Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Edukasyon ng mga Bata. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Edukasyon ng mga Bata. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 11, 2019

Tagalog Christian Movie | "Ang Pag-ibig ng Isang Ina" | The True Story of a Christian


Ang Pagmamahal ng Isang Ina ay Isang pelikulang pampamilyang Kristiyano na sumusuri sa paksa kung paano magpalaki ng mga anak.


Ang "Mababago ng kaalaman ang iyong kapalaran" at "Naging dragon ang anak na lalaki, naging phoenix ang anak na babae" ay mga pag-asang taglay ng halos lahat ng magulang para sa kanilang mga anak. Para matiyak na makakapasa ang kanyang anak na babaeng si Jiarui sa kanyang university entrance exams at test sa isang magandang unibersidad, ipinasiya ni Xu Wenhui na magretiro sa kanyang trabaho bilang sales director para samahan si Jiarui nang mag-aral ito para muling kumuha ng kanyang mga test. Ang sibsibang mga pamamaraan ng pagtuturo ni Xu Wenhui at ang napakahirap na college entrance examinations ay naging sanhi para himatayin ang kanyang anak, at halos maging desperado. Labis iyong pinagsisihan ni Xu Wenhui: Inakala niya na lahat ng ginawa niya ay para sa kapakanan ng kanyang anak, ngunit sa halip, nasaktan lamang niya ito…. Noon ipinangaral ng dati niyang kaklaseng si Fang Xinping ang ebanghelyo ng Diyos sa kanya. Sa pamamagitan ng pagbasa sa salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan din ni Xu Wenhui kung bakit masasaktan lamang siya at ang kanyang anak sa pagsisikap na matamo ang mga ideal na gaya ng "Mababago ng kaalaman ang iyong kapalaran," at kung paano tuturuan ang kanyang anak sa paraang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal …


Rekomendasyon: Tagalog Christian Movies

Abr 18, 2019

Edukasyon ng mga Bata|Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)


Xiaoxue, Malaysia

Isang araw pagtapos ng hapunan, tinuruan ko ang panganay kong lalaki na magbasa ng Tsino—mga simpleng salita lang, “Langit, lupa, tao, at, lupa, tatay, nanay....” Tinuruan ko siya nang ilang beses, ngunit hindi pa rin niya maisulat ang mga ito. Isusulat niya ang unang salita tapos makakalimutan niya ang susunod. Nagalit ako, kinuha ang ruler sa lamesa at ilang beses ko siyang pinagpapalo.

Peb 7, 2019

Edukasyon ng mga Bata | Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)

Xiaoxue, Malaysia

Mayroon akong dalawang anak na lalaki na isang taon ang pagitan. Upang palakihin sila nang edukado, may magandang modo, mabubuting tao na makakayanang tumayo sa kanilang sariling mga paa sa lipunan at magtagumpay, nang sila ay dalawang taong gulang pa lamang, kinausap ko ang aking asawa tungkol sa paghahanap ng kindergarten na may magandang reputasyon. Matapos ang ilang pagbisita, pagtatanong at pagkukumpara, pumili kami ng isang English kindergarten dahil nagbibigay halaga sila sa kakayahan at abilidad ng mga bata, na siya namang tumutugma sa aking pananaw sa pagtuturo sa mga bata. Bagaman medyo mahal nang kaunti ang matrikula, hangga’t ang mga bata ay nalilinang nang mas maayos at nakakakuha sila ng mas mahusay na edukasyon, sulit ang paggastos ng mas maraming pera.