Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Hul 26, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang Awa ng Diyos sa Tao Kailanma'y Hindi Tumigil



I
Ang habag ng Lumikha ay
di hungkag na kasabihan, ni pangakong napapako.
Mayroon itong mga prinsipyo at layunin,
tunay at totoo, walang pagkukunwari.
Ang Kanyang awa ay ipinapagkaloob
sa sangkatauhan sa lahat ng panahon.
Datapwa't ang salita ng Lumikha kay Jonas ay nananatiling
ang natatangi Niyang pahayag kung bakit Siya ay mahabagin,
at kung paano Nya ipinapakita ito,
kung gaano Sya magpaubaya sa tao,
at ang tunay Nyang damdamin sa kanila.

Poot ng Diyos madalas sapitin ng tao,
nguni't awa Nya'y di kailanman tumitigil.
Nang mayro'ng awa, Sya'y gumagabay,
nangunguna, nagbibigay, umaalalay sa tao,
sa bawat salinlahi, at sa bawat kapanahunan.
Pag-ibig Nya sa tao'y di nagbabago,
pag-ibig Nya'y di kailanman magbabago!
II
Ang pag-uusap ng Diyos na si Jehova
ay nagpapakita ng Kanyang buong kaisipan sa sangkatauhan,
isang pagpapahayag ng Kanyang puso
at patunay ng Kanyang masaganang awa sa sangkatauhan,
hindi lamang ipinagkaloob sa mga ninuno,
nguni't maging sa mga inapo,
tulad nuon at gayun din sa isang salinlahi
hanggang sa susunod.

Poot ng Diyos madalas sapitin ng tao,
nguni't awa Nya'y di kailanman tumitigil.
Nang mayro'ng awa, Sya'y gumagabay,
nangunguna, nagbibigay, umaalalay sa tao,
sa bawat salinlahi, at sa bawat kapanahunan.
Pag-ibig Nya sa tao'y di nagbabago,
pag-ibig Nya'y di kailanman magbabago!

Pag-ibig Nya sa tao'y di nagbabago,
pag-ibig Nya'y di kailanman magbabago!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Tagalog Gospel Songs

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento