Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pastor. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pastor. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 6, 2019

Maikling Dula | "Baka Nananaginip Tayo" | Can We Enter the Kingdom of Heaven Through Hard Work?


Maikling Dula | "Baka Nananaginip Tayo" | Can We Enter the Kingdom of Heaven Through Hard Work?


pastor ng relihiyosong mundo na may jacket na gawa sa balat ng tupa, isang mabait at matapat na asawa, at isang tapat na Kristiyanong may pagkaunawa na nagmamahal sa katotohanan ang nagsasama-sama sa isang nakakatawang maikling dula na sumisiyasat sa tanong na, "Makakapasok ba ang isang tao sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagsisikap?" Mapapaisip ang mga manonood dahil sa kabalintunaang lengguwahe at matalinong debate sa pagitan ng naniniwala at ng pastor…

Okt 4, 2019

Bagama’t hawak ng mga pastor at elder ang kapangyarihan sa mga relihiyosong grupo at sinusundan nila ang ginawa ng mapagpaimbabaw na mga Fariseo, nananalig kami sa Panginoong Jesus, at hindi sa kanila, kaya paano mo masasabi na sinusundan din namin ang yapak ng mga Fariseo? Hindi ba kami talaga maliligtas sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos na nakapaloob sa relihiyon?

Sagot:

Maraming tao sa relihiyon na pikit-matang naniniwala at sumasamba at sumusunod sa mga Fariseo. Kaya landas man ng mga Fariseo ang tinatahak nila, malinaw iyan kung inisip natin ito. Sabi mo, sinasamba at pinoprotektahan mo ang mga Fariseo sa puso mo pero wala kang kinalaman sa mga kasalanan nila? Sabi mo, sinusunod mo ang mga ipokritong Fariseo, pero hindi ka katulad nila, na kumakalaban sa Diyos? Hindi pa rin ba natin mauunawaan ang gayon kasimpleng tanong? Ang uri ng taong sinusunod natin ay ang uri ng landas na tinatahak natin. Kung sinusundan natin ang mga Fariseo, tumatahak tayo sa landas nila. Kung tumatahak tayo sa landas ng mga Fariseo, natural katulad din tayo ng mga Fariseo. Sinuman ang sinusundan natin at alinmang landas ang pinipili natin, may kaugnayan iyan sa ating pagkatao. Sinumang sumusunod sa mga Fariseo ay katulad ng pagkatao at ugali ng mga Fariseo. Hindi iyan maikakaila! Ang tunay na diwa ng mga Fariseo ay pagka-ipokrito. Nanalig sila sa Diyos pero hindi nila mahal ang katotohanan o hinangad ang buhay. Nanalig lang sila sa isang malabong Diyos sa langit at sa sarili nilang mga pag-aakala at imahinasyon, pero hindi nila pinaniwalaan o tinanggap ang Cristo na nagkatawang-tao. Sa madaling salita, lahat sila’y walang pananalig. Ang pananalig nila sa Diyos ay pagsasaliksik sa teolohiya at pagturing sa pananampalataya sa Diyos bilang isang uri ng kaalaman sa pagsasaliksik. Ang kanilang kabuhayan ay nakadepende sa pagsasaliksik sa Biblia at teolohiya. Sa puso nila, ang Biblia ang kanilang kabuhayan. Akala nila kapag mas magaling silang magpaliwanag sa kaalaman sa Biblia at teoryang teoholikal, mas maraming taong sasamba sa kanila at mas mataas at mas matatag silang makakatayo sa pulpito, at mas matatag ang kanilang magiging katayuan. Kasi, nabuhay lang ang mga Fariseo para sa kanilang katayuan at kabuhayan, at sawa na at nasuklam sa katotohanan, kaya nang nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus at naparito para gumawa, pinanghawakan pa rin nila sa sarili nilang mga pag-aakala at imahinasyon at kaalaman sa Biblia para protektahan ang sarili nilang katayuan at kabuhayan, at hindi napigil sa pagkalaban at pagtuligsa sa Panginoong Jesus at pagkontra sa Diyos. Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos lubos nating makikita ang pagkamuhi ng mga Fariseo sa katotohanan at kung bakit nila kinalaban ang Diyos.

Set 17, 2019

Ang CCP ay ateistang partido, isang grupong makademonyo na pinakamalupit sa Diyos at sa katotohanan. Ang demonyo ay ang pagsasatao ni Satanas. Ang muling pag-aanyong tao ni Satanas at ng masasamang espiritu ay demonyo, ang mga kalaban ng Diyos. Samakatwid, kapag ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao at gumagawa sa Tsina sa mga huling araw, ang baliw na pagpigil at pang-aapi sa Kanya ng gobyernong CCP, ay hindi maiiwasan. Ngunit ang karamihan sa mga pastor at elder sa mga relihiyon ay mga lingkod ng Diyos na maalam sa Biblia. Hindi lang sa hindi nila hinahanap at pinag-aaralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa halip sila’y humahatol, nagkokondena at galit na galit na kumakalaban. Hindi ito kapani-paniwala! kagulat na kinokondena ng gobyernong CCP ang gawain ng Diyos. Bakit kinakalaban at kinokondena rin ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang gawain ng Diyos?

Sagot: Ang Diyos ay dalawang beses na nagkatawang-tao. Dalawang beses Niyang nakaharap ang mga pagkalaban, pagkondena at pang-aapi ng mga relihiyon at ng mga gobyerno ng mundo. Patunay ito na “Ang totoong daan ay inaapi na noon pa mang unang panahon.” Maraming tao ang hindi makahiwatig sa bagay na ito. Lalo silang hindi makapaniwala sa galit na galit na pagkondena ng mga pinuno ng relihiyon sa gawain ng Diyos. Ang totoo, wala namang kakaiba tungkol dito. Noong una, nang nagpakita ang Panginoong Jesus para gumawa, noon Siya unang galit na galit na kinondena, nilapastangan at inaresto ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ng Judaismo. Ang mga katotohanang ito ay malinaw na nasusulat sa Biblia. Ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo na iyon, ay dapat itinuturo ang Biblia at naglilingkod sa Diyos. Bakit nila kinondena, inapi, at tinugis ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao? Maaari bang dahil sa ang paniniwala nila sa Diyos ay naglayong ipako sa krus ang Panginoong Jesus noong dumating Siya? Talagang hindi. Bakit ginawa nila iyon laban sa Diyos? Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang hiwaga dito. Basahin natin ang ilang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Ago 31, 2019

Nang malaman ng pastor at elder na tinanggap namin ang Makapangyarihang Diyos, walang-tigil ang panggugulo nila sa amin, walang-tigil ang paliwanag nila sa amin sa Biblia. Kahit pabulaanan namin sila, at tanggihan sila, ayaw nila kaming tantanan. Matinding panliligalig ‘yan sa mga mamamayan. Noong araw, kapag nanghihina o negatibo kami, hindi sila ganito kasigasig. Pero ngayon, nang tanggapin na namin ang Makapangyarihang Diyos, galit na galit sila, sa pagbibigay ng pabuya at parusa, panay ang pang-iinis nila sa amin. Parang hindi sila titigil sa kasamaan nila hangga’t hindi nila kami naihuhulog sa impiyerno na kasama nila! Hindi ko lang maintindihan. Ang pastor at elder, bilang mga taong naglilingkod sa Panginoon, at madalas magsalita tungkol sa Biblia, dapat nilang makita na lahat ng salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan. Bakit hindi nila hanapin ang katotohanan? Bakit hindi nila siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa halip na mabangis na tuligsain, kalabanin, at lapastanganin ang Makapangyarihang Diyos? Ginagawa ng pastor at elder ang lahat para hadlangan ang pagtanggap namin sa Makapangyarihang Diyos. Nahihirapan kaming makita ang likas na katangian ng bagay na ito. Pakipaliwanag ito nang kaunti sa amin.

Sagot: Puwede bang hindi mag-alala ang pastor at elder sa pagtanggap n’yo sa Makapangyarihang Diyos? Sa mga mata ng pastor at elder, kayo ang kanilang mga tupa. Naakit kayo ng iba—masakit ito sa pastor at elder. Kung gayo’y kailangan nilang gawin ang lahat para makawala kayo, at pabalikin kayo. Gunitain ang mga pagkakataon na nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus. Ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseong Judio ay walang-pakundangang siniraan, tinuligsa, at nilapastangan ang Panginoong Jesus; ipinako pa nila ang Panginoong Jesus sa krus. Noong panahong iyon siguradong maraming Judiong gustong tumanggap sa Panginoong Jesus. Bakit hindi sila nangahas na tanggapin ang Panginoong Jesus? At hindi rin sila nangahas na sundin ang Panginoong Jesus? Palagay ko madalas na tinakot ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseong Judio ng nananalig na mga Judio, at gumamit pa ng iba’t ibang pamamaraan para hadlangan ang mga tao sa pagtanggap sa Panginoong Jesus. Noong panahong iyon may isang taong nagngangalang Nicodemo. Bakit gabi siya nakikipagkita sa Panginoong Jesus? Siguradong may kaugnayan ‘yon sa sitwasyong ito. Malinaw na nakatala ang mga ito sa Biblia. Sa kasamaang-palad iilang tao lang sa iba’t ibang relihiyon ang nakaunawa sa dahilan ng pagkalaban ng mga Fariseo sa Panginoon. Wala ring nakaunawa sa mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon batay sa mga sinabi ng Panginoong Jesus para hatulan, ilantad, at isumpa ang mga Fariseo. Hindi ba ganito nga ang sitwasyon? Dumating na ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at inilantad na ang dahilan at tunay na sitwasyon ng pagkalaban ng relihiyosong mga Fariseo, pastor, at elder sa Diyos. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Hul 16, 2019

Tanong 4: Lahat ng pastor sa iba’t ibang relihiyon ay pamilyar sa Biblia. Madalas nilang ipaliwanag ang Biblia sa mga iglesia at purihin ang Biblia. Inakala natin palagi ay dapat silang maging mga tao na kilala ang Diyos. Kung gayo’y bakit kaya ang gawain ng Diyos na nagkatawang tao sa mga huling araw ay marahas na tinuligsa at nilabanan ng karamihan sa mga pastor sa iba’t ibang relihiyon? Naniniwala ako na hindi posibleng ang tunay na daan ang tinutuligsa ng karamihan sa mga pastor at pinuno ng iba’t ibang relihiyon!


Sagot: Sa pagsisiyasat kung ito ang gawain ng Diyos, hindi tayo dapat manghusga ayon sa kung tinanggap ito ng karamihan sa mga pinuno ng iba’t ibang relihiyon. Gunitain kung kailan nagpakita ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain. Sino yaong mga nagpako sa Panginoong Jesus sa krus? Hindi ba ang mga pinuno ng mga relihiyon na pamilyar sa Biblia at madalas magpaliwanag ng Biblia sa iba? Ano ang sinasabi sa atin ng tunay na pangyayaring ito? Hindi komo pamilyar ang isang tao sa Biblia at kayang magpaliwanag sa Biblia ay alam na niya ang gawain ng Diyos, at bukod pa riyan ay hindi siya isang tao na tiyak na masasabing kilala ang Diyos.

Hul 2, 2019

Tanong 3: Malinaw na sinabi ni Pablo sa Biblia: “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon ...” (Gawa 20:28). Pinatutunayan nito na ang mga pastor at elder ay hinirang lahat ng Banal na Espiritu. Hindi ba’t ang paghirang ng Banal na Espiritu ay kumakatawan sa paghirang ng Diyos? Hinirang ng Diyos ang mga pastor at elder bilang mga tagapangasiwa sa lahat ng kawan. Hindi maaaring maging mali iyon.


Sagot: Ang ilang kakatuwang tao sa mga relihiyosong lupon ay kadalasang ginagamit nang mali ang mga salita mula sa Biblia upang gumawa ng mga panuntunan. Sinasabi nilang ang mga mapagkunwari Fariseo at ang mga relihiyosong pastor ay hinirang at ginamit lahat ng Diyos. Hindi ba nito labis na nilalabanan at nilalapastangan ang Diyos? Maraming tao ang hindi alam kung paano kumilala. Naniniwala sila sa Panginoon ngunit hindi Siya pinahahalagahan, sa halip ay nagtataguyod ng mga kaloob, katayuan at kapangyarihan, at bulag ding naniniwala at sumasamba sa mga pastor at elder.

Hun 18, 2019

Pagsuri sa Diwa ng mga Fariseo | Tanong 2: Ang mga pastor at elder ay pinili at hinirang ng Panginoon, at silang lahat ay mga taong naglilingkod sa Panginoon. Ang pagsunod sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Panginoon. Kung lalabanan natin at babatikusin ang mga pastor at elder, nilalabanan natin kung gayon ang Panginoon. Tanging mga pastor at elder ang nakakaunawa sa Biblia at kayang ipakahulugan ang Biblia. Tanging sila ang makakapagpastol sa atin. Hangga’t ang sinasabi ng mga pastor at elder ay tumatalima sa Biblia at may batayan sa Biblia, dapat tayong tumugon at sumunod. Hangga’t ang ginagawa ng mga pastor at elder ay tumatalima sa Biblia, dapat nating tanggapin at sundin. Paano iyon magiging mali?


Sagot: Sa relihiyon, iniisip ng ilang tao na ang mga relihiyosong pastor at elder ay napili at itinatag ng Panginoon. Samakatuwid, dapat silang sundin ng mga tao. May batayan ba sa Biblia ang ganitong pananaw? Napatunayan ba ito ng salita ng Panginoon? Mayroon ba itong patotoo ng Banal na Espiritu at kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu? Kung ang lahat ng sagot ay hindi, hindi ba’t kung gayon ang paniniwala ng karamihan na ang mga pastor at elder ay lahat pinili at itinatag ng Panginoon ay galing sa paniniwala at imahinasyon ng mga tao? Isipin natin ang tungkol dito.

Hun 4, 2019

Pagsuri sa Diwa ng mga Fariseo | Tanong 1: Nagpapatotoo kayo na kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, magiging tao muna Siya at darating nang palihim, at pagkatapos gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay, ay bababa sa publiko nang nasa mga alapaap upang magpakita sa harapan ng lahat ng tao. Ang gayong pag-uusap ay may katuturan. Ngunit sa loob ng 2,000 taon, karamihan sa mga mananampalataya sa Panginoon ay naghihintay lahat na Siya ay bumaba nang nasa mga alapaap. Madalas ding sabihin ng mga relihiyosong pastor at elder. Paano tayo magkakamali sa pamamagitan ng paghihintay alinsunod sa propesiya ng Biblia? Ang mga relihiyosong pastor at elder ay mga taong naninilbihan lahat sa Panginoon. Naghihintay silang lahat sa pagbabalik ng Panginoon sa ganitong paraan. Hindi ako naniniwala na ang nagbalik na Panginoon ay iiwanan ang lahat ng mga relihisyong pastor at elder na ito! Imposible iyon!


Sagot: Anong uri ng batayan ang mayroon kayo sa pagsabi ng isang bagay na gaya niyan? Ang sinasabi ba ninyo ay naka-ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus? Nakabatay ba ang mga ito sa mga salita ng Diyos? Kung ang sinasabi ninyo ay ganap na nakabatay sa mga paniniwala’t imahinasyon ng tao, iyon ay hindi pagsunod sa Panginoon! Tingnan natin kung paano hinintay ng mga Fariseo ang pagdating ng Mesias. at kung bakit nila ipinako ang Panginoong Jesus sa krus.

May 10, 2019

Christian Maiikling Dula | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor


Tagalog Maikling Dula | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor


Si Yang Xiangming ay isang manggagawa sa isang denominasyon, at nang matiyak niya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ginagabayan na niya ang ilan niyang kapatid na bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, naligalig ang kanyang pastor, kaya ginagamit ng pastor niya ang katayuan at pera upang tuksuhin siya, at ginagamit din ang kasal ng anak niya upang pagbantaan si Yang Xiangming na talikuran ang tunay na daan.

Mar 23, 2019

Filipino Variety Show| "Ang Aking Ama, ang Pastor" A Debate on the Bible Between Father and Daughter


Filipino Variety Show| "Ang Aking Ama, ang Pastor" A Debate on the Bible Between Father and Daughter (Tagalog Dubbed)


Si Chi Shou, isang relihiyosong pastor na apatnapu't taon nang nananampalataya sa Panginoon, ay palaging nanghawak sa pananaw na "lahat ng salita at gawain ng Panginoon ay nasa Biblia," at "ang paniniwala sa Panginoon ay hindi maaaring lumihis mula sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay nangangahulugang paniniwala sa Panginoon."

Peb 28, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip | (1) Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon



Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosMga Movie Clip |  (1) Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon



Ang Kidlat ng Silanganan—ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay niyanig ang lahat ng sekta at denominasyon, at ibinunyag na ang lahat ng klase ng tao. Mas gusto pa ng maraming mabubuting tupa sa iglesia na dumanas ng di-mapigil na pag-aresto at pagpapahirap ng Chinese Communist Party para lang mahanap at masiyasat ang Kidlat ng Silanganan. Gayunman, naniniwala ang ilang tao sa mga salita ng mga pastor at elder at pilit na tumatangging siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, samantalang ayaw namang maglakas-loob ng iba, kahit alam na alam nila na pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan ang katotohanan, na hanapin at siyasatin ito sa takot na pahirapan sila ng Chinese Communist Party.

Peb 6, 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip | Bakit Hinahatulan ng mga Pastor at Elder ang Kidlat ng Silanganan



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip | Bakit Hinahatulan ng mga Pastor at Elder ang Kidlat ng Silanganan


Bakit kinakalaban at hinahatulan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Makapangyarihang Diyos? Kasi galit sila at hindi nila matanggap ang katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Kaya tinatanggihan, hinahatulan at kinakalaban nila si Cristo. Inilalantad nito ang napakasamang diwa nila na galit sa katotohanan. Ang katotohanang ipinapahayag ni Cristo ay lubhang makapangyarihan at may awtoridad. Mapupukaw at maililigtas nito ang sangkatauhan at matutulungan din ang mga tao na makaalpas sa lahat ng puwersa ni Satanas at makabalik sa Diyos.

Ene 26, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Christian Crosstalk | Sinabi ng Aming Pastor …



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Christian Crosstalk | Sinabi ng Aming Pastor …


Si Yu Shunfu ay naniniwala sa relihiyosong mundo na humahanga at sumasamba sa mga pastor at elder. Iniisip niya na "lahat ng pastor at elder ay itinatag ng Diyos, at ang pagsunod sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Diyos," kaya nakikinig siya sa kanyang pastor sa lahat ng ginagawa niya, maging sa usaping pagsulubong sa pagbabalik ng Panginoon. Ngunit sa isang matalinong debate, mababatid ni Yu Shunfu na ang pagsunod sa mga relihiyosong palagay ay kalokohan at di-makatwiran, at sa wakas ay nababatid na niyang ang pagdakila sa Diyos ay dumarating una sa paniniwala, at dapat ilaan ng isang tao ang "templo" ng puso para sa Diyos.

Ene 24, 2019

The bible tagalog movies | Maliligtas ba ang Isang Tao sa Pananalig sa Panginoon sa Loob ng Relihiyon?



The bible tagalog moviesMaliligtas ba ang Isang Tao sa Pananalig sa Panginoon sa Loob ng Relihiyon?


Sa relihiyon, maraming taong naniniwala na, kahit hawak ng mga pastor at elder ang kapangyarihan sa relihiyon at ginagaya ang ginawa ng mga ipokritong Fariseo, kahit tinatanggap at sinusunod nila ang mga pastor at elder, nananalig sila sa Panginoong Jesus, hindi sa mga pastor at elder, kaya paano masasabi na ginagaya nila ang mga Fariseo?

Ene 14, 2019

Tagalog Christian Movie | Pagbubunyag sa Katotohanan ng mga Paliwanag ng mga Pinuno ng Relihiyon sa Biblia (2)


Tagalog Christian Movie | Pagbubunyag sa Katotohanan ng mga Paliwanag ng mga Pinuno ng Relihiyon sa Biblia (2)


Madalas ipaliwanag ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Biblia sa mga tao at hinihikayat silang manghawakan sa Biblia. Sa paggawa nito, talaga bang pinupuri at pinatototohanan nila ang Panginoon? Hindi ito maunawaan ng karamihan sa mga tao. Pinupuri ng mga pastor at elder ang mga salita ng tao na nasa Biblia, ginagamit ang mga salita ng tao na nasa Biblia para palitan at suwayin ang mga salita ng Panginoon, at hinihikayat ang mga tao na maniwala sa mga pamahiin at sambahin ang Biblia, kaya kapag ginawa ng Diyos ang bago Niyang gawain, Biblia lang ang alam ng maraming at hindi nila kilala ang Diyos, hanggang sa ipako na nila sa krus ang Diyos na nagkatawang-tao alinsunod sa Biblia.

Nob 9, 2018

Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?

Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?


Sagot: Ang pangunahing ibig sabihin ng paglala ng katampalasanan ay ang pagsuway ng mga pinuno at pastor ng relihiyon, at mga elder sa kalooban ng Diyos at sa halip ay pagtahak sa sarili nilang daan. Hindi nila sinusunod ang mga utos ng Diyos, at binibigyan nila ng maling kahulugan ang Biblia para igapos, kontrolin, at linlangin ang mga tao, nilulunod sila sa teolohiya ng biblia, at inilalayo sila sa Diyos, ginagawa ang mga iglesia na mga lugar ng ritwal panrelihiyon, at itinuturing nila ang kanilang mga responsibilidad at tungkulin bilang paraan tungo sa katayuan at kita, na dahilan para gumawa ang marami ng mga mapagpaimbabaw na gawaing tumututol sa Diyos sa iglesia. Maraming tao ang nagbunyag sa kanilang mga sarili bilang mga hindi mananampalataya. Hinahanap nila ang mga makamundong kasiyahan, lumalayo sa daan ng Panginoon , at itinuturing pa ang mga salita ng Diyos bilang mga kuwentu-kuwento lang. Hindi talaga sila naniniwala na babalik muli ang Panginoong Jesus para magsalita at magsagawa ng gawain.

Okt 2, 2018

Christian Movie | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus


Christian Movie | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus


Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia.

Set 29, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Pagsaliksik sa Dahilan ng Mapapanglaw na Iglesia"



Tagalog Christian Movie Clips | "Pagsaliksik sa Dahilan ng Mapapanglaw na Iglesia"


Sa nakalipas na mga taon, ang mundo ng relihiyon ay mas lalong pumapanglaw at mas lalong dumarami ang kasamaan, ang mga pastor at elder ay wala nang maipangaral at nawala na ang gawain ng Banal na Espiritu.