siyasatin ito sa takot na pahirapan sila ng Chinese Communist Party.

Peb 6, 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip | Bakit Hinahatulan ng mga Pastor at Elder ang Kidlat ng Silanganan



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip | Bakit Hinahatulan ng mga Pastor at Elder ang Kidlat ng Silanganan


Bakit kinakalaban at hinahatulan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Makapangyarihang Diyos? Kasi galit sila at hindi nila matanggap ang katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Kaya tinatanggihan, hinahatulan at kinakalaban nila si Cristo. Inilalantad nito ang napakasamang diwa nila na galit sa katotohanan. Ang katotohanang ipinapahayag ni Cristo ay lubhang makapangyarihan at may awtoridad. Mapupukaw at maililigtas nito ang sangkatauhan at matutulungan din ang mga tao na makaalpas sa lahat ng puwersa ni Satanas at makabalik sa Diyos.

Ene 31, 2019

Tanong 7: Pero’di pa rin ‘yan naiintindihan ng karamihan sa nananalig. Akala nila sa pananalig sa Diyos sa relihiyon, nananalig sila sa Panginoong Jesus at ‘di sa mga pastor, kaya papa’no sila hindi maliligtas?

Sagot: Anong klaseng lugar ang relihiyon? Lugar ‘yan ng mga Fariseo, dating pugad ng mga anticristo. Nangangarap lang kayo kung iniisip niyong maliligtas kayo sa pananalig do’n. Ba’t ‘di maliligtas ang taong nananalig sa Diyos sa relihiyon? Ang pangunahing dahilan ay nang isagawa ng Diyos ang bagong gawain sa mga huling araw, nailipat na’ng gawain ng Banal na Espiritu sa bagong gawain ng Diyos. kaya naman nawala sa mga relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu. Gayundin, lubos nang kontrolado ng mga ipokritong Fariseo at anticristo ang mga relihiyon, at naging lugar na kumakalaban sa Diyos. Bukod sa wala sa relihiyon ang Banal na Espiritu, wala rin do’n para gumawa’ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi mararanasan ng tao’ng gawain ng Diyos sa mga huling araw sa pananalig sa Kanya sa relihiyon. Di nila makakain, maiinom at matatamasa’ng mga salita ng Diyos sa mga huling araw, kaya natural na bumagsak sila sa kadiliman. Kung ‘di hinahanap ng mga tao’ng tunay na daan, madali silang babagsak sa kasukalan at ‘di sila tatanggap ng pagliligtas ng Diyos. Ang mga bumagsak sa kasukalan ng mga relihiyon ay humahawak lang sa Biblia sa mga pagtitipon, at ‘di nagtatamasa ng mga salita ng Diyos sa ngayon. Kung wala’ng patnubay ng Espiritu Santo, malabo’ng Diyos na pinaniniwalaan ng tao. Lahat ng sinasabi nila sa meeting ay tungkol sa gawain ng Diyos at mga sinambit sa Biblia noon. Pa’no matatanggap ng gayong mga tao ang pagliligtas at pangako ng Diyos sa mga huling araw? Tulad no’ng magsimulang gumawa ang Panginoong Jesus sa labas ng templo. Naging magulong kasukalan ang templo, isang lungga ng mga tulisan. Dahil di nila sinunod ang gawain ng Panginoong Jesus, ang mga nanatili sa templo ay humawak pa rin sa mga lumang kautusan at panuntunan, at hindi nailigtas ng Panginoon. Gayundin, isinagawa ng Makapangyarihang Diyos ang paghatol Niya ngayong mga huling araw, na nagpapahayag ng katotohanan para linisin ang sangkatauhan, para makawala ang tao sa masamang disposisyon at mga impluwensya ni Satanas at mailigtas ng Diyos, at magawang perpekto ng Diyos at madala sa Kanyang kaharian.

Ene 26, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Christian Crosstalk | Sinabi ng Aming Pastor …



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Christian Crosstalk | Sinabi ng Aming Pastor …


Si Yu Shunfu ay naniniwala sa relihiyosong mundo na humahanga at sumasamba sa mga pastor at elder. Iniisip niya na "lahat ng pastor at elder ay itinatag ng Diyos, at ang pagsunod sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Diyos," kaya nakikinig siya sa kanyang pastor sa lahat ng ginagawa niya, maging sa usaping pagsulubong sa pagbabalik ng Panginoon. Ngunit sa isang matalinong debate, mababatid ni Yu Shunfu na ang pagsunod sa mga relihiyosong palagay ay kalokohan at di-makatwiran, at sa wakas ay nababatid na niyang ang pagdakila sa Diyos ay dumarating una sa paniniwala, at dapat ilaan ng isang tao ang "templo" ng puso para sa Diyos.

Ene 24, 2019

The bible tagalog movies | Maliligtas ba ang Isang Tao sa Pananalig sa Panginoon sa Loob ng Relihiyon?



The bible tagalog moviesMaliligtas ba ang Isang Tao sa Pananalig sa Panginoon sa Loob ng Relihiyon?


Sa relihiyon, maraming taong naniniwala na, kahit hawak ng mga pastor at elder ang kapangyarihan sa relihiyon at ginagaya ang ginawa ng mga ipokritong Fariseo, kahit tinatanggap at sinusunod nila ang mga pastor at elder, nananalig sila sa Panginoong Jesus, hindi sa mga pastor at elder, kaya paano masasabi na ginagaya nila ang mga Fariseo?

Ene 20, 2019

Tanong 1: Lahat ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naglilingkod sa Diyos sa iglesia. Tama lang sabihing pagdating sa pagbalik ng Panginoon, dapat silang magmasid at maghintay, at saka mag-ingat. Pero ba’t ‘di lang nila hinahanap o sinisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, sa halip, tinutuligsa nila ang Makapangyarihang Diyos, at hinihigpitan ang nananalig sa tunay na daan?

Sagot: Hindi naman talaga kakaiba ang tanong na ‘yan. No’ng pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, naharap Siya agad sa pagtutol at pagtuligsa ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ng mga relihiyon sa mundo, at ipinako nila Siya sa krus sa huli. Makasaysayang pangyayari ‘yan. Kaya naman, isipin nating lahat, bakit ipinako sa krus ng mga relihiyoso ang Panginoong Jesus? Kung mauunawaan natin ang mga tanong na ‘to, hindi magiging mahirap unawain kung ba’t ipinako ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Lahat ng ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, at lahat ng ginagawa Niya ay mismong paghatol ng Diyos, pero nahaharap Siya sa matinding pagtuligsa at paglapastangan ng mga elder at pastor. Talagang nakakapagtaka ‘yon. Ang ganitong pagtuligsa sa Diyos ay paglapastangan sa Espiritu Santo. Tulad ‘yon ng pagpapako sa krus sa Cristo ng mga huling araw. Kaya napakabigat ng problemang ito. Hindi lang talaga ‘to maintindihan ng ilan, at sinasabi nila na ang lahat ng pastor at elder ay naglilingkod sa Diyos, pero ba’t ‘di nila hinahanap at sinisiyasat ang tunay na daan, sa halip tinutuligsa ‘yon? may kaugnayan ‘to sa kanilang pagkatao. Alam nating lahat na ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ay naglingkod sa Diyos sa mga templo. Nang maglingkod sa kanila ang Panginoong Jesus, maraming tumanggap na may awtoridad nga at kapangyarihan ang Kanyang gawain at mga salita. Pero ba’t ipinako pa rin nila sa krus ang Panginoong Jesus?

Ene 19, 2019

The bible tagalog movies | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kumakatawan sa Paniniwala sa Diyos?



The bible tagalog moviesAng Paniniwala ba sa Biblia ay Kumakatawan sa Paniniwala sa Diyos?


Nanghahawakan ang mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga salita ni Pablo sa Biblia na nagsasabing "Ang lahat ng mga kasulatan [ay] kinasihan ng Dios," na naniniwala na ang Biblia ay puro salita ng Diyos at ginagawa nila ang lahat para purihin at patotohanan ang Biblia, na ipinapantay ang Biblia sa Diyos. Naniniwala sila na ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon at na ang pananalig sa Panginoon ay pananalig sa Biblia. Kaya talaga bang ibinigay ang buong Biblia sa inspirasyon ng Diyos? Ang gawain ba ng Diyos ang nagpasimula sa Biblia, o ang Biblia ang nagpasimula sa gawain ng Diyos?

Ene 14, 2019

Tagalog Christian Movie | Pagbubunyag sa Katotohanan ng mga Paliwanag ng mga Pinuno ng Relihiyon sa Biblia (2)


Tagalog Christian Movie | Pagbubunyag sa Katotohanan ng mga Paliwanag ng mga Pinuno ng Relihiyon sa Biblia (2)


Madalas ipaliwanag ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Biblia sa mga tao at hinihikayat silang manghawakan sa Biblia. Sa paggawa nito, talaga bang pinupuri at pinatototohanan nila ang Panginoon? Hindi ito maunawaan ng karamihan sa mga tao. Pinupuri ng mga pastor at elder ang mga salita ng tao na nasa Biblia, ginagamit ang mga salita ng tao na nasa Biblia para palitan at suwayin ang mga salita ng Panginoon, at hinihikayat ang mga tao na maniwala sa mga pamahiin at sambahin ang Biblia, kaya kapag ginawa ng Diyos ang bago Niyang gawain, Biblia lang ang alam ng maraming at hindi nila kilala ang Diyos, hanggang sa ipako na nila sa krus ang Diyos na nagkatawang-tao alinsunod sa Biblia.

Ene 8, 2019

Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag | "Paano Malalaman ang Diwa ng mga Relihiyosong Fariseo"



Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag | "Paano Malalaman ang Diwa ng mga Relihiyosong Fariseo"


Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon ay pawang mga tao na naglilingkod sa Diyos sa mga simbahan. Madalas silang magbasa ng Biblia at mangaral sa mga nananalig, ipinagdarasal nila ang mga ito at nagpapakita sila ng habag sa kanila, pero bakit sabi natin, mga ipokritong Fariseo sila? Lalo na sa pag-unawa nila sa pagbalik ng Panginoon, hindi lang nila hindi hinahanap o sinusuri ang anuman, kundi bagkus ay matindi nilang sinusuway at tinutuligsa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos.

Dis 19, 2018

 Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"


Kristianong video |  Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"


Mula noong naluklok sa kapangyarihan sa kalakhang China noong 1949, ang Chinese Communist Party ay walang humpay sa pag-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Inaresto at pinatay nito ang mga Kristiyano, pinalayas at inabuso ang mga misyonero na nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang di mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at winasak ang mga gusali ng simbahan, at walang tigil sa pagtatangkang alisin ang lahat ng mga bahay-iglesia. Ang dokumentaryo na ito ay nagsasalaysay ng totoong kuwento ng pag-uusig na pinagdusahan sa mga kamay ng CCP ng pamilya ng Kristiyanong Chinese na si Christian Lin Haochen. Sinundan ni Lin Haochen ang mga yapak ng kanyang ama at naniwala sa Panginoon, at bilang resulta, habang sinasaksihan ng isang bata ang mga kadre ng nayon na madalas na pumunta sa kanyang tahanan upang pagbantaan at takutin ang kanyang mga magulang para talikuran ang kanilang pananampalataya at pagsisikap na ipalaganap ang ebanghelyo.

Dis 16, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga.

Dis 3, 2018

Ang Pagsugpo at Pagpapahirap ng Gobyerno ng Tsina sa mga Kristiyano: Ang Matibay na Ebidensya


Pelikulang Kristiyano | Ang Pagsugpo at Pagpapahirap ng Gobyerno ng Tsina sa mga Kristiyano: Ang Matibay na Ebidensya


Simula nang umupo sa kapangyarihan ang ateistang Partido Komunista ng Tsina, ipinagpatuloy nito ang matinding pagkalaban sa Diyos at ang pagiging kaaway Niya. Hindi lamang nila binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang "mga kulto," ngunit tinawag din nila ang Biblia bilang aklat ng kulto, hindi mabilang ang mga kinukuha at winawasak nilang kopya. Walang-awa rin nilang binihag ang mga Kristiyano, dahilan para maaresto at mabilanggo ang halos isang milyong mananampalataya. Sa kanila, umabot na ng halos 10,000 katao ang pinahirapan hanggang sa mamatay.

Nob 9, 2018

Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?

Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?


Sagot: Ang pangunahing ibig sabihin ng paglala ng katampalasanan ay ang pagsuway ng mga pinuno at pastor ng relihiyon, at mga elder sa kalooban ng Diyos at sa halip ay pagtahak sa sarili nilang daan. Hindi nila sinusunod ang mga utos ng Diyos, at binibigyan nila ng maling kahulugan ang Biblia para igapos, kontrolin, at linlangin ang mga tao, nilulunod sila sa teolohiya ng biblia, at inilalayo sila sa Diyos, ginagawa ang mga iglesia na mga lugar ng ritwal panrelihiyon, at itinuturing nila ang kanilang mga responsibilidad at tungkulin bilang paraan tungo sa katayuan at kita, na dahilan para gumawa ang marami ng mga mapagpaimbabaw na gawaing tumututol sa Diyos sa iglesia. Maraming tao ang nagbunyag sa kanilang mga sarili bilang mga hindi mananampalataya. Hinahanap nila ang mga makamundong kasiyahan, lumalayo sa daan ng Panginoon , at itinuturing pa ang mga salita ng Diyos bilang mga kuwentu-kuwento lang. Hindi talaga sila naniniwala na babalik muli ang Panginoong Jesus para magsalita at magsagawa ng gawain.

Nob 3, 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Kasalukuyang dumaranas ng malalang taggutom ang buong mundo ng relihiyon, hindi na nila kasama ang gawain ng Banal na Espiritu o ang presensiya ng Panginoon, parami nang parami ang ginagawa nilang masasama, at humihina at lumalamig ang pananampalataya at awa ng mga mananampalataya.

Okt 27, 2018

Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos

Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos


Upang makapagpatotoo sa Diyos at mapahiya ang malaking pulang dragon, dapat mayroon kang prinsipyo at isang kondisyon: Dapat mong mahalin ang Diyos sa iyong puso, at pumasok sa mga salita ng Diyos. Kung hindi ka papasok sa mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang paraan na pahiyain si Satanas. Sa iyong pagsulong sa buhay, itinatakwil mo ang malaking pulang dragon at lubos na ikinahihiya ito, at sa pamamagitan lamang nito talagang mapapahiya ang malaking pulang dragon.

Okt 26, 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos"


Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos"


Kapag nahaharap sa kalungkutan ng mga iglesia at kadiliman sa espiritu, paano natin hahanapin ang mga yapak ng Panginoon? Mula sa mga sinaunang panahon inusig na ang totoong daan, at ang pagpapakita at gawain ng totoong Diyos ay palaging sasalubungin ng pinakamalupit na pagpigil at pag-uusig at ng pinakamalupit na pagtutol at pagkokondena ng mundo ng relihiyon at mga ateistang pamahalaan.

Okt 18, 2018

Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)


Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)


Dalawang libong taon na ang nakakaraan, noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, pinanghawakan ng mga Fariseo ang mga kautusan at kinondena ang Kanyang gawain, sinasabing ang gawain Niya ay labas sa Banal na Kasulatan. Para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga tao sa paghahanap sa gawain ng Panginoong Jesus, at nakipagsanib puwersa sa pamahalaang Romano para ipako Siya sa krus.