Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Okt 4, 2019

Bagama’t hawak ng mga pastor at elder ang kapangyarihan sa mga relihiyosong grupo at sinusundan nila ang ginawa ng mapagpaimbabaw na mga Fariseo, nananalig kami sa Panginoong Jesus, at hindi sa kanila, kaya paano mo masasabi na sinusundan din namin ang yapak ng mga Fariseo? Hindi ba kami talaga maliligtas sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos na nakapaloob sa relihiyon?

Sagot:

Maraming tao sa relihiyon na pikit-matang naniniwala at sumasamba at sumusunod sa mga Fariseo. Kaya landas man ng mga Fariseo ang tinatahak nila, malinaw iyan kung inisip natin ito. Sabi mo, sinasamba at pinoprotektahan mo ang mga Fariseo sa puso mo pero wala kang kinalaman sa mga kasalanan nila? Sabi mo, sinusunod mo ang mga ipokritong Fariseo, pero hindi ka katulad nila, na kumakalaban sa Diyos? Hindi pa rin ba natin mauunawaan ang gayon kasimpleng tanong? Ang uri ng taong sinusunod natin ay ang uri ng landas na tinatahak natin. Kung sinusundan natin ang mga Fariseo, tumatahak tayo sa landas nila. Kung tumatahak tayo sa landas ng mga Fariseo, natural katulad din tayo ng mga Fariseo. Sinuman ang sinusundan natin at alinmang landas ang pinipili natin, may kaugnayan iyan sa ating pagkatao. Sinumang sumusunod sa mga Fariseo ay katulad ng pagkatao at ugali ng mga Fariseo. Hindi iyan maikakaila! Ang tunay na diwa ng mga Fariseo ay pagka-ipokrito. Nanalig sila sa Diyos pero hindi nila mahal ang katotohanan o hinangad ang buhay. Nanalig lang sila sa isang malabong Diyos sa langit at sa sarili nilang mga pag-aakala at imahinasyon, pero hindi nila pinaniwalaan o tinanggap ang Cristo na nagkatawang-tao. Sa madaling salita, lahat sila’y walang pananalig. Ang pananalig nila sa Diyos ay pagsasaliksik sa teolohiya at pagturing sa pananampalataya sa Diyos bilang isang uri ng kaalaman sa pagsasaliksik. Ang kanilang kabuhayan ay nakadepende sa pagsasaliksik sa Biblia at teolohiya. Sa puso nila, ang Biblia ang kanilang kabuhayan. Akala nila kapag mas magaling silang magpaliwanag sa kaalaman sa Biblia at teoryang teoholikal, mas maraming taong sasamba sa kanila at mas mataas at mas matatag silang makakatayo sa pulpito, at mas matatag ang kanilang magiging katayuan. Kasi, nabuhay lang ang mga Fariseo para sa kanilang katayuan at kabuhayan, at sawa na at nasuklam sa katotohanan, kaya nang nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus at naparito para gumawa, pinanghawakan pa rin nila sa sarili nilang mga pag-aakala at imahinasyon at kaalaman sa Biblia para protektahan ang sarili nilang katayuan at kabuhayan, at hindi napigil sa pagkalaban at pagtuligsa sa Panginoong Jesus at pagkontra sa Diyos. Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos lubos nating makikita ang pagkamuhi ng mga Fariseo sa katotohanan at kung bakit nila kinalaban ang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Gusto ba ninyong malaman ang ugat kung bakit kinalaban ng mga Fariseo si Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman, at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang magbigay ng walang-saysay na parangal sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng pananalig nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito?” (“Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Sa nakalipas, noong hindi pa nagiging tao ang Diyos, maaaring ikaw ay naging isang relihiyosong personalidad o isang debotong mananampalataya. Pagkatapos na ang Diyos ay naging tao, marami sa gayong mga debotong mananampalataya ay hindi namamalayang naging anticristo. Alam mo ba kung ano ang nangyayari dito? Sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi ka nagtutuon ng pansin sa realidad o naghahangad sa katotohanan, bagkus ay nahuhumaling sa mga kabulaanan—hindi ba ito ang pinakamalinaw na pinagmumulan ng iyong alitan sa Diyos na nagkatawang-tao? Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, kaya hindi ba ang lahat ng hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ay anticristo?” (“Yaon Lamang mga Nakakakilala sa Diyos at Nakakaalam sa Kanyang Gawain ang Makakapagbigay-kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinapakita niyan na talagang sawa na at kinamumuhian ng mga relihiyosong Fariseo ang katotohanan. Naniniwala lang sila sa sarili nilang mga pag-aakala at imahinasyon. Naniniwala lang sila sa mga teoryang teolohikal na sinaliksik at binuo nila mismo, pero hindi sila nananalig kay Cristo na nagkawatang-tao o sa mga katotohanang ipinahayag Niya. Lahat sila’y kaaway ng Diyos na nagkatawang-tao. Lahat sila ay mga anticristong nalantad ng gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw! Ang mga sumusunod sa kanila ay katulad nila, na pinanghahawakan pa rin ang kanilang mga pag-aakala at imahinasyon at kaalaman sa Biblia at teoryang teolohikal. Sinusundan nila sila sa pagtangi, pagkalaban at pagtuligsa kay Cristo, at ayaw nilang tanggapin ang katotohanan at itinuturing na kaaway si Cristo! Sapat na ang mga iyan para patunayan, sa kalikasan at diwa, na ang sinumang sumusunod sa mga Fariseo ay sawa na rin at namumuhi sa katotohanan! Ang landas na tinatahak nila ay ang mismong landas ng mga Fariseo. Katulad sila ng mga Fariseo at kinokontra nila si Cristo! Makikita ng lahat na totoo ito. Lubos na itong nailantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw!

Sa relihiyon, maraming taong nananalig sa Diyos na kontrolado ng mga Fariseo, lubos silang sumusunod at nakikinig sa kanila. Gaya nila, Biblia at teolohiya lang ang pinag-aaralan nila, nakatuon lang sila sa pag-unawa sa kaalaman sa Biblia at teoryang teolohikal, at hindi sila nagtuon kailanman sa paghahanap ng katotohanan o pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon. Gaya ng mga Fariseo, nananalig lang sila sa isang malabong Diyos sa langit, pero hindi sa Cristong nagkatawang-tao sa mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos. Gaano man kalaki ang awtoridad at kapangyarihan ng mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, pilit pa rin nilang pinanghahawakan ang mga pag-aakala at imahinasyon nila, at sumusunod sa mga pastor at elder sa pagkalaban at pagtuligsa sa Makapangyarihang Diyos. Hindi na kailangang sabihin na sila ang uri ng mga tao na katulad ng mga Fariseo, at tumatahak sa landas ng mga Fariseo na kumakalaban sa Diyos. Kahit hindi sila sumusunod sa mga Fariseo, kapareho pa rin sila ng mga Fariseo at mga inapo din ng mga Fariseo dahil pareho ang kalikasan at kakanyahan nila. Lahat sila ay walang pananalig at sarili lang nila ang pinaniniwalaan pero hindi nila mahal ang katotohanan! Mga anticristo sila na nasusuklam sa katotohanan at kontra kay Cristo! Tulad ng inihayag ng Makapangyarihang Diyos, “Umiiral sa iglesia ang maraming tao na walang pagtalos. Kapag ang isang mapanlinlang na bagay ay nangyayari, naninindigan lamang sila sa panig ni Satanas, at kapag tinawag sila na mga sunud-sunuran kay Satanas ay nadarama pa nila na masyado silang minamasama. At maaaring sabihin ng isa na wala silang pagtalos, nguni’t palagi silang naninindigan sa panig ng walang katotohanan; hindi pa nagkaroon ng kahit isang alanganing pagkakataon na sila’y nanindigan sa panig ng katotohanan, wala kahit isang pagkakataon nang sila’y nanindigan at nakipagtalo para sa katotohanan-kaya wala ba talaga silang pagtalos? Bakit palagi silang naninindigan sa panig ni Satanas? Bakit hindi sila kailanman nagsasabi ng isang salita na makatarungan o makatwiran para sa katotohanan? Ang kalagayan bang ito ay talagang nilikha ng kanilang panandaliang pagkalito? Mas kaunti ang pagtalos ng mga tao, mas hindi sila nakakapanindigan sa panig ng katotohanan. Ano ang ipinakikita nito? Hindi ba nito ipinakikita na yaong mga walang pagtalos ay umiibig sa kasamaan? Hindi ba nito ipinakikita na yaong mga walang pagtalos ay mga tapat na anak ni Satanas? Bakit ba palagi silang nakakapanindigan sa panig ni Satanas at sinasalita ang kaparehong wika nito? Ang kanilang bawat salita at gawa, at ang kanilang mga ekspresyon ng mukha ay sapat na patunay na sila ay hindi anumang uri ng mangingibig ng katotohanan, bagkus, sila ay mga taong namumuhi sa katotohanan” (“Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Hindi ba iyan ang totoo? Kapag sumunod ang mga tao sa relihiyon sa mga pastor at elder, hindi lang sila nakikinig sa mga ito kundi ginagawa nila ang lahat para protektahan sila; kapag may narinig silang naglalantad sa mga pastor at elder ng mga relihiyon, hindi sila mapapanatag at ipagtatanggol nila ang mga pastor at elder. Ano ang problema rito? Hindi pa ba ito sapat para patunayan na mga pastor at elder lang ang nasa puso nila at wala silang lugar para sa Diyos? Sa puso ng mga taong ito, mas mataas ang mga pastor at elder ng mga relihiyon kaysa sa Diyos. Ano ang ipinapakita nito? Kapag kinakalaban ng tao ang Diyos, kaunti lang ang nagtatanggol sa Diyos. Kaunti lang ang maninindigan at magpapatotoo sa Diyos. Pero kapag nalantad na ang ugaling Fariseo ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, bakit napakaraming taong humihingi ng katarungan para sa kanila at nagtatanggol sa kanila? Sapat na iyan para patunayan na masunurin silang mga inapo ng mga Fariseo. Mga kasabwat at utusan sila ng mga anticristo! Hindi iyan maitatatwa ng sinuman!

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Anong klaseng lugar ang relihiyon? Iyan ang mundo ng mga Fariseo, ang dating pugad ng mga anticristo! Nangangarap lang tayo kapag inisip natin na maliligtas tayo sa pananalig sa Diyos doon! Bakit hindi tayo maliligtas kung nananalig tayo sa Diyos sa relihiyon? Ang pangunahing dahilan ay, nang isagawa ng Diyos ang bagong gawain sa mga huling araw, nailipat na ang gawain ng Banal na Espiritu sa bagong gawain ng Diyos, kaya naman nawala sa mga relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu, na naging kasukalan. Gayundin, lubos nang kontrolado ng mga ipokritong Fariseo at anticristo ang mga relihiyon, at matagal nang naging lugar na kumakalaban sa Diyos. Hindi lang sa hindi kumikilos ang Banal na Espiritu sa relihiyon, wala rin doon ang Diyos na nagkatawang-tao para gumawa. Samakatwid, hindi natin mararanasan ang gawain ng Diyos ng mga huling araw sa pananalig sa Kanya sa relihiyon. Hindi nila makakain, maiinom at matatamasa ang mga salita ng Diyos sa mga huling araw, kaya natural na bumagsak sila sa kadiliman. Kung hindi natin hinahanap at sinisiyasat ang tunay na daan ngayon, napakadaling bumagsak sa kasukalan at hindi matanggap ang pagliligtas ng Diyos! Tayo na bumagsak sa kasukalan ng mga relihiyon ay pinanghahawakan lang ang Biblia sa oras ng mga miting at hindi magtatamasa ng mga salita ng Diyos sa ngayon. Kung hindi sa gawain at patnubay ng Banal na Espiritu, malabo ang Diyos na pinaniniwalaan natin. Lahat ng sinasabi natin sa mga miting ay tungkol sa mga talaan ng gawain ng Diyos at mga pagbigkas sa Biblia noong araw. Paano natin matatamo ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw at matatanggap ang Kanyang pangako? Tulad noong magsimulang gumawa ang Panginoong Jesus sa labas ng templo. Naging magulong kasukalan ang templo, isang lungga ng mga magnanakaw. Dahil hindi nila sinunod ang gawain ng Panginoong Jesus, ang mga nanatili sa templo ay pinanghawakan pa rin ang mga lumang kautusan at panuntunan, at hindi nailigtas ng Panginoon. Gayundin, ngayong mga huling araw, naisagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang paghatol simula sa tahanan ng Diyos, na nagpapahayag ng mga katotohanan para hatulan at linisin ang sangkatauhan, para makawala ang tao sa tiwaling disposisyon at mga impluwensya ni Satanas at mailigtas ng Diyos, at magawang perpekto ng Diyos at maging mananagumpay at tuwirang madala sa Kanyang kaharian. Magandang pagkakataon iyan! Kung hindi susunod ang tao sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, hindi sila tatanggap ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay walang presensiya ng Diyos, at, higit sa lahat, salat sa mga pagpapala at pag-iingat ng Diyos. Ang karamihan sa kanilang mga salita at mga pagkilos ay nakaayon sa mga nakalipas na mga kinakailangan ng gawain ng Banal na Espiritu; ang mga ito ay doktrina, hindi katotohanan. Ang gayong doktrina at alituntunin ay sapat na upang patunayan na ang nag-iisang bagay na nagtitipon sa kanila ay relihiyon; hindi sila ang mga hinirang, o ang mga pinag-uukulan ng gawain ng Diyos. Ang pagtitipon nilang lahat na magkakasama ay matatawag lamang na maringal na kongreso ng relihiyon, at hindi matatawag na iglesia. Ito ay isang katunayan na hindi mababago. Wala sa kanila ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; ang kanilang ginagawa ay tila samyo-ng-relihiyon, ang kanilang isinasabuhay ay tila sagana sa relihiyon; hindi sila nagtataglay ng presensiya at gawain ng Banal na Espiritu, lalo nang hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng disiplina o kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Lahat ng taong ito ay mga walang-buhay na bangkay, at mga uod na walang pagka-esprituwal. Wala silang kaalaman sa pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, walang kaalaman sa lahat ng masasamang gawa ng tao, lalong wala silang kaalaman sa lahat ng gawain ng Diyos at kasalukuyang kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang alam, mabababang tao, sila ay mga hamak na hindi nararapat tawaging mananampalataya!” (“Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Cristo ay ang mga pinakahibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng daan ng buhay na inihatid ni Cristo ay mga ligaw sa guni-guni. At sa gayon sinasabi Ko na ang mga tao na hindi tumatanggap sa Cristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sumunod sa Kanyang paraan. Hindi mo dapat isipin lang ang pagtanggap ng mga pagpapala nang hindi tumatanggap ng katotohanan, o tinatanggap ang tustos ng buhay. Dumarating si Cristo sa mga huling araw upang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya ay maaaring mabigyan ng buhay. Ang Kanyang gawain ay para sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa isang bago, at ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kapag wala kang kakayahang kilalanin Siya, at bagkus ay isinusumpa, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon nakatakda kang masunog magpakailanman, at hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Diyos” (“Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinapakita niyan na lahat ng ayaw tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at ayaw sumunod sa gawain at mga salita ng Diyos ay kasusuklaman ng Diyos. Kaya, ang mga nananalig na nananatili sa mga sambahan ay natural na nawalan ng patnubay ng Diyos at hindi matamo ang mga salita ng Diyos ngayon. Mahuhulog lang sila sa kadiliman at maaalis, at hindi ililigtas ng Diyos ng mga huling araw. Tulad noong Kapanahunan ng Biyaya, pinanghawakan pa rin ng mga tao ang gawain at mga regulasyon mula sa Kapanahunan ng Kautusan, at natural na hindi nailigtas ng Panginoong Jesus. Sa Kapanahunan ng Kaharian, kapag pinanghahawakan pa rin natin ang gawain at mga regulasyon mula sa Kapanahunan ng Biyaya, natural na pababayaan at aalisin tayo ng Diyos at hindi maliligtas sa kaharian ng langit! Hindi iyan mababago ng sinuman!

Nananalig sa Diyos sa relihiyon, nais ng mga tao na bigyang-kasiyahan si Satanas at ang mga anticristo sa isang banda at nais pa ring tumanggap ng pagliligtas ng Diyos sa kabilang banda—posible ba iyan? Ang mga relihiyon ay kontrolado ng mga ipokritong Fariseo at ng mga pastor at elder ng mga relihiyon. Ang realidad ay kontrolado ito ng mga anticristong ito na kontra sa Diyos. Napatunayan na iyan! Kapag gumagawa at nangangaral ang mga pastor at elder, hindi sila kailanman nakatuon sa pagpapaliwanag o pagpapatotoo sa mga salita ng Panginoon, o nagpapatotoo sa gawain ng Diyos at sa Kanyang disposisyon sa Biblia. Nakatuon lang sila sa pagpapaliwanag sa mga salita ng tao sa Biblia at pinapalitan ng mga salita ng tao ang mga salita ng Diyos sa Biblia at binabalewala ang mga ito, kaya sinusunod ng lahat ng tao ang mga salita ng tao at iwinawaksi ang mga salita ng Diyos. Bukod diyan, nakatuon din sila sa pagpapaliwanag sa kaalaman sa Biblia at teoryang teolohikal, mga tauhan sa Biblia, kasaysayan, at iba pa. Ipinaliliwanag nila ang mga bagay na ito para magpasikat at sambahin natin sila, inaakay tayong sundan at sambahin ang tao at kalabanin ang Diyos. Lalo na kapag pumarito ang Makapangyarihang Diyos para gumawa sa mga huling araw, galit na kinakalaban at tinutuligsa nila ang Makapangyarihang Diyos, at ginagawa ang lahat para pigilan at higpitan ang mga tao sa paghahanap at pagsisiyasat sa tunay na daan, at nagiging hadlang para hindi namin tanggapin ang mga katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos at hindi kami hinayaang tanggapin ang panustos ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Hinahayaan lang nilang tanggapin namin ang kanilang mga maling paniniwala at teoryang ideolohikal. Kaya nga, kapag nananalig tayo sa Diyos sa mga sambahang kontrolado ng mga Fariseo at anticristo, at tinatanggap natin ang mga turo ng mga relihiyosong Fariseo, lahat ng ating ideya at opinyon, pananaw, pagpapasiya, at kakayahang tumanggap ay lahat inimpluwensyahan at apektado. Mas lalong sumasama ang ating kalooban at napapalayo tayo sa Diyos. Kapag pumaparito ang Makapangyarihang Diyos para gumawa sa mga huling araw, nakagapos at kontrolado tayo ng mga relihiyosong Fariseo at anticristo, kaya hindi natin marinig ang aktuwal na pagbigkas ng Diyos o matamasa ang kaloob na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan ng Diyos. Sa gayon, hindi tayo maliligtas ng Diyos ng mga huling araw. Ang mas nakakatakot pa, kahit nananalig tayo sa Diyos sa relihiyon, ang sinusunod natin ay mga tao, mga anticristo, at ginagawa natin ang ginawa mismo ng mga Fariseo at anticristo. Pagkaraan ng ilang sandali, likas tayong nagiging mga Fariseo. Paano pa tayo magiging mga tao na sumusunod sa kalooban ng Diyos at makakapasok sa kaharian ng langit? Imposible iyan. Ang ugali ng mga relihiyon ngayon ay lubos nang nahayag sa pamamagitan ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Ang mga relihiyon ay hindi ang kaharian ng langit; iyon ang dating pugad ng mga anticristo. Iyon ay isang matibay na balwarteng kumakalaban sa Diyos, isang napakasamang kahariang kontra sa Diyos! Kaya naman hindi tayo naliligtas sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos sa relihiyon. Kahit mahal natin ang katotohanan, kung ayaw nating tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, hindi natin matatamo ang panustos ng mga salitang ipinahayag ng Cristo ng mga huling araw at hindi rin tayo maliligtas ng Diyos!

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento