Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kapalaran. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kapalaran. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 29, 2019

Tagalog Christian Songs | Naitakda Na ng Diyos ang mga Landas na Dapat Tahakin ng Tao



Tagalog Christian Songs | Naitakda Na ng Diyos ang mga Landas na Dapat Tahakin ng Tao

I
Di diretso ang landas kung sa'n
ginagabayan tayo ng Diyos.
Liku-liko na nga 'to, lubak-lubak pa.
Mas mabato ang daan, sabi Niya sa 'tin,
mas maghahayag ng pag-ibig sa puso natin.
Kaya lang di natin mabubuksan
ganitong landasin.

Ayaw Kong makatulad ng iba
o lumakad sa landas nila.
Pinipili Ko ang daang tutupad sa 'King debosyon,
at tinatahak Ko 'yon.
Ga'no man kailangan ng taong magdusa,
itinakda ng Diyos ang pupuntahan nila,
at di sila puwedeng tumulong sa iba.

Hun 6, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-isang Pagbigkas (Tagalog Dubbed)


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-isang Pagbigkas (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sino sa buong sangkatauhan ang hindi inalagaan sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi naninirahan sa gitna ng pagkaka-tadhana ng Diyos? Kaninong kapanganakan at kamatayan ang nagmula sa kanilang sariling mga pagpipilian? Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran?

Abr 12, 2019

Sa Lipunan|Paalam sa mga Araw ng Pakikipagbuno sa Kapalaran


Sa Lipunan|Paalam sa mga Araw ng Pakikipagbuno sa Kapalaran

Yixin

Isang payak na nayon na napag-iwanan na ng panahon, ang aking mga magulang na hapung-hapo mula sa kanilang trabaho, isang buhay na gipit sa pinansyal … ito ang malulungkot na ala-ala na nakatatak sa aking murang isipan, ito ang mga una kong pagkakilala sa salitang “kapalaran.” Pagkatapos kong magsimulang mag-aral, sa unang pagkakataong narinig ko ang aking guro na nagsabi ng “Hawak mo ang iyong kapalaran sa sarili mong mga kamay,” pinakatandaan ko ang mga salitang ito.

Abr 1, 2019

Tagalog Christian Video "Pagpapalaya sa Puso" | A Christian Testimony


Tagalog Christian Video "Pagpapalaya sa Puso" | A Christian Testimony


Naniniwala ang maraming tao na ang kanilang kapalaran ay nasa kanilang sariling mga kamay, at maaari silang umasa sa kanilang sariling kaalaman at kakayahan sa kanilang mga pakikibaka. Subalit, pagkatapos ng lahat, hindi iyan posible. Ang espiritwal na gapos na “Ang tadhana ng isang tao ay nasa kanyang sariling kamay” ay maiwawaksi sa pamamagitan ng mga katotohanang ipinahayag ng Diyos, at ang isang tao ay maaaring mabuhay sa liwanag.

Mar 29, 2019

Salita ng Diyos|Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao


Salita ng Diyos|Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao


Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay.

Peb 7, 2019

Edukasyon ng mga Bata | Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)

Xiaoxue, Malaysia

Mayroon akong dalawang anak na lalaki na isang taon ang pagitan. Upang palakihin sila nang edukado, may magandang modo, mabubuting tao na makakayanang tumayo sa kanilang sariling mga paa sa lipunan at magtagumpay, nang sila ay dalawang taong gulang pa lamang, kinausap ko ang aking asawa tungkol sa paghahanap ng kindergarten na may magandang reputasyon. Matapos ang ilang pagbisita, pagtatanong at pagkukumpara, pumili kami ng isang English kindergarten dahil nagbibigay halaga sila sa kakayahan at abilidad ng mga bata, na siya namang tumutugma sa aking pananaw sa pagtuturo sa mga bata. Bagaman medyo mahal nang kaunti ang matrikula, hangga’t ang mga bata ay nalilinang nang mas maayos at nakakakuha sila ng mas mahusay na edukasyon, sulit ang paggastos ng mas maraming pera.

Ene 13, 2019

Christian Maiikling Dula |  "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes


Christian Maikling Dula |  "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes


Ikinukuwento ng maikling dula na Ang Mayor ng Barrio ang tunay na kuwento ng isang mag-asawang Kristiyano na napilitang tumakas dahil sa pang-uusig ng pamahalaang CCP. Hinatulan ng CCP ang Kristiyanong si Liu Ming'en ng pitong taong pagkabilanggo dahil sa paniniwala sa Diyos. Maging noong nakalabas na siya sa bilangguan, nanatili siyang target ng masidhing paniniktik ng CCP. Ginagamit ng mayor ng barrio ang sistemang pananagutan ng limang-sambahayan, mga camerang pang-seguridad, pagdalaw sa bahay, at iba pang mga paraan para mapigilan si Liu Ming'en at ang asawa niya na sumampalataya sa Diyos, ngunit hindi nakamit ng mga ito ang inaasam na epekto. Ngayon, nakatanggap na naman ang mayor ng prayoridad na sulat mula sa Sentral na Partido, matapos nito sinusubukan niyang mag-isip ng mga paraan para puwersahin si Liu Ming'en at ang asawa niya na pumirma ng sulat na nangangakong itigil ang paniniwala sa Diyos.

Ene 9, 2019

Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Unang bahagi)


Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Unang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Pagkaunawa sa Awtoridad ng Diyos mula sa Pangmalawakan at Pangmaliitang mga Perspektibo Ang Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Di Maihihiwalay mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

Nob 25, 2018

True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God


Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon. Tatlong ulit siyang dinala ng mga pulis sa presinto upang tanungin, at binalaan na huwag nang manalig pa sa Diyos.

Nob 15, 2018

Tagalog Full Christian Movie | "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | God Is the Rock of My Life


Tagalog Full Christian Movie | "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | God Is the Rock of My Life


Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos , nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon.

Okt 10, 2018

Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)


Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw.

Okt 9, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan"


I
Ang tao'y naglakad kasama ang D'yos sa paglipas ng mga taon,
ngunit di alam ng tao na hawak ng
Diyos ang tadhana ng lahat ng bagay.
Lalong di alam papaano magsaayos ang Diyos,
mamahala sa lahat ng bagay.

Ago 17, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos" | The Christian Mission



Yaong ipinagkakaloob sa inyo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na 
ang inyong patotoo ay malampasan ang kay Moises 
at ang inyong mga salita ay higit sa kay David.
Binibigyan kayo ng Diyos ng makasandaan,
kaya naman hinihiling Niya sa inyo na tumbasan ninyo rin ito.   

Pinagkakalooban kayo ng Diyos ng buhay;  
ito'y regalong tinatanggap ninyo mula sa Kanya. 
Kaya tungkulin ninyong sumaksi sa Kanya. 
Binibigyan kayo ng Diyos ng Kanyang kaluwalhatian, 
ng buhay N'yang wala ang mga Israelita.
Kaya dapat ninyong italaga ang inyong buhay
at kabataan sa Kanya.
Mayroon kayong kaluwalhatian ng Diyos, 
kaya dapat kayong sumaksi sa Diyos. 
Mayroon kayong kaluwalhatian ng Diyos.
Ito'y ordenado.

Ago 11, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

Kaharian, kapalaran, Landas, Langit

Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob Ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa gitna ng tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng tao, at dumarami, at nakaalis sa kadiliman. Tinitingnan Ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay binabalot sa hamog, na ang tubig ay nagyeyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang makadiskubre pa sila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng maninipis na ulap. Dahil ang buong mundo ay nalulukuban ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, tila ninanais niya, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap Ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano magmalasakit sa Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makihalubilo sa liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na palaging pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako kailanman tunay na minahal ng tao. Kapag itinataas Ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi nito nagawa na subukin niyang pasayahin Ako. Basta hinahawakan lang niya ang katayuan na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagkamasuyuin, sa halip nagpupumilit siyang nagpapakabundat sa kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang katayuan. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari bang umiwas ang mga ito para sa kapakanan ng iyong katayuan? Kapag umagos ang tubig, maaari bang huminto ang mga ito sa harap ng iyong katayuan? Mababaligtad ba ang langit at lupa ng iyong katayuan? Ako ay minsang naging maawain sa tao, paulit-ulit—ngunit walang sinumang nagmamahal o nagpapahalaga rito, pinakinggan lang nila ito bilang isang kuwento, o binasa ito bilang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakikiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kapakinabangan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.

Ago 10, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikalawang bahagi)


    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Anim na Sugpungan sa Buhay ng Tao
Kapanganakan: Ang Unang Sugpungan
1. Isang Bagong Buhay ang Isinisilang mula sa mga Plano ng Manlilikha
2. Bakit ang mga Iba’t-ibang Tao ay Isinisilang sa Ilalim ng Iba’t-ibang mga Kalagayan
Paglaki: Ang Ikalawang Sugpungan
1. Mga Kalagayan na Kung saan ang Isa na Lumalaki ay Naipirmi Na ng Manlilikha
2. Ang Iba’t-ibang mga Kalagayan na Kinalalakihan ng mga Tao ay Nagbubunsod ng Iba’t-ibang mga Papel na Ginagampanan

Hul 29, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampung Pagbigkas

kaharian, kapalaran, Langit, Biyaya

Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mga yaong tinitingnan Ko, wala kahit isa ang kailanma’y kusa at direktang naghanap sa Akin. Lumalapit silang lahat sa harap Ko sa panghihikayat ng iba, sumusunod sa karamihan, at ayaw nilang bayaran ang halaga o gumugol ng oras para pagyamanin ang kanilang mga buhay. Samakatuwid, walang sinuman sa gitna ng tao ang namuhay kailanman sa katotohanan, at namumuhay ang lahat ng mga tao ng mga buhay na walang kahulugan. Dahil sa mga gawi at kaugalian ng tao na matagal nang umiiral, umalingasaw ang amoy ng lupa sa mga katawan ng lahat ng mga tao. Bilang resulta, naging manhid ang tao, walang pandama sa kalagiman ng mundo, at sa halip ay nagpapakaabala siya sa gawain ng pagtatamasa sa sarili sa malamig na mundong ito. Walang kahit kaunting init ang buhay ng tao, at walang kahit anong pantaong lasa o liwanag—gayunma’y sinanay niya ang kanyang sarili dito, nanatili siya sa habambuhay na kawalan ng halaga kung saan nagmamadali siyang gumagawa nang walang anumang napapala. Sa isang kisapmata, lumalapit ang araw ng kamatayan, at namamatay ang tao ng isang mapait na kamatayan. Kailanman, wala siyang natupad na anuman, o napalang anuman sa mundong ito—nagmamadali lamang siyang dumarating, at nagmamadaling umaalis. Sa Aking paningin wala sa mga yaon ang nakapagdala kailanman ng anuman, o nakakuha ng anuman, kung kaya nararamdaman ng tao na hindi patas ang mundo. Gayunman walang may gustong magmadali. Hinihintay lamang nila ang araw kung kailan ang Aking pangako mula sa langit ay biglang darating sa gitna ng tao, magpapahintulot sa kanila, sa panahon kung kailan sila ay naligaw, na minsan pa ay makita ang daan ng walang-hanggang buhay. Kaya, nakatutok ang tao sa bawat gawa at kilos Ko upang tingnan kung talagang natupad Ko ang pangako Ko sa kanya. Kapag siya ay nasa kalagitnaan ng hirap, o sa matinding sakit, o pinalilibutan ng mga pagsubok at malapit nang mahulog, isinusumpa ng tao ang araw ng kanyang kapanganakan upang mas mabilis niyang matakasan ang mga problema niya at makalipat sa mas magandang lugar. Ngunit kapag lumipas na ang mga pagsubok, napupuno ng kagalakan ang tao. Ipinagdiriwang niya ang araw ng kapanganakan niya sa mundo at hinihiling na pagpalain Ko ang araw ng kanyang kapanganakan; sa panahong ito, hindi na binabanggit ng tao ang mga pangako ng nakaraan, malalim ang takot niya na sa ikalawang pagkakataon darating muli sa kanya ang kamatayan. Kapag itinataas ng mga kamay Ko ang mundo, sumasayaw sa kagalakan ang mga tao, hindi na sila nalulungkot, at umaasa silang lahat sa Akin. Kapag tinatakpan Ko ng Aking mga kamay ang Aking mukha, at itinutulak ang mga tao sa ilalim ng lupa, agad silang nahihirapan sa paghinga, at bahagya na silang makapanatiling buhay. Lahat sila ay sumisigaw sa Akin, takot na lilipulin Ko sila, sapagka’t gusto nilang lahat na makita ang araw kung kailan Ako ay maluluwalhati. Itinuturing ng tao ang araw Ko bilang pangunahin ng kanyang pag-iral, at ito ay dahil lamang sa mahigpit na pagnanais ng mga tao para sa araw kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay darating kaya nakapanatiling buhay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Ang pagpapalang ipinahayag ng Aking bibig ay na yaong mga ipinanganganak sa panahon ng mga huling araw ay napakapalad na makita ang buo Kong kaluwalhatian.

Hul 21, 2018

The Best Tagalog Christian Music HD | "Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos" (Tagalog Dubbed)



I
Isang araw, madarama mong ang Maylalang ay 'di palaisipan,
S'ya ay di itinago, 'di tinakpan ang mukha sa iyo;
S'ya ay 'di naging malayo sa iyo;
Di na S'ya ang 'yong hangad araw at gabi
ngunit 'di maabot ng damdamin mo.
S'yang tunay mong tagapagbantay sa iyong tabi,
buhay mo'y tinustustusan, at hawak ang 'yong kapalaran.
S'ya'y wala sa malayong abot-tanaw, at 'di nakatago sa ulap.
S'ya'y sa tabi mo, naghahari sa lahat sa'yo.
Siya ay 'yong lahat at 'yong nag-iisa.

Hul 7, 2018

Tagalog Christian Songs | "Si Satanas ay Walang Maaaring Mabago sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos"



I
Sa maraming taon, libu-libong taon,
na ang tao'y ginagawang tiwali ni Satanas,
gumawa ng higit na kasamaan.
Mga salinlahi, isa-isang nalinlang nito.
Oh, maraming krimen, kakila-kilabot na krimen
na ginawa ni Satanas sa buong mundong 'to.
Ang tao'y pinukaw na labanan ang Diyos,
inabuso, dinaya ang tao,
hinanap upang wasakin ang plano sa pamamahala ng Diyos.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
hindi nito, kahit kaunti, mababago ang tao o mga bagay.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
wala 'tong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.
Walang ni isang bagay itong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.

Hun 23, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumukod sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna."

May 31, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Mayhawak ng Kataas-taasang Kapangyarihan sa Lahat | Mga Pagninilay tungkol sa Kalamidad


Maraming tao ang nag-iisip na ang kanilang kapalaran ay nasa kanilang sariling mga kamay. Pero pagdating ng kalamidad, ang nadarama lang natin ay kawalan ng magagawa, takot, at sindak, at nadarama natin ang kawalan ng halaga ng mga tao at ang pagkaselan ng buhay …. Sino ang tanging makapagliligtas sa atin? Malapit nang ihayag ng Kristiyanong dokumentaryong musikal—Siya na Naghahari sa Lahat—ang sagot!

Rekomendasyon:

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Alam mo ba ang malalim na kahulugan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus