Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Nob 4, 2019

Pamilya:Ang Pagsasama ng Mag-asawa ay Hindi na Usapin


Ni Wang Ran , Singapore

Isang Magandang Pangarap

Nang siya ay wala pang asawa, si Wang Ran ay laging nanghahawak sa isang magandang pangarap—umaasa na pagkatapos maikasal, siya at ang kanyang asawa ay magkakasundo, kapwa magpapakita ng pagtitimpi, magsasama habambuhay, at sabay na tatanda. Sa panahong iyon malaki ang tiwala ni Wang Ran sa kanyang sarili; dama niya na siya ay isang tao na may mabuting ugali na nakakasundo ang iba. Ngunit hindi umayon ang realidad sa pinangarap ni Wang Ran—pagkatapos maikasal, unti-unting kinain ang kanyang pangarap ng napakaraming di-pagkakasundo na lumitaw sa pagitan nilang mag-asawa.

Sunud-sunod na Pagtatalo ng Mag-asawa

Noong sila ay bagong kasal, nagagawa pa ni Wang Ran at ng kanyang asawa na kapwa maging mapagpaubaya at mapagparaya, ngunit pagkatapos ng ilang panahon, ang lahat ng uri ng mga problema at pagtatalo ay napagkikita na. Si Wang Ran ay isang taong malinis talaga—nagwawalis siya ng maraming beses sa isang araw, at kahit mayroong lamang isang hibla ng buhok sa lapag pupulutin niya ito. Ang lahat ng kanyang mga pag-aari ay buong ingat niyang isinasaayos; ang mga ito ay hindi kailanman nakakalat. Itinuturing ni Wang Ran ang ganito bilang isang magandang gawi, at na ang mga tao ay hindi maaaring mabuhay nang maginhawa maliban ng ang kanilang tirahan ay malinis at masinop. Kaya, hinihimok din niya ang kanyang asawa na maging masinop ayon sa kanyang sariling mga pamantayan. Sa bawat pagkakataon na aalis siya ng bahay at babalik pagkatapos ng ilang araw, ang una niyang titingnan ay kung gaano kalinis ang bahay; kung hindi ito gayon kalinis, tatalakan niya ang kanyang asawa: “Bakit hindi ka naglinis? Ano ba ang ginagawa mo sa bahay sa maghapon? Masyado kang tamad!” Ang kanyang asawa ay hindi susuko sa harap ng mga panlalait ni Wang Ran, bagkus ay pagalit na sasabihin: “Ang bahay ay hindi naman gayon kadumi. Ano pa ba ang dapat linisin? Nahuhumaling ka masyado sa kalinisan….” Pagkarinig sa mga salitang ito mula sa kanyang asawa, lalong magagalit si Wang Ran at iisipin: “Gusto ko lang na maging malinis nang kaunti ang lugar upang makapamuhay tayo nang maginhawa. Paano naging mali iyon? Maliwanag na ikaw ay tamad lang at ayaw maglinis, ngunit isinisisi mo ito sa akin! Naniniwala si Wang Ran na siya ay tama at hindi handang magpakita ng anumang kahinaan, kaya patuloy siyang nakipagtalo sa kanyang asawa. Sa ganitong paraan, wala sa kanila ang magpaparaya, ang bawat isa ay nanghahawak sa kanilang sariling mga ideya hanggang umabot sa puntong ni hindi sila magpapansinan—ito ang simula ng di-pagkikibuan sa pagitan nila. Dama ni Wang Ran na siya ay ginawan talaga ng mali, naniniwala na hindi siya isinasaalang-alang ng kanyang asawa at ayaw magkaroon ng bahagi sa gawaing bahay.

Maraming magkakatulad na pangyayari sa kanilang pang-araw-araw na buhay. May mga panahon na ang pagluluto ng kanyang asawa ay hindi nagugustuhan ni Wang Ran, at tatalakan niya ito: “Bakit ka maglalagay ng kaunting toyo sa putaheng ito? Mas napabuti sana kung dinamihan mo ng toyo—hindi ito masarap sa kaunting toyo. At ang putaheng ito, nilagyan mo sana ito ng kaunting asukal….” Habang nagsasalita siya, lalo niyang nadadama na tama siya, iniisip na kung nagawa ito sa paraang gusto niya, naging mas masarap sana ang pagkain. Subalit pagkarinig sa pagtatalak ni Wang Rang, galit na tumugon ang kanyang asawa: “Kung gusto mo itong kainin, kainin mo. Kung ayaw mo, huwag kainin kung gayon. Bakit napakarami mong reklamo?” Ang kaniyang nakasasakit, at hindi magandang pananalita ay nagpalungkot talaga kay Wang Ran. Naisip niya: “Ang pagkaing iniluluto mo ay hindi masarap. Ano ang mali kung babanggitin ko ito? Isa pa, ako palagi ang naghahanda ng pagkain, kaya alam ko kung paano ito dapat lutuin. Dapat kang makinig sa akin, ngunit hindi lamang sa hindi ka makikinig, mayroon kang sinasabing mga bagay na hindi maganda at tumatangging unawain ako sa anumang paraan. Paano mo ako natatrato sa ganitong paraan?” Habang iniisip niya ang tungkol dito, lalo niyang nadadama na siya ay ginawan ng mali at nalulungkot. Nagmatigas na lang siya sa kanyang asawa sa pagtangging kumain dahil sa nasaktan ang damdamin.

Ang mga pagtatalo sa pagitan nila ay lumala lang pagkatapos maisilang ang kanilang anak. Gustung-gusto ni Wang Ran na binibihisan nang maganda ang kanilang anak na babae at madalas na bilhan ng magagandang maisusuot, ngunit sinabi ng kanyang asawa na ito ay pagsasayang, ang isang bata ay makapagsusuot ng kahit na ano, at hindi nila kailangang bumili nang napakarami. Hindi sumang-ayon sa kanya si Wang Ran sa anumang paraan; naisip niya na siya ay kuripot at hindi mapanindigan na gumugol ng kaunting pera sa kanilang anak. Kaya, hindi niya pinansin ang kanyang opinyon at nagpatuloy bilhin ang anumang magandang damit na makita niya para sa kanilang anak na babae. Pagkakita sa kanyang nagpapapatuloy sa madalas na pagbili ng napakaraming damit, nagalit sa kanya ang kanyang asawa at ni hindi siya pinapansin. Hindi rin sila magkasundo sa edukasyon ng kanilang anak na babae. Inisip ni Wang Ran na hindi nila maaaring pakitaan ng anumang uri ng kabagsikan o pagbuhatan siya ng kamay, at kapag nakagagawa siya ng mali pagsasabihan na lang siya, ngunit sabi ng kanyang asawa na ang gayon ay pagpapalayaw sa kanya at hindi makabubuti sa kanya. Minsan nang ang kanilang anak na babae ay nakagawa ng mali, pinagalitan siya nang husto ng asawa ni Wang Ran. Nang marinig ni Wang Ran na umiiyak ang bata pagalit niyang nilapitan ang kanyang asawa, na sinasabi, “Napakaliit pa niya, hindi mo ba siya papatayin sa takot sa pagsigaw sa kanya sa gayong paraan?” Habang sinasabi niya ito humakbang siya palapit, itinulak niya ang kanyang asawa, at dinala ang kanilang anak na babae sa labas ng bahay.

Si Wang Ran at ang kanyang asawa ay madalas magtalo sa gayong kaliliit na bagay sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Madalas silang nagtatalo, palaging hindi nag-uusap—ang kanilang pagsasama ay nakapapagod. Ang mas masakit pa para kay Wang Ran ay ang pagkatapos ng isang pagtatalo, wala isa man sa kanila ang nagpapansinan, walang handang magpapakumbaba at tumanggap ng pagkakamali. Hindi sila magkikibuan sa loob ng maraming araw. Madalas silang himukin ng kanyang mga biyenan at ng ibang mga kamag-anak na magkasundo, ngunit ang gayon ay panandalian lamang at hindi magtatagal mag-uumpisa na naman ang kanilang di-pagkikibuan. Nalungkot nang husto si Wang Ran dahil dito, at hindi niya alam kung sino ang sasabihan tungkol sa paghihirap sa loob ng kanyang puso. Madalas niyang maisip: “Ang mag-asawa ay dapat nagkakaunawaan at nagpaparaya sa isa’t isa. Dapat silang maging bukas sa isa’t isa na napag-uusapan ang anumang bagay, ngunit ako at ang aking asawa ay palaging hindi nagkikibuan. Para kaming hindi magkakilala at ang bawat araw ay napakahirap at nakasasakal. Ano ang maaari kong gawin upang makasundo siya? Kailan magtatapos ang ganitong buhay ng pagdurusa at paniniil?”

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos at Pagkatuklas sa Ugat ng Pagdurusa

Kung saan nagtatapos ang tao, doon nagsisimula ang Diyos. Kung kailan nagdurusa at naguguluhan si Wang Ra, saka naman dumating ang ebanghelyo ng Diyos sa kanya at sa kanyang asawa. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, kapwa nila natukoy na ang Diyos ay ang Mananakop na lumalang sa langit, sa lupa, at sa lahat ng mga bagay. Tinanggap nila ang pagliligtas ng Diyos at lumapit sila sa Kanya. Pagkatapos niyon, sa kanyang pakikisalamuha sa mga kapatid, nakita ni Wang Ran na kapag sila ay nakikipagtalo sa iba sa kanilang buhay, makikilala nilang lahat kung saan mismo sila nagkamali, kung anong masamang mala-satanas na disposisyon ang isinasabuhay nila, at magbabasa ng mga salita ng Diyos upang malutas ang kanilang masamang disposisyon, sa gayon ay pinapawi ang anumang hindi pagkakaunawaan sa kapwa. Ito ay hindi kapani-paniwala sa kanya, at dama niya na mayroong malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga mananampalataya at hindi mananampalataya! Inisip niya noong una, hindi man niya nakakasundo ang kanyang asawa, mga kasamahan, o mga kaibigan, irereklamo niya ang tungkol sa taong iyon at sisiraan sila, na sinasabing nasa kanila ang problema. Palagi niyang isinisisi sa ibang tao, ngunit hindi kailanman kinilala ang sariling pagkakamali. Nang maisip niya iyon bumangon ang pag-aalinlangan sa puso ni Wang Ran: “Maaari kaya na kaya hindi kami nagkakasundong mag-asawa ay dahil sa hindi ko magawang magnilay sa aking sarili at palaging siya ang pinagtutuunan ng pansin, hinahanap ang mga problema sa kanya?”

Sa isang pagtitipon, si Wang Ran ay nagsalita tungkol sa kawalan niya ng kakayahan na makasundo ang kanyang asawa, at nakahanap ang isang kapatid na babae ng isang sipi ng mga salita ng Diyos at isang sipi ng pagbabahagi na tumatalakay sa kanyang kalituhan. Binasa ni Wang Ran ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, ang tao ay likas na tumalima sa Diyos at sumunod sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos magawang tiwali ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinanghina ni Satanas. Kaya, nawala na niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis na, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya na ng sa hayop” (“Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos”). Sinabi ng sipi ng pagbabahagi: “Ang diposisyon ng mga tao ay talaga namang napakasutil. Ang mga tao ay hindi nakikinig sa sinuman, nakikita nila ang mga pagkakamali ng iba at hindi nakikita ang kanilang mga katangian. Sa ibabaw niyon, ang bawat isa ay may kanya-kanyang pagkatao, mga katangian, at hinahamak nila ang sinuman na nakikita nilang nagkakamali at ayaw nilang tumingin sa kanila o makitungo sa kanila. Hinahatulan sila, sa gayon kapwa nila mamaliitin ang isa’t isa. Ang ganito ay seryosong usapin sa karamihan ng mga tao at nagdudulot ito sa pakikisalamuha sa iba ng mga tao ng di- pagkikibuan, ng tensiyon. … At may ilang tao na palaging hinahamak ang iba, na gustong kontrolin ang mga tao at pakinggan sila ng iba, ngunit hindi kailanman nakikinig sa iba. Hindi rin madaling pakisamahan ang gayong uri ng tao” (“Paano Bumuo ng Buhay Iglesia at ang Kahulugan ng Pagbuo ng Buhay Iglesia” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay I).

Matapos magbasa ni Wang Ran, ang kanyang kapatid na babae ay nagbahagi: “Nang unang lalangin ng Diyos ang sangkatauhan, hindi sila pinasama ni Satanas. Sila ay mga tao na may konsensya at katuwiran na mapagpatawad at mapagparaya sa isa’t isa. Nakakasundo nila ang iba—taglay nila ang wangis ng isang tao. Ngunit kinalaunan ang sangkatauhan ay pinasama ni Satanas at tayo ay napuno ng kayabangan, pagkamakasarili, pagiging kasuklam-suklam, kalikuan, pandaraya, kasakiman, at kasamaan, at ng iba pang mala-satanas na disposisyon. At tayo ay naging magpagpahalaga talaga sa sarili, nagnanais na dominahan ang lahat ng bagay at mataglay ang huling pasya. Sa pakikitungo sa iba palagi tayong naniniwala na ang ating mga pananaw at mga pagkaunawa ay tama at palaging gusto na makinig ang iba sa atin at gawin ang gusto natin. Kapag ang sinuman ay nagsasabi ng ibang opinyon hindi natin magawang isantabi ang ating mga sarili at buong kababaang-loob na tanggapin ang kanilang mga mungkahi. Kapag nakikipagtalo tayo sa iba, nagtutuon tayo ng pansin sa mga pagkakamali ng ibang tao, iniisip na isa itong problema sa kanila. Madalas nating maliitin ang iba at nagrereklamo pa laban sa kanila o itinatakwil sila. Hindi natin kailanman isinaalang-alang ang damdamin ng ibang tao—lubos tayong walang anumang konsensya at katuwiran ng isang maayos na tao. Nabubuhay tayong nakaasa sa ating sutil, mapagpahalaga sa sarili na mala-satanas na mga disposisyon, kaya paano natin makakasundo ang iba? Marahil ay marerendahan natin ito sa maigsing panahon, ngunit habang nagdaraan ang panahon ang ating masasamang disposisyon ay magpapakita mismo at hindi natin makakasundo ang sinuman nang matagal. Kagaya lamang ninyong mag-asawa, nang kayo ay bagong kasal kayo ay mapagparaya at mapagpatawad sa isa’t isa, ngunit paglipas ng ilang panahon nakita ninyo ang mga bagay na hindi ninyo gusto sa bawat isa at pag-aawayan ninyo ang tungkol sa pinakamaliit na bagay. Walang sinuman ang nakahandang sumuko at nagtatapos ito sa di-pagkikibuan na ni hindi ninyo papansinin ang isa’t isa. Nagresulta ito sa pagdurusa ninyong dalawa, nadarama na talagang hinigpitan at hindi makalaya. Kaya naman, kung nais nating mabuhay nang payapa kasama ng iba, dapat nating tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, magtuon ng pansin sa pagninilay at pagkilala sa ating mga sarili, hangaring mabago ang mala-satanas, masasamang disposisyon sa loob natin, at isabuhay ang isang maayos na pagkatao. Kapag ang ating mala-satanas na disposisyon ay nabago, magagawa nating makinig sa mga opinyon ng iba. Sa gayon ay magagawa nating makitungo nang mabuti.”

Pagkarinig sa pagbabahagi ng kanyang kapatid na babae, natanto ni Wang Ran na ang dahilan kung bakit hindi sila nagkakasundo ng kanyang asawa at palaging nagtatalo ay dahil sa siya ay pinasama ni Satanas at siya ay puno ng masama, mala-satanas na mga disposisyon. Kagaya ng kasutilan at mapagpahalaga sa sarili. Gusto niyang maging dominante sa lahat ng bagay at palaging nadadama na tama siya at ang ibang tao ay mali; hirap na hirap siyang tanggapin ang mga pananaw at payo ng iba. Naisip niya na hindi lamang ito tungkol sa paggawa sa gawaing bahay o sa pagluluto, ngunit ito ay tungkol din sa pagpapalaki ng bata—palagi niyang iniisip na ang kanyang mga pagkaunawa at pananaw ay tama at nais niyang makinig sa kanya ang kanyang asawa, gawin ang mga bagay sa kanyang paraan. Kapag hindi siya nakinig sa kanya, pagagalitan niya ito o hindi siya papansinin, ngunit hindi siya kailanman nagkusa na tumanggap ng pagkakamali. Hindi siya mapagtimpi o matiyaga sa kanyang asawa, sa halip palaging nagrereklamo na hindi isinaalang-alang ang kanyang damdamin, at bilang resulta, palagi silang nagpapasimula ng “mga labanan”, at pagkatapos ay magsisimula ang di- pagkikibuan. Nagdulot ito ng kapighatian sa kanilang buhay, at ang kanilang mga mahal sa buhay ay nag-alala din nang husto sa kanila, at ang talas ng kanilang pag-iisip ay nagtapos. Natanto rin ni Wang Ran kung bakit napakaraming pamilya na maligaya dati ang nauuwi sa pagkakawatak-watak. Ito ay dahil sa sila ay ginawang masama ni Satanas at sila ay nabubuhay batay sa kanilang mala-satanas na disposisyon, ginagawa silang lubos na sutil, mapagpahalaga sa sarili, makasarili, at kasuklam-suklam. Ang bawat isa ay nabubuhay para sa kanilang sariling pakinabang, at hindi maiiwasang magkaroon ng madalas na pakikipagtalo maging sa pinakamalapit at pinakamahal sa kanila. Walang sinuman ang nagparaya sa kaninuman at magiging mahigpit na magkaaway, pinuputol ang ugnayan sa nalalabi nilang mga araw. Sa gayon lang natanto ni Wang Ran kung gaano kapanganib ang mala-satanas na disposisyon para sa mga tao, at na hindi na siya maaaring mabuhay pa batay sa gayon.

Pagsasagawa ng Katotohanan at Pakikipagkapwa-tao

Binasa kalaunan ni Wang Ran ang dalawang sipi ng pagbabahagi: “Para makisalamuha nang normal ang mga tao sa isa’t isa, dapat silang magtaglay ng ilang panuntunan ng pagsasagawa. Hindi lamang ang kabilang sa mga panuntunang ito ang huwag lamangan ang iba, huwag pinsalain ang iba, bagkus magkaroon ng pag-ibig sa iba. At idinagdag pa nila ang pagkakaroon ng konsensya at pagkamakatuwiran, pagtulong sa isa’t isa, pagpapakita ng pagpaparaya sa bawat isa, pagmamalasakit sa iba, hinahayaan na makinabang ang iba sa lahat ng sitwasyon, pagsasaalang-alang sa iba, hindi ang ipinagmamalasakit lang ay ang sarili, pagpapakita ng habag sa mga kahinaan ng iba, at pagpapatawad sa mga pagsalangsang ng iba. Kung taglay natin ang ilang panuntuang ito, makabubuo tayo ng normal na pakikipagkapwa-tao at mabubuhay tayo nang may pagkakaisa” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). At: “Umaasa ang mag-asawa sa kanilang konsensya upang mapanatili ang isang maayos na pagsasama. Kung walang konsensya, hindi sila magkakaroon ng anumang damdamin para sa isa’t isa, at kung wala kang katuwiran, walang pag-asa na mapangangasiwaan ang isang maayos na pagsasama bilang mag-asawa. Kung mayroon kang konsensya at katuwiran, ipakikita kung gayon ng iyong mga pagkilos sa iyong asawa na ikaw ay isang mabuting tao, at hahangaan nila ang iyong pag-uugali at makabubuti ito sa iyo. Kung hindi nila hinahangaan ang iyong mga pagkilos, kung hindi nila sinasang-ayunan ang mga ito, kung wala kang pag-ibig, pagkatao, at konsensya, hindi ka nila magugustuhan. Kaya, ang pakikipagkapwa-tao ay tinutustusan ng konsensya at katuwiran, at kung wala ang mga bagay na ito, hindi magkakaroon ang mga tao ng maayos na pakikipag-ugnayan sa iba” (“Sa Pagkakaroon ng Katotohanan Lamang Mababawasan ng Isang Tao ang Kanyang Likas na Masamang Pagkatao at Maisasabuhay ang Isang Normal na Pagkatao” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay VI).

Ibinahagi ng mga salitang ito ang napakalinaw na pagbabahagi sa landas ng pagsasagawa upang matamo ang maayos na pakikipagkapwa-tao. Natutuhan ni Wang Ran na ang pinakasusi sa pakikipag-ugnayan sa iba ay ang pagkakaroon ng konsensya at katuwiran, pagtatakwil sa kanyang sariling mala-satanas na disposisyon ng kasutilan at pagpapahalaga sa sarili, ang pagiging mapagtimpi at matiyaga sa mga pagkakamali ng iba, at ang pagiging maibigin, mapagmalasakit, at mapagpatawad sa iba. Dapat niyang isipin ang iba sa lahat ng bagay at tingnan ang mga usapin mula sa pananaw ng ibang tao. Talagang napakahalaga ng pag-ibig at pagpapatawad sa isa’t isa sa pagitan ng mag-asawa—hindi nila basta na lamang tititigan ang mga usapin na mayroon ang kabiyak, ngunit kailangang matutuhan na isantabi ang mga sarili at tanggapin ang mga palagay at pananaw ng kanilang asawa. Ang gayon lamang ang dapat isabuhay gamit ang maayos na pagkatao. Tahimik na nagpasya si Wang Rang: “Sa pakikipagtalo sa aking asawa sa hinaharap, lalapit muna ako sa Diyos at magninilay sa aking sarili. Hindi na ako kikilos o pakikitunguhan ang aking asawa batay sa aking sutil na disposisyon, bagkus ay isasagawa ko ang mga salita ng Diyos at isasabuhay ang maayos na pagkatao upang kami ay magkasundo.”

Pagkatapos niyon, nang hindi nakapaglinis nang husto ang kanyang asawa, isinaalang-alang ni Wang Ran na ang bawat tao ay may pamantayan sa kalinisan. Hindi niya mahihiling na umayon siya sa kanyang mga pamantayan, ni maaari niyang bantayan kung gaano kalinis ang mga bagay o kutyain ang kanyang asawa. Sa halip, nanalangin siya sa Diyos upang maitakwil niya ang kanyang sutil na disposisyon, at kung ang bahay ay madumi maglilinis pa siya nang kaunti. Kapag naghahanda ng pagkain ang kanyang asawa hindi na siya pumupuna—kakainin na lang niya anuman ang kanyang inihanda at hindi na niya ito lalaitin dahil hindi ito gayon kasarap. Dahil sa ang panlasa at paraan sa pagluluto ng bawat isa ay magkakaiba, hindi kailangan ng kanyang asawa na maghanda ng pagkain ayon sa kanyang mga kagustuhan. Sa mga pagkakataon na nagkakaroon silang dalawa ng hindi pagkakaunawaan at sinisisi siya ng kanyang asawa, agad siyang mananalangin sa Diyos at magninilay sa kung saan siya nagkamali. Pagkatapos niyon ay nagagawa niyang isantabi ang kanyang sarili at nagkukusang humingi ng paumanhin sa kanya, at hindi na makikipagtalo pa sa kanya. At pagdating sa pagpapalaki sa kanilang anak at pagbili ng damit para sa kanya, hangga’t ang kanyang asawa ay tama tatanggapin ni Wang Ran ang mga opinyon niya at hindi na igigiit ang kanyang sariling paraan ng paggawa sa mga bagay. Nang isagawa niya ang mga hinihingi ng Diyos, natuklasan niya na sumailalim din ang kanyang asawa sa pagbabago. Pagkatapos niyang magtaas ng boses, bigla siyang humingi ng paumanhin kay Wang Rang, na sinasabi: “Patawad. Hindi kita dapat pinagtaasan ng boses na kagaya niyon. Napakasutil ko at inintindi ko lang ang paglalabas ng sama ng loob. Hindi ko isinaalang-alang ang iyong damdamin—hindi ako nagparaya sa iyo….” Pagkakita sa pagbabago ng kanyang asawa, si Wang Ran ay kapwa nagulat at naaliw. Naisip niya ang katunayan na hindi na siya sutil o masyadong nagpapahalaga sa sarili nitong nakaraan at na ang kanyang asawa ay nagbago rin, nanghihingi pa ng paumanhin sa kanya—ang mga bagay na ito ay hindi kailanman nangyari sa kanila noong una! Ang mga bagay na ito ay tiyak na natamo sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos! Pagkatapos niyon, ang pagpapasya ni Wang Rang na isagawa ang katotohanan ay lalong sumidhi. Sa hinaharap, kapag nakikitungo sa kanyang asawa gagawin niya ang mga bagay ayon sa mga hinihingi ng Diyos at isasantabi ang kanyang sariling sutil na disposisyon. Sa gayong paraan, ang kanilang mga pagtatalo ay lalong dadalang, kahit na may mga pagkakataon pa rin na may darating sa kanilang mga buhay, pagkatapos niyon magagawa nilang magbasa ng mga salita ng Diyos nang magkasama, makapananalangin sa Diyos, makapagninilay ang bawat isa kung ano ang nagawa nilang mali, kung anong sutil na disposisyon ang nagpasiklab niyon, at makapagbabahagi na may bukas na puso. Pagkatapos, magsasagawa sila ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Nang si Wang Ran at ang kanyang asawa ay nagsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, ang kanilang pagsasama ay naging lalong mas mainam—ang mga salita ng Diyos sa kabuuan ang nagpabago sa kanila. Hindi maiwasan ni Wang Ran na mag-alay ng kanyang pasasalamat at papuri sa Diyos!

Nagbasa si Wang Rang ng isa pang sipi mula sa mga salita ng Diyos: “May normal na relasyon sa isa’t isa ang mga tao, hindi sila nag-iisa, at hindi katamtaman ni may-kabulukan ang kanilang buhay. Gayundin naman, mataas sa lahat ang Diyos, lumalaganap sa gitna ng tao ang Kanyang mga salita, namumuhay ang mga tao nang may kapayapaan sa isa’t isa at sa ilalim ng pag-aalaga at pag-iingat ng Diyos, napupuspos ng pagkakasundo ang lupa, nang walang panghihimasok ni Satanas, at ang kaluwalhatian ng Diyos ang itinuturing na pinakamahalaga sa gitna ng tao. Ang gayong mga tao ay tulad ng mga anghel: dalisay, masisigla, hindi kailanman nagrereklamo tungkol sa Diyos, at ginugugol ang lahat ng kanilang mga pagsisikap para lamang sa kaluwalhatian ng Diyos sa lupa” (“Kabanata 16” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob). Naantig nang husto si Wang Ran sa mga salitang ito; natanto niya na kung nagnilay lamang siya at kinilala ang kanyang sariling masamang disposisyon sa gitna ng mga salita ng Diyos, nagawang maitakwil ang laman sa isang praktikal na paraan, nakapagsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, at naisabuhay ang isang maayos na pagkatao sa gayon lamang niya makakasundo ang iba at mapananatili ang pakikipagkapwa-tao. Kung wala ang paglapit sa Diyos at ang pagdidilig at paggabay ng mga salita ng Diyos, anuman ang ating gawin upang makipagpayapaan, hindi natin kailanman malulutas ang kawalang kakayahan ng mag-asawa na magkasundo sa isa’t isa. Ang mga salita ng Diyos lamang ang gamot upang malunasan ang pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa! Salamat sa Diyos!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento