Ni Zhi cheng
Alam ng lahat ng nakakaunawa sa Biblia na nananalig ang mga mamamayan ng Israel sa Diyos na Jehova sa loob ng maraming henerasyon. Sa tuwing malapit na silang matalo sa isang digmaan, nanalangin sila at tinulungan sila ng Diyos na talunin ang mga kaaway nila. Para makaiwas sa pagkalipol ng kanilang bansa, sinabihan ni Reyna Esther ang lahat ng Hudyo ng Susa na mag-ayuno at manalangin sa Diyos na Jehova at nagpunta siya sa hari kahit manganib ang sarili niyang buhay. Sa bandang huli, dahil sa ginawa niya, naligtas ang lahat ng Hudyo. Nang marinig si Jonah na nagpapahayag ng kalooban ng Diyos at malaman na wawasakin ng Diyos ang buong siyudad sa loob ng apatnapung araw, ang mga mamamayan at hari ng Nineveh ay nag-ayuno at nanalangin, nagsisi sa kanilang mga kasalanan suot ang damit na sako at abo, tinalikdan ang karahasan at tumalikod sa kanilang masasamang gawain. Sa bandang huli, tinanggap nila ang awa ng Diyos na Jehova: Hindi na nagpadala ng mga sakuna ang Diyos at nakaligtas sila. Sa pamamagitan ng pananalangin sa Diyos, nagpastol si Moises ng mga tupa sa ilang sa loob ng apatnapung taon at natamo ang tunay na pananampalataya sa Diyos. Pagkatapos, tinanggap niya ang panawagan ng Diyos at dinala ang mga Israelita papalabas ng Ehipto. … Matapos na mabuhay na muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, umaasa sa panalangin, nagawa ng mga disipulo Niya na ikalat ang ebanghelyo sa isang mapanagnib na kapaligiran.