Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kapanahunan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kapanahunan. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 22, 2017

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon

  Maaari mo bang ipahayag ang disposisyon ng Diyos sa kapanahunan sa akmang wika na may kabuluhan sa kapanahunan? Sa pamamagitan ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, maaari mo bang detalyadong ilarawan ang disposisyon ng Diyos? Paano mo mailalarawan ito nang naaagpang, naaangkop? Upang sa pamamagitan nito, maaaring matuto ang iba tungkol sa iyong mga karanasan. Paano mo ipapasa ang iyong mga nakikita at mga karanasan sa mga yaong nakakaawa, dukha, at tapat na relihiyosong mga mananampalataya na nagugutom at nauuhaw sa pagkamatuwid at naghihintay sa iyo upang akayin sila? Anong uri ng mga tao ang naghihintay sa iyo upang akayin sila? Naguguni-guni mo ba? Namamalayan mo ba ang pasanin na iyong binabalikat, ang iyong komisyon, at ang iyong pananagutan? Nasaan ang iyong makasaysayang pandama ng misyon? Paano ka magsisilbi bilang isang mabuting panginoon para sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang dakilang pandama ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng mga bagay? Ito ba ay tunay na ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na mga nilalang at lahat ng materyal sa mundo? Ano ang mga plano na mayroon ka para sa pagsulong ng susunod na hakbang ng gawain? Ilang mga tao ang naghihintay sa iyo upang ikaw ay maging kanilang pastol? Ang gawain mo ba ay mabigat? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nawawala, naghuhumiyaw sa kadiliman, “Nasaan ang daan?” Lubhang nananabik sila sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at pagwatak-watakin ang pwersa ng kadiliman na nang-api sa mga tao sa loob ng maraming mga taon. Sino ang makaaalam kung gaanong kabalisa silang umaasa, at gaanong nananabik sila araw at gabi para rito? Ang mga taong ito na labis na naghihirap ay nananatiling nakabilanggo sa mga piitan ng kadiliman, walang pag-asang makawala, kahit sa araw na kumikislap ang liwanag; kailan sila hindi na luluha? Ang mga marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan ay tunay na nagdurusa sa gayong masamang kapalaran. Matagal na silang natalian ng walang-awang mga lubid at ng kasaysayan na hindi na mabubuwag. Sino kahit minsan ang nakarinig sa huni ng kanilang pagtaghoy? Sino ang kahit minsan ay nakakita sa kanilang kaawa-awang itsura? Naisip mo ba kung gaano namighati at nabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga kapus-palad na nilason. Kahit na nanatili silang buhay hanggang sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal nang nilason ng masamang nilalang? Nakalimutan mo bang isa ka sa mga biktima? Dala ng iyong pag-ibig sa Diyos, hindi ka ba handang magsikap upang iligtas ang mga yaong nanatiling buhay? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagsisikap upang gantihan ang Diyos na iniibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang sariling laman at dugo? Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan ng Diyos upang isabuhay ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang pagpapasya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at naglilingkod sa Diyos?
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon:
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Okt 1, 2017

Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong panahon, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang Kanyang tungkulin sa buong panahon. Ito ang alituntunin kung saan gumagawa ang Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita sa iba’t-ibang pananaw, upang makitang mabuti ng tao ang Diyos, na Siyang Salita na nagkatawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng panlulupig sa tao, gawing perpekto ang tao, at pag-alis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natupad. Sa pamamagitan ng salita, nahayag ang tao, naalis at sinubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa kapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin ang puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at ang Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos ay naging tao at niyanig ang langit at lupa; ang Kanyang salita ay binabago ang puso ng tao, ang paniniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng mundo. Sa pagdaan ng panahon, tanging ang Diyos ngayon ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng Kanyang patnubay sa salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa rito sila ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawain ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at binabago ang orihinal na anyo ng unang nilikhang mundo. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamunuan ang mga tao sa buong daigdig sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa wakas, nararapat Niyang gamitin ang salita upang tapusin ang nakaraang mundo. Doon lamang matatapos ang buong plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang isagawa ang Kanyang gawain at makamit ang bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan at hindi Siya nagsasagawa ng mga himala: isinasagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalusog at tinustusan; dahil sa salita, nagtamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nagkamit ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdusa dahil sa sakit ng laman at nagtamasa lamang ng saganang pagtustos ng salita ng Diyos; hindi nila kinailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap nakita nila ang anyo ng Diyos, narinig nila Siyang magsalita sa kanilang sarili, nakamit ang Kanyang panustos, at nakita nila sa kanilang sarili na magsagawa Siya ng Kanyang mga gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi kayang masiyahan sa mga ganoong bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman makakamit.