Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos
Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos na walang kalayaan sa impluwensya ni Satanas. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos itong ma-proseso ni Satanas, ay nagiging mas tiwali. Sa ibang salita, ang tao ay patuloy na nabubuhay sa kanyang tiwali at mala-demonyong disposisyon, walang kakayahang umibig ng tunay sa Diyos. Samakatuwid, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang alisin ang kanyang sariling-katuwiran, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagmamalaki, at mga kauri nito na nanggagaling sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, lubos na pag-ibig ni Satanas, at isang bagay na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung ang tao ay hindi direktang magawang perpekto, pakitunguhan, masira, pungusin, madisiplina, maparusahan, o gawing dalisay ng Banal na Espiritu, kung gayon ay walang tunay na umiibig sa Diyos.