Naniwala Ako na ang Espirituwal na Debosyon ay Binubuo ng Paulit-ulit na Pagbabasa ng Biblia, Pananalangin at Pag-awit ng mga Himno
Naaalala ko ang unang beses na nagsimba ako at nakinig sa pagbibigay ng sermon ng pastor at, kalaunan, nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa kaligtasan ng Panginoong Jesus at noon mismo ay ipinahayag ko ang kagustuhan kong manampalataya sa Panginoon. Habang paalis ako, pinaalala sa akin ng pastor na, “Upang mamuhay bilang isang Kristiyano, dapat isagawa ng tao ang espirituwal na debosyon.” Tinanong ko ang pastor, “Ano ang espirituwal na debosyon? Paano natin iyon isinasagawa?” Noon sinasabi sa’kin ng pastor, “Ang espirituwal na debosyon ay pagbabasa ng Biblia, pananalangin at pag-awit ng mga himno ng papuri araw-araw. Kapag nanalangin tayo, dapat nating ipagdasal ang ating mga pamilya, ipagdasal ang mga mahihinang kapatid sa ating iglesia, at ipagdasal ang mga lingkod ng Diyos. Dapat ding paulit-ulit tayong magbasa ng Biblia at umawit rin ng mga himno araw-araw, at dapat patuloy nating gawin ito nang walang gumagambala. Hangga’t masigasig mong isinasagawa ang esprirituwal na debosyon araw-araw, kung ganoon ay patuloy na yayabong ang iyong espirituwalidad at mapapalapit ka nang mapapalapit sa Panginoon, at pagkatapos ay matutuwa ang Diyos.”