Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang mga kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa alinmang yugto ng gawaing ito ang umalis sa Israel; ang mga iyon ay ang mga yugto ng gawain na isinakatuparan sa gitna ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng pagpapapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang iba pang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na nagtutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ago 3, 2019
Hul 26, 2019
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang Awa ng Diyos sa Tao Kailanma'y Hindi Tumigil
I
Ang habag ng Lumikha ay
di hungkag na kasabihan, ni pangakong napapako.
Mayroon itong mga prinsipyo at layunin,
tunay at totoo, walang pagkukunwari.
Ang Kanyang awa ay ipinapagkaloob
sa sangkatauhan sa lahat ng panahon.
Datapwa't ang salita ng Lumikha kay Jonas ay nananatiling
ang natatangi Niyang pahayag kung bakit Siya ay mahabagin,
at kung paano Nya ipinapakita ito,
kung gaano Sya magpaubaya sa tao,
at ang tunay Nyang damdamin sa kanila.
Poot ng Diyos madalas sapitin ng tao,
nguni't awa Nya'y di kailanman tumitigil.
Hul 21, 2019
Tagalog Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" | Napakasayang Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos
Tagalog Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" | Napakasayang Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos
Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan,
para ito sa buong bayan ng Diyos.
Naglalakad at nagsasalita si Cristo sa iglesia
at nabubuhay kasama ng bayan ng Diyos.
Narito ang paghatol at pagkastigo ng Diyos,
gayundin ang gawa ng Banal na Espiritu.
Mga etiketa:
Hymn Videos,
Kasiyahan,
pag-ibig ng Diyos,
Pagsamba,
Papuri
Hun 8, 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag
Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag
Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod lamang sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; iginagalang lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya hinahangaan nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad.
Mar 24, 2019
Tagalog Worship Songs | "Tinunaw ng Pag-ibig ng Diyos ang Aking Puso"
Tagalog Worship Songs | "Tinunaw ng Pag-ibig ng Diyos ang Aking Puso"
Naririnig ko ang Iyong mabait na tawag,
bumabalik ako sa Iyong harapan.
Sa Iyong mga salita naliliwanagan,
nakikita ko ang aking katiwalian.
Set 25, 2018
Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos (Salita ng Buhay)
Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos (Salita ng Buhay)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya hindi kasing-simple ng sinasabi ng tao ang pananampalataya sa Diyos. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lang ngunit wala ang salita Niya bilang iyong buhay;
Mga etiketa:
buhay,
katotohanan,
Mga Pagbasa,
pag-ibig ng Diyos,
paniniwala,
salita ng Diyos
Mar 26, 2018
Kanta ng Papuri Tagalog | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyos
Hoy, mga kapatid, tayo’y umawit at sumayaw upang purihin ang Diyos!
Okey!
I
Mga kapatid, kumilos at sumayaw;
Huwag maalangan o mahiya.
Di alintana ng Diyos kung kilos mo’y di maganda,
tanging pagpupuring totoo ang nakasisiya sa Kanya.
Kung ibig mong purihin Siya nang buo mong puso,
isaisantabi ang ‘yong hiya at kumilos sa pagsayaw.
Di alintana ng Diyos kung ga’no tayo katanda, o ga’no karaming taong nakatayo.
Taos na pagpupuri’y nagpapalaya sa espiritu natin. Ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos.
Ang ating taos pusong pagpuri sa Diyos ay nagbibigay kasiyahan,
Ang biyaya ng Diyos ay tiyak na ipinagkaloob sa atin.
Okey!
I
Mga kapatid, kumilos at sumayaw;
Huwag maalangan o mahiya.
Di alintana ng Diyos kung kilos mo’y di maganda,
tanging pagpupuring totoo ang nakasisiya sa Kanya.
Kung ibig mong purihin Siya nang buo mong puso,
isaisantabi ang ‘yong hiya at kumilos sa pagsayaw.
Di alintana ng Diyos kung ga’no tayo katanda, o ga’no karaming taong nakatayo.
Taos na pagpupuri’y nagpapalaya sa espiritu natin. Ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos.
Ang ating taos pusong pagpuri sa Diyos ay nagbibigay kasiyahan,
Ang biyaya ng Diyos ay tiyak na ipinagkaloob sa atin.
Mar 18, 2018
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Gospel Movie | "Saan Ang Aking Tahanan" [Trailer]
Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan. Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa. Nang lumaki si Wenya, siya ay naging napaka-ingat at masunurin, at nag-aral nang mabuti. Ngunit noong siya’y nagsisikap pa lamang sa paghahanda para sa eksamen para sa pagpasok sa kolehiyo, dumating sa kanya ang mga kasawian: nagkaroon ng pagdurugo sa utak ang kanyang ina at naging paralisado at naratay. Inabandona ng kanyang madrasto ang kanyang ina at kinamkam pa ang lahat ng kanyang ari-arian, at pagkatapos, ang kanyang itay ay naospital dahil sa kanser sa atay…. Hindi makayanan ni Wenya ang lahat ng responsibilidad sa kanyang pamilya, kaya dumulog siya sa mga kamag-anak at kaibigan, ngunit tinanggihan siya. …
Rekomendasyon:
Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Mga etiketa:
Diyos,
iglesia,
Jesus,
pag-ibig ng Diyos,
Trailers
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)