Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kahulugan ng Tunay na Tao
Ang pamamahala sa tao ay Aking tungkulin, at ang pagsakop Ko sa kanya ay mas lalo pang nakatalaga mula noong Aking nilikha ang mundo. Hindi alam ng mga tao na sila ay lubusan Kong lulupigin sa mga huling araw, hindi rin nila alam na ang katibayan sa aking pagdaig kay Satanas ay ang paglupig sa mga suwail na kaanib ng sangkatauhan. Ngunit naiparating Ko na sa Aking katunggali nang ito ay nakipagbuno sa Akin na Ako ang magiging manlulupig ng mga taong kinuha ni Satanas at matagal nang naging kanyang mga anak, at ang kanyang mga tapat na mga lingkod na nagbabantay sa kanyang tahanan. Ang orihinal kahulugan ng lupigin ay paggapi, manghiya. Ayon sa mga tao ng Israel, ito ay ang ganap na pagtalo, pagwasak, at pagkawala ng kakayahan pang lumaban sa Akin. Ngunit ngayon gaya ng gamit ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay ang manlupig. Dapat ninyong malaman na ang Aking layunin ay ang ganap na mabura at mapulbos ang masama sa sangkatauhan, upang ito ay hindi na maaaring maghimagsik laban sa Akin, o magkaroon pa ng hininga para antalain o abalahin ang Aking gawain. Sa gayon, kung ang mga tao ang tatanungin, ang ibig sabihin nito ay panlulupig. Anuman ang maging kahulugan ng salitang ito, ang Aking tungkulin ay ang talunin ang sangkatauhan. Tunay ngang ang sangkatauhan ay karugtong ng Aking pamamahala, ngunit upang mas maging tumpak, ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na lumalaban at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga supling ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga nagmana sa diablo na Akin nang kinamuhian at tinanggihan at kumalaban sa Akin. Ang kalangitan sa ibabaw ng buong sangkatauhan ay madilim at mapanglaw, wala ni isang kislap ng kaliwanagan. Ang mundo ng mga tao ay nasa matinding karimlan, at kapag nanirahan sa loob nito ang sinuman ay hindi man lang niya makikita ang kanyang sariling kamay kapag ito ay iniunat niya sa kanyang harapan at hindi niya makikita ang araw sa kanyang pagtingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa ay maputik at puno ng mga butas, at ito ay paliku-liko at paikot-ikot; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang mga sulok sa dilim ay puno ng mga labi ng mga patay. Ang mga malalamig at madidilim na mga sulok ay puno ng mga kawan ng mga demonyo na doon ay naninirahan. Sa buong sangkatauhan ang mga kawan ng mga demonyo ang dumarating at umaalis. Ang supling ng napakaraming halimaw na natatakpan ng dumi ay sama-samang nakikipaglaban sa isang marahas na pakikipagbuno, ang tunog nito ay nakapagpapakilabot sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa ganoong mundo, at sa gayong “makamundong paraiso”, saan makahahanap ang sinuman ng kaligayahan sa buhay? Saan pupunta ang sinuman upang mahanap ang kanyang hantungan sa buhay? Ang sangkatauhan, na noon pa man ay nayurakan na sa ilalim ng mga paa ni Satanas, ay kumikilos nang naaayon sa anyo ni Satanas—naging mismong larawan pa nito. Sila ang katibayan ng pagiging “malakas at malinaw na saksi,” ni Satanas. Ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga latak, o ang gayong mga supling nitong tiwaling pamilya ng tao, paano sila makapagpapatotoo sa Diyos? Saan manggagaling ang Aking kaluwalhatian? Nasaan ang Aking saksi? Ang kaaway na naninindigan laban sa Akin at ginagawang tiwali ang sanagkatauhan ay naparumi na ang sangkatauhan, ang Aking likha, nag-uumapaw sa Aking kaluwalhatian at Aking pagsasabuhay. Ninakaw nito ang Aking kaluwalhatian, at ang ipinuno nito sa tao ay walang iba kundi lason na nahahaluang maigi ng kapangitan ni Satanas at ang katas mula sa bunga ng puno ng pagkaalam ng mabuti at masama. Sa simula, Aking nilkha ang sangkatauhan, samakatuwid, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay tunay at may hugis, puno ng buhay, puno ng sigla, at higit sa lahat, taglay ang pakikisama ng Aking kaluwalhatian. Iyon ay ang maluwalhating araw nang Aking lalangin ang tao. Sumunod doon, si Eba ay ginawa mula sa katawan ni Adan, ninuno din ng tao, kaya ang mga tao na Aking nilikha ay napuno ng Aking hininga at puspos ng Aking kaluwalhatian. Si Adan ay orihinal na gawa ng Aking kamay at siyang kumakatawan sa Aking kaanyuan. Kaya ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay ang Aking nilikha na puspos ng Aking sigla, puspos ng Aking kaluwalhatian, tunay at nasa mabuting anyo, mayroong kaluluwa at hininga. Siya ang tanging nilikha na pinagkalooban ng espiritu na maaaring kumatawan sa Akin, magtaglay ng Aking anyo, at tumanggap ng Aking hininga. Sa simula, si Eba ay ang pangalawang tao na pinakalooban ng hininga na aking ipinasiyang likhain, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay maging nilikha na magpapatuloy ng Aking kaluwalhatian, puno ng Aking sigla, at higit sa lahat ay mapagkalooban ng Aking kaluwalhatian. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya siya rin ay Aking kalarawan, dahil siya ang pangalawang tao na nilikha mula sa Aking sariling anyo. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay maging isang buhay na tao, nabigyan ng espiritu, nabubuhay na laman at buto, bilang Aking ikalawang patotoo at bilang Aking ikalawang anyo sa sangkatauhan. Sila ay mga ninuno ng sangkatauhan, ang kanyang dalisay at pinakamamahal na kayamanan, at orihinal na buhay na nilalang na may espiritu. Gayunman tinapakan at dinambong ng masama ang supling ng mga ninuno ng sangkatauhan, ikinulong ang mundo ng mga tao sa lubos na kadiliman, upang ang mga supling na ito ay hindi na naniniwala sa Aking pag-iral. At ang mas kasuklam-suklam ay sa parehong pagkakataon nang ginagawang tiwali at tinatapakan ng masama ang mga tao, malupit nitong kinukuha ang Aking kaluwalhatian, ang Aking patotoo, ang sigla na aking ipinagkaloob sa mga tao, ang hininga at buhay na hinipan Ko sa kanila, lahat ng Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, at lahat ng napakaingat na pagsisikap na Aking ipinuhunan sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at iniwala ang lahat ng Aking ipinagkaloob sa kanila, itinapon ang kaluwalhatian na Aking ipinagkaloob. Paano pa nila ihahayag na Ako ang Panginoon ng mga nilikha? Paano sila maniniwala sa Aking pag iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang pagpapakita ng Aking kaluwalhatian sa lupa? Paano tatanggapin ng mga apong lalaki at mga apong babae ang Diyos na itinuring na Panginoon ng mga nilikha ng kanilang sariling mga ninuno? Ang kaawa-awang mga apong lalaki at apong babae ay bukas-palad na ibinigay sa masama ang kaluwalhatian, ang anyo, at ang patotoo na Aking ipinagkaloob kina Adan at Eba, at ang buhay na ipinagkaloob sa sangkatauhan na kanilang inaasahan, na hindi iniisip kahit kaunti ang presensiya ng masama, at ibinigay ang lahat ng Aking kaluwalhatian dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng titulong “latak”? Paanong nangyari na ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga demonyo, ang gayong mga naglalakad na bangkay, ang gayong mga anyo ni Satanas, ang gayong Aking mga kaaway ay magtataglay ng Aking kaluwalhatian? Babawiin Ko ang Aking kaluwalhatian, babawiin ang Aking patotoo sa mga tao at ang lahat na dati Kong pag aari, na Aking ibinigay sa sangkatauhan matagal na panahon na ang nakalilipas—lubusang lulupigin ang sangkatauhan. Ngunit dapat mong malaman, ang mga taong Aking nilikha ay mga banal na tao kasama ng Aking sariling anyo at Aking kaluwalhatian. Sila ay hindi dating kay Satanas, o sumailalim sa kanyang pang-aapak, ngunit lubos na ang Aking pagpapahayag, wala ni katiting na bakas ng lason. Kaya, hahayaan Kong malaman ng lahat na ang nais Ko lamang ay iyong nilikha ng Aking kamay, Aking minamahal na mga walang bahid na hindi kailanman kabilang sa kahit na anumang nilikha. Gayundin, Ako ay masisiyahan sa kanila at titingnan sila bilang Aking kaluwalhatian. Ngunit, ang Aking nais ay hindi ang sangkatauhan na pinasama ni Satanas, pag-aari ni Satanas ngayon, na hindi Ko na orihinal na nilikha. Dahil nais Kong bawiin ang Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, Aking lubos na lulupigin ang natitirang mga nakaligtas na sangkatauhan, bilang patunay ng Aking kaluwalhatian sa Aking tagumpay laban kay Satanas. Ginagamit Ko lamang ang Aking patotoo bilang kalinawan, bilang layunin ng Aking kagalakan. Ang gayon ay ang Aking layunin.