(Gen 3:20–21) At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka’t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.
Tingnan natin itong pangatlong pahayag, na nagsasabing may kahulugan sa likod ng pangalan na binigay ni Adan kay Eba, di ba? Ipinakikita dito na pagkatapos nilikha, may sariling mga kaisipan si Adan at nakakaintindi ng maraming mga bagay. Ngunit sa ngayon hindi natin pag-aaralan o sasaliksikin kung ano ang kanyang naintindihan o kung gaano karami ang kanyang naintindihan dahil hindi ito ang pangunahing punto na nais Kong talakayin sa ikatlong pahayag. Kaya ano ang pangunahing punto ng ikatlong pahayag? Tingnan natin ang linyang, “At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.” Kung hindi natin pagsasamahan ang tungkol sa linyang ito ng banal na kasulatan sa araw na ito, marahil ay hindi ninyo kailanman mauunawaan ang kahulugan na nasa likod ng mga salitang ito.